Hazel POV
Nagising ako dahil sa ingay sa sala namin.
Ano nanaman kaya yun?
Kaagad akong bumangon at nagayos ng hinigaan ko. At pagkatapos dumiretso sa banyo.
Habang nag bababad ako sa shower namin hindi ko makalimutan yung pagpunta ni jairus at yung pagiging masaya nila ni papa kagabi.
At kinwento na nga saakin na si jairus daw yung tumulong kay papa na mahuli yung snatcher.
Diko akalain matulungin pala sya. Anliit nga ng mundo sa lahat ng makakaharap nya si papa kaagad. Kaya pala gustong gusto ni papa para sakin si jairus.
Pagkatapos kong mag shower nagpunas nako ng katawan at lumabas ng banyo na naka tapis.
Kaagad akong nagbihis at naglakad pababa ng hagdan. Napakunot yung noo ko ng may pamilyar na lalaki na katawanan nila papa at mama.
"Anak gising kana pala." Bungad ni mama sakin ngumiti naman ako at tumingin sa bisita nagulat ako ng mapagtanto ko kung sino ito.
"Ano nanamang ginagawa mo dito?" Tanong ko sino paba edi si bwisit na jairus.
Ngumiti naman sya saakin.
"Good morning luvs/hazel." Bati nya saakin natawa naman sila mama dahil sa sinabi ni bwisit.
"Anak naipagpaalam kana nya samin sabi nya mag dadate daw kayo mabuti pa magbihis kana." Sabi ni mama.
"Ma sabado po ngayon ayokong umalis magpapahinga ko dito sa bahay." Sabi ko. Galing lang sya dito kagabi tapos nandito nanaman sya.
Pero bago pako makapag salita uli hinila na ako ni jairus.
"Tita, tito mauna napo kami ibabalik kopo si hazel bago po dumilim." Sigaw ni jairus teka makahila naman.
"Jairus san ba tayo pupunta?" Tanong ko at binuksan nya yung gate namin at lumabas.
"Sa mall." Nakangiti nyang sabi nya. Sa mall tas ganto lang suot ko?
"Teka magpapalit lang ak-"
"Wag na halika na, sakay bilis." Pagputol nya ng sasabihin ko. Okay natong suot ko naka pinkhoodie tyaka shots na maikli.
"Huy sakay na." Sabi nya napakunot yung noo ko dahil nakita ko yung motor na sasakyan namin.
Kaagad naman akong umangkas sa likod at nagtaka ko ng di nya pa pinapaandar.
"Andar na madaling madali ka." Sabi ko.
"Teka, teka." Kinuha nya yung helmet pagkatapos humarap sya sakin nailang naman ako dahil dun.
At pagkatapos inipit nya sa gilid ng tenga ko yung ilang piraso kong buhok.
Napatitig naman ako sa kanya at sya naman ay seryoso sa pag aayos saakin. At inilagay nya ng maayos yung helmet sa ulo ko.
"Ayan para safe, para kapag naaksidente tayo dimo ko makalimutan." Natahimik ako dahil sa sinabi nya. At sinimulan na naming umandar.
"Bat ambagal ng takbo?" Naiiritang tanong ko. Natawa naman sya dahil dun.
"Siguraduhin mo munang yayakap ka sakin kapag binilisan ko." Namula naman ako dahil sa sinabi nya at nag iwas ng tingin. Natawa naman sya dahil don.
"Kidding. Gusto ko lang sulitin yung oras na magkasama tayo." Sabi nya na ikinatigil ko dahil naalala ko si myr dahil don.
Jairus POV
Tahimik kaming dalawa ng makarating kami sa mall kaso napaaga ata kami at sarado pa.
"Sarado pa." Sabi nya. Nagisip naman ako kung saan muna kami didiretso.
"Sakay." Sabi ko napakamot naman sya ng ulo at bandang huli sumakay na din sya.
Tinahak ko yung daan na papunta sa kainan na aming pupuntahan.
Hininto ko yung motor sa tapat ng kainan at bumaba na kaming dalawa.
"Amelito's." Basa ni luvs/hazel sa kakainan namin.
Kaagad kaming pumasok at nainis ako dahil karamihan sa mga lalaki napatingin sa gawi namin kay luvs/hazel.
Napahinto ako ng makita kong tumawa yung lalaking kaninang nakatingin kay luvs/hazel na nakatingin na saakin ngayon.
Abat nakakainsulto to ah papalampasin kita at nagugutom na kami.
Kaagad akong binatukan ni luvs/hazel.
"Aray." Sabi ko sabay himas ko sa ulo ko.
"Maupo kana para kang tanga dyan." Nag pout naman ako at umupo sa harap nya. Maya-maya may pamilyar na babae na lumalapit saamin.
"JAIRUS!?" Napatingin ako dahil sa pamilyar na babae.
"Abby?" Napatayo ako dahil sa gulat at kaagad nya akong niyakap at tuwang tuwa. Si abby bestfriend ko nung grade 7 ako.
