"Boyfriend!?" Sabay-sabay na tanong ng ORION, PHOENIX, at HAWK. Nangiti ng lihim si Iggy at hindi na nagulat sa biglaang rebelasyon ng pinsan. Si Luke naman ay parang itinulos na kandila sa kinatatayuan.
"Oh, come on, Val, joke mo lang 'yan 'di ba?" Sabi ni Boyan na ayaw paniwalaan ang sinabi ng dalaga. "Hindi ah! Boyfriend ko siya." Pinanindigan na talaga ni Valerie ang naunang sinabi. "Bro, hindi totoo ang sinasabi ni Valerie 'di ba?" Nagkibit balikat lang si Iggy sa tanong ni Boyan. Seryosong tumingin si Boyan kay Luke. Hindi naman umatras si Luke sa pakikipagtitigan kay Boyan. Naramdaman ni Luke na dumiin ang kapit sa kanya ni Valerie. Hahayaan na muna niya ang dalaga sa gustong iparating nito sa binata. Mamaya na lamang niya tatanungin ito kung bakit siya ipinakilala nitong boyfriend sa lahat.
Nagulat ang dalaga ng hapitin siya ni Luke sa bewang. "Girlfriend ko nga siya, may problema ba tayo dun, Boyan?" Muling nanlaki ang mga mata ng ORION, PHOENIX, at HAWK sa pagkukumpirma ni Luke. Nagtinginan ang ORION at may mga tanong sa kanilang mga mata pero tiyak nilang may dahilan kung bakit bigla-bigla na lang ay nagkaroon ng relasyon ang dalawa.
Hindi na napigilan ni Iggy ang matawa ng malakas. Gusto naman batukan ni Valerie ang pinsan. Ito pa yata ang sisira sa kanyang nasimulan.
"Mag-aaminan ba tayo dito o magsisimula na sa gagawin natin ngayon?" Nagseryoso na si Iggy ng makita ang nakamamatay na tingin ni Valerie.
"Move, PHOENIX!" Sigaw ni Iggy at isa-isa ng nagsipag-ayos ng sarili sila Axl, Barack, Bjorn, at Bond. Si Arater ay umupo naman sa bench para maging judge sa mga exercises na gagawin ng bawat team. "Move, Reservist Villaflores!" Nagulat si Valerie ng sigawan siya ng pinsan kaya dali-dali siyang humiwalay kay Luke.
"Move, ORION!" "Move, HAWK!" Sabay na sabi nila Luke at Boyan. Bago sumama sa grupo ng HAWK si Boyan ay lumapit muna ito kay Luke.
"Babawiin ko sa'yo si Valerie, Bro." Sabi ni Boyan. Hindi sumagot si Luke, sumaludo lang siya sa binata at lumayo na para sumama sa ORION. Naiwan namang parang bata si Boyan na akala mo inagawan ng lollipop ang itsura. "Cap!" Sigaw ni Bruce at saka lang lumapit sa HAWK ang binata.
Ipinaliwanag ni Archer ang mga gagawain ng bawat grupo. Magsisimula sila sa Rescue Operation, susundan ng Bomb Detonation, at ang panghuli ay ang Tactical Firearms.
"Goodluck!" Sigaw ni Archer at nagsimula na ang Joint Tactical Military Exercises ng ORION, PHOENIX, at HAWK SWAT Teams.
.......
"This is it! Ang last but the least para sa araw na 'to. Dito na magkakaalaman kung sino sa inyong tatlo ang mag-uuwi ng pinakamataas na karangalan sa taong ito." Nagkatinginan ang tatlong Captain. "Sino sa tingin n'yo ang pinakamagaling? Ang ORION ba na bagitong-bagito pero pinakita nila na kaya nilang makipagsabayan sa lahat? Ang PHOENIX ba na mapapanatili sa top 1 spot ang kanilang grupo? O ang HAWK ba na ipinangakong babawi ngayong taong 'to?" Tiningnan isa-isa ni Archer ang bawat Captain ng grupo. "Bibigyan ka kayo ng isang minuto para magdesisyon kung sino ang sasabak sa huling exercise na ito." Sabi ni Archer saka hinayaang mag-usap-usap ang lahat.
