Jairus POV
"Kamusta?" Naka pamulsa kong tanong sa kanila.
Nagulat ako ng nagtakbuhan sila at sabay-sabay na yumakap sa'kin.
"HOY AKO MUNA!!!" Sigaw ni raymond habang nakikipag unahan sa apat na makayakap ako.
"TABI AKO ANG NAKAKITA SA KANYA!!!" Sigaw ni kyle.
"TANGINIS YAN AMBABAHO NYO." - covie.
"ANLAKAS NG HININGA MO COVIE MAAWA KA!!!" Natawa kami dahil sa sinabi ni paolo.
"BUHATIN SYA!!!" Kaagad ko silang pinag babatukan ng buhatin nila ako at tumakbo.
Lintek kanina pa kami pinag titinginan ng mga tao.
Isa lang ang masasabi ko masaya ako wala paring nag babago sa kanila.
Ilang saglit ibinaba nila ako sa...
Parking lot ng mall.
"Hoy kanina pa kayo iyak ng iyak para kayong mga bakla." Sabi ko at nag si punasan naman sila ng mga muka nila.
"Sinong umiiyak hahalikan ko?" - Raymond.
"Umamin na kung sino yung umiiyak." - Kyle.
"Mga bakla kayo iyak kayo ng iyak."- covie.
"Kadiri ka covie antagal na nating mag kasama halos sabay na tayo maligo tapos bakla ka lang pala!" - paolo.
"Parehas kayong bakla nakita ko kayo kaninang pumipili ng bra at undies kanina e!" - jhared.
At yun nag palitan na sila ng mga walang kwentang salita.
"Kelan ka pa naka balik." Napapitlag ako ng magtanong si kyle.
Yung apat naman na nag aaway naki chismis narin.
"Mag da-dalawang linggo na rin." Sagot ko.
"Tol, sa'n ka naglagi ng dalawang taon?" Tanong ni raymond.
Lahat kami seryoso ngayon dahil sa pinag uusapan namin.
"Bakit kasama mo yung mga artista na yun?" Tanong ni covie.
"Oo nga." Sabi ni paolo.
"ANDAMI NYONG TANONG KAY JAIRUS!!!" Nagulat sila ng sumigaw si jhared.
"Pero bakit ganun yung ityura nila ng tawagin ka naming jairus?" Kaagad namin syang pinagbabatukan.
"Andaming tanong kapang nalalaman dyan nagtanong ka rin naman." Sabi ni covie.
Mukang mahaba haba tong kwento ko ah.
"Bumalik ako dito sa pilipinas pag katapos...
Kumain ako ng...
"BABAE?" Nagtawanan kami dahil sa sinigaw ni raymond.
"Lugaw, at nang matapos ako na kilala ko ang nanay ni joree...
Sinama nya ako sa bahay nila para pasalamatan...
At ginawa nya akong...
"KABET?" Sigaw ni covie.
"KABET KA DYAN, BETLOG MO ITIM!" Nagtawanan kami dahil sa sinigaw ni paolo.
"Ginawa nya kong body guard ni joree." Pagpapatuloy ko.
"BODY GUARD?!" Sabay sabay nilang sigaw.
Tumango-tango naman ako.
"May problema ba dun?" Tanong ko.
"Wala naman masama ba magulat?" Sabi ni kyle.
"Wag nyong ginugulat si covie baka mahimatay yan." Sabi ni jhared.
"Panong himatay? Sample, sample." Gatong ni paolo.
At yung uto-uto naman nag ngisay ngisayan tapos biglang natumba.
"Gag* itigil mona muka kang binaril na ibon." Sabi ako at nag tawanan naman sila dahil dun.
"Bakit kailangan nya ng body guard?" Napa seryoso sila dahil sa tanong ni kyle.
"Dahil may nag tatangka sa buhay ng nanay nya." Nanlaki ang mga mata nila at nanatiling tahimik na nakikinig.
"Alam nyo na siguro kung bakit ako pumayag na maging body guard nya." Napatango naman sila dahil dun.
