Yassmin P.O.V
Humarap sakin si Mr. Lee pagkatapos nang mahabang paliwanag ng secretary ni Mr. Arevalo.
Honestly, lahat ng tela na iyon ay magaganda at masasabi kong worth it na gamitin sa aming ilalabas na new designs.
"What do you think, Yassmin?" Tanong ni Ms. Lee sa'kin.
"I think it's okay Sir, those 8 fabrics that she mentioned earlier are the simplest options to settle on. It goes without saying that when creating a high-quality garment, a designer is probably going to go for the most effective, best suited, and also the finest forms of fabric.Although these high-end, natural materials typically include an expensive tag, when building a solid, timelessly elegant wardrobe, these fabrics are definitely worth the investment. Not only do these materials look expensive, but they also feel luxurious, and can stand the test of your time." seryosong paliwanag ko.
Ngumiti naman ito at mukhang nagustuhan ang aking suhestyon.
"Okay, send those fabrics to us immediately Mr. Arevalo. When can we receive it?" Baling ni Mr. Lee sa kausap.
"We can send it to you tomorrow morning, Mr. Lee, " nakangiting sagot ni Mr. Arevalo.
Madami-dami pang pinag-usapan ang dalawa na halos hindi na konektado sa tela. Doon ko na-realize kung gaano kabuting amo ang isang Harry Lee. Lahat kasi ng kaniyang mga empleyado ay mabuti nitong inaasikaso.
Kahanga-hangang ugali ng isang taong mataas na ang narating sa buhay.
Nagkamayan ang dalawa senyas na tapos na ang kanilang pag-uusap. Tumayo si Mr. Lee na sinundan naman ni Mr. Arevalo.
"We'll go ahead, thank you for the transaction Mr. Lee, " nakangiting pamamaalam ni Mr. Arevalo.
Tumango at ngumiti naman sa Mr. Lee.
"It was our pleasure to have you as our trusted supplier, Mr. Arevalo, " magalang na sabi nito.
Muling humarap sa'kin si Mr. Lee nang makalabas sina Mr. Arevalo ng conference room.
"We're going to the factory, right?" Tanong nito sa'kin.
"Yes, Sir, " sagot ko.
Tumango ito at saka naunang maglakad. Ang factory na pupuntahan namin ay nasa likod na bahagi lamang ng company building ng HLC. Ang pagkakaalam ko kung bakit malapit lamang ito sa mismong kumpanya ay dahil gusto ni Mr. Lee na lagi itong bisitahin palagi upang kamustahin ang mga manggagawa doon. Mas maigi din daw na malapit ito nang sa ganun ay madali niyang malalaman at maaksyunan kung sakaling magkakaroon ng problema sa factory.
Sumakay kami sa elevator saka dumiretso sa exit ng kumpanya na siyang daanan papunta sa factory.
Hindi pa man kami nakakapasok sa loob ng factory ay may sumalubong na sa'ming isang lalaki. Malayo pa man ay nakangiti na ito.
Siguro ay nasa mid 40's pa lang ang edad nito.
Nakangiti pa din itong sumulyap sa'kin at saka binati si Mr. Lee nang tuluyang makalapit.
"Good morning, Mr. Lee, " magiliw nitong bati dito.
"Good morning din, Mr. Venzon, " bati pabalik ni Mr. Lee.
"Bibisitahin nyo po ba ang factory, Mr. Lee?" tanong nito kay Mr. Lee.
"Wala naman ng bago doon Mr. Venzon, " natatawang sagot ni Mr. Lee.
Tumatawang sumang-ayon naman si Mr. Arevalo.
"Oo nga pala hindi naman na iyon bago sa inyo subalit hanggang ngayon ay humahanga pa din ako sa pagiging hands-on ninyong amo. Lagi ninyong sinisiguradong maayos ang lahat. Napakaswerte namin sa inyo, Mr. Lee, " tumatawang pagsang-ayon naman ni Mr. Venzon na may kasama pang papuri.
Hindi na ako nagtaka dahil miski ako ay humahanga sa dedikasyon ni Mr. Lee sa kaniyang trabaho.
