ดาวน์โหลดแอป
91.07% Ikaw ang GHOST-2 Ko / Chapter 51: Chapter 50: Tulungan

บท 51: Chapter 50: Tulungan

ARIF'S POV

Tinanaw ko na lang ang papaalis na sina Maxine at Luna. Nagsabay na silang dalawa. Bigla akong napaseryoso at naisip muli 'yong mga sinasabi ni Luna kanina.

Flashback

"Arif, kung... kung may sekreto ka handa akong makinig sa'yo. Gusto kitang tulungan."

"Sekreto? Ano'ng ibig mong sabihin, Luna?"

"May itatanong ako sa'yo pero sana 'wag mong mamasamain."

"Sige lang."

"Mahal mo ba talaga ang kaibigan mong si... si L-Lawrence? Itinuring mo ba talaga siyang kaibigan? Ikaw... si Lawrence..."

"Huh?"

"Ang ibig kong sabihin, ikaw at si Lawrence para kayong magkapatid dati, di ba?"

"T-To answer your first question, yes, mahal ko si... Lawrence. Siya lang ang nag-iisa kong matalik na kaibigan. Itinuring ko rin siyang parang kapatid at sobra akong nalungkot no'ng nawala siya."

"Alam ko kung ano ang nararamdaman mo. Nawalan din ako ng mahal sa buhay. Arif,"

"Huwag mo sanang masamain pero kung sakaling ikaw kaya ang nawala no'ng araw nang aksidente at si Lawrence ang nabuhay tingin mo kaya magagawa din ni Lawrence ang ginawa mo?"

"Ano ba talaga ang gusto mong sabihin, Luna?"

"M-May isang tanong na lang ako para sa'yo. Ikaw... Ikaw ba talaga si..."

End of Flashback

"Alam na ba ni Luna? Hindi ka puwedeng maging hadlang sa buhay ko. Bakit ikaw pa, Luna?" Napatiim-bagang ako. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan siya. Sinagot din naman nito.

"Nico, alam na ni Luna ang tungkol sa pagkatao ko."

[ "Paano niya nalaman? Ano'ng gusto mong gawin ko sa kaniya, kuya?" ]

Oo, kapatid ko si Nico. Inilihim ko ito kay Arif at sa halos lahat ng tao. Ang totoo walang ibang nakakaalam na magkapatid kaming dalawa. Mas matanda lang ako ng isang taon sa kaniya. Anak siya ng papa namin sa ibang babae kaya inilihim na rin namin sa mga tao ang koneksyon namin sa isa't isa. Kaya naman ginagawa niya ang lahat para sa akin. Para hindi ako mapaalis sa katawan ni Arif.

"Wala kang gagawin kay Luna."

[ "Pero paano kung sabihin niya sa parents ni Arif ang totoo? Gagawin nila ang lahat para mapaalis ka lang sa katawan ni Arif, kuya. Ayokong mangyari 'yon. Kuya, tandaan mong wala ka ng... wala ka ng katawan na mababalikan. Hindi ako papayag na mapaalis ka sa katawan na 'yan. Gagawin ko ang lahat makasama lang ulit kita." ]

"Ang sabi ko 'wag mong gagalawin si Luna, Nico. Makinig ka sa akin ako ang gagawa ng paraan. Magtiwala ka sa akin."

[ "Kuya." ]

"Nico, ibababa ko na. Magkita tayo bukas sa school at pag-usapan natin ng personal ang tungkol dito." Binabaan ko na siya.

Bakit si Luna pa? Kung kailan napapalapit na ang loob ko sa kaniya.

Pagbaling ko sa may likuran nakita ko si Arif. Nakatayo siya hindi kalayuan sa pwesto ko at matamang nakatingin lang sa akin. Bahagya akong nanginig nang makita ko siya. Ngayon ko lang ulit siya nakita matapos ang nangyaring aksidente.

