KINABUKASAN.
"Cellphone mo Luna." Inaantok pang sabi ni Paulo. Habang nakadapa pa rin naman ako sa kama ay hinagilap ng kamay ko ang cellphone. Nilagay ko ito sa may tenga.
"Hello?" Basag pa ang boses ko dahil inaantok pa rin talaga ako.
"Hello?"
"Alarm lang 'yan Luna." Binuksan ko na ang mata ko at pinatay ang alarm.
"Nakakainis inaantok pa ako. Paulo gising na magsasaing ka pa eh." Niyugyog ko pa siya.
"Ikaw na lang muna antok pa ako eh." Napaupo na lang ako sa kama. Pagtingin ko sa may pinto natigilan ako. May nakatayong babae doon at ang mas ikinakaba ko ay ang itsura niya. Naagnas ang buo niyang katawan. Sino ba naman ang may gustong makakita ng ganito?
"AHHHHHHHHHHHHHH! AHHHHHHHHHHHHHH!" Napabalikwas ng bangon si Paulo.
"Ano'ng nangyayari? Bakit? May sunog ba?"
"PAULO. MAY-MAY..." Tinuro ko 'yong babae habang nakatago ako sa likod niya.
"May ano?"
"MAY BABAE SA MAY PINTUAN. NA-NAAAGNAS"
"Babae? Naaagnas?" Tiningnan ni Paulo ang tinuturo ko.
"Asan? Wala naman ah."
"Ayan siya nakatayo. Papalapit na siya, Paulo." Mas sumiksik pa ako dahil sa takot.
"Lumayo ka sa'kin." Natabunan ko na lang ng kumot ang mukha ko dahil papalapit na ito sa akin.
"Ano na naman ang nangyayari sa inyong dalawa?" Dinig kong tanong ni Aliya.
"Ewan ko dito kay Luna makasigaw parang nakakita ng multo."
"Eh 'di ba nakakakita naman talaga ng multo 'yan." Dahan-dahan kong iniangat ang mukha ko at tiningnan 'yong babae pero hindi ko na ito nakita. Napahinga ako ng maluwag.
"Okay ka lang ba Luna?" Tanong ni Aliya.
"O-Oo."
"Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo bakla ka." Hinawakan ko ang laylayan ng damit ni Paulo.
"Saan ka pupunta?"
"Magsasaing po nawala na antok ko dahil sa lakas ng sigaw mo."
"Sasama ako."
"Ano?" Napailing na lang ito. Bago ako lumabas tiningnan ko muna ang buong area bago ako tuluyang sumunod kay Paulo. Naupo na lang muna ako. Lumapit sa'kin si Paulo na kanina pa ako pinagmamasdan.
"Hindi ka magmumumog?" Napailing ako.
"Hindi."
"Himala." Kinuha niya na ang rice cooker at nagsalang ng sinaing. Napapitlag ako sa biglang paghampas ni Aliya sa harap ko. Dahil nga masyado pang maaga kaya si Aliya pa lang ang narito.
"Ano'ng nangyayari sa'yo at parang takot na takot ka?"
"Wa-Wala naman."
"May hinahanap ka ba kanina ka pa linga nang linga?"
"Wala." Ano 'yong nakita ko kanina?
"Multo." Napatingin ako kay Paulo.
"Multo?"
"Anong multo?"
"May sinabi kang multo ngayon lang."
"Hindi kaya ako nagsasalita." Tiningnan ko si Aliya.
"Wala din akong sinasabi." Tiningnan ko ang paligid pero wala naman akong nakitang ibang tao.
"Multo kaya?" Sabi ko sa isip ko.
SCHOOL CAMPUS. Tinawagan ko si Jedda kanina para sana sabay na kami pumasok kaya lang on the way pa lang raw siya. Wala na akong nagawa kung hindi ang pumasok ng mag-isa. Papalapit pa lang ako sa may building namin ng mapahinto ako. 'Yong babae kanina nakatayo sa may harap ng SBM Building habang nakatingin sa akin. Gano'n pa rin ang itsura niya. Napansin kong papalapit na ito sa'kin kaya napasigaw na ako. Tiningnan ako no'ng mga dumadaang estudyante. Habang tumatakbo ay may nakasalubong naman akong isang lalaki na masama din mukha. Maputlang-maputla ito at may dugo rin sa dibdib niya. May ilan pa akong nakita kaya napatakbo na talaga ako. May narinig akong tumatawag sa pangalan ko pero hindi ko na lang pinansin.