"Nais ko lamang makisiguro na walang problemang magaganap dahil sa dami ng ating kakumpetensya natatakot ako sa maari nilang gawin mapabagsak lamang ang aking kumpanya. Natatakot ako hindi para sa aking sarili kundi para sa aking mga empleyado na umaasa sa'kin. Kung maswerte kayo sa akin, mas maswerte ako dahil kung hindi dahil sa inyong tulong hindi natin makakamit ang kung anong naabot ng aking kumpanya, " wika ni Mr. Lee.
Nagpatuloy pa ang kanilang pag-uusap habang naglalakad kami papasok sa factory. Nang tuluyang makapasok sa loob ay humanga ako sa ayos at ganda ng loob. Ngayon lang ako nakapasok dito kaya hindi ko na naman maiwasan ang hindi humanga.
Hindi gaya ng ibang pabrika o patahian, napakalinis ng loob nito at wala kang makikitang kalat sa sahig.
Kahanga-hanga!
Kasama si Mr. Venzon, isa-isa naming nilapitan ni Mr. Lee ang mga mananahi upang kamustahin. Noon ko lang din nalaman na si Mr. Venzon pala ang supervisor sa loob ng factory. Sya ang nag-aasikaso ng mga kailangan ng mga mananahi na pinapaalam naman nito kay Mr. Lee.
Sunod naming nilapitan ay ang isang mananahi na medyo may edad na. Medyo umuubo ito, masama siguro ang pakiramdam.
Kung nagtataka kayo kung bakit mayroong trabahador si Mr. Lee na may mga edad na ay dahil wala siyang pinipiling edad sa pagtanggap ng mga manggagawa. Gusto daw nitong bigyan ng pagkakataon ang mga matatanda na kumita kahit papaano. Pero hindi naman nya pinababayaan ang mga ito. May mga benefits na nakalaan para sa kanila. Hindi din sila pinagtatrabaho ng mahirap bukod sa pananahi. Kung titingnan, hindi nagpapahuli ang mga ito sa mas bata pang mananahi kaysa sa kanila. Magagaling ang mga ito at tunay na karapat-dapat bigyan ng pagkakataong kumita.
Isa na namang katangian ni Mr. Lee ang aking hinangaan.
"Oh, nanay pacita kamusta po kayo? Mukhang masama po ang pakiramdam ninyo ah? " Bakas ang pag-aalala sa boses ni Mr. Lee.
Nakatayo lamang ako sa tabi nito. Nagiintay na utusan nito kung sakaling may ipagawa o di kaya ay magtanong.
"Magandang umaga po, Mr. Lee. Ok lang naman po ako medyo tinatrangkaso lamang po dahil naambunan ako kahapon, " magalang na tugon ni nanay pacita.
"Naku, kung ganoon po pala sana ay hindi po muna kayo pumasok para makapagpahinga kayo. " usal ni Mr. Lee.
Ngumiti naman ang matanda.
"Ayos lang naman po ako Mr. Lee hindi naman po ito malala, " paninigurado nito kay Mr. Lee.
Umiling si Mr. Lee. "Huwag nyo na po ituloy iyang inyong ginagawa nanay pacita. Pumunta po muna kayo sa clinic natin at magpahinga. Magpatingin po kayo kay Gela, " muling sabi ni Mr. Lee.
Ang Gela na tinutukoy nito ay ang nurse ng kumpanya.
Wala nang nagawa si nanay pacita kundi ang iwan ang kaniyang ginagawa at sundin ang utos ni Mr. Lee.
Halos ala-una na nang matapos ang ginawnag pagbisita ni Mr. Lee sa factory. Nalipasa na ito ng gutom.
"Yassmin, mamayang 3:00 pm pa naman ang meeting ko hindi ba? " tanong nito sakin habang naglalakad kami pabalik sa loob ng HLC main building.
"Yes, Mr. Lee, " sagot ko.
"Samahan mo'ko sa Mall. May bibilhin lang ako at saka doon na din tayo kumain, " sambit nito.
" Okay, Sir, " sagot ko na lamang.
Ano naman kaya ang bibilhin nito?