"Bakit ka pa bumalik? Wala ka na rin lang namang babalikan dito." Nginisihan ko siya. Wala naman itong ibang reaksyon at talagang nakatitig lang sa akin. Maya-maya napangisi din siya.

"Ako ba talaga 'yong walang babalikan... o ikaw?" Napawi ang ngisi sa labi ko. Tinitigan ko rin siya sa paraang nakikipagkompetensya.

"Magsaya ka na Lawrence. I-enjoy mo na ang paggamit sa katawan ko dahil hindi magtatagal at kukunin ko na rin sa'yo 'yan."

"Gawin mo kung magagawa mo. Pero bago mo makuha 'tong katawan mo sisiguraduhin ko muna na hindi mo na rin ito mapapakinabangan pa." Naglaban kami sa tingin. Hindi ako magpapatalo. Hindi ako maaaring umalis dito sa mundo. Hindi ko kaya. Hindi ako puwedeng mawala.

LUNA'S POV

Si Paulo naman ang naabutan ko dito sa salas nang makabalik ako ng dorm. Nilapitan niya ako.

"Saan ka nanggaling, bakla? Nag-lunch ka na ba?"

"Oo." Napaupo muna ako. Nakasunod lang naman si Paulo. Napabuntong-hininga ako.

"May problema ba?" Naupo siya sa may tabi ko.

"Si Arif... Si Lawrence... Hindi ko masabi-sabi sa kaniya 'yong mga gusto kong sabihin. Nanggaling ako sa bahay nila kanina at nakita ko na masaya naman siya at mukha namang mahal niya ang mommy ni Arif."

"Pero paano naman si Papa Arif? 'Yong totoong Arif, huh. Kawawa naman siya, di ba?" Napatingin ako kay Paulo.

"Ano'ng gagawin ko?"

"Eh, di 'yong tama ano pa ba! Tulungan mo si Papa Arif na makabalik na sa katawan niya. Tapos si Lawrence..." Sandali siyang natigilan. "Kailangan niyang tanggapin ang katotohanan na... na patay na talaga siya."

Bumalik sa isip ko ang reaksyon ni Arif kanina nang makita niyang umiiyak ang mommy nito.

"Alam ko na." Napatayo pa ako sa naisip ko.

"Ano'ng alam mo na?"

"Wala kang pasok, di ba?"

"Waley."

"Samahan mo 'ko may pupuntahan tayo. Bilis!"

"Saan?"

"Sumunod ka na lang." Hinila ko na siya.

Magkatabi kaming naupo ni Paulo. Nasa bahay kami ng isang espiritista ngayon. Naalala ko 'yong sinabi ni Cloud.

"Sa mundo niyo? Espiritista. 'Yong totoong espiritista na nakakapagpalayas ng mga kaluluwa."

Napabaling ako kay Paulo na siniko ako para makuha ang aking atensyon.

"A-Ano'ng ginagawa natin dito? Nakakatakot dito, bakla." bulong niya. Nasa harap lang kasi namin ang espiritista at nakatingin sa aming dalawa. Medyo nakakatakot siyang tingnan. Naka-fully black pa siya at ang sagwa ng make-up niya. Medyo madilim dito dahil nakakulong ang silid at puno pa ng mga makakapal na kurtina.

"Huwag ka na lang magulo. Manahimik ka na lang muna." Napatingin kami sa espiritista.

"Ahh... Gusto ko lang po sanang malaman kung... kung t-totoo po ba talaga kayong nakakakita ng mga kaluluwa?"

"HINDI KA BA NANINIWALA?!" Halos mapatalon pa kami ni Paulo sa bigla nitong pagtaas ng boses. Saglit kaming nagkatinginan ni Paulo. Nakakapit na siya sa akin.

"Sabi ko sa'yo umalis na tayo dito Luna eh."

"Sandali lang." Binalingan ko ang espiritista.

"Ako si Madam Bola Bola! Kilala ako sa lugar na ito bilang isang magaling na espiritista."