May nakita akong vacant room tapos hindi naman naka-lock kaya do'n ako pumasok para magtago. Napasilip ako sa bintana pero mukhang nawala naman na sila. Habang nakapikit ay napasandal ako sa may pinto habang hawak-hawak ang dibdib kaya lang pagmulat ko nabungaran ko silang lahat at nakatingin sa'kin.
"AHHHHHHH!" Bubuksan ko na sana ang pinto kaya lang ay hindi ko na ito mabuksan.
"Lumayo kayo sa'kin." Dinampot ko 'yong nakita kong tambo.
"Luna."
" 'Wag kayong lalapit. B-Bakit niyo alam ang pangalan ko?"
"Luna. Tulungan mo kami."
"A-Ano'ng tulungan? AHHHHHHH! Lumayo kayo sabi kung hindi pa-papatayin ko kayong lahat."
"Ha-ha-ha!" Napatingin ako sa tumawa.
"Lolo." Agad akong lumapit sa kaniya at nagtago sa likod nito. Bigla namang nawala 'yong mga multo.
"Lolo, tulungan niyo 'ko may nakakatakot na mga multo ang sumusunod sa'kin."
"Ha-ha! Kumalma ka lang, Luna. Naaalala mo ba 'yong sinabi ko sa'yo kagabi, ija?" Umalis na ako sa likod niya.
" 'Yong misyon po ba?"
"Tama 'yon nga."
"Ano po ba 'yong misyon Lolo?"
"Lumabas kayong lahat."
"AHHHHHHH!" Napatago ulit ako sa likod niya no'ng biglang lumabas 'yong mga multo.
"Ija, kumalma ka lang. Hindi lang 'yan ang makikita mo marami pa at mas nakakatakot pa diyan ang itsura. Kagabi binuksan ko ang third eye mo kaya nakikita mo sila ngayon."
"Sino po ba sila Lolo? Mga multo po ba?"
"Oo mga kaluluwang naliligaw at nangangailangan ng tulong upang mahanap ang daan papuntang langit."
"Mga kaluluwa po? Nangangailangan ng tulong? Ang ibig niyo po bang sabihin ako ang..."
"Tama ka ikaw ang tutulong sa mga kaluluwang 'yan."
"Lolo bakit po ako? Please Lolo 'wag na po ako iba na lang po."
"Ikaw ang napili ko at hindi na magbabago 'yon."
"Lolo-"
"Hindi ka nila sasaktan pero mag-iingat ka pa rin dahil may masasama ring kaluluwa at pwede ka nilang saktan. Paano aalis na ako ha ikaw na ang bahala sa mga kaluluwa."
"Lolo 'wag niyo po akong iwan sa m-mga ito." Tiningnan ko 'yong mga multo. Hindi ko yata kaya na makasama sila. Ano ba 'to? Nakakatakot sila.
"Lolo ayoko po talaga...Lolo? Lolo iniwan niyo na naman po ako eh." Wala na kasi ulit si Lolo. Teka bakit hindi ko ba nakukuha ang pangalan niya? Hindi na 'yon mahalaga dahil papalapit na sa'kin 'tong mga multo.
"Umalis kayong lahat." Napatakbo na ako ulit.
"Magsimula na kayo. Class, bawal magkopyahan, okay?"
"Yes sir." Korus nila. Tinapik ako ni Jedda.
"Ayos ka lang?" Bulong niya sa'kin.
"Hindi."
"Bakit?" Para akong naiihi na sa kinauupuan ko. Nanindig ang balahibo ko ng maramdaman kong may multo na nakatayo sa may gilid ko. Naramdaman ko ang hininga niya sa may tenga ko.
"Luna." Bulong niya.
"Huy Luna." Naapabalikwas ako ng tayo.
"Ano'ng nangyayari diyan?" Tanong ni sir.
"Ah wala po sir." Si Jedda na ang sumagot. Hinila na ako nito paupo.
"Ano ba'ng nangyayari sa'yo at para kang takot na takot diyan? Magsagot ka na heto ang papel." Nagsimula na akong magsagot at hindi na lang pinansin ang mga multo kaya lang hindi ko talaga kaya. Kinikilabutan ako sa itsura nila.
"Sir excuse me cr lang po ako." Tumayo na si Cedric. Nilampasan niya lang 'yong babae na naaagnas pa rin. Lumampas lang sa katawan ni Cedric? Multo nga. Napatayo na ako.
"Saan ka?" Hindi ko pinansin si Jedda at umalis na.
