ดาวน์โหลดแอป
50% CAN YOU STILL BE MINE? / Chapter 3: Chapter 2

บท 3: Chapter 2

Yassmin P.O.V

Bago ako umuwi sa bahay ay dumaan muna ako sa SM Makati upang mamili ng groceries. Pagkatapos ko mamili ay umuwi na ako sa bahay dahil maggagabi na din at nakaramdam na ako ng pagod.

Habang nagmamaneho pauwi ay naisip kong magpatugtog ng paborito kong mga kanta ni Michael Jackson. Bata palang ako ay idolo ko na talaga si MJ. Ikinonek ko sa Bluetooth ng kotse ko ang cellphone ko at saka nagsimulang magpatugtog. Malungkot kong pinakinggan ang bawat liriko ng kanta.

Another day has gone

I'm still all alone

How could this be

You're not here with me

You never said goodbye

Someone tell me why

Did you have to go

And leave my world so cold

Everyday I sit and ask myself

How did love slip away

Something whispers in my ear and says

That you are not alone

For I am here with you

Though you're far away

I am here to stay

But you are not alone

I am here with you

Though we're far apart

You're always in my heart

You are not alone

Ito ang paborito naming kantahin ng daddy  noong nabubuhay pa sya. Paborito din kasi nya si Michael Jackson eh,doon ko nakilala at nagustuhan si MJ. Kaya mas naging paborito ko ang kanta na ito ay dahil para sakin kahit wala na si Daddy,hindi pa din ako nagiisa dahil alam kong binabantayan nya ako kung nasaan man sya naroroon.

Alone, alone

Why, alone

Just the other night

I thought I heard you cry

Asking me to come

And hold you in my arms

I can hear your prayers

Your burdens I will bear

But first I need your hand

Then forever can begin

Everyday I sit and ask myself

How did love slip away

Something whispers in my ear and says

That you are not alone

For I am here with you

Though you're far away

I am here to stay

But you are not alone

And I am here with you

Though we're far apart

You're always in my heart

For you are not alone

Whisper three words and I'll come runnin'

And I and girl you know that I'll be there

I'll be there

You are not alone

I am here with you

Though you're far away

I am here to stay

For you are not alone

I am here with you

Though we're far apart

You're always in my heart

For you are not alone (you are not alone)

For I am here with you (I am here with you)

Though you're far away (though you're far away)

(You and me) I am here to stay

For you are not alone (you are always in my heart)

For I am here with you though we're far apart

You're always in my heart

For you are not alone not alone, oh

Sa sobrang pagkalunod sa pakikinig ng kanta ay di ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng aming bahay. Pinatay ko na ang tugtog at saka kinuha ang mga paper bag na nasa passenger seat at saka tuluyang bumaba. Binuksan ko ang gate at saka pumasok.

" Ma, I'm home!"  Pagtawag ko kay Mama.

Pinanood ko syang bumaba sa aming hagdan upang salubungin ako. Nang nakalapit ay nagbeso beso kami at nagyakapan.

"Ohh Anak, kamusta ang interview?" tanong sakin ni Mama saka ako inalalayan papunta sa kusina upang ilagay sa cabinet ang aking pinamili.

Bread,cookies,can goods,cereals,milk at eggs ang pinamili ko. May stocks pa naman kami kaya konti lang din ang mga ito.

"Okay naman po Ma. Malaki ang kumpyansa ko na ako po ang mapipili."  proud na sabi ko kay Mama.

"Mabuti kung ganun, Anak. Wala pa man ay proud na ako sayo." sabi ni Mama at saka ako niyakap gumanti din ako ng yakap sa kanya.

Ganun kaming dalawa, since ako lang ang nag-iisa nilang anak di ko maipagkakailang close talaga kami nina Mama at Daddy.

"Thank you Ma, " nakangiting sabi ko dito pagkatapos humiwalay sa yakap.

"Ayyy sya sya kumain kana ba? Teka ipaghahanda kita ng makakain pinagpahinga ko na kasi si Manang, " tanong sakin ni Mama.

"No, it's okay Ma. Busog pa naman po ako kumain din po ako ng donut sa  Krispy Kreme kanina eh. Magpapahinga na po ako Ma. Good night, " pamamaalam ko dito saka umakyat ng hagdan papuntang kwarto ko.