"E-Eh, makasingit lang ho, ano." si Paulo. Napatingin ang eapiritista sa kaniya gano'n din ako. "K-Kung ang pangalan niyo ho ay Bola Bola hindi po kaya bolahin niyo lang kaming dalawa?"

"Paulo." Saway ko sa kaniya.

"Sino ba itong atribidang bakla na 'to? Gusto mo bang ihiwalay ko 'yang kaluluwa mo sa katawan mo, huh?" Bigla namang natakot si Paulo.

"N-Naku hindi ho, madam! S-Sorry po! Hindi na ho ako iimik ulit, promise." Tiningnan ko si Madam Bola Bola.

"Pasensya na ho kayo sa kaibigan ko." Kinalma niya ang sarili saka ako naman ang binalingan.

"Ano ba talaga ang kailangan ninyo at naparito kayo dito sa aking bahay?" Napabwelo lang ako ng kunti at saka nagsalita ulit.

"May nangyayari po kasing kakaiba sa dalawang kakilala ko. Nasangkot po sila sa isang aksidente ilang buwan pa lang ang nakararaan. Namatay ho 'yong isa at nabuhay naman ang isa pa kaya lang po... maraming pagbabago ang nakita ng marami sa kaniya. Para bang bigla siyang naging ibang tao matapos ang aksidente. " Matamang nakikinig lang naman si Madam at saka si Paulo na wala na ngang imik at kibo. "Hanggang sa nitong nakaraan lang ho may nalaman ako tungkol sa kanilang dalawa. Kaya pala kakaiba na ang ikinikilos no'ng nabuhay ay dahil ho hindi na siya ito. 'Yong kaluluwa no'ng namatay napunta po sa katawan no'ng nakaligtas. Samantalang paggala-gala naman po ang kaluluwa no'ng may-ari ng katawan. Gusto ko pong malaman kung ano ang kailangang gawin upang makabalik ang kaluluwang 'yon sa totoo niyang katawan." Sandali siyang napaisip. Maya-maya may kinuha siyang maliit na piraso ng papel at saka iniabot sa akin.

"Isulat mo ang mga pangalan nila." Ginawa ko na lang ang iniuutos niya. Kinuha ko 'yong ballpen na nasa may gilid ng table at saka isinulat doon ang pangalan nina Arif at Lawrence. Iniabot ko kay madam Bola Bola pagkatapos. Sandaling pinagmasdan nito ang papel matapos ay ipinatong muna sa tabi ng bolang kristal nito. Hinawakan niya ang bolang kristal at saka napapikit. May mga binubulong-bulong siya na hindi ko naman maintindihan. Napatingin ako saglit kay Paulo na napatingin din sa akin. Muli kung binalingan si Madam Bola Bola na gano'n pa rin ang ginagawa. Pareho kaming nagulat ni Paulo nang biglang tumirik ang mga mata ni Madam Bola Bola. Napakapit pa sa akin si Paulo. Medyo gumagalaw pa ang mesa. Mas nagulat kami ni Paulo nang biglang mamatay ang ilaw. Napadikit na ng tuluyan sa akin si Paulo sa takot.

"L-Luna."

"H-Huwag kang maingay." Napalakas na ang boses ni Madam Bola Bola.

ARIF'S POV

"Mom, akyat lang ako sa room ko." We're at the living room. Nagbabasa ng magazine si mommy while nagsi-cellphone lang naman ako na inihinto ko na. Napatayo na ako.

"Sige."

Napahakbang na ako pero agad-agad ding napahinto. Parang bigla akong nanghina.

"Arif, what's wrong?" Agad akong nilapitan ni mommy at sinaklolohan. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko. Nanghihina ako.

"Ano'ng nangyayari sa'yo, anak? Maupo ka muna dito." Inalalayan ako ni mom na makaupo sa sofa. Napasandal agad ako habang sapo ko ang aking sintido.

