ดาวน์โหลดแอป
15.21% DEREF / Chapter 7: DEREF CHAPTER FIVE

บท 7: DEREF CHAPTER FIVE

Jairus POV

Kakauwi lang naming magkakapatid galing sa eskwela pagkatapos nung eksenang nasaksihan ko daig ko pa yung zombie maglakad.

Hayss kanina pako nakahiga dahil wala akong gana kumain. Kanina kopa iniisip kung sino ba yung lalaking yon at bakit kung makayap sya parang itatanan na nya.

"Lintek naman oo bahala na nga ano bang pake ko e wala namang kami, andaming babae dyan." Kaso sya lang talaga.

Bandang huli nahanap ko rin ang sarili ko at kinuha ko kaagad yung cellphone ko.

"Hoy bat naman dimo ko sinabayang umuwi kanina." Pagtitipa ko kaso mukang ayokong i send malalaman nya din naman kapag sinabi sa kanya nung ellie.

Binura kona yung dapat kong itetext at inilayo ko na kaagad saakin yung cellphone ko at baka maihagis kopa kung san yon.

Nagisip uli ako ng tactics ko para hindi ako maunahan ni wolverine.

Sino ba kase sya sa buhay ni luvs/hazel? Wala naman silang relasyon oo tama kase di nya pako sinasagot.

Paikot ikot ako dito sa kama dahil sa inis para nakong lumpia peste napabalingkwas nalang ako ng may nagsalita.

"Ginagawa mo?" Tanong ni papa shit kelan pa sya nandito bat diko namalayan.

"A-ah pa balak ko po kase sumali sa swimming race sa school namin." Nagtaka naman sya sa sagot ko.

"Swimming bayan? Eh para kang bulate sa ginagawa mo." Sabi ni papa.

"Sige nga po sample-lan nyo ko." Natuwa naman ako dahil dali-dali syang humiga sa kama at tinadyakan ako aray ko ah ARAY! TADYAK YON MEN TADYAK!

"Sample sample ka dyan bumaba kana at ng sabay sabay na tayo kumain." Nagpout naman ako at naglakad palabas. Ang kaso hindi sumunod si papa sakin kaya sumilip ako sa pinto ng kwarto ko.

Diko na napigilan at napahagalpak nako ng tawa banaman kase nakahiga sya sa kama tapos parang asong lumalangoy-langoy.

Balak ko sanang kunin yung cellphone ko para videohan kaso nakita ko si papang ansama ng tingin saakin paktay hige tawa pa.

Nagtititigan kami mata sa mata, pangil sa pangil, matira matibay, ilang saglit napakaripas nako pababa ng hagdan ng makita ko si papa sinusugod ako tinalon ko nalang yung hagdan para mabilis wow lastikman na lastikman.

Kaagad akong dumiresto sa kusina at nakita ko yung dalawa kong kapatid na nakaupo na sa lamesa at si mama dali dali akong napayakap sa kanyang likod at naramdaman ko na nabigla sya.

"JAIRUS ASAN KA!!! JAIRUS!!!" sigaw ni papa paktay talaga.

"HOY GROZEN BAKIT MO HINAHABOL SI JAIRUS." Sigaw din ni mama sabay pingot ni mama sa tenga ni papa.

"Aray babe tama na masakit yang yang si jairus kase pinagtatawanan ako tinuturuan ko lang naman sya kung paano lumangoy." Sabi ni papa kaagad namang binitiwan ni mama si papa.

"HOY JACKSON MAGMULA PANON HINDI KA MARUNONG LUMANGOY KAYA KAHIT SINO MAKAKITA SAYO SIGURADONG MATATAWA." Sigaw ni mama at natawa naman kaming lahat.

"Osya babe kumain na tayo at maghanda kat ikaw ang lalanguyin ko mamaya." sabi ni papa sabay pakita ng kamay nya na akala mo mangangalmot.

Hinampas naman kaagad ni mama si papa dahil sa sinabi ni papa.

"Magtigil ka jairus may mga bata. Kumain kana lang para may lakas ka." Nyek sabi ni mama.

At bago pa matuloy ang kainan nila e-este ang pag kukulitan nila kumain na kami ng payapa at nag kwentuhan ng kung ano ano.

...

Katatapos ko lang maglinis ng katawan para matulog. At nag pu-push ups ako.

"65"

"66"

"Sixt- nauntog naman yung muka ko sa sahig dahil sa gulat.

"Outch, outch hoo aray sino ba kase yung tumatawag nayon." Dali dali kong kinuha yung tunog ng tunog kong cellphone at kaagad na sinagot iyon at tinapat sa aking tenga.

