ดาวน์โหลดแอป
66.07% Ikaw ang GHOST-2 Ko / Chapter 37: Chapter 37: He's alive

บท 37: Chapter 37: He's alive

LUNA'S POV

"Azine." Napabangon ako at tiningnan si Azine. Akala ko iniwan niya na ako. Nakita ko siyang nakaupo sa may tabi ko.

"Akala ko iniwan mo na ako."

"Sabi ko sa'yo na babantayan kita, di ba?" Bahagya akong napangiti.

"Sigurado ako na gutom ka na dahil ilang araw ka ng hindi masyado kumakain. Bumaba ka na dahil ipinagluto ka ng mama mo ng hapunan."

"Aalis ka na?"

"Oo, may gagawin pa kasi ako. Babalik na lang ako mamaya." Napatango na lang ako.

"Halika na." Tinulungan niya akong makababa sa kama. Tiningnan ko muna siya.

"Sige na." Saka ako lumabas na ng kwarto. Nakasalubong ko naman si Kuya na papunta yata sa kwarto ko.

"Gising ka na pala. Halika na sa baba dahil kakain na tayo." Sumama na lang ako kay kuya.

Pagkababa namin kakatapos lang ni mama makapaglagay ng mga pagkain sa mesa.

"Luna." Nilapitan ako ni mama.

"Maupo ka na dito." Naupo ako sa dati kong upuan katabi niya. Si kuya naman ay sa katapat na bangko ni mama umupo.

"Heto kumain ka na, anak. Kumain ka ng marami, huh?" Inabutan ako ni mama ng mga paborito kong pagkain isa na ang chicken joy.

"Thanks, 'ma."

"You're always welcome, anak. Von, damihan mo rin ang kain. Niluto ko talaga ang mga paborito niyo para naman ganahan kayong dalawa sa pagkain."

"Ma, kumain ka na rin." si Kuya.

"Oo kakain na ako." Naupo na si mama. Kumuha ako ng chicken joy at kumain. Ayoko namang sayangin ang effort ni mama para lang ganahan kumain kami. Maya-maya napatingin ako sa upuan ni Lola Cora. Nami-miss ko na kaagad siya.

"Luna." Napatingin ako kay mama at kay kuya na nakatingin din sa akin.

"Kumain ka na lang muna, anak, huh?" Malambing na sabi ni mama.

"Opo." Pinunasan ko ang luhang biglang pumatak sa pisngi ko. Sinubukan ko na lang kumain.

Matapos kumain paakyat na sana ako ng kwarto nang tawagin ako ni mama na nasa living room. Napabaling ako sa kaniya.

"Gusto kang makausap ng papa mo." Napalapit na lang ako kay mama. Si kuya naman ay nasa kwarto at nagsha-shower. Ibinigay niya sa akin ang cellphone. Napatingin muna ako kay mama bago ko kausapin si papa. Tipid niya akong nginitian.

"Pa." Pinigilan ko ang sarili ko na maiyak na naman.

{ "Luna." } Nanginginig ang boses ni papa pero alam kong kahit gustong-gusto niya ng uniyak ay hindi niya gagawin sa harap ko at kahit sa telepono.

{ "Hindi nakauwi ang papa kasi..." }

"Pa, hindi niyo na ho kailangang magpaliwanag sa akin. Naiintindihan ko ho ang sitwasyon niyo diyan. Sayang nga lang ho at hindi kayo nagkita ni lola sa huling pagkakataon. Pero alam ko papa na naiintindihan ka ni Lola Cora."

{ "Salamat, anak. Pakatatag ka 'nak, huh? Makakauwi rin si papa diyan." }

"Hihintayin kita, 'pa. Miss na miss na po kita."

{ "Miss na miss na rin kita, anak." } Binigay ko na kay mama ang telepono at saka umakyat sa kwarto ko. Sumasakit na kasi ang dibdib ko dahil sa pagpipigil ng iyak. Napasandal lang ako sa sinarado kong pinto at umiyak. Miss na miss ko na papa ko eh. Ni wala kami doon para damayan siya.