"Ano'ng nangyayari? Kukuha lang ako ng tubig. Dito ka lang, huh? Mabilis lang si mommy." Nagmamadali na siyang umalis.

Ano'ng nangyayari sa'kin? Bakit ako biglang nanghihina?

Pagbalik ni mommy may dala na siyang tubig. Tinulungan niya akong makainom. Naupo siya sa may tabi ko pagkatapos.

"Okay ka na ba? Ano nang nararamdaman mo, huh?"

"I'm fine, mom."

"Tatawag ako ng doctor."

"No, mom. I'm okay."

Parang medyo naging ayos na ang pakiramdam ko. Nagtataka pa rin ako kung bakit.

LUNA'S POV

Maya-maya nahinto na siya sa pagsasalita. Napabaling kami sa paligid nang biglang sumindi ang ilaw. Nakamasid lang kami sa nangyayari. Sabay kaming napatingin ni Paulo sa espiritista. Napamulat na siya at direktang nakamasid sa amin.

"Mag-ingat kayong dalawa dahil nararamdaman ko na isa sa mga kaluluwang ito ay may dalang malakas na enerhiya. Maaari kayong mapahamak  sa kaniya. Sinubukan kong pasukin ang kalooban niya pero hindi ko nagawa. Malakas siya at matalino. Kung nagbabalak kayong paalisin ang kaluluwang 'yon sa katawan ng tao nasisiguro kong mahihirapan kayong gawin 'yon. Inangkin niya na ang katawan at hindi siya papayag na mawala ito sa kaniya."

"Wala na po bang puwedeng gawin para mapaalis siya sa katawan?" Hindi kaagad siya nakasagot. Napatayo ito at nilapitan ang isang maliit na cabinet. May kinuha siya doon at saka muling naupo. Pinagmasdan ko ang hawak niyang kwentas. Hindi ito pangkaraniwan. May nakalawit na krus sa ibaba nito. Binulungan niya ang kwentas saka iniabot sa akin.

"Heto." Kinuha ko sa kaniya nang iabot niya sa akin ang kwentas.

"Para saan ho ito?"

"Humanap ka ng pagkakataon na maisuot 'yan sa katawan ng pinagtataguan ng kaluluwang 'yon. Mapipilitan siyang umalis dahil may latin ang kwentas na 'yan. Hindi niya kayang tagalan."

"Salamat po."

Bumalik na kami ni Paulo sa dorm. Wala pa rin siyang kaimik-imik. Nagtuloy muna ako sa kwarto ko samantalang naiwan siya sa labas kasama sina Aliya.

Naupo ako sa may harap ng bulaklak. Kinuha ko sa aking bulsa 'yong kwentas na binigay no'ng espiritista. Muli ko itong pinagmasdan. Maya-maya napahinga ako nang malalim.

"I'm sorry Lawrence. Kailangan ko 'tong gawin para kay Arif at sa mga taong nagmamahal sa kaniya. Tama, kailangan ko 'tong gawin."

"Huy, inday, 'wag mong gawin 'yan kay papa Lawrence." Gulat akong napatingin sa isang maliit na babaeng biglang sumulpot sa mesa. Mukhang hindi ito tao.

Demonyo?

Nakasuot ito ng lubos pula at nakasuot ng itim pa rin na sombrerong patusok.

"Duwende ka ba o mangkukulam?"

"Ikaw ang bahala kung ano'ng gusto mong itawag sa'kin. Basta huwag mong sasaktan si Lawrence. Hayaan mo na siya sa katawan ni Arif."

"Huwag kang makinig sa kaniya, Luna." Nagulat ako nang muling may sumulpot na babaeng maliit din. Parang kasing laki lang sila ng hinlalaki ko. Ito naman ay nakasuot ng lubos puting kasuotan.

"Kailangan mong tulungan si Arif na makabalik na sa katawan niya sa lalong madaling panahon."

