ดาวน์โหลดแอป
67.5% Protector's Love / Chapter 27: Chapter 27

บท 27: Chapter 27

"Ang ganda mo anak." Mangiyak-mangiyak na sabi ni Emma matapos makita si Valerie na nakaayos na at suot ang maid of honor gown niya.

"Mom, si Abigail ang ikakasal at hindi ako." Natatawang sabi ni Valerie sa ina.

"Ang bilis ng panahon. Dati ay karga-karga ka pa namin ng Daddy mo pero ngayon mukhang mga apo na namin ang kakargahin namin." Nanlaki ang mata ni Valerie sa sinabi ng ina.

"Mom! Ano bang pinagsasabi mo d'yan? Wala pa nga akong boyfriend tapos apo na agad?" Naiiling na sabi ni Valerie.

"Eh anong tawag mo kay Luke? Boyfriend mo na siya hindi ba?" Napatingin muli si Valerie sa ina. "Don't try to deny it anak. Sinabi na niya sa amin ang lahat. Natuwa kami ng Daddy mo anak kasi sa kanya mismo nanggaling. Masaya kami para sa'yo anak dahil alam namin na hindi ka pababayaan ni Luke." Sabi ni Emma na nagpabuntong hininga kay Valerie.

"Everything went very fast, Mom. Kagabi, actually kanina lang kami naging couple and we hardly know each other. Yes, I'm happy when he's around. I feel safe and comfortable with him pero..." Ngumiti si Emma mula sa nadinig sa anak.

"Savor the moment anak. There are stages when it comes to relationships. At first, you have doubts, you have the what ifs, you have negative thoughts, but, there will come a time na sasabihin mo na siya na ang "the one" na you want to spend the rest of your life." Ngumiti si Valerie sa ina.

"Thanks, Mom and I love you." Sabi ni Valerie saka niyakap ang ina. "And you know how much I love you too." Matapos ang ilang minuto ay may kumatok na sa unit ni Valerie.

"Tiyak na inip na inip na ang Daddy mo at si Luke." Sabi ni Emma saka naglakad papunta sa pinto. Sumunod naman si Valerie sa ina.

Naka-abang na sila Arsenio at Luke sa labas ng unit ni Valerie. Nang bumukas ang pinto, unang lumabas si Emma at dumiretso sa tabi ng asawa. Nang lumabas na si Valerie ay parang itinulos na kandila si Luke sa kanyang kinatatayuan.

"Baka matunaw ang anak ko." Nakangiting sabi ni Arsenio sabay siko kay Luke. Doon lang bumalik sa kanyang sarili ang binata.

"Are you the goddess of beauty?" Natawa si Valerie sa banat ni Luke. "No, I'm the goddess of destruction." Lumapit si Luke sa dalaga saka binulungan. "Then, I'll be willing to be destroyed." Sabi ng binata sabay kindat sa dalaga.

....

Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw

Ang iniisip-isip ko

Hindi ko mahinto, pintig ng puso

Ikaw ang pinangarap-ngarap ko

Simula nang matanto

Na balang araw, iibig ang puso

Ikaw ang pag-ibig na hinintay

Puso ay nalumbay nang kay tagal

Ngunit ngayo'y nandito na ikaw

Ikaw ang pag-ibig na binigay

"Wow!" Ang tanging nasabi ni Luke ng madinig ang magandang boses ni Valerie. "Laway mo, Cap!" Nakangising sabi ni Andre na hindi mapigil ang tawa ng makita ang best man na halos hindi na yata humihinga sa pagkakatitig kay Valerie habang ito ay kumakanta.

"Ang dami ko pa talagang hindi alam sa girlfriend ko." Lalong natawa si Andre. "Nanaginip ka ba ng gising, Cap? Alam natin na palabas lang ni Val yun para huminto na si Boyan sa kakakulit sa kanya." Tumingin si Luke sa kaibigan at ngumiti ng ngiting panalo. Doon nanlaki ang mga mata ni Andre. "You mean...?" Nang tumango si Luke ay sabay naman ng pagbukas ng pintuan ng simbahan at nagsimula ng maglakad ang pinakamagandang bride para kay Andre. "Mamaya na ang interrogation, Cap! Nandito na ang aking kumander to be." Sabi ni Andre saka sabay silang umayos ng pagkakatayo ni Luke.