"Ano'ng nangyari?" Napatingin ako kay Azine na agad lumapit sa akin. Tiningnan ko lang siya.

"Luna." Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko.

"May nangyari bang hindi maganda?" Tumigil na siya sa pagpupunas ng luha ko.

"Bakit nandito ka pa rin?"

"Alam ko kasi na kailangan mo ng karamay kaya hindi ako umalis."

"Thank you, Azine."

"Halika nga muna dito." Inalalayan niya ako hanggang sa makaupo sa kama.

"Ikukuha kita ng tubig." Tinalikuran niya na ako at saka agad na napahinto. Napatingin din ako sa kaniya. Dahan-dahan namang bumaling sa akin si Azine.

"Uhm... hindi nga pala ako..." Natawa ako ng bahagya kahit umiiyak ako. Napalapit na lang siya at naupo sa bangko.

"Napatawa kita."

"Nakakatawa ka kasi." Kinalma ko na lang ang sarili ko. Nakatingin lang siya sa akin.

"Alam ko mahirap maka-move on sa pagkawala ng lola mo pero naniniwala ako na malalagpasan mo rin 'yan, okay? Kaya 'wag ka ng masyadong umiyak baka makasama pa sa'yo."

"Azine, thank you, huh."

"Para sa'n?"

"Sa lahat-lahat. Palagi kang nandiyan kapag may problema ako at hindi mo ako iniiwan. Sana palagi na lang tayong ganito." Bahagyang napatawa si Azine.

"Gusto mo na palagi tayong ganito?"

"O-Oo. Ayaw mo ba?"

"Hindi naman." Napatayo si Azine at naupo sa tabi ko. Nakatingin lang ako sa kaniya.

"Ayaw mo ba na palagi akong nasa tabi mo... bilang isang buhay?" Nangunot ang noo ko. Bigla kong naalala ang lahat ng natuklasan ko tungkol kay Azine. Napangiti ako ng maluwang.

"'Yan ang gusto kong makita sa mukha mo, Luna. Dapat palaging ganiyan, ah. Palaging kang ngingiti at tatawa."

"Hindi."

"Huh?"

"Azine, buhay ka." Nangunot ang noo niya.

"Luna, ano'ng sinasabi mo? Isa akong kaluluwa."

"Hindi Azine nagkakamali ka. Buhay ka!" Nayakap ko siya bigla sa sobrang saya. Dahil sa pagkamatay ni Lola Cora nakalimutan ko na tuloy ang tungkol kay Azine. Bumitaw din naman ako kaagad kay Azine.

"Luna, are you okay?" Hindi pa rin siya makapaniwala. Napatayo ako at hinagilap ang cellphone ko na nakapatong sa side table. Hinanap ko 'yong picture na pinasa sa akin ni Tita Kriztine saka ako lumapit sa kaniya at ipinakita ang picture.

"Tingnan mo, hindi ba ikaw 'to? Buhay ka pa Azine at kilala ko ang family mo. Miss na miss ka na nila."

AZINE'S POV

Hindi agad ako nakapagsalita. Natigilan ako nang makita ko ang picture na nasa cellphone ni Luna.

'Paano nangyari 'to? Bakit? So, all these time buhay pala ako?'

Napatayo ako habang nakatingin pa rin sa cellphone.

"Buhay ka, Azine." Napatingin ako kay Luna. Halatang masayang-masaya siya. Kaya niya pala ako tinatawag no'ng nakaraan. Natigilan si Luna at napalapit sa akin.

"H-Hindi ka ba masaya na buhay ka?" Napailing ako. Ang totoo hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

"Hindi....Hindi lang ako makapaniwala. Pa-Paano nangyari 'to? Ako ba talaga 'yang nasa picture na 'yan? Baka... Baka..."

"Azine, ikaw 'to. Nakausap ko na ang family mo at sa kanila na mismo nanggaling na ikaw 'to. Lahat ng sinabi mo sa akin dati tungkol sa'yo lahat 'yon alam nila. Si Maxine alam din nila na siya ang girlfriend mo. Ikaw 'to, Azine." Tumulo ang luha sa pisngi ko na agad ko namang pinunasan.