Agad kong sinarado ang pinto ng aking kwarto at kinuha ang aking bath towel saka pumasok sa banyo. Mabilis lang ang ginawa kong pagligo dahil antok na antok na talaga ako. Pagkatapos maligo ay dumiretso ako sa aking walk-in closet upang magbihis.

Pagkatapos ko magbihis ay naghanda na ako sa aking pagtulog. Pipikit na sana ako ng biglang mag-ring ang cellphone ko. Inabot ko ito at tiningnan kung sino ang caller.

Unknown number.

Sino kaya ito?

Imposible naman na ang HLC ito dahil naka save naman sa contacts ko ang name ng company in case nga na tumawag. Nagaalinlangan man ay sinagot ko na ang tawag.

"Hello, "sabi ko.

"Good evening Ms Smith, I am Harry Lee of the HLC and I just want to inform you that you are hired and shall start working on Monday." sabi ng lalaki sa kabilang linya.

Monday?

Hmmm, Friday palang naman ngayon so may ilang araw pa ako para makapaghanda sa pagpasok sa trabaho.

"Thank you Sir, I won't let you down, " masayang sagot ko dito.

Ibinaba na nito ang linya.

"Yes!!!! Tanggap ako sa HLC, tanggap ako!!!HAHAHAHAHAHA, " masayang sigaw ko habang nagtatatalon sa ibabaw ng aking kama.

Hindi na ata ako makakatulog sa sobrang saya ko.

Mababawi ko na din sa wakas ang kumpanyang pinaghirapan ng mga magulang ko. Hindi na ako makapaghintay na ibalita kay Mama ang magandang balita. Sandali pa akong nagsisigaw sa tuwa saka nagdesisyong magpahinga na dahil bukas ay mamimili ako ng mga damit. Inayos ko ang aking kama na noon ay nagulo na saka humiga at nakangiting natulog.

Naalimpungatan ako sa ingay na nagmumula sa aking alarm clock. Inabot ko ito sa side table at saka pinatay. Nag stretch ako ng konti at saka bumangon. Kinuha ko ang aking towel at nag diretso sa banyo upang maligo. Pagkatapos ay namili ako ng susuutin ko papuntang Mall.

Simpleng T-shirt na black at pants lang ang sinuot ko. Naka tuck in ang shirt ko sa pants ko. Nag doll shoes nalang din ako since sa Mall lang naman ako pupunta.

Pagkatapos ko mag-ayos ay bumaba na ako upang mag-agahan. Pagkababa ko ay nakita ko si Manang at Mama na naghahanda ng almusal.

"Good morning! " malakas at masayang bati ko sa mga ito. Si Manang ang unang lumingon sakin.

"Oh hija, ang aga mo ata gumising ngayon?" nagtatakang ani ni Manang.

"May pupuntahan po kasi ako Manang hehehe. sabi ko dito saka nilingon si Mama na abala pa din sa paghahanda ng mga ulam.

"Good morning, Ma." bati ko dito at saka lumapit upang humalik sa pisngi nito.

"Hmmm, ang aga mo naman ngayon anak? 6:00 am palang ng umaga ah? Mukhang may pupuntahan ka at bihis na bihis ka ata?" sabi ni Mama.

Saka kami umupo nina Manang upang magsimulang kumain.

"Pupunta po akong Mall, Ma. Mamimili po ako ng damit hehehe, " sabi ko dito habang nagsasandok ng kanin.

"Damit? Aanhin mo naman ang mga damit, anak? May pupuntahan ka ba? Magta travel ka ba ulit?" kunot-noong tanong nito nang lingunin ako.

"Hindi po ako magta-travel, Ma hehehe. Mamimili po ako ng damit dahil natanggap po ako sa HLC!Hahaha natanggap ako, Ma! "masayang balita ko dito.

Nagulat si Mama sa sinabi ko at hindi muna nakapagsalita. Ilang saglit pa bago nag sink-in sa isip nya ang sinabi ko. Pagkatapos ma-realize ang sinabi ko ay napatayo ito at tuwang-tuwang niyakap ako.

"Talaga? Natanggap ka, anak? Wow! I'm so proud of you. Mababawi na natin ang kumpanya natin. Thank you, anak." masayang sabi ni Mama saka kumalas sa pagkakayakap sakin.