"May pakiusap lang sana ako sa inyo." Nagtaka sila dahil sa sinabi ko.
"Ano naman yun?" Sabi ni jhared.
"Gusto ko wala kayong pag sabihan na nakabalik na'ko." Halatang nagulat sila sa sinabi ko.
"Bakit naman, dapat malaman nila." Sabi ni paolo.
"Dahil may tamang oras para malaman nila." Sabi ko at kahit nag tataka parin sila nagsi tanguan din kalauna.
"Tol, pero bakit nga nagulat hindi hindi imean bakit sila gulat na gulat yung mga artista na yun ng tawagin ka naming jairus?" Tanong ni jhared.
"Dahil ang sinabi kong pangalan ko sa kanila ay 'jai' at hindi ko sinabi ang apelyido ko." Paliwanag ko.
"Pero bakit ayaw mong sabihin?" Nagtatakang tanong ni paolo.
"Dahil ayokong malaman nila ang nakaraan ko." Seryoso kong sabi.
"Tol alam mo bang artista na din si hazel." Nanlaki yung mga mata ko dahil sa sinabi ni Kyle.
Seryoso artista na sya?
"Oo, tol at sobrang ganda na nya lalo ngayon." - covie.
"Tanga dati na sya maganda mas gumanda nga lang ngayon." - raymond.
"Diba nag aaral sya?" Nag tataka kong sabi.
"Hindi na p're dahil mas pinili na nya ang pagiging artista nya." Tumango naman ako dahil sa sinabi ni kyle.
"Kamusta na pala sya? Sila?" Tanong ko. Napailing na lang ako ng mag kantyawan sila dahil sa tinanong ko. Umayos naman sila ng makita nilang seryoso ako.
"Ayos naman kaso mukang nalungkot sya nung umalis ka." - jhared.
"Bakit naman? Diba may myr naman sya?" Tanong ko.
"Dyan ka nagkakamali p're dahil ilang linggo lang magmula ng umalis ka na isyu sila dahil sa ginawang eksena ni myr." Natatawang sabi ni paolo.
Na isyu? Eksena ni myr?
"Ganto kase yun nabalitaan naming sinampal ni hazel si myr sa gitna mismo ng stage dahil sa nalaman ni hazel." Natatawang sabi ni covie.
"At alam mo ba kung ano yung nalaman ni hazel kung bakit nya sinampal si myr? Syempre hindi." Natatawang sabi ni raymond. Kaagad syang binatukan ni kyle.
"Dahil hindi naman kase sya gumawa nung welcome back surprise mo pero sinabi nya na sya." Sabi ni kyle.
Yun pala...
Sariwa pa sa utak ko yun...
Kase yun yung araw na sobra akong nasaktan...
Sa kanya...
At yun din yung araw na...
Nangyari sa pamilya ko nun...
O diba that time lubog na lubog ako...
Pero kahit ganun hindi ako iniwan ng mga kaibigan ko...
Actually sila pa nga yung iniwan ko...
Para lang sa hangarin ko...
At yun ang patayin kung sino man ang gumawa nun...
Nandito na ako...
Kaya maghanda na kayo.
"P're ayos ka lang?" Napabalik ako sa ulirat ng dahil sa nagtanong.
Nang tignan ko si kyle lang pala isang tango lang ang binigay ko sa kanya.
"Kayo kamusta na may mga girlfriend naba kayo?" Nagsi iwasan naman sila ng tingin dahil dun.
"Wala dahil papapalit palit yang mga yan." Sabi ni kyle.
"Hoy kyle nangunguna ka." - jhared.
"Tinuruan kase kami ni kyle." Nahihiyang sabi ni paolo.
"Sya may kasalanan." Pag tuturo ni covie kay kyle.
"Ininggit nya kase kami." Sabi ni raymond.
"Hoy natuto lang ako kay jairus." Biglang sabi ni kyle.
Napapitlag kami ng may gwardyang sumita sa'min.
"HOY BUMABA KAYO DYAN, KAYO BA MAY ARI NYAN?!" Sigaw nya sa'min.