"B-Buhay ako?"

"Buhay ka!"

"As in buhay?" Hindi talaga ako makapaniwala.

"Buhay na buhay, Azine. Buhay ka! Buhay, buhay, buhay, bu-" Niyakap ko ng mahigpit si Luna. Masyaang-masaya ako na malamang buhay pa pala ako. Hindi ko 'to inaasahan.

'Buhay pa ako!'

Bumaba na si Luna dahil sinundo siya ng kuya niya dito sa kwarto para kumain. Dahil sa balitang buhay ako medyo naging okay naman kahit papaano si Luna. Napaharap ako sa bulaklak. Napangiti ako.

'Paano nangyaring buhay pa ako?' Kailangan 'tong malaman nina Sky at Cloud kasi hindi ko talaga alam ang gagawin ko.

Naglaho na ako dito sa kwarto ni Luna at nagpunta sa Hardin ni Eva kung saan naro'n ang dalawa. Nilapitan ko kaagad sila.

"Galing ka kay Luna, ano?" Nakangiting tanong ni Sky.

"Uy, kumusta pala 'yon?"

"She's trying to be fine. By the way, may sasabihin ako sa inyong dalawa."

"Ano 'yon?" Nakangunot-noong tanong ni Sky. Parang naging interesado na sila sa sasabihin ko. Napatighim muna ako at napaisip kung sasabihin ko ba sa kanilang dalawa.

"Huy, ano 'yon? Huwag mo naman kaming bitinin." si Sky.

"Siguro mahalaga 'yan, ano? Sabihin mo na baka may maitulong kami ni Sky." Bumwelo lang ako ng kunti.

"Nalaman ko kay Luna na..."

"Na?" both of them.

"Na buhay pa pala ako." Hindi kaagad sila nakasagot at pilit inisip pa ang sinabi ko.

"What?" si Cloud na hindi makapaniwala.

"Are you serious?"

"Hindi...Hindi nga rin ako makapaniwala eh.  Si Luna lang ang nakakaalam na buhay ako at may proweba siya. I didn't believe her, too." Napaupo ako sandali.

"That's not impossible. Alam mo may mga ganiyang cases talaga sa mga kagaya nating spirits na eh pero bago tayo maniwala let's see your living body first. Hindi natin alam baka kamukha mo lang 'yon or ikaw ba talaga 'yon." Paliwanag ni Cloud.

"Samahan niyo ako. At sana 'wag na lang muna 'tong kumalat sa iba."

"Sure, sasamahan ka namin." si Sky na ang sumagot.

"Kailan ba?"

"Si Luna ang nakakaalam kaya siya na lang ang tatanungin ko. Sa ngayon kasi nagluluksa pa siya sa pagkawala ng lola niya."

"Sabihan mo na lang kami." si Sky. Napatango na lang ako. Nagkaroon ako ng kahit kunting pag-asa.

LUNA'S POV

"Kumain ka pa, 'nak." Inabutan ako ni mama ng friend chicken na kinuha ko naman sa kaniya.

"Ma, bukas pala kailangan ko ng bumalik sa Maynila. Nagpa-book na ako ng plane ticket kanina." Pareho kaming napatingin kay kuya.

"Bakit ang bilis naman, Von? Kakalibing lang ng lola mo, ah."

"Ma, kailangan na kasi ako sa ospital eh. Marami kong naiwang pasyente and for sure naman naiintindihan ako ni lola Cora." Napabuntong-hininga na lang si mama.

"Sige na nga ikaw ang bahala." Napahinto ako sa pagkain.

"Kuya, sasama ako sa'yo pabalik sa Maynila bukas." Sila naman ang napatingin sa akin. Napahinto na rin sila sa pagkain. Nangunot ang noo ni mama.

"Bakit, 'nak?" Mukhang alam naman na ni Kuya ang nasa isip ko.

