ดาวน์โหลดแอป
37.5% Protector's Love / Chapter 15: Chapter 15

บท 15: Chapter 15

Kakatapos lang mag-lunch nila Valerie. Kagaya kaninang umaga ay dinalhan siya ng kanyang ina ng pagkain sa kanyang kwarto pero ang kaibahan ay doon din kumain sila Arsenio at Emma.

"I really missed your cooking, Mom!" Nakangting sabi ni Valerie. "Ikaw lang eh, mas gusto mo ang pagkain sa Manila." May himig-pagtatampong sabi ng kanyang ina. "Hindi ba pwedeng atleast kapag weekends ay uuwi ka naman dito para napagluluto naman kita at nakakain ka ng masustansiyang pagkain hindi yung puro chemicals ang laman ng tyan mo." Patuloy ni Emma. "Mom, you know na hindi ko hawak ang oras ko. May mga emergency operations kami na walang pinipiling oras at araw." Sabi ni Valerie. "Hhhmmmppp, minsan gusto ko na lang magkasakit para maalagaan mo naman ako." Sabi ni Emma. "Mom!" Medyo tumaas ang boses ni Valerie dahil sa nadinig mula sa ina. "O siya, siya, tama na 'yan. Nasa harap tayo ng pagkain." Singit naman ni Arsenio ng matapos na ang sagutan ng mag-ina.

Matapos kumain ay lumabas na din ang mag-asawang Arsenio at Emma sa kwarto ng kanilang anak. Dahil halos buong umaga ay nagbasa lang si Valerie, binuksan naman niya ang TV para maghanap ng mapapanood.

"Breaking News!" Ang bumungad paglipat ni Valerie ng channel. "Dalawang pulis ang nasaktan matapos magkaroon ng hostage taking sa isang maliit na grocery. Ayon sa report, isang suicide bomber at isang cashier ang sinubukang iligtas ng mga pulis. Sa kasamaang palad ay dead on the spot ang suicide bomber ng hindi napigilan ng mga pulis ang pagpapasabog nito ng sarili. Ligtas naman ang cashier at kasalukuyang ginagamot sa Latido Del Corazon Hospital ang dalawang pulis." Biglang napatayo si Valerie at hindi ininda ang kirot na naramdaman sa kanyang paa ng makita sa screen ng TV ang picture nila Luke at Andre.

Napatingin naman si Valerie ng tumunog ang kanyang cellphone at si Abi ang nakita niya sa caller ID. Mabilis niyang kinuha ito at sinagot.

"Val...si...Andre..." Humihikbing sabi ni Abi. May sasabihin pa sana si Abi pero hindi niya na naituloy dahil nagsalita agad si Valerie. "Papunta na ako." Yun lang at pinatay na ng dalaga ang kanyang phone. Hindi na nakuha pang magbihis ni Valerie at mabilis siyang lumabas mula sa kanyang kwarto.

"Dadddy!" Sigaw ni Valerie sa ama na nagmamadali naman nagpakita sa anak ng madinig ang tawag nito. "Bakit? Nakakagulat ka naman anak!" Sabi ng kanyang ama. "Dad, I need to go back sa Manila." Kumunot naman ang noo ni Arsenio. "At bakit na naman? 'Di ba naka-leave ka?" Sabi ng kanyang ina na sumunod sa asawa ng madinig din ang boses ng anak. "Si Andre at Luke, nasaktan sila kanina." Sagot ni Valerie. "Ha?" Sabay na sabi nila Arsenio at Emma. "Dad, I need to go back to check on them." Sabi ni Valerie. "Okay, okay, ipapahatid kita." Sagot ng kanyang ama.

.......

"Doktora!?" Sabay-sabay na sabi ng mga nurses at residents on duty sa ER ng Latido Del Corazon Hospital. Sabay-sabay din silang tumingin kay Valerie mula ulo hanggang paa. Dahil nasa bahay lang ay simpleng shorts at white tshirt lang ang suot ng dalaga. Pero kahit ganoon lang ang suot ng dalaga ay litaw pa din ang ganda niya.

"Nasaan sila Andre?" Bungad ni Valerie na hindi inintindi ang mga tanong sa mukha ng mga staffs. "Nasa Suite 27 po." Sagot ng isang nurse. Napangiwi si Valerie ng subukan niyang bilisan ang lakad pero hindi niya ininda ang kirot na naramdaman mula sa kanyang paa. Mabilis siyang pumunta sa sinabing kwarto ng nurse.

.......

"Alam n'yo bang mamatay kami sa nerbyos sa ginawa n'yong dalawa ha!?" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Lucy. Hagod-hagod naman ni Damian ang likod ng asawa para kumalma ito. "Tita, okay naman po kami. Naka-complete gear naman po kami saka salamat sa mga cabinet na hinila ng ungas n'yong anak." Kunyaring tumingin ng masama si Andre kay Luke.