Pa'no naka upo kami sa bubong ng kotse at dun nag uusap-usap.
Hindi nga lang namin alam kung sino may ari.
"Kapag naunahan nyo akong pumuntang time zone lilibre ko kayo." Sabi ko at nag kulasan kaagad kami.
"LOKO HINAHABOL TAYO NG GWARDYA!" Sigaw ni raymond.
"ANO NGAYON GUSTO MO SABAYAN MO!" Sigaw ni kyle at natawa naman kami.
"BAKA TATAY NYA YUN!" Tumatawang sigaw ni covie.
"BAKA MAY GUSTO DUN SA GWARDYA!" Mas lalo pa kaming natawa dahil sa sinigaw ni paolo.
"KAYA PALA KANINA PA SYA TINGIN NG TINGIN DUN SA GWARDYA!" Natatawang sigaw ni jhared.
Kaagad kaming nag unahan sa escalator tinignan ko sila at napailing ako ng makita ko silang nagtutulakan.
Pagkatapak ko sa huling baitang ng escalator tumakbo kaagad ko papuntang time zone.
Hanggang sa...
"Lintek sayang libre nauna pa." Hinihingal na sabi nila.
"Tagiris na bilis ni jairus." Natatawang sabi ni jhared.
"Ako na lang manlilibre." Pinag tinginan kami ng mga tao ng magsi talunan sila dahil sa narinig nila mula kay kyle.
At ngayon tumatakbo na naman kami dahil...
Sa pagiging masaya ni jhared may...
Nabatukan syang mga kalalahihan.
Nang mailigaw namin sila saktong nandito na kami sa mang-inasal.
Nag tinginan silang lima at sabay sabay na pumasok at ano kinalabasan hindi sila magkasya sa pinto.
Sabay sabay ba naman e.
...
"Tol, kain na." Alok sa'kin ni raymond.
"Sandali lang may tatawagan lang ako." Sabi ko at kinuha yung phone ko sa bulsa.
"Nasa'n ka?" Tanong ko ng sagutin nya yung tawag ko.
"ANO MASAYA KA BA DYAN?! WAG KA NG UMUWI DAHIL WALA KA NANG BABALIKAN NA TRABAHO!" Pinatay ko kaagad yung tawag dahil nainis ako.
Nagtatanong ng maayos tapos sisigawan lang.
At base narin sa sinabi nya siguradong nasa bahay na sya.
Wala akong pakielam kung tanggalin nila ko sa trabaho.
Ngayon na nga lang ulit nagkita ng d kengkoy's tapos magagalit pa sya.
"Sino yung kinausap mo?" Tanong ni kyle.
"Yung artistang binabantayan ko." Sabi ko.
"Gagi inilayo ka nga pala namin." Natatawang sabi ni covie.
"Ayos lang yun." Seryoso kong sabi at nagsimula ng kumain.
...
Pagkatapos naming kumain nanuod kami ng sine at pinanuod namin yung a quiet place at syempre pinag titinginan kami dahil sa mga kasama kong napaka iingay.
Dun kase sa part na tumunog yung laruan nung anak nilang maliit sinugod sya nung alien at eto namang si paolo sumigaw ampt.
"Tanga takbo!!!" Yan yung sinigaw nya kaya pinag titinginan kami.
Dapat sya yung kinuhang bida dun e.
Tas pagkatapos naming mag sine nag karaoke kami sa time zone.
Pero hindi kami nag tagal dun dahil sa boses ni raymond.
At ang masaklap kami lang ang nakaka rinig.
Tas dumiretso na kami sa shooting sa time zone pero kaagad din kaming umalis dahil kay jhared.
Kase yung huli nyang tira nung bola tumama sa board at bumalik sa kanya syempre ayaw tamaan kaya umilag sya kaso wrong move tinamaan yung kalbong lalaki sa ulo nagpalinga-linga yung kalbong yun pero bago nya kami makita umalis na kami dun.
At syempre ang huli naming pinasukan is yung sketch booth.
Pipicturan kami nung camera tapos i do-drawing nila tas lalabas yung picture pag tapos na.
