ดาวน์โหลดแอป
55% When He Changed (TAGALOG) / Chapter 11: Love Triangle

บท 11: Love Triangle

B5. Love triangle

NATAPOS NARIN KAMI SA WAKAS! Ngayon ay naglilinis na kami sa kalat na ginawa namin kanina. Ang dalawa naman ay todo pasikat sa idol nilang naka-imprinta sa damit nila.

"Ahh Suzette."

"Hmm?" tumingin ako kay Adrian na nahihiyang nakayuko.

"Ano yun?"

"Uhm... gusto ko lang sanang malaman ano pangalan ng isang kaibigan mo?"

"Ayiee! Ikaw ha, gusto mo nu?" kantsaw ko sa kanya. Nahiya naman siyang tumango at nakita ko ang namumula niyang mukha. Ang cute niya pag nahihiya!

"Asan doon?" tanong ko sakanya sabay tingin sa dalawa kong kaibigan. Nakita ko rin si Franco na pasimpleng tumitingin kay Justine. Hmm... Halata 'tong dalawang 'to! Swerte naman ng kaibigan ko, may nahanap ng poreber! Sanaol.

"Yung may hawak na green shirt." HUH???

"Halakarts! Seryoso?!" gulat kong tanong. Nagtaka siya sa reaksyon ko. Hindi naman ako nagulat dahil si Justine ang napili niya, nagulat lang ako kasi parang nangangamoy love triangle dito. Para kasing may gusto rin si Franco kay Justine! Naku asawa ni Naka! Pa'no na 'to???

"Si Justine ba kamo?" tumango naman si Adrian nang malaman ang pangalan ng kaibigan ko.

"Ahh Justine pala. Ba't parang panlalaki ang name niya?" nanlaki ang cute kong mga mata dahil sa sinabi niya. Inakbayan ko siya at pasimpleng binulungan. "Wag na wag mong uulitin yun! Lagot ka kay Justine pag narinig niya yang sinabi mo. Nagagalit kasi siya pag ininsulto ang pangalan niya. Lalong lalo na pag sinabi mong LALAKI ANG PANGALAN niya! Jusko marecakes!"

"Ahh ganun ba?" gulat ring nanlaki ang mata niya, tinakpan rin niya ang ibig niya.

"Pa'no pala pag narinig niya? Anong gagawin niya sakin?" dahan-dahan siyang tumingin sa gawi ng dalawa na ngayon ay kinakausap na si Franco na tila tinatanong kung matagal pa ba kami. Nandito parin kasi kaming dalawa ni Adrian sa loob para maglinis. Natagalan lang dahil sa kwentuhan namin.

"Malilintikan ka! Bugbog dala mo pagkauwi ng bahay niyo! Mala-astigin kasi yang si Justine kaya layo-layo ka na sa kanya. Pagsabihan mo rin si Franco..." nakita kong tumingin ang gawi dito ni Franco at naabutan ang ganitong posisyon namin ni Adrian. Lumayo ako sa kanya at nagpagpag ng damit. Ganun rin si Adrian na parang nakita rin ang tingin dito samin ni Franco.

"Bakit nasali si Franco dito?" nagtaka siya.

"Who knows? Baka sa huli, pag-aagawan niyo ang babaeng tinutukoy mo..." ngumiti ako sa dalawa kong kaibigan na pumasok dito. Tila yamot ang mukha nila at gusto nang umuwi.

"Tara?" anyaya ko sa kanila at hinila ang dalawa. Hinayaan ko si Adrian doon na nakatingin parin kay Justine. Di naman napansin ni Justine. Pero napansin naman ni Franco ang titig ni Adrian kay Justine. Nalilito ang mukha nito at parang nahalataan ang pahiwatig na binigay ko using my facial expression.

Ngumisi ako at nagpaalam sa dalawang trabahante ko na nakasunod ang tingin samin ngayon na nakalabas na. Ganun rin silang Justine at nagpaalam sa dalawa.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C11
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