Sa akin ng Maykapal, biyaya ka sa buhay ko

Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw

Humihinto sa bawat oras ng tagpo

Ang pag-ikot ng mundo

Ngumingiti ng kusa aking puso

'Pagkat nasagot na ang tanong

Kung nag-aalala noon

Kung may magmamahal sa 'kin ng tunay

Ikaw ang pag-ibig na hinintay

Puso ay nalumbay nang kay tagal

Ngunit ngayo'y nandito na ikaw

Ikaw ang pag-ibig na binigay

Sa akin ng Maykapal, biyaya ka sa buhay ko

Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw

Si Andre ay titig na titig kay Abigail. Si Luke naman ay titig na titig naman kay Valerie.

"Imbis ng bala eh pana ni kupido ang tumama doon sa dalawang 'yun." Sabi ni Aziz na nakanguso sa dalawang lalaki na nasa harap ng altar. "Wala na tayong magagawa, kungbaga sa droga, adik na silang dalawa." Dugtong naman Ceasar.

"Kungbaga sa rugby, high na sila." Sabi naman ni Bowie. "Tumahimik na kayo, magsisimula na." Sumunod naman ang tatlo sa sinabi ni Darwin.

At hindi pa 'ko umibig ng gan'to at nasa isip

Makasama ka habang buhay

Ikaw ang pag-ibig na hinintay

Puso ay nalumbay nang kay tagal

Ngunit ngayo'y nandito na

Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay

Sa akin ng Maykapal, biyaya ka sa buhay ko

Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw

Puso ay nalumbay nang kay tagal

Ngunit ngayo'y nandito na

Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay

Sa akin ng Maykapal, biyaya ka sa buhay ko

Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw

Pag-ibig ko'y ikaw.

.......

"You may kiss the bride." Pagkasabi ng pari ay nagmamadaling itinaas ni Andre ang belo ni Abigail at mabilis itong hinalikan.

.......

"Good evening everyone. We are gathered here to celebrate the union of Mr. and Mrs. Andre Guevarra." Bungad ng emcee.

"Parang masyado naman akong pormal. Bilin sa akin nung magjowa na ngayon ay mag-asawa na eh dapat chill lang ang vibe." Natawa ang mga bisita sa sinabi ng emcee.

"Anyway, alam ko naman na excited na kayo na makita sila kaya, let's parteeey!" Palakpakan ang lahat.

Una na munang pinakilala ang mga principal sponsors na pinangunahan ng mag-asawang Arsenio at Emma, sinundan sila ng mag-asawang Damian at Lucy, si Hendrix at ang asawa nito, at ang ibang sponsors ay na nagmula sa bawat pamilya ng mag-asawang Andre at Abigail.

"Nilagyan natin ng bagong twist ang pagpapakilala sa maid of honor at mga mga bridesmaid pati na din sa best man at mga groomsmen. Siyempre nung una ayaw nila eh biglang sumama na sa kanila ang ang groom at bride kaya wala na silang nagawa. Kaya eto na sila!"

Tawanan at hiyawan ang mga bisita ng tumugtog na ang kanta na sinabayan ng pagpasok at pagsasayaw nila Andre, Luke, Aziz, Bowie, Ceasar, at Darwin.

"Jumbo hotdog, kaya mo ba 'to?

Kaya mo ba 'to? Kaya mo ba 'to?

Jumbo hotdog, kaya mo ba 'to?

Hindi kami bato para magpatalo

Jumbo hotdog, kaya mo ba 'to?

(One, two, three)"

Tawanan, hiyawan, at palakpakan ang madidinig sa buong venue lalo at bigay na bigay ang buong ORION sa kanilang sayaw.

"Grabe na ito! Biglang uminit kahit naka full blast ang aircon dito." Kunyaring pinaypayan ng emcee ang sarili. "Mga girls, ano'ng masasabi n'yo?" Sigawan ang mga babae ng, "More! More!"

"Matapos ang hotdog sa bulaklak naman tayo!" Biglang tumugtog ulit ang isang kanta at isa-isang pumasok ang mga bridesmade na pinangunahan ni Mia, sinundan sila ni Valerie, at si Abigail.

"Ang bango-bango, ang bango-bango

Ang bango-bango ng bulaklak

'Pag inaamoy, 'pag inaamoy

'Pag inaamoy, anong sarap

Ang bango-bango, ang sarap-sarap

Amuyin ang bulaklak"

"Ang ganda nung maid of honor." Nangiti si Luke sa nadinig mula sa grupo ng mga lalake sa harap nila. "Oo nga, ang sexy pa." Dugtong naman ng isa. "Tanong natin mamaya kay Abigail kung single pa." Biglang sumeryoso ang mukha ni Luke. "Kapag single pa, liligawan ko talaga." Napigil lang ni Andre si Luke ng akma na nitong babatukan ang mga nasa harap.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C27
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