Hazel POV
Nabigla ako dahil may babae na tumawag kay jairus.
"JAIRUS!?" Tanong nung maputing babae. Maputi kalang naman mas maganda parin ako.
"Abby?" At eto namang malandi nato bigay na bigay.
Kaagad niyakap nung abby si jairus at tuwang tuwa. Tuwang tuwa girl? Tsk.
Nang matapos sila sa malapeste nilang eksena tumingin saakin yung Abby at ngumiti.
"Jairus sino sya?" Turo sakin nung abby kaagad namang natatawa si jairus. Bat ka natatawa kase nag kita kayo ng abby mo?
"Hazel hipolito nilili-
"Kaibigan nya." Putol ko ng sasabihin nya. Tumango naman si abby at tumingin ako kay jairus kung kanina natatawa sya ngayon nakayuko na sya.
"Ah jairus anong order nyo?" Tanong nung Abby.
"Yung hotdog sakin tyaka longganisa." Sabi ni jairus na hindi man lang ako tinignan.
"Ahm ganun nalang din sakin." Sabi ko tumango naman yung abby at naglakad paalis sinundan ko sya ng tingin at may inutusan sya. Wow makapag utos ah.
"Sino sya?" Basag ko ng katahimikan. Napaharap naman kaagad sya saakin.
"Si abby bestfriend ko nung grade 7, may ari nitong amel's." Hindi ko tinatanong. Tumango ako sa sinabi nya at maya maya dumating nayung yung pagkain.
Kaagad kong hinawakan yung plato
"Outch, ang init aray." Hiyaw ko. Lintik ang init nun ah.
Kaagad kinuha ni jairus yung kamay ko at hinipan kung saang part na napaso.
"Okay kana ba?" Tanong nya tumango naman ako at binitiwan na nya yung kamay ko.
"Salamat." Sabi ko.
"Sige kain na tayo." Sabi nya nagulat ako dahil kinuha nya yung pagkain ko at tinapat nya sa bibig ko yung kutsarang may laman na pagkain.
"Jairus napaso ako hindi naputulan ng kamay." Natawa naman sya at kaagad kong inagaw yung pagkain at nagsimula ng kumain.
"Luvs/hazel mag c-cr lang ako dyan kalang kapag may lumapit sayong lalaki tusukin mo ng tinidor." Abot nya sakin nung tinidor at lumakad na sya paalis.
Tinignan ko yung pagkain nya at hindi nya pa nakakalahati yun.
Hina kumain kaya ampayat e.
"Pwede bang makiupo?" Nagulat ako dahil sa pamilyar na boses at kaagad akong humarap sa kanya at nagulat ako dahil...
"M-myr." Nauutal kong sabi at ngumiti naman sya saakin.
Jairus POV
Nandito ako sa loob ng cr ng may kumatok ng kumatok sa pintuan.
"Teka mag-antay ka." Sabi ko at binuksan yung pintuan. Nagulat ako ng mabuksan ko ang pinto dahil may matanda na babae ang nakangiti saakin.
Ang creepy nung ngiti nya shit.
"Lola sa kabila po yung cr ng pambabae." Sabi ko at nilagpasan sya.
"Paparating na kakayanin mo kaya?" Nagtaka ko sa sinabi ni lola at kaagad ko syang hinarap kaso wala na sya.
Dahil sa takot kaagad akong napalabas pero diko akalaing may mas nakakatakot pa pala.
Mas nakakatakot pa pala yung makita mo yung mahal mo na nakikipagtawanan sa ex nya.
Pero imbis na dumiretso sa kanila lumabas nako at huminto at sumandal ako sa motor ko na hiniram ko kay kyle.
Nagkataon lang yun jairus wag mo isipin yun. Tama nag kataon lang na nandun si wolverine. Pero biglaan rin yung pagiging masaya nya nung kasama nya yun.
Kase kapag ako kasama nya palagi syang naiirita, palaging ansungit, tingin sakin bwisit.
Pero, pero pag yung wolverine nayun tumatawa sya, masaya sya.
Totoo nga yung sabi na kapag bumalik yung una talo ka.
Napayuko ako dahil sa inis, inis sa sarili ko inis kung bakit di nalang ako inis dahil hindi ko alam kung anong meron yung wolverine nayun na wala ako.
Naramdaman ko nalang na may mainit na likido na umaagos pababa sa mukha ko.
Hindi ko kase alam bakit napaka tanga ko.
Na bubulagin ka kapag nag mahal ka.�Hindi naman sya sakin masaya pero bakit pinaglalaban kopa?
Sinasampal nako nung sagot pero tinatanggap ko lang at nag papatuloy lang ako.
Masakit sobra sa tanang buhay ko ngayon lang ako nanligaw.
At ngayon lang din ako umiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Hazel POV
Salita sya ng salita pero di ako nakikinig. Tango lang ako ng tango at tawa lang ng tawa sa mga sinasabi nya.
"Huy tumatawa ka dyan wala namang nakakatawa sa sinabi ko." Sabi nya.