"M-May kailangan lang ho akong gawin, 'ma."

"Ano?"

"Mama, hayaan na lang natin si Luna nando'n naman ako para tingnan siya. Magpapa-book na lang ako ng ticket para sa'yo, Luna."

"Ilang araw? May pasok ka, Luna."

"Babalik din ho ako agad." Kumain na lang ako. Hindi naman na sila nagtanong pa.

Matapos naming kumain umakyat na muna ako sa kwarto ko. Nabungaran ko si Azine na nakaupo sa bangko.

"Nandito ka pa rin pala." Napatayo siya.

"Oo."

"Azine, bukas babalik na ng Maynila si Kuya Von. Ang sabi ko sa kaniya sasama ako para dalhin ka sa pamilya mo."

"Sasama ka? I mean kasi di ba nagluluksa ka pa sa pagkawala ng lola mo tapos ako pa 'yong inaasikaso mo. Nakakahiya na sa'yo, Luna. Sabihin mo na lang sa akin ang address tapos ako na lang ang pupunta do'n." Naupo muna ako sa kama bago siya sagutin.

"Okay lang ako, Azine. Magaan na rin ang loob ko dahil nakita ko siya bago umalis. Ngayon ko na-realized ang halaga ng third eye." Bahagya siyang napangiti. Tiningnan niya ako.

"Sige, ikaw ang bahala." Naupo ulit siya sa bangko.

"Bukas tawagin mo lang ang pangalan ko at darating ako, Luna." Napatango na lang ako.

Umalis na si Azine kasi may susunduin siya. Nandito pa rin ako sa kwarto ko. Nahinto ako sa pagmumuni-muni nang mag-ring ang phone ko na nasa side table. Napatayo ako at kinuha. Si Je.

KINABUKASAN.

"Bye mga anak. Von." Niyakap ni mama si Kuya Von. Nandito kami sa Gasan Airport at inihatid kami ni mama. Wala kasing dalang kotse si Kuya. 

"Mag-iingat kayo, huh? 'Nak." Nilapitan ako ni mama at niyakap din.

"Pagkatapos mong gawin 'yang sinasabi mo balik ka agad dito, huh? Ingat ka do'n."

"Opo, 'ma." Kumawala rin naman siya. Si Kuya na ang nagdala ng gamit ko kasi isang bag lang naman.

"Alis na kami, 'ma. Ingat ka din dito."

"Oo naman. Tawagan niyo ako kapag nakarating na kayo ng Maynila. Von, itong kapatid mo bantayan mo, huh? Pauwiin mo agad 'to kasi may pasok pa 'to."

"Yes, mama. We have to go."

"Sige. Sige. Ingat! Bye!" Pumasok na rin kamu ni Kuya sa loob.

MAXINE'S POV

Pabalik na kami ng classroom nang makasalubong ko dito sa hallway ang mga friends ni Luna. Hindi pa rin siya pumapasok. Napatingin sila sa akin at napangiti kaya ginantihan ko na lang. Napalapit na sila sa may amin.

"Hi!" Awkward silang bumati sa akin.

"Paulo and Jedda, right?"

"Oo." Sagot nito ni Paulo.

"Kumusta na si Luna?"

"Si Luna okay naman siya." sagot nitong si Jedda  Napatango-tango ako.

"Kailan kaya siya papasok? Nakaka-miss lang kasi siyang kakwentuhan at isa pa may practice nga pala kami ng volleyball."

"Hindi kasi namin alam kung kailan papasok si Luna Maxine eh." si Jedda ulit.

"Babalik kasi ulit siya sa Manila ngayon." Siniko ni Jedda anf katabing si Paulo. Nangunot ang noo ko pero saglit lang.

"Pupunta ng Manila si Luna? Why?"

"May aasikasuhin lang siya. Maxine, alis na kami ah. Tara na, Paula." Hinila na niya si Paulo papalayo. Nahabol ko na lang sila ng tingin.

'Anong gagawin ni Luna sa Manila? Parang may secret sila eh. Ano kaya 'yon?'