At anim ang kinuha naming ganun tigi-tigisa kami remembrance.
At kasalukuyan na kaming nandito sa parking lot ng mall.
"Akin na phone mo kyle." Nagtaka sya dahil sa sinabi ko pero ibinigay nya parin.
Pagkatapos kong i-save ang number ko sa phone nya iniabot ko sa kanya yun.
"Bahala kana mag pasa ng number ko dito sa apat." Sabi ko at tumango naman sya.
"Tol kelan ka uli namin makakasama." Biglang tanong ni paolo.
"Pagkalipas ng isang bwan." Sabi ko at nagsi tanguan naman sila dahil dun.
"Sa'n ka sasakay hated kana namin." Sabi ni jhared kaagad kong kinuha yung susi ko at nanlaki yung mata nila ng ipakita ko sa kanila.
"Maalaga ako sa gamit, mauna na'ko." Sabi ko.
"BESTFRIENDS HUGS!" Sigaw ni covie at kaagad kaming nagyakapan.
Inantay ko silang makaalis at ng hindi ko na sila matanaw nagsimula na'kong maglakad papunta sa ground floor parking lot.
...
Nang makarating ako sa bahay nila miss keilla binuksan ko yung gate at ipinasok ang motor ko.
"Jai." Napalingon ako sa pamilyar na boses na tumawag sa'kin.
"Sir." Diretso kong sabi.
"Gusto mo bang mag day-off?" Nagulat ako sa itinanong nya.
"Hindi ko po mababantayan ang anak nyo kapag nag day-off po ako." Sabi ko.
"Napag-usapan namin ng asawa ko na kapag nag day-off ka dapat...
Kasama mo ang anak namin." Mas nagulat ako dahil sa huli nyang sinabi.
"Kayo po ang bahala kung ganun." Seryoso kong sabi.
"Bibihira ako magtiwala sa tao lalo na't hindi ko pa masyadong kilala kaya sana wag mong sirain yung tiwala ko sayo." Sabi nya at naglakad papasok ng bahay.
...
Joree POV
Kanina pa'ko search ng search ng mga jairus pero niisa hindi ko sya makita.
Napabangon ako ng biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
Naglakad ako at pinihit ko paikot ang seradura ng pinto at ng mabuksan ko yun...
"Good evening." Bungad sa'kin nung hari ng mga hoodlum.
"ANONG GOOD SA EVENING E INIWAN MO KO SA MALL KANINA BUTI AT INIH-
Napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko ang bitbit nya.
Sheyt may favorite...
Mag bitbit kase syang...
Ice cream at cookies...
Parang gusto kong hablutin yun sa kamay nya at kaagad lantakan yun..
No erase. erase ..
Kailangan kong unahin ang pagsusumbat ko sa kanya bago ang...
Wow naman oh naglaway ako ng isa-isa nya yung inilabas...
"WAG MO KONG SUHULAN HINDI AKO NADADALA DYAN!!!" Pagsisinungaling ko.
Pero ni tignan hindi nya man lang ginawa.
Binuksan nya yung cookies at isinunod nya yung ice cream pasimple akong tumingkayad para tignan yung flavor nun at napa diretso ako ng tayo ng tignan nya ko.
Wow sheyt naman dark chocolate yung flavor ahm...
Dahil hindi ko na na pigilan daig ko pa yung snatcher sa bilis ng mga kamay ko at kaagad kong kinuha yun...
Tuwang tuwa ako ng makuha ko yun mula sa kanya at umupo kaagad sa aking kama mahirap na baka maagaw nya pa.
"Hindi kana galit sa'kin?" Nagulat ako sa tinanong nya tumingin ako sa kanya na nag aantay lang ng isasagot ko.
"MAMAYA NA KITA PAGAGALITAN KAPAG NAUBOS KO NA TO." Nanlaki yung mata nya at tumakbo palapit sa'kin.
At ayun nag agawan kami nung pagkain...
"HINDI MO KO MATATALO. SAKIN TO!!!" Sigaw ko sa kanya.