"Sa akin ka makinig, Luna." Napatingin ako sa naka-pula.

"Hindi mo ba napansin kung gaano kasaya si Lawrence sa kung ano'ng meron siya ngayon? Hindi mo naman siguro kayang sirain 'yon, di ba?"

"Luna, hindi kay Lawrence ang katawan na 'yon." Napabaling naman ako sa kabila.

"Hindi deserve ni Lawrence ang kung ano'ng meron siya ngayon dahil kay Arif lahat 'yon. Kailangan niyang makaalis kaagad sa katawan ni Arif dahil kung hindi baka..."

"Ayshshshsh! Huwag ka ng magsalita, okay. Luna, huwag ka na kasing makialam sa kanila. Mind your own business na lang, gurl. Alam mo baka mapahamak ka lang kapag nangialam ka pa." Napabaling ulit ako sa nakaputi.

"Kung hindi makakaalis kaagad si Lawrence sa katawan ni Arif ay ano'ng mangyayari?"

"May paparating." Bigla na silang naglaho pareho.

"Teka hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."

"Sino'ng kausap mo?" Napatingin ako sa nagsalita.

"Cloud. Sky." Sila palang dalawa ang paparating. Paano nila nalaman 'yon?

"Ano'ng ginagawa niyo rito?"

"Napadaan lang kami."

"Ahh."

"Ano 'yang hawak mo, Luna?" tanong ni Sky. Napatingin ako sa hawak kong kwentas.

"Huh? I-Ito? Ahh... Ano, b-binili ko lang diyan sa labas. Souvenir. Tama, ibibigay ko kay mama pag-uwi ko kasi mahilig 'yon sa mga ganitong kwentas eh." Naiilang na lang akong napangiti. Agad-agad kong nilagay sa bulsa ang kwentas.

"Okay ka lang, Luna?" tanong ni Cloud na nakamasid lang sa akin.

"O-Oo naman." Naupo si Sky sa may harap ng salamin.

"May... May itatanong sana ako sa inyo eh."

"Ano 'yon?" si Sky.

"A-Ano ba ang... mangyayari kapag hindi kaagad nakabalik sa katawan ang isang kaluluwa?"

"Depende." Napatingin ako kay Cloud.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.

"Kapag ang kaluluwa ay naligaw at ang katawan nito ay in a coma state lang may pagkakataon pa itong makabalik sa katawan niya. Pero kapag ang katawan ng isang kaluluwa ay inangkin ng ibang kaluluwa ang totoong nagmamay-ari sa katawan ay bigla na lang magiging abo. Kaya kailangan nitong makabalik kaagad sa katawan niya sa lalong madaling panahon."

"Huh?" bulalas ko. Nagulat talaga ako sa sinabi niya. Nagulat din sila sa reaksyon ko.

"Magiging abo?"

Ito ba 'yong dapat na sasabihin sana no'ng nakaputi kanina?

"Bakit Luna?" si Sky. Pareho silang nagtaka sa reaksyon ko.

"Gaano kabilis dapat makabalik ang kaluluwa sa katawan nito para hindi sila maging abo?"

"Gaya ng sabi ko kanina dapat makabalik ang kaluluwa sa katawan nito sa lalong madaling panahon. Sa loob ng tatlong araw maaari na siyang maglaho." Natigilan ako sa sinabi ni Cloud. Hindi ko alam na gano'n pala ang mangyayari.

"Luna, okay ka lang?" Napatingin ako kay Sky.

"O-Oo naman."

Nakaalis na at lahat sina Sky at Cloud ay hindi pa rin ako mapakali dito sa kwarto ko. Pabalik-balik ako sa paglalakad dito habang nag-iisip kung ano na ang sunod kong gagawin. Kailangan ko na talagang gumawa ng aksyon. Napahinto ako nang may bigla akong naisip.

"Si Maxine." Kinuha ko agad ang cellphone ko at tinawagan siya. Siya ang makakatulong sa akin ngayon.