"Bakit mo ba kinakausap ang mga 'yon, Max?" inis na tanong ni Reanne.

"Oo nga. Ewan ko ba dito kay Max." si Joyce. Tiningnan ko sila.

"Let's go."

JEDDA'S POV

Pagkalayo namin kay na Maxine napahinto muna ako dito sa may shed sa labas at hinarap si Paulo.

"Bakit mo pa binanggit sa mga 'yon na pa-Manila si Luna?"

"Bakit ba?"

"Alam mo namang wala akong tiwala sa mga 'yon. Mamaya niyan magtanong pa nang magtanong ang mga 'yon nakita mo naman siguro kung paano nangunot ang noo ni Maxine kanina."

"Sorry na hindi na mauulit. Eh, ano ba kasi ang ang napag-usapan niyo ni Luna kanina? Ang sinabi mo lang sa akin kanina ay babalik siya sa Maynila pero bakit? Hindi na niya maiwan si Niel?"

"Gaga!" Napasaringan ko na lang siya. Naalala ko 'yong pag-uusap namin ni Luna kanina no'ng tinawagan ko siya.

FLASHBACK

{ "Je." Medyo matamlay pa rin ang boses niya.

"Luna, musta ka na?"

{ "Okay naman ako. Nasa school ka?"}

"Oo, katatapos nga lang ng klase. Pinapakamusta ka nga rin pala ng buong klase."

{ "Salamat kamo sa kanila pero okay lang naman ako. Mabuti napatawag ka kasi may sasabihin sana ako sa'yo eh." }

"Ano 'yon?"

{ "Kasi sasama ako kay Kuya Von bukas pabalik sa Maynila." } Nangunot ang noo ko.

"Bakit?"

{ "Je, makinig ka sa sasabihin ko. Si Azine, 'yong kaluluwang tinutulungan ko na girlfriend ni Maxine... buhay siya. Ako mismo ang nakakita sa kaniya, Je. Isa siya sa mga pasyente ni Kuya Von do'n sa Maynila. Babalik ako para malaman kung paano ko matutulungan si Azine. Aalamin ko kung paano babalik ang kaluluwa niya sa katawan nito." } Gosh! Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni Luna ngayon. Pakiramdam ko nasa pelikula ang buhay ko.

{ "Je, andiyan ka pa ba?" }

"O-Oo, Luna. Sorry, hindi kasi ako makapaniwala sa sinabi mo sa akin eh. Totoo ba 'yan?"

{ "Oo. Ako nga rin eh hindi halos makapaniwala sa nalaman ko. Babalitaan ko na lang kayo sa mga mangyayari pa. Je, 'wag mo na lang maikwento sa iba, huh?" }

"Oo naman makakaasa ka. Paano hindi ka na namin maihahatid sa airport bukas kasi may class kami eh."

{ "Okay lang 'yon." }

END OF FLASHBACK

"Huy, bakla, ano? Natulala ka na diyan. Bakit nga babalik si Luna sa Manila?" Atat talaga 'tong si Paula.

"Oo na ikukwento ko na sa'yo pero mangako ka na secret lang natin 'to, huh? Dahil kung hindi ako naman ang malalagot kay Luna."

"Oo naman, bakla ka para namang hindi mo ako kilala."

"'Yon na nga eh kilala kita at alam kong daldalera ka."

"Eyy! Dali na kwento ka na."

"Dito talaga? Tara hanap muna tayo ng makakainan."

"Okays!"

LUNA'S POV

Gabi na nang magtungo kami sa bahay nina Tita Kriztine kasama si Kuya. Nag-report kasi muna ito sa ospital. Sumalubong sa amin ang mag-asawa kasama si Kuya Julius. Lumapit kaagad sa akin si tita Kriztine.

"Von, ija, condolence sa inyong dalawa. Kumusta ka na, Luna?"

"Okay naman po ako, tita."

"Condolence, Von, Luna." si Tito.

"Condolence sa inyong dalawa." si Kuya Julius.