.......

Nang makita ni Luke na pipindutin na ng suicide bomber ang detonator ay agad niyang hinila ang dalawang cabinet na puno ng mga delata saka sinabihan si Andre ng "Dapa!"

.......

Nakuha pang ngumiti nila Aziz, Bowie, Ceasar, at Darwin sa kalokohan ng kanilang Captain at sa 1st Lieutenant nito pero ng tingnan sila ni Abigail at Lucy ay bigla silang sumeryoso. Lahat sila ay napatingin sa pinto ng biglang bumukas ito at nagmamadaling pumasok si Valerie pero napatigil ng makita sila Andre at Luke na parang walang nangyari. Hindi na napigil ni Valerie ang biglang paghina ng mga tuhod niya. Naramdaman niya na sobra na ang pagkirot ng kanyang paa. Dahan-dahan siyang napasandal sa pader pero bago pa siya dumausdos pababa ay nakalapit na sa kanya si Luke.

.......

"Doktora ka, Valeriana, at alam na alam mo na bawal sa sprained ankle ang mapwersa." Napangiwi si Valerie hindi dahil sa bendang ginagawa ng kanyang ninong sa kanyang paa kungdi dahil sa tawag nito sa kanya. Okay lang siyang tawagin sa pangalang iyon pero hindi sa harap ng ibang tao.

Nang malaman ni Hendrix na sa ospital nila dinala sila Andre at Luke ay dali-dali siyang nagpunta sa kwarto ng mga ito para sana kamustahin pero ang inabutan niya ay ang namumutlang inaanak dahil sa tiniis na sakit ng paa.

"Ano ba kasing naisipan mo at pabigla-bigla ka na lang nagpunta dito?" Tanong ni Abi pero isang matalim na tingin ang binigay sa kanya ni Valerie. "Sino ba kasing tumawag sa akin na umiiyak ha?" Pagtataray ni Valerie. "Eh kasi naman po hindi pa ako tapos ay binabaan mo na ako ng phone." Sagot naman ni Abi. Nadinig ng dalawa ang tikhim ni Hendrix kaya tumigil sila sa pagtatalo.

Nang matapos ni Hendrix na lagyan na bagong benda ang paa ni Valerie ay inaya nito sila Damian at Lucy sa kanyang opisina para doon makapag-usap. Sila Aziz, Bowie, Ceasar at Darwin ay nagpaalam na din para bumalik sa Base Camp para gumawa ng report. Naiwan sila Luke, Valerie, Andre, at Abi sa kwarto.

"Sorry na." Si Abi na ang unang sumuyo sa kaibigan dahil alam niyang may mali din siya. "Sa susunod kasi tapusin mo muna yung sinasabi mo. Mamatay ako sa pag-aalala." Sagot naman ni Valerie. "Kanino ka ba nag-aalala? Sa akin ba o kay Cap?" Singit ni Andre na may nakakalokong ngiti sa gwapong mukha. Namula naman si Valerie sa sinabi ng binata. "Syempre sa inyong dalawa!" Mabilis na sagot ni Valerie. "Eh bakit ang pula-pula mo?" Sinabayan na din ni Abi ang panunuksong ginagawa ng boyfriend. "Tumigil na nga kayong dalawa." Saway naman ni Luke at lumapit sa dalaga na naka-upo sa sofa. Nagulat si Valerie ng bigla siyang buhatin ni Luke.

"Oi, ano ba, ibaba mo ko!" Sabi ni Valerie pero parang walang nadinig si Luke. Binaba ng binata ang dalaga sa kama kung saan siya nakaupo kanina. "Magpahinga ka na muna." Sabi ni Luke at inihiga si Valerie sa kama. "Pero dapat ikaw ang nandito." Sabi naman ng dalaga. "Okay lang ako. Si Mama lang ang ayaw tumigil. Kung kami ang masusunod ay hindi na kailangan pa mag-stay dito ng 24 hours." Sabi ni Luke. "Pero..." Hindi natapos ni Valerie ang sasabihin dahil nagsalita si Luke. "Gusto mo ba tabi tayo?" Nakangiting sabi ni Luke. "Tart, gusto mo bang lumipat ng kwarto? Nakaka-istorbo tayo dito eh." Singit ni Abi. "Oo nga, Tart, para naman magkaroon din tayo ng privacy." Sabi ni Andre na may kasama pang pagtaas-baba ng mga kilay nito. "Yuck talaga kayong dalawa!" Sabi naman ni Valerie. "Hhhmmm, if I know, gagawin mo din iyon sa boyfriend mo." Patuloy ni Abi. Muling namula si Valerie dahilan para matawa sila Andre at Abi. Si Luke ay nakamasid lang sa kanila pero mas matagal ang pagtitig niya kay Valerie.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C15
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