"Your welcome, Ma. Pero hindi pa po namin napag-uusapan ang tungkol dun kasi syempre kailangan ko po munang tapusin ang 2 years contract ko sa HLC bago tuluyang mabawi ang kumpanya natin." sabi ko bago pinagpatuloy ulit ang pagkain ko.

"Okay lang yan Anak, ang mahalaga sure na tayong atin ulit ang kumpanya natin." nakangiting sabi nito.

Ngumiti na lang ako at saka tinapos ang pagkain ko. Pagtapos ay tumayo na ako at nagpuntang bathroom upang mag toothbrush. Saka nakangiting  naghanda para sa pag-alis.

Pinuntahan ko sina Mama at Manang sa kusina upang magpaalam. Nagliligpit sila ng pinagkainan namin.

"Aalis na po ako, " paalam ko sa kanilang pareho.

Tumango lang naman sila kaya lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse ko.

Sa Sm Makati lang ulit ako pupunta para malapit lapit lang. Ilang minuto lang ang lumipas ay narating ko na ito. Dumiretso ako sa parking lot at saka nagpark sa kaliwang bahagi nito. Malapit lang halos iyon sa isang entrance ng Mall. Kinuha ko ang aking bag at saka lumabas ng kotse.

Naglakad ako papunta sa entrance ng Mall.

Kakaunti lamang ang mga tao na namamasyal ngayong araw. Sigurado akong bukas darayo ang madaming tao dahil linggo bukas. Family day ika nga.

Naglakad lakad ako habang namimili ng boutique na pupuntahan ko. Sa huli sa Plains & Printz ako nagpunta.

Pagkapasok ay dumiretso ako sa women section at saka namili ng polo, T-shirts, coats and skirts. Pagkatapos makapamili ay dumiretso ako sa fitting room upang sukatin kung sakto ang size ng mga ito sakin. Lahat naman ay sumakto kaya nagbihis na ulit ako at saka lumabas.

Dumiretso ako sa counter para magbayad. Mabuti na lamang at walang pila kaya mabilis lang akong nakalapit sa counter. Agad kong inabot sa staff yung mga damit na pinili ko at saka nito inalis sa hanger at tiningnan ang presyo. Ilang minuto pa itong nagkalikot sa computer sa harap nito at saka nakangiting tumingin sakin.

"Php 15,899.00 po Ms. Card po ba or cash?" nakangiting sabi nito sakin.

"Card nalang, " sabi ko dito at saka inabot ang credit card ko.

Kinuha nito ang card at saka inilagay sa payment terminal na nasa tabi ng computer nito.

*  A payment terminal, also known as a Point of Sale (POS) terminal, credit card terminal, EFTPOS terminal (or by the older term as PDQ terminal which stands for "Process Data Quickly"[1] or in common jargon as "Pretty Damn Quick"[citation needed]), is a device which interfaces with payment cards to make electronic funds transfers. The terminal typically consists of a secure keypad (called a PINpad) for entering PIN, a screen, a means of capturing information from payments cards and a network connection to access the payment network for authorization.*

Pagkatapos nito ay nakangiti nitong ibinalik ang card ko at saka iniabot ang mga paper bags.

"Thank you po, Ms. Come again, "  wika nito sakin.

Tumango lang ako at ngumiti saka naglakad papalabas ng boutique.

Bale 6 na paper bags ang dala dala ko ngayon.

Naglakad lakad pa ako kung may magugustuhan pa akong puntahang boutique. Ilang boutique na ang nalalampasan ko nang mapahinto ako.

Lumingon ako sa likuran ko dahil may narinig akong tumatawag sa apelyido ko. Paglingon ko ay nagulat ako ng makita ko si Mr. Lee na naglalakad papalapit sakin.

Habang papalapit ito ay pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan nito. Simple lang ang porma nito. Nakaitim lang  ito na polo na may tatlong butones na nakabukas. Dahilan para makita ng bahagya ang dibdib nito. Naka pants lang din ito at black na rubber shoes. Malayong malayo ang porma nito ngayon sa porma nito noong nasa kumpanya kami.

"Hi, " nakangiting bati nito nang tuluyang makalapit.

"Hmmm. Hi, " bati ko dito pabalik.

Saka nagpatuloy maglakad. Nakita ko itong sumunod at sumabay saking maglakad.