"O hello sino bato?" Sabi ko. Ang kaso walang sumasagot. Nakailang bases pakong nag hello, hi kaso wala talagang sumasagot ibababa kona sana kaso.

"HAHAHAHAH" narinig kong may tumawa sa kabilang linya nantitrip lang ata yon.

"ABNORMAL!!!" sigaw ko sa cellphone at kaagad ko itong ibinaba.

Tinignan ko yung number kaso unknown nakalagay sino kaya to. Napatingin ako bigla sa kamay ko ng makita ko itong nanginginig shit kinakabahan ako baka si superman nayon baka nabalitaan na nyang mas malakas ako sa kanya.

Kaagad kong sinara yung bintana ko sa kwarto at humiga kaagad ako.

"Mahirap na baka pasukin pako ni superman okay pa kung si wonderwoman." Natatawa kong sabi. Pumikit ako at hinayaang lamunin ako ni anaconda este ng antok.

...

Napangiwi ako dahil sa sinag ng araw shit umaga na pala ampanget ng panaginip ko binuhat daw ako ni superman tyaka lumipad ng mataas at nung makuntento sya inihulog nya ko lintek di ko man lang nahaltak yung brief non ah di man lang ako naka ganti next time next time.

Kaagad akong dumilat syempre ano pabang unang ginagawa sa umaga syempre dumilat kaaga aga gumagana yung braincells ko.

Pagkatapos kong magligpit kaagad akong dumiresto sa banyo at humarap sa salamin.

"Iba talaga kapag gwapo." Proud kong sabi sa sarili ko. At pagkatapos ginawa kona kung anong dapat kong gawin.

...

"Good morning family." Masaya kong bati. Syempre kelangan masaya wag isipin ang problema.

Tumango naman sila mama at papa at sila namang dalawang prinsesa ngumiti lang. Antahimik ah tinalo pako.

Nagsimula nakong kumain at ng matapos ay uminom ng tubig kanina kopa napapansing tahimik silang lahat.

Ng may mapansin akong brown envelope napakunot yung noo ko.

"Ma ano po yang envelope?" Turo ko don ano kaya laman nun nagtaka ko ng umiwas ng tingin si mama at humarap kay papa kanina pako kinakabahan ah.

"Wag ka sanang magagalit anak tignan mo kung anong magiging desisyon mo wag mong kakalimutang mahal na mahal ka namin." Pinipigilan kong umiyak dahil mukang alam kona to napanood kona to e oo tama sa teleserye ng 7 kinakabahan na kinuha ko yon at nanlaki ang mata ko sa nakita ko...

Hazel POV

Naglalakad ako papasok sa school namin at parang lasing maglakad. Eh kase naman diako makatulog kakaisip kay myr yung ex-boyfriend ko na tumulong sakin kahapon sa mga holdaper.

Hindi parin sya nagbabago mabait parin sya.

"BES!!!" sigaw nino paba yung best friend kong si ellie. Kaagad ko naman syang nilingon na kasalukuyan syang tumatakbo palapit saakin.

"Kamusta?" Tanong ko.

"Anong kamusta, ikaw ang kamusta anong nangyari sayo kahapon nag magkita kayo?" Tanong nya na ikinabigla ko. Alam nya pero pano?

"Alam mo?" Tanong ko tumango naman sya.

"Muntik nakong maholdap kahapon tapos buti dumating si myr para ipagtanggol ako." Paliwanag ko. Nagtaka naman sya. Oh akala koba alam nya?

"Teka, teka nga si myr yung ex mo pinagtanggol ka kahapon?" Tanong nya. Tumango tango naman ako.

"Ow my ghad edi ibig sabihin nakita pala kayo ni jairus at nung mga kaibigan nya?" Sabi nya nagulat naman ako dahil sa sinabi nya. Bakit sya nandon.

"Teka, teka si jairus tyaka mga kaibigan nya nandon? Bakit naman sila nandon?" Tumango tango naman sya. At nagsalita.

"Kase nung uwian hinarang ako nila ako tapos ayun napaamin nila ko kung nasaan ka tas sinabi ko dumaan ka sa likod at ayun kumaripas na ng takbo si jairus at pinuntahan ka wag mong sabihing hindi mo sya nakita?" Paliwanag nya Edi, edi ibig sabihin nakita nya na mag kayakap kami ni myr?

Jairus POV

Kasalukuyan akong nandito sa kalsada papuntang senior high building yung dalawa kong kapatid ayon naihatid kona.

Yung nalaman ko yung nalaman ko kanina hindi ako makapaniwala.