"Natatawa ko kase antagal ni jairus baka nilamon na sya nung bowl." Nakita kong natigilan sya sa sinabi ko.
"Kasama mo pala sya." Sabi nya. Oo at sumingit kalang.
"Nakita ko sya lumabas hindi ko alam na kasama mo pala sya." Nagulat ako sa sinabi nya at kaagad na napatayo at naglakad paalis.
Narinig kong tinatawag nya ko pero diko sya nililingon. Bakit sya lumabas?
Muntik ko ng makalimutan di pa pala kami bayad sa pagkain.
"Miss eto yung bayad namin." Sabi ko sa cashier na nakaupo.
"Ma'am nabayaran napo nung kasama nyo kanina." Tumango naman ako at naglakad palabas.
Paglabas ko natanaw ko na sya na nakayuko sa motor nya.
Kaagad ko syang nilapitan at niyugyog.
"Jairus." Pagtawag ko sa kanya. Anong ginagawa nya dito?
Kaagad namang umangat yung ulo nya at humarap saakin.
Nabigla ako dahil namumugto yung mata nya. Umiyak ba sya?
"S-sorry nakatulog ako tapos naba kayong mag-usap?" Nabigla ako dahil sa tinanong nya. Kaya ba hindi na nya ko binalikan dahil kay myr? Kaya ba namumula yung mata nya dahil umiyak sya kase nasaktan ko sya?
"A-ahh oo nagkataon lang nandon sya at nangamusta." Sabi ko. At tumango naman sya.
Tahimik kaming dalawa habang tinatahak yung daan papuntang mall.
Kaagad nyang iniliko yung motor sa parking lot ng mall at iginarahe nya yun don.
"Baba na enjoy ka naman masyado." Sabi nya na natatawa.
Kaagad akong bumaba at napahinto ako dahil sa may nakalimutan ako.
"Jairus sorry sa kanina promise nag kataon lang yun." Sabi ko nilingon nya ko at ngumiti sya saakin.
"Wala yon nakalimutan kona yun tara magpakasaya na tayo sa mall." Sabi nya at sinabayan akong maglakad.
Jairus POV
"Wait." Nagtaka naman sya sa sinabi ko. Dali-dali kong kinuha yung cellphone ko sa bulsa ko.
Kaagad akong humila ng diko kilala na babae.
"Miss pwede bang picturan mo kaming dalawa?" Tumango naman yung babae at kinuha yung cellphone ko.
"Muka kang picture." Sabi ni luvs/hazel. Hindi ko sya pinansin at nag pose nalang sa picture.
At maya-maya inabot saakin nung babae yung cellphone ko at nagpasalamat.
Tuwang tuwa ako ng mahawakan ko yun at kaagad kong tinignan.
Meron simple lang.
Meron nakalagay yung kamay ko sa bewang nya.
Meron yung sinabunutan nya ko.
Napapangiti ako dahil don at dahil sa katangahan ko nahulog yung cellphone ko dahil may nabunggo ako.
Shit yung picture namin...
Hazel POV
Kanina pa ngiti ng ngiti si jairus habang tinitignan yung pic namin.
Nagulat ako ng mahulog yung cellphone nya dahil may grupo ng lalaki syang nakabungguan.
Kaagad nyang pinulot yung cellphone nya at tinignan ko iyon. Hindi naman sya nasira kaso basag yung tempered nya.
"Hala basag yung pictures naten." Kaagad nyang tinignan iyon.
Tumawa naman yung myembro na kalalakihan na mukha namang mga jologs ang pormahan.
"Tatanga-tanga kase." Sabi nung pinuno ata ng mga jologs at nagtawanan naman yung mga tyanak nyang mga kasama.
Nagulat ako dahil napatigil si jairus sa pagtitingin ng cellphone nyang nabasag at tumawa. As in tumawa mukang nainis naman yung mga jologs.
"Salamat at hindi nawala yung pictures namin tignan mo oh." Sabi ni jairus at pinatingin nya pa sa mga jologs yung pictures namin.
"Talagang hindi yan mawawala kase yung kasama mong sexy ang mawawala sayo." Sabi nung boss nung mga jologs. Pervert.
"Kung kaya mo." Sagot ni jairus at napaatras ako ng suntukin nya kaagad yung pinuno ng mga jologs at naalarma naman yung mga kapwa nya jologs at sinugod nila si jairus.
Nagtinginan na yung mga tao samin dahil sa pagsusuntukan nila.
May nag vivideo, may mga nanonood, may kumakain pa ng... Seriously POPCORN!!!
Binalingan ko kaagad si jairus at nagulat ako ng lumapit sya sakin at hinila nya ko.
"Jairus hinahabol nila tayo!!!" Taranta kong sabi habang tumatakbo kami.
"Hindi ko hahayaang mahawakan nila maski buhok mo." Sabi nya sakin at sumakay kami ng motor at kaagad nya yung pinaandar.
Hindi ko alam pero natatakot akong mapahamak pero dahil sa sinabi nya alam kong magiging ligtas kami.