"Namili ka ng damit?" sabi nito habang nakatingin sa mga bitbit kong paper bags.

"Yes, " tipid na sagot ko.

"Hmm I see. Do you want to have lunch with me?" hindi ko inaasahang tanong nito.

Tumingin ako dito kung seryoso ba ito sa sinabi. Hindi naman ito mukhang nagbibiro at halatang nagiintay din ng sagot ko. Tumaas ng isang kilay ko sa pagtataka.

Bakit naman kaya ako niyayaya nito? naisip ko.

"It's okay if you don't want to. I understand naman. Baka busy ka eh, " sabi nito ng hindi pa din ako sumasagot.

"No, it's okay. Wala naman na din akong gagawin." sabi ko dito.

"That's good. Let's go? May alam akong kainan dito. and they served really good foods." sabi nito saka sumenyas na maglakad na kami.

Ilang stall pa ang nadaanan namin bago narating ang sinasabi nitong restaurant.

"Cucina Norte" basa ko sa pangalan ng restaurant.

Hindi pamilyar sakin ang parteng ito ng Mall. Hindi kasi ako mahilig magpupunta ng Mall o lumabas. Madalas ay sa online lang ako namimili ng mga damit o gamit ko dahil busy sa trabaho.

Pinagbuksan ako nito ng pinto kaya pumasok na ako. Sumunod naman ito at saka kinausap ang waitress na agad sumalubong samin.

"Table for two. Thanks, " sabi nito sa babae.

Tumango naman ito at saka kami hinatid sa aming table. Pinaghila naman ako ni Mr. Lee ng upuan saka naupo sa upuan sa tapat ko.

Inabot naman samin ng waitress ang menu.

"Kayo nalang po Mr. Lee ang pumili since di naman po ako pamilyar sa foods nila dito." nahihiyang sabi ko.

Nag-angat ito ng tingin sakin at saka ngumiti.

"Okay - tumingin ito sa waitress - "we'll take 2 bagnet meals, 2 bagnet Ilocos Spicy, 2 pakbet w/bagnet and 2 bagnet sisig. and a red wine please. Thanks, " sabi nito habang nakahawak sa labi at saka tumingin sakin.

Nag-iwas nalang ako ng tingin at saka tahimik na nagintay ng aming order. Pinagmasdan ko ang loob ng restaurant. Maaliwalas naman ang loob saka mukhang malinis. Nang makontento ay itong kasama ko naman ang pinagmasdan ko.

Mukha kaming mag jowa dahil pareho kami ng kulay ng damit tapos mukha pa kaming nagde date. Napalingon ako sa kabilang table ng makarinig ng bungisngis. Nakita ko ang grupo ng mga kababaihan.Panay ang sulyap samin ng mga ito pero halatang itong kasama ko ang tinitingnan nila. Tila kinikilig pa ang mga ito habang nagbubulungan. Iniwas ko nalang ang paningin ko at saka nagbasa ng wattpad sa phone ko.

Harry P.O.V

Matapos kong tawagan si Yassmin ay natulog na ako dahil pupunta akong SM bukas. Kailangan ko nang mamili ng groceries. Hindi ko hinahaayaang mawalan ng stocks ng pagkain dito sa bahay para hindi na kailangan ni Manang lumabas.

Nagising ako ng tumunog ang alarm clock ko.

Nag-angat ako ng tingin dito at saka ito pinatay. It's only 5:00 o'clock in the morning. Masyado pang maaga dahil 10:00 am pa naman nagbubukas ang SM. Pero nagwowork out pa kasi ako kaya maaga talaga ako gumising.

Bumangon na ako at saka nagpunta ng aking banyo upang maligo. Pagkatapos ay nagbihis na ako. Nag t-shirt lang ako na black at short na black din. Mahilig ako sa kulay black kaya lahat ng gamit ko ay kulay black. Pagkatapos magbihis ay bumaba na ako upang magtimpla ng kape.

Pagkababa ko ay naabutan ko si Manang na nagkakape. Nilapitan ko ito at saka binati.

"Good morning, Manang" sabi ko dito.

"Oh hijo, gising ka na pala. Magandang umaga din. Sandali ipagtitimpla kita ng kape mo." sabi nito at akmang tatayo na pero pinigilan ko.