*Flashback*

Nagulat ako ng buksan ko yung envelope wag ka iiyak wag na wag umarte kang hindi mo pa to napapanood.

Napanood kona talaga yung gantong eksena e btw balik sa topic nagulat ako ng mabasa ko yung laman nung brown envelope.

At napahagalpak ng tawa papanong.

Papanong natanggap si papa bilang trainer ng swimming athletic. Ang galing talaga. Tawa rin ng tawa yung dalawa kong kapatid at nung maalimpungatan ako nakita kong masama yung tingin ni papa sakin at kami ulit ay nagtitigan abat para kong sinipa ng kabayo ng makita kong lalapitan ako ni papa dali dali akong kumaripas ng takbo.

*End of the flashback*

Kasalukuyan na akong nasa gate ng building ng senior high papasok na sana ako ng may humila sakin.

Hazel POV

Nang magkaliwanagan kaming dalawa ni ellie kaagad kong kinuha yung cellphone ko at tinignan ko iyon.

Wala syang text or chat man lang nag online sya kaso saglit lang. Hindi kaya kaya sya hindi nag text dahil sa nakita nya kami.

Teka teka ano naman ngayon kung di sya mag text o chat anong pakielam ko edi happy happy na wala ng buwisit. Ang kaso nakasakit ako ng damdamin paano kaya ako babawi kaagad akong nag isip kung paano makakabawi ng may matanaw akong pamilyar na tao akong nakita sa harap ng gate.

"Bes mauna kana sa room kakain lang ako saglit sige sige bye." Kaagad akong tumakbo palapit sa kanya at walang pakundangan ko sayang hinila sa braso at naglakad.

Hindi sya nagsasalita o nagrereact kahit na parang basahan ko sya haltakin halatang galit sya e.

Nang makarating sa malapit na kainan kaagad kaming pumasok duon at nagpalinga-linga ako ng may mahanap na bakante binitawan ko sya at binaba yung bag ko at umupo sa upuan.

Nang mag angat ako ng tingin sa kanya para syang tanga.

Nakangiti na parang aso at inaamoy amoy yung braso nya na kanina kong hinawakan.

Pahimas himas pa sya with matching pikit pikit tapos singhot singhot sa kanyang braso see mukang aso.

Kundi ko pa sya pinaupo hindi pa sya uupo kaagad na may nag abot sa amin ng menu ng pagkain nila at sinabi ko na yung order namin at naglakad na sya paalis.

"Hoy para kang tanga umayos kanga pinagtitinginan ka ng mga tao." Gigil kong sabi mukang natauhan naman sya at umayos ng upo pero nakangisi parin.

"Anlakas mo namang bumawi dimoko sinabihan na may date tayo sana nakapag ayos man lang ako." Natatawa nyang sabi napangiwi nalang ako dahil don.

"Anong date kakain lang tayo atyaka gusto ko lang mag sorry dahil hindi kita nakita sa likod kahapon." Paliwanag ko natigilan naman sya at sumeryoso.

Magsasalita pa sana ako kaso saktong dumating na yung inorder ko. Hindi ko maiwasan tignan tignan yung ekspresyon nya habang kumakain kaso seryosong seryoso lang sya sa pagkain.

"I think I'll kiss you later kapag dika tumigil kakatingin saakin." Napalunok kaagad ako at uminom ng tubig dahil sa sinabi nya.

"Ampanget mo kase nakakawala ng gana kumain." Sabi ko nagulat ako ng huminto sya sa pagsubo at tumingin saakin.

"I love you too." Namula yung mukha ko dahil sa sinabi nya. At narinig ko sayang tumawa.

"Bumabawi ka dahil sa nakita ko kahapon?" Tanong nya. Kung kanina namula ako ngayon naman namutla ako at napatango nalang.

"Tanggapin mo lang yung panliligaw ko okay nako don." Nabigla ako dahil sa sinabi nya pero bago pako sumagot narinig kong tumuntunog yung cellphone ko at kaagad na kinuha yon at sinagot ko.

"Hello bes"sabi ko.

"Bes pumasok kana malalate ka mag ta-time na." Sabi nya sa kabilang linya.

"Osige papasok nako." Kaagad kong pinatay yung cellphone at tumayo na para umalis.

"Teka antayin moko." Rinig kong sigaw ni jairus. Hinawakan nya ko sa braso at nilingon ko sya.

"Late nako pasensya na." Sabi ko at dali daling naglakad palabas na sana ako at napahinto ako sa pamilyar na lalaki na nasa harap ko ngayon.

"Myr." Sambit ko nakangiti naman sya sakin at napakunot yung noo nya ng makita nya si jairus sa tabi ko.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C7
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