C1. Mamanhikan
"ANONG KAILANGAN MO?"
Umalis na ang mga kaibigan ko at sumakay ng jeep para umuwi. Hinatid ko lang naman sila kanina kasi ako, pupunta pa akong trabaho. Doon sa café.
Nang maihatid ko na sila sa parahan ng mga jeepney, lumapit naman ako sa lalaking kanina pa nakatingin sakin. Nakasandal siya at humakuliplip.
Ngumiti sakin si Lourd at lumapit sa'kin.
"Ikaw."
"Sus! Sabaw na yang line na yan! Ano ba talaga kailangan mo sa'kin?"
"Alam mo naman siguro." mahina niyang sabi.
"Oo alam ko nga! Gusto ko lang marinig diyan galing sa bibig mo!" humakuliplip ako at umirap.
"I'm courting you alright?—"
"Kaya sinusundan mo'ko?"
"Hindi naman sa ganun—"
"Ganun yun!"
"Gusto ko lang kasi na makasigurong ligtas ka."
"Hindi naman ako clumsy at baby mo para bantayan mo! Malaki na ako at hindi mo ba alam na creepy kana masyado?"
"Creepy?"
"Oo! Kaya nga tigil-tigilan mo na yan! Kung gusto mo talagang ligawan ako, kailangang mamanhikan ka muna sa magulang ko! At hindi naman ganito ang way ng panliligaw, hindi ka dapat creepy tignan. Kahit nga mga kaibigan ko natakot na sayo. Crush ka pa naman nila."
"Crush?" sa dinami-dami ng sinabi ko, yan lang maririnig niya?!
"Oo! Pero matagal na yun! Creepy ka daw kasi kaya ayaw na nila sayo." yamot akong nag-iwas ng tingin sa titig niyang nakaka-hipnotismo.
"Nagseselos ka?" ngumisi ang gag0!
"Mukha mo selos! Hindi kasi kita gusto kaya kung manligaw ka man sa'kin at mamanhikan, hinding-hindi kita sasagutin! Badboy ka kasi at saksi ang mata ko!"
"Matagal na yun Suz, ngayon, nagbago na'ko dahil at para sa'yo."
"Sus! Yang line na yan, nakaka-umay nang pakinggan! Wala bang ibang words diyan?!"
"Huh?"
"Huh?! Yang lang masasabi mo? Bahala kana nga diyan. Aalis na'ko! Magtatrabaho pa'ko kaya wag mo na'kong sundan pa." nag-umpisa na akong maglakad at nilampasan siya. Pero bago yun...
"Di ako susuko sayo."
NAKANGANGA AKONG TAHIMIK na nagmumuni dito sa table na kung saan nakaupo si Lourd noon. Working hour ko ngayon pero heto ako at pinag-iisipan ang sinabi ni Lourd kanina.
"Ano iniisip mo?" tamad akong tumingin kay mama na lumapit sa'kin. Dahil di naman marami ang costumer, pwede pa kaming makapagpahinga.
"Ma... may manliligaw na kasi ako."
"Then?" umupo siya sa tapat na upuan ko at nakinig sa'kin.
"Di ko alam kung pa'no ko siya tatabuyin. Hindi kasi siya nagpapa-awat. Kahit ilang beses ko ng pagtabuyan, go parin ng go!"
"At bakit ayaw mo sa kanya?"
"Chickboy kasi ma. Sikat siya sa school namin at pinag-aagawan ng babae. Pa'no pag naging kami? Eh patay ako nyan sa fangirls niya!"
"Mahal mo?"
"Hindi." tumingin ako sa kanya ng may pag-aawa.
"Crush ko ma. Pero dati na yun."
"I know."
"Huh?"
"Matagal ng namanhikan sa'kin ang crush mo anak. Siguro mga last month yun?"
"Ha?! Last month?!"
"Oo, bakit?"
"Eh hindi pa nga kami nagkausap noon! Mga kahapon siguro kami nagkausap ng seryoso."
Shocks! Gulat ako doon ha! Matagal na pala niya akong gusto pero bakit parang sinasabi niya na kahapon siya na-love at first sight sakin? Ka-misteryoso ba nitong lalaking 'to!
"Akala ko nga na alam mo na anak. Di mo lang sinasabi sakin."