"It's okay, Manang. Ako nalang po magtitimpla ng kape ko. Tapusin nyo nalang po yang kape nyo." sabi ko dito at saka kumuha ng tasa para magtimplang kape.

"Ang aga mo naman ata ngayon hijo? Sabado naman ngayon ah? Hindi ba't kapag ganitong araw ay hindi ka naman pumapasok ng opisina?" sabi ni Manang.

"Oo nga po Manang. Pero pupunta po kasi akong Sm mamaya. Maaga lang po talaga ako gumising gawa nagwowork out po muna ako bago umalis tutal 10:00 am pa naman po iyon magbubukas." Paliwanag ko naman dito.

Hindi na ito sumagot at saka pinagpatuloy ang pagkakape. Nang maubos ko ang kape ko ay pumunta na akong gym ko upang mag exercise. Ilang oras din akong nagpapawis. Nang mapansin ko na halos 8:00 am na ay nagpahinga na ako at saka pumuntang kusina upang kumuha ng inumin.

Bago makarating sa kusina ay nakasalubong ko na si Manang. Pupuntahan na daw nya sana ako para sabihin na handa na ang almusal. Tumango na lang ako at saka sumunod dito papuntang dining. Agad akong umupo at saka nagsandok.

Bacon, hotdog at eggs ang niluto ni Manang.

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa kwarto upang maligo. Saka namili ng susuotin kong damit sa cabinet ko. Itim na polo shirt ang sinuot ko.

Sinadya kong hindi ibutones ang tatlong butones nito. Sunod ay pants naman na pang-ibaba at saka black na rubber shoes naman sa paa. Nagpabango lang ako at nagsuklay . Kinuha ang wallet at saka bumaba.

Pagkababa ko ay nakita ko si Manang na nagbabasa ng dyaryo.

"Aalis na po ako, Manang" pamamaalam ko dito.

Saka ko inabot ng kamay nito upang magmano.

"Sige hijo, ingat sa pagmamaneho." bilin nito sakin.

Tumango lang ako at saka lumabas ng bahay. Pumasok ako sa kotse at saka inistart ito. Automatic ang gate namin kaya hindi na kailangang buksan muna bago makalabas ang mga sasakyan.

Ilang minutong pagmamaneho ay nakarating na din ako sa SM Makati. Dumiretso ako sa parking lot at saka ipinarada ang kotse ko sa tabi ng itim na kotseng nakaparada din. Pagkatapos makapagparada ay bumaba na ako at saka naglakad papasok ng Mall.

Dumiretso agad ako sa supermarket upang mamili ng mga pagkain. Bumili ako ng 2 sacks of rice, can goods, frozen goods like bacon, hotdogs , and ham tsaka soap, detergent, at kung ano ano pa na kailangan sa bahay.

Bumili din ako ng pasta and vegetables. Pagkatapos mamili ng mha kailangan namin ay pumila na ako para magbayad.

Pagkatapos mamili ay ipinasok ko muna sa sasakyan ang lahat ng pinamili ako dahil lilibot pa ako sa loob ng Mall. Maghahanap ng bagong damit at neck tie. Nang mailagay ko ang lahat ng pinamili ko sa sasakyan ko ay pumasok ulit ako sa loob.

Habang naglalakad ay parang natanaw ko si Yassmin na lumabas sa isang boutique. Malayo pa ang pwesto nito sakin kaya hindi ko masyadong maaninag kung tama ba ang hula ko. Pero nang medyo lumingon ito sa gawi ko ay nakumpirna kong si Yassmin nga ito.

Nagmadali akong naglakad nang magsinula itong maglakad. Ilang beses ko ding tinawag ang apelyido nito pero hindi nya agad naririnig dahil medyo malayo pa ako. Nang medyo malapit lapit na ako sa likuran nito ay sinigaw kong muli ang apelyido nito.

Nakita ko ng huminto ito at nagtatakang lumingon lingon. Hinahanap kung sino ang tumawag sa kanya. Nakita kong magulat ito nang mapansin ako na papalapit sa direksyon nya. Hindi din nakaligtas sakin ng pasadahan nito ng tingin ang kabuuan ko.

Tipong pinag-aaralan ako.

"Hi, " nakangiting bati ko dito ng makalapit ako.

"Hmmm. Hi, "  bati nito pabalik. Saka ito nagpatuloy maglakad.