[ "Hello? Luna." ]

"Maxine, magkita tayo may mahalaga akong sasabihin sa'yo."

[ "Okay." ]

"Sa school na lang tayo magkita. Sa mini."

[ "Okay. I'll be there in a minute." ] Binabaan niya na ako. Hindi na siya nagtanong pa pero alam kong curious siya sa sasabihin ko.

Paglabas ko ng kwarto nakita ko silang lahat sa may salas na nagkukwentuhan lang naman. Medyo maaga pa kasi para sa hapunan. Tuloy-tuloy na sana ako sa paglalakad palabas nang tawagin ako ni Paulo kaya napabaling ako sa kanila.

"Luna, sa'n ka pupunta, aber?"

"May kakausapin lang ako. Babalik din ako agad." Nagmamadali na akong umalis. Hindi ko na pinansin ang pagtawag muli ni Paulo.

Nagtuloy na ako sa school. Medyo marami pa rin ang mga estudyante dito. Nagpunta na ako sa may mini at nakita ko si Maxine na nakapwesto sa may gilid dito sa may unahan lang ng mini forest. Kumaway siya sa akin kaya napalapit na ako.

"Hi."

"Hi." Naupo ako sa may katapat na sementong bangko.

"Nagdala ako ng coffee for us. Here." Inabutan niya ako ng isa na kinuha ko naman.

"Thank you." Ibinaba ko muna ito at saka siya hinarap.

Sasabihin ko na ba sa kaniya? Baka makatulong siya sa akin at saka wala na akong choice. Kailangan ko ng matulungan si Arif.

"Luna, are you okay?"

"Oo."

"Anyway, alam mo nagtataka pa rin ako about do'n sa binigay mong canvas sa akin eh. I know it was made by Arif but ang ipinagtataka ko lang eh kung bakit parang hindi alam ni Arif na binigyan niya ako no'n. I asked him earlier but don't worry it's not a direct question kaya hindi niya nalaman ang tungkol sa canvas." Napahinga muna ako ng malalim.

"Maxine, may mahalaga akong sasabihin sa'yo pero mangako ka sa akin na wala kang pagsasabihan nito. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko kaya minabuti ko ng sabihin sa'yo kasi naisip ko na baka ikaw ang makatulong sa akin."

"When you called me earlier at sinabi mong may mahalaga kang sasabihin sa akin nagmadali na agad akong makarating dito. Habang nasa kotse ako iniisip ko pa rin kung ano 'yong sasabihin mo. But Luna you can trust me. What is it?" Napainom muna siya saka ako binalingan.

"T-Tungkol 'to kay... Arif." Nangunot ang noo niya.

"Kay Arif? What about him?" Saglit akong natigilan samantalang naghihintay lang naman si Maxine sa kung anuman ang sasabihin ko.

"Ang nakakasama nating Arif ay hindi talaga si Arif, Maxine. Siya si Lawrence. Nasa katawan siya ngayon ni Arif, Max. Sumanib siya sa katawan ng kaibigan mo. No'ng naaksidente silang dalawa namatay si Lawrence kaya sinaniban niya ang katawan ni Arif habang may pagkakataon pa siya. Kaya ang nasa katawan ngayon ni Arif ay walang iba kundi ang matalik niyang kaibigan na si Lawrence." Pinagmasdan ko ang reaksyon ni Maxine. Bigla siyang natigilan sa sinabi ko. Sini-sink in niya pa marahil sa isip nito ang mga sinabi ko. Hinagilap niya muna ang kape at napainom. Hinarap niya ako ulit.

"S-Si Arif ay... ay si L-Lawrence? Luna, totoo ba 'yang mga sinasabi mo?" Napatango lang ako.

"I-It's impossible."

"Totoo lahat ang mga sinabi ko, Maxine. Sinabi ko 'to sa'yo kasi kailangan ko ang tulong mo. Kapag hindi nakabalik si Arif sa katawan niya sa loob ng tatlong araw magiging abo siya."