"Matagal na nangyari yun ma?"
"Oo. Isang beses lang siya nagpakita sakin at sinasabing gusto ka niyang ligawan. Hinintay ko pa naman noon na may sasabihin ka."
"So pinayagan mo naman ma?!"
"Oo. Crush mo nga siya diba?"
"Naku asawa ni Naka! Pero bakit di niya 'ko pinapansin noon? Kahit isang tingin man lang niya ay di nagawi sakin." 𝘱𝘦𝘳𝘰 𝘨𝘶𝘮𝘢𝘨𝘢𝘸𝘪 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘮𝘪𝘯𝘴𝘢𝘯. 𝘓𝘪𝘬𝘦 𝘢𝘬𝘴𝘪𝘥𝘦𝘯𝘵𝘦 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘱𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨𝘪𝘯. 𝘎𝘢𝘯𝘶𝘯!
"Ba't naman di mo sinabi sa'kin ma? Para sana, di na'ko nagpapakatanga na mag-iisip lagi ng future namin na ako lang mag-isa."
Kumunot ang noo niya sa'kin. "DATI! Yan, dati yun ma! Hindi ko na siya gusto ngayon. Di ko siya sasagutin, sorry nalang siya!"
"Talaga?" di parin kumbinsidong sabi ni mama.
"Oo nga!" narinig namin ang tunog ng wind chime. Ibig sabihin lang nun, may costumer kami.
Tumayo ako, ganun rin si mama, sabay kaming umalis sa kinauupuan at bumalik sa pwesto. Ako naman ay lumapit sa costumer na which is, si Lourd Henares na naman.
Dahan-dahang uminog ang mundo ko. Nawala ang nakahanda kong ngisi para sana sa costumer. Biglang nanginig ang tuhod ko pero pinagpatuloy ko nalang ang paglapit sa kanya. Nandun naman siya pintuan at hinintay na makalapit ako.
Sa porma niyang black jeans, black jacket at white shirt, lahat ng babae ay napapatingin sa kanya. Kahit simple lang siyang manamit, pero ang datingan niya ay sobrang lakas.
Huminto ako two meters away from him. Dahil parang hindi siya nasiyahan sa agwat namin, siya na ang kusang lumapit sa'kin. Humakbang ang mahahaba niyang binti habang ang kamay niya ay nakatago sa bulsa ng jacket niya. May dala siyang backpack na siyang dala rin niya kanina. Damit lang niya ang pinalitan niya dahil hindi naman ganito ang suot niya kaninang nagusap kami.
Tumingin ako sa labas na nasa likod niya at nakita ko doon ang sinasakyan niyang motor. Black Honda yun at latest model. Sanaol nalang...
"Suzette?" tumingin ulit ako sa mukha niyang malapit na sa'kin. I observe his perfect face habang pwede pa siyang titigan ng ganito katagal.
Perfect cut hair, perfect eyebrows, perfect ayelids, perfect eyes, perfect eyebags. Ay wait! Eyebags? Choss lang, wala siyang eyebags. Continue ulit tayo sa description ng mukha niya...
Big nose, full and red lips, perfect jawline... Kahit medyo thin at lean siya, napaghalataan namang may muscles siya. Dahil siguro naglalaro siya ng basketball, unti-unti nang lumalaki ang katawan niya. Last time nga, nakita ko ang four set ng abs niya. Hindi naman masama sa bata niyang edad nu! Isipin mo ha, highschooler pa siya pero nagka-muscle at abs na! Ang iba sa school namin ay sobrang papayat nila, gaya ni Cris, parang isang buga lang ng hangin ay lilipad na. HAHAHA! Peace tayo 'Cris the pangit' Wews!
"Hoy! Order niya miss! Di mo naring?" nabaling ang tingin ko sa babaeng tumawag sa'kin. Nakita ko siyang iretado eh hindi naman namin yan kilala! Nagalit siguro kasi sa'kin lang nakatingin nag pinapantasyahan niya! And speaking of him, ngumiti ako kay Lourd ng awkward at hinila siya para umupo sa upuan na inuupuan ko kanina.
Pero bago yun, umirap ako sa babaeng nagreklamo na hanggang ngayon ay nakatingin parin samin. Isa pala siya sa mga costumer namin.