"Namili ka ng damit?" sabi ko dito habang nakatingin sa mga bitbit nitong paper bags.

"Yes" tipid na sagot nito at hindi tumitingin sakin.

"Hmm I see. Do you want to have lunch with me?" tanong ko dito. Maski ako ay nagulat sa sinabi ko. Basta na lang kasi ito lumabas sa bibig ko.

Gusto ko lang siguro nya kilalanin bilang bagong sekretarya ko.

Tama!

Tumingin ito sakin na tila inaalam ba kung seryoso ako sa sinabi ko. Tumaas din ang isang kilay nito sa pagtataka.

"It's okay if you don't want to. I understand naman. Baka busy ka eh" sabi ko ng hindi pa din ito sumasagot.

Nakakapagtaka nga naman na bigla kang yayayain kumain ng boss mo.

"No, it's okay. Wala naman na din akong gagawin" sabi nya sakin.

Napangiti ako.

"That's good. Let's go? May alam akong kainan dito. and they served really good foods." sabi ko saka sumenyas na maglakad na kami.

Ilang stall pa ang nadaanan namin bago narating ang sinasabi kong restaurant. Halata namang hindi nya pa napupuntahan ang part na ito ng Mall dahil parang hindi sya pamilyar sa restaurant na ito gayong madaming kumakain dito.

Pinagbuksan ko ito ng pinto at agad naman itong pumasok. Sumunod ako dito at saka kinausap ang waitress na agad sumalubong samin pagkapasok namin ni Yassmin.

"Table for two. Thanks, " nakangiting sabi ko sa babae.

Tumango naman ito at saka kami hinatid sa aming table. Bago maupo ay pumunta ako sa isang upuan sa tapat ng uupuan ko at pinaghila ng upuan si Yassmin. Nang makaupo na kami ay iniabot naman samin ng waitress ang menu.

Hmmm namiss ko ang kumain dito. Madalas kasi ako kumain dito eh dahil masarap naman talaga mga luto nila. Saka hindi ko masyado type kumain sa sikat na mga restaurant lalo na at mag-isa lang naman ako.

Maya maya ay nag-angat ng tingin sakin si Yassmin.

"Kayo nalang po Mr. Lee ang pumili since di naman po ako pamilyar sa foods nila dito."  nahihiyang sabi nito sakin.

Tumingin ako dito at saka ngumiti.

"Okay, tumingin ako sa waitress na nagiintay samin."we'll take 2 bagnet meals, 2 bagnet Ilocos Spicy, 2 pakbet w/bagnet and 2 bagnet sisig. and a red wine please. Thanks, " sabi ko dito habang nakahawak ako sa aking labi at saka tumingin kay Yassmin.

Nag-iwas ito ng tingin at saka pinagmasdan ang buong kabuuan ng restaurant. 

Hindi ko naman mapigilang pagmasdan ang mukha nito. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit parang gusto kong nakikita ang mukha nito palagi. Her face is so beautiful. Di ko maiwasang 'di sya titigan.

Agad akong nag-iwas ng tingin ng maramdamang titingin ito sakin. Nagkunwari akong may kinukutingting sa phone ko pero ang totoo ay magbabasa lang ako ng Wattpad. Oo wattpader ako.

Nakahiligan ko na since mahilig naman ako magbasa ng libro, sinubukan ko magbasa dito dahil pwede ako magbasa kahit saan nang hindi nahihirapan.

Napansin ko ding lumingon ito sa sa grupo ng kababaihan na nasa kabilang table lang.

Actually, kanina ko pa din naririnig ang mga ito na bumubungisngis hindi ko lang masyado pinagtutuunan ng pansin. Nakita ko din ng mag-iwas ito ng tingin sa grupo at saka kinalikot ang phone nya. Napansin kong binuksan nito ang app ng Wattpad.

"Nagbabasa ka din sa Wattpad?" takang tanong ko dito.

Nag-angat ito ng tingin sakin.

"Oo naman. Pampalipas oras lang." sagot nito sakin.

"Hahaha nagbabasa din ako nyan eh, " natatawang wika ko.

Hindi na ito sumagot dahil dumating na din ang order namin. Nagsimula na kaming kumain at ilang minuto lang ay natapos na din kaming dalawa.