"59...60... Attention!" Sabay-sabay na umayos ng tayo ang bawat isa ng madinig ang sigaw ni Arater.
"ORION?" Tawag ni Arater sa unang grupo. "Salute!" Sabi ni Luke sabay punta sa lamesa sa harap. "PHOENIX?" Tawag ni Arater sa kanyang grupo at nangiti siya ng makitang lumakad papunta sa kanya si Valerie. "Salute!" Sabi ng dalaga sabay punta sa lamesa sa harap. "HAWK?" Tawag ni Arater sa panghuling grupo. "Salute!" Sagot ni Boyan at dumiretso na din sa lamesa.
Tahimik ang paligid. Walang madidinig na kahit ano'ng ingay. Nakatingin sila lahat sa tatlong mesa na nakaharap sa kanila at sa bawat mesa ay nakatayo ang tatlong indibidwal na walang makikitang kahit ano'ng emosyon.
Nanlalamig ang kamay ni Valerie. Kahit ilang beses na siyang nakasali at ilang beses na ding naipanalo ang PHOENIX sa tactical firearms ay kinakabahan pa din siya. Tumingin siya sa kanyang pinsan pero nainis lang siya ng makitang nakangisi lang ito sa kanya. Naalala niya tuloy ang pinag-usapan nilang tatlo noong nakaraang taon, siya, si Iggy, at si Boyan.
.......
"Babawi ako next year, Val." Nakangting sabi ni Boyan. "Makikita mo, magiging girlfriend kita next year." Dugtong ng binata. "In your dreams." Sagot naman ni Valerie. "Bro, tingnan mo 'tong pinsan mo. Ano pa bang ayaw niya sa 'kin? Tall, dark..." Hindi naituloy ni Boyan ang sasabihin dahil nagsalita si Valerie. "At sobrang bilib sa sarili. Noon nagsabog si Lord na kayabangan, nasalo mo lahat." Natawa si Iggy sa sinabi ng pinsan. "Basta, next year mananalo ako at magiging girlfriend kita." Sabi ni Boyan pero isang irap lang ang sagot ni Valerie.
.......
"Reservist Villaflores!" Sigaw ni Arater na nagpabalik sa sarili ni Valerie. "Sir, yes, Sir!" Naguluhan si Valerie ng madinig ang tawa ng lahat. "Bakit ba wala ka sa sarili mo, Valerie?" Tanong ni Iggy na may ngisi sa kanyang mukha. "Ha?" Tanging nasabi ni Valerie na muli ulit nagpatawa sa lahat. "Uulitin ko ang parusa ng matatalo. Magiging "Slave for a Week" ang matatalo sa exercise na ito. Halimbawa, si Luke ang nanalo at kayong dalawa ang natalo, ikaw Val ang magiging slave niya kasi babalik na si Boyan sa Visayas. Kung ikaw naman ang mananalo Val, ganoon din ang gagawin ni Luke. Kay Boyan na tayo magkakaproblema, dahil sa Visayas siya, kailangan n'yong sumama sa kanya at doon gagawin ang parusa." Natingin bigla si Valerie kay Boyan at nakita niya ang matamis na ngiti ng binata. Tumingin siya sa pinsan pero lalo lang siyang nainis dahil sayang-saya ito sa nakikita sa kanya. Ang pag-asa na lang niya ay si Luke pero unang sabak pa lang ng binata dito. "Bahala na!" Sabi ni Valerie sa sarili.
"Nasa inyong harap ang isang sniper gun. Ang kailangan n'yo lang gawin ay paghiwa-hiwalayin, buuin, at pagkatapos ay barilin ang target." Sabi ni Arater. Muling tumahimik ang lahat. Ang tatlo namang nasa harap ay seryoso ng nakatingin sa mesa. "Ready...aim...fire!" Sigaw ni Arater at nagsimula na ang tatlo.