"Ijo, ija, pasensya na at hindi man lang kami nakapunta sa lugar ninyo para makiramay."

"It's okay, Tita. Alam ko naman na hindi niyo pwedeng iiwan si Nizu dito."

"Salamat, Von." Hinrap ako ni Tita.

"Ija, salamat at bumalik ka dito sa amin. S-Si... Si Nizu kasama mo ba siya? Nandito ba ang anak namin ngayon?" Napatingin silang lahat sa akin. Ang totoo niyan hindi ko alam kung nasaan si Azine ngayon pero gaya ng sabi niya...

"Bukas tawagin mo lang ang pangalan ko at darating ako, Luna."

Hindi agad ako nakasagot sa kanila.

'Azine, magpakita ka sa akin. Nasa harap ko ngayon ang pamilya mo. Azine. Azine.'

May naramdaman akong kaluluwa sa likuran kaya napatingin ako.

"Azine." Napatingin na rin silang sa tinitingnan ko. Nakatayo si Azine hindi kalayuan sa may kinatatayuan namin. Nakamasid lamang siya kay na Tito, Tita at Kuya Julius. Napatingin ako kay na Tita Kriztine. Napatingin siya sa akin.

"Nandito na ba siya? Mangiyak-ngiyak na tanong ni Tita. Napatango lang ako. Napabaling ulit siya sa pwesto ng hindi nila nakikitang si Azine at bahagyang napahakbang.

"A-Anak? Nizu? Naririnig mo ba ako? Anak, miss na miss ka na ni mommy." Tahimik lang ang tatlo. Tiningnan ko si Azine. Wala siyang imik pero palagay ko ang gaan ng loob niya sa mga ito. Halatang medyo nagpipigil lang din siya ng damdamin. Napatingin siya sa akin.

"Nasa'n ang katawan ko, Luna?" tanging tanong niya.

"Tita, hinahanap ni Azine ang kaniyang katawan." Napatango-tango si Tita Kriztine.

"Sumunod ka sa akin anak. Dadalhin kita sa katawan mo, huh?" Nauna na si tita paakyat. Sumunod si Azine kaya sumunod na rin ako sa kaniya. Naramdaman ko ang pagsunod nila sa likuran ko.

AZINE'S POV

Napahinto ako nang pumasok ang ginang sa isang kwarto. Hindi ko pa masabi kung sila nga ang pamilya ko pero kanina nang makita ko sila ang gaan talaga ng pakiramdam ko. Kanina pa binubundol ng kaba itong puso ko.

'Azine.' Napatingin ako kay Luna na nasa may gilid ko.

'Kaya mo 'yan. Nandito lang ako." Nginitian ko siya ng bahagya at saka napabaling sa nakabukas na pinto.

Pagpasok ko ay isang kama ang nabungaran ko sa isang gilid at doo'y may nakahigang isang lalaki. Maraming nakasaksak na medical equipment sa kaniya. Pero hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Dahan-dahan akong napalapit sa kaniya at nang makalapit ako ay hindi ko na maalis ang paningin ko sa lalaking nakahiga. Hindi ako pwedeng magkamali, ako ang lalaking ito.

'Buhay pa nga ako! Paano 'to nangyari?' Napatingala ako. 'Ama, ano'ng plano niyo sa buhay ko?' Sobrang saya ko sa mga oras na ito. Hindi ako makapaniwala na nangyayari ito sa akin.

Maya-maya nasapo ko ang ulo ko. Hindi ko alam pero bigla na lang parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit. Halos mapayukod na ako sa sobrang sakit.

"Azine! Ano'ng nangyayari?" Nakalapit agad sa akin si Luna at sinaklolohan ako.

"Ang sakit!" Sapo ko pa rin ang ulo ko na kumikirot.

"Ahhhh!"

"Azine. Ano'ng nangyayari sa'yo?" Nag-panic na rin ang mga kasama namin dito. Napaluhod na ako sa sahig.

"Ahhhh!"

____________________________________________________

Okays cut na muna hahaha 😊


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C37
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