*Burp*

Natawa ako ng marinig itong dumighay.

Napapahiya naman nitong itinakip ang kamay sa bibig.

"Sorry Mr. Lee, " nahihiyang sabi pa nito.

"It's okay hahaha sabi sayo eh masarap ang mga pagkain dito. natatawang sabi ko dito." and kapag magkasama tayong dalawa wag mo na ako tawaging Mr. Lee. Just call me Harry, okay?" dagdag ko pa.

"Ehhh? mauulit pa to?" nagtatakang sabi nito sakin.

Yung pagkain naming dalawa ang tinutukoy.

"I mean kapag tayong dalawa lang naman ang magkaharap Harry nalang itawag mo sakin. Parang tunog matanda ang Mr. Lee eh hahahaha" paliwanag ko dito.

"Hmm okay" sabi nito at nagkibit-balikat. Saka ininom ang natitirang wine sa baso nito.

Lumingon-lingon ako sa paligid upang hanapin ang waitress. Kinawayan ko ito nang tumingin ito at saka sumenyas na pumunta samin. Agad naman itong lumapit sa table namin ni Yassmin.

"Yung bill namin" nakangiting sabi ko dito.

Tumango naman ito at saka nagpunta sa counter. Pagkatapos ay bumalik na ito sa table namin bitbit ang aming bill.

"Here's your bill, Sir" nakangiting sabi nito.

Tiningnan ko kung magkano at saka kumuha ng pera sa wallet ko. Kumuha ako ng 3k at saka inabot sa waitress.

"Keep the change, " nakangiting sabi ko dito. 2,500 kasi yung bill namin.

"Thank you Sir/Ma'am, " nakangiting sabi nito samin ni Yassmin.

Tumayo ako at pinaghila ng upuan si Yassmin para makatayo ito. Tumingin ito sakin at saka ngumiti. Saka sabay kaming lumabas ng restaurant.

"May pupuntahan ka pa ba Yassmin?" baling ko dito.

"Wala na Sir- este Harry. Uuwi na ako sa bahay namin, " sabi nito.

"Hatid na kita. Pauwi na din naman ako, " sabi ko.

"Hindi na may sasakyan naman akong dala, " nakangiting usal nito.

"Ahh ganun ba. Sige sabay nalang tayong pumuntang parking lot. Tulungan na kita dyan, " sabi ko sabay kuha sa bitbit nitong mga paper bags.

"Ehhh? Sige, " sagot nito saka tuluyang binigay sakin ang mga paper bags.

Nauna na itong maglakad kaya sumunod na din ako. Walang imikan kaming naglakad papuntang parking. 

Napansin ko na ang direksyong pupuntahan nito ay sa parte din ng parking lot kung saan ako nagpark ng kotse ko.

Lumapit ito sa itim na sasakyan at saka pinatunog ito. Pagkatapos ay humarap ito sakin.

"Dito na ako salamat, " nakangiting sabi nito.

"Hmm okay. You like black? " tanong ko dito habang inaabot dito ang mga paper bags nito.

Napansin ko lang kasi na kukay itim suot nito tapos itim din ang sasakyan.

"No. I Love black. Ikaw? saan ka nagpark? " tanong nito sakin.

"Hahahah yan lang ang kotse ko sa tabi ng kotse mo, " natatawang sabi ko dito.

Gulat naman itong lumingon sa pwesto ng kotse ko.

"Hahaha okay. Sige pasok na ako, " sabi nito sabay bukas ng pinto ng driver's side.

"Wait! Saan ka nga pala nakatira? " tanong ko dito.

Hindi ko kasi pinagtuunan ng pansin ang address nito sa resume eh.

"Sa Belle Heir Village kami nakatira, " sambit nito.

"Wow! doon din pala kayo nakatira? Doon din ang bahay ko, " di makapaniwalang saad ko.

"Hmm okay. wika nito, " I'll go ahead." sabi nito sakin at saka pumasok sa kotse nito.

Tumabi ako sa may kotse ko nang iatras nito ang sasakyan. Bumusina pa ito sakin bago tuluyang umalis.

Nang makaalis ito ay sumakay agad ako sa kotse ko at sa pinakaharurot ito.

Hindi ko na naabutan si Yassmin dahil inabutan ako ng traffic light nang mag stop ito. Matapos ang  ilang minutong  byahe ay nakarating na din ako sa bahay.