Harry's P.O.V
Masyado akong natuwa sa ginawa kong pagbisita sa factory hindi ko tuloy namalayan na ala-una na pala. Tapos na ang lunch. Siguradong gutom na si Yassmin.
Sinulyapan ko ang aking sekretarya na tahimik lamang na nakatayo sa aking tabi.
Bahagya akong napangiti. Makikita mo kasing natutuwa din ito sa aming ginagawang pagbisita at pangangamusta sa mga mananahi.
Hindi mo ito kakikitaan ng pagkabagot o ngalay man lang samantalang kanina pa kami naglalakad at nakatayo.
Matapos bisitahin at kamustahan ang bawat mananahi ay hinarap ko si Yassmin upang yayain kumain sa Mall.
"Yassmin, mamayang 3:00 pa naman ang meeting ko hindi ba?" tanong ko dito.
Tumango naman nito. "Yes, Mr. Lee, " sagot nito.
"Samahan mo'ko sa Mall. May bibilhin lamang ako at doon na din tayo kumain, " wika ko.
"Okay ,Sir, " sagot nitong muli.
Kotse ko na ang ginamit naming dalawa dahil hassle naman kung magtitig-isa pa kami, hindi ba?
Nang makarating sa Mall ay agad kaming pumasok at saka naghanap nang makakainan.
Sa huli, iyong korean restaurant na hindi kalayuan sa entrance ng Mall ang aming napili.
Hindi na kami nag-aksaya nang oras at mabilis kaming kumain.
Maga-alas-dos na kasi. Kailangang makabalik kami sa kumpanya bago mag alas-tres.
Lumabas kami sa restaurant at saka niyaya si Yassmin sa bookstore.
Dahil nandito naman na din ako, bibili na din ako ng mga bagong libro at pocketbooks.
Hindi naman na sumagot si Yassmin. Tahimik lamang itong sumunod kung saan ako papunta.
Agad akong dumiretso sa parte ng bookstore kung saan nakalagay ang mga pocket books. Sampung pocket books ang nagustuhan ko. Nilingon ko kung ano ang ginagawa ni Yassmin. Nakita kong namimili din ito ng libro sa kabilang parte ng bookstore. Nakita kong kumuha ito ng tatlong libro at inilagay sa dala-dalang basket.
Saan ito kumuha ng basket?
Lumingon-lingon ako sa paligid at nakita ang mga basket malapit sa may counter. Nagpunta ako doon at kumuha ng isa.
Pagkatapos ay pumunta ako sa pwesto ni Yassmin para mamili din ng mga libro. Gulat naman itong napatingin sa laman ng aking basket.
"Lahat yan bibilhin mo Mr. Lee? " hindi makapaniwalang tanong nito sa akin.
Malamang nasa basket ko eh. Ilalagay ko ba naman to kung hindi.
"Of course, why? " tanong ko dito.
"Wala naman po, Mr. Lee hindi ko po alam na mahilig kayong magbasa ng libro. Akala ko kasi sa App lang kayo nagbabasa eh, " sagot nito.
Tumawa naman ako. " No, I love to read talaga it's either sa books or sa App, " sabi ko.
Matapos makapamili ay dumiretso kami sa counter. Nagpresinta din ako na ako na lang ang magbabayad ng mga libro na pinili ni Yassmin. Tumanggi pa ito nung una pero pumayag din nang hindi ako tumigil sa pagpilit.
"Salamat dito, Mr. Lee, " sabi nito. Tinutukoy ang mga libro.
"You're welcome, " nakangiting sagot ko.
Iyon lamang at bumalik na kami sa kumpanya.
*To be continued*
A/N: English version of this story is available in Webnovel too. Please, try to read it instead. I will no longer update a tagalog version of this story unless I'm done with the English one. Same title but it's novel not fanfiction.♥️ Thank you and keep safe everyone!
Hi guys! To my readers out there, thank you so much for reading my story. if you have time please do leave a comment. My story got rejected for a contract on another platform so I was wondering if you're enjoying the story. if you have any suggestions feel free to inform me and it will be highly appreciated by yours truly. thank you so much!
— ตอนใหม่กำลังมาในเร็วๆ นี้ — เขียนรีวิว