"What?" bulalas niya.

"Three days lang?" Napatango ako.

"Y-You mean nakakausap mo ang totoong Arif?"

"Oo. Ako man nagulat din sa mga natuklasan ko. Maxine, kailangan nating matulungan kung gusto pa nating mabuhay ang totoong Arif. Kailangang umisip tayo ng paraan kung paano natin makakaharap ng maayos si Lawrence."

"Ako na ang bahala do'n, Luna. I need to help my bestfriend." Kinuha ko 'yong kwentas sa bulsa ko at ipinakita kay Maxine.

"What's that?"

"Nanggaling ako kanina sa isang espiritista para humingi ng tulong. Ibinigay niya 'to sa akin. Kailangan daw na maisuot ko 'to sa katawan ni Arif ng sa gayon ay mapaalis natin si Lawrence. Maxine, humanap ka ng chance na makausap natin si Lawrence para magawa natin ang plano. Kailangan si Lawrence lang ang nando'n."

"Bukas aayain ko siyang makipagkita sa akin. Sasabihan na lang kita, Luna."

"Sige." Pareho kaming napainom ng kape.

CLOUD'S POV

Nagtuloy kami sa Hardin at nilapitan si Azine na nakaupo sa isang tabi.

"Kumusta ka naman dito?" Tanong ko sa kaniya. Kahit sobrang ganda nitong Hardin mukha pa rin siyang bored.

"Sobrang bored ko na dito."

"Huwag ka ng ma-bored, Azine. Malapit ka naman ng umalis dito."

"One week na lang, di ba? Bro, mami-miss ka namin." si Sky. Niyakap pa niya si Azine.

"Syempre mami-miss ko rin naman kayo. Pagbutihin niyo na lang ang misyon niyo para maging tao na rin kayong dalawa. Sana lang magkita pa rin tayo sa lupa bilang mga tao."

"Hindi naman imposible 'yon eh." sabat ko. "Walang imposible sa Boss natin. Basta mag-behave ka na lang dito, Azine. Huwag ka ng gagawa ng ikakapahamak mo lalo na at malapit ka ng makabalik sa katawan mo. Hayaan mo na lang na kami ang tumulong kay Luna." Biglang natigilan si Azine nang banggitin ko ang pangalan ni Luna.

"K-Kumusta na nga pala si Luna?"

"Kunyari ka pang hindi mo alam eh samantalang palagi mo nga siyang nararamdaman dahil sa bulaklak na binigay mo sa kaniya." singit ni Sky. "Kung tutuusin nga pwede mo siyang makausap sa pamamagitan no'n eh pero bakit 'di mo ginagawa?" Bigla namang nalungkot si Azine. Halatang miss na miss na niya si Luna.

"Ayokong subukan kasi baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na magpakita sa kaniya."

"Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ni Sky, Azine." Pinasaringan ko si Sky na pasimuno na naman sa panunukso kay Azine. Mamaya niyan gawin nga 'yon ni Azine sa sobrang pagka-miss kay Luna.

"Nakausap namin si Luna kanina." Napatingin sa akin si Azine.

"Ang dami niyang tanong tungkol sa kaluluwang nawalay sa katawan at sa kung papaano ito muling makababalik."

"Oo nga." si Sky.

"Pakiramdam ko may itinatago siya at hindi sinasabi sa amin."

"You're right." Napatingin kami kay Sky na nagtataka din marahil sa mga ikinikilos ni Luna.

"Hindi kaya may alam si Luna sa kaluluwang hinahanap natin? Hindi kaya 'yong hinahanap natin eh kilala ni Luna?" Pare-pareho kaming napaisip.

Meron nga kaya siyang alam tungkol do'n?

"May plano ako." Napatingin sila pareho sa'kin.

_______________________________________________________

Chapter end... See yah! 💙💙💙


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C51
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