Agad namang bumukas ang gate namin kaya pumasok na ako.

Matapos ipark ang kotse ko sa aming garahe ay pumunta ako sa likod ng sasakyan ko at ibinaba ang mga pinamili ko. Lumabas naman si Manang upang salubungin ako.

"Andyan ka na pala hijo. Sandali ipaghahain na kita. Kumain na kasi ako kanina, " sabi ni Manang.

"Hindi na po, Manang. Kumain na ako sa Mall tubig na lang po, " pigil ko dito nang akma itong papasok ulit ng bahay.

"Sya sige sige sandali, " sabi nito saka pumasok sa loob.

Isa isa ko namang hinakot papasok ng bahay ang mga pinamili ko at saka dinala sa kusina. Inilagay ko sa lalagyan ng bigas at hinayaan na si Manang mag-ayos ng iba.

Inabot ko ang baso ng tubig na binibigay ni Manang saka inubos ang laman niyon.

Pagkatapos ay nagpaalam na akong aakyat muna at magpapahinga.

Pagpasok sa kwarto ay agad akong nagpalit ng damit at saka nahiga sa kama. Nakakapagod din naman.

Napangiti ako ng maalala ang mukha ni Yassmin. Mukha syang anghel kanina kahit simple lang ang suot nitong mga damit. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa hindi magandang panaginip. Pawis na pawis ako at may luha sa pisngi ko. Napanaginipan ko na naman ang panloloko ni Aimy sakin.

Gabi na pala. It's almost 8:00 pm. Hindi ko na namalayan ang oras nang tagal ng pagtulog ko. Hindi ko din pala nabuksan ang aircon ko kaya pawis na pawis din ako.

Maya maya pa ay may narinig akong mahihinang katok sa pinto ng kwarto ko. Lumapit ako dito at binuksan.

Si Manang pala.

"Kakain na Hijo, " sabi nito.

"Sige po Manang susunod nalang po ako sa baba, " usal ko.

Tumango ito at saka umalis.

Sinarado ko ang pinto ng kwarto at nagpalit ng t-shirt. Pagkatapos ay bumaba na din ako para kumain.

"Manang pahatid po ng wine mamaya sa kwarto ko, " bilin ko dito nang nasa kalagitnaan kami ng pagkain.

"Sige sige hijo. Pero wag iinom ng masyado ha, " sabi nito sakin.

Tumango ako at saka tinapos ang pagkain ko. Pagkatapos ay nagpaalam na akong aakyat ulit ng kwarto ko.

Umupo ako sa study table ko at binuksan ang laptop ko. Madami pa akong tatapusing papers. Matapos ang isang oras na pagtatype ay sumandal ako sa swivel chair at saka tumingala.

Napaayos ako ng upo ng bumukas ng pintuan ng kwarto ko. Si Manang pala. Dala dala nito ang wine ko. Nasa tray ito na may kasama ng bucket ng ice at baso. Inilapag ni Manang sa may lamesita ko ang tray. May sofa at maliit na lamesita kasi sa kwarto ko. Bukod pa ang study table ko.

"Thanks, Manang." sabi ko dito.

Tumango ito at saka lumabas ng kwarto ko. Tumayo ako at nagsalin ng wine sa baso saka inubos agad ang laman nito. Nagsalin ulit ako at lumabas sa veranda ng kwarto ko. Pinatong ko sa grills ang dalawang braso ko at saka tumingala sa mga bituin.

Napalingon ako ng tumunog din ang sliding ng veranda ng katabing bahay namin. Magkatabi lang halos ang veranda namin kaya malalaman mo kung may taong lalabas mula dito.

Lumabas ang isang babae na naka roba lang at may dala ding baso ng alak. Halatang bagong ligo din ito dahil tumutulo pa ang buhok nito. Uminom ito ng alak at saka sumandal patalikod sa grills na bakal at saka nakatungong tinitigan ang baso.

Ganun na lang gulat ko ng lumingon ito sa gawi ko. Nagulat din ito ng makitang nakatingin ako. Pero mas nagulat pa ako ng makilala kung sino ang babae.

Yassmin...

*To be continued..

A/N: Please don't forget to Vote, Comment and Share. Your comments will be highly appreciated ❤️❤️


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C3
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