"Ms. Del Mundo saan ka pupunta?" Narinig ko pang tanong ni sir. Nagtuloy ako sa girls rest room at nagkulong sa isang cubicle. Napaupo ako sa bowl habang hinihingal pa.
"Ahhhh!" Biglang sumulpot 'yong babae.
"Luna, 'wag kang matakot sa'kin."
"Paanong...Sinong hindi matatakot sa'yo eh tingnan mo nga 'yang itsura mo naaagnas ka na. Multo ka." Biglang nagbago 'yong itsura niya.
"Ikaw na ba 'yan?"
"Oo ito ang itsura ko. Ako si Melissa Olavidez." Para na siyang buhay ngayon. May kulay na siya. Nagsilabasan na rin 'yong ibang multo at hindi na rin nakakatakot ang itsura nila. Sinubukan kong hawakan si ate Melissa at nagawa ko siyang hawakan. Hinawakan ko rin 'yong dalawa.
"Paano nangyaring nahahawakan ko kayo? Kanina 'di ba lumampas ka lang sa katawan nang classmate ko?" Takang tanong ko.
"Dahil nakikita mo kami, Luna." Sagot ni Ate Melissa.
"Gano'n pala."
"Luna, kailangan namin ang tulong mo." Sabi no'ng isang lalaki.
"At sino ka naman?"
"Mike Alejandro."
"Ikaw?" Turo ko sa isa pa. Teenager siya sa palagay ko kasi mukhang bata pa ito.
"I am Princess Ana Moreno."
"Ano bang tulong? Saka paano ko kayo matutulungan? Wala na bang ibang makakatulong sa inyo?"
"Ikaw lamang ang makakatulong sa amin dahil ikaw lang ang nakakakita sa'min. Wala kasi kaming ibang kilala na bukas ang third eye kaya ikaw lang talaga Luna ang makakatulong sa amin." Sagot ni Melissa. Ngayon ko lang napansin na maganda ito at tingin ko ay nasa treinta pa lang ang edad niya.
"Tulungan mo kami Luna." Sumamo ni Princess.
"Oh sige sige tutulungan ko kayo pero pwede ba 'wag kayong magpapakita sa akin na masama ang itsura kasi nakakatakot eh." Napangiti naman sila.
"Salamat. Sa wakas matatahimik na rin ang mga kaluluwa namin. Mangako ka Luna na tutulungan mo kami ha." Sabi naman nitong si Mike. Tingin ko ka-age ko lang 'to eh. Biglang nawala 'yong mga multo nang may kumatok sa pinto. Binuksan ko ito at nakita ko ang isang babae na tingin ko ay freshmen. Napatingin ito sa loob.
"Bakit?"
"Ate may kausap po ba kayo diyan kasi kanina pa kayo nagsasalita?"
"Ha? Ah wala mag-isa lang ako dito." Paglabas ko napansin kong nakatingin lahat sa akin 'yong mga student na narito. Nakakahiya ka baka isipin nila baliw ako. Umalis na kaagad ako sa cr at bumalik sa room.
"Ms. Del Mundo where have you been? Bigla ka na lang umalis ng walang paalam."
"Sorry sir nag-cr lang po ako." Habang paupo napansin ko na nakabalik na pala si Cedric. Naupo na ako sa tabi ni Jedda.
"Saan ka galing? Ano'ng nangyayari sa'yo?"
"Sasabihin ko sa'yo mamaya."
MINI FOREST, STUDENT LOUNGE. Buong period na hindi nagpakita sa'kin ang mga multo kaya lang ngayong break time narito ulit sila. Magkasama kaming tatlo ngayon at narito kami sa mini forest.
"Je, ikwento mo na nga sa'kin 'yong sinasabi mo kanina sa phone."
"Ah 'yong tungkol kay Luna ba?" Tiningnan ko si Jedda.
"Ano'ng tungkol sa'kin?"
"Eh 'di ba nga kanina ang weird mo."
"Weird naman talaga 'yan Je eh. Oops! 'Wag mo ako babatukan isusumbong kita kay Papa Arif."
"Isumbong mo."
"Oh eh ano nga ang ginawa na naman nitong si Luna?"
"Bakla kasi kanina para siyang nakakita ng multo takot na takot ang effect girl tapos bigla na lang umalis ng classroom at hindi pinansin ang tanong ni Sir Barumbado."
"Talaga?"
"Totoo naman eh may multo akong nakita." Bigla silang tumawa.
"Seryoso nga."
"Maloloko mo ang iba pero hindi kami Luna."
"Seryoso ako Jedda."
"Hay! Tigilan mo na 'yan Luna at gumising ka na sa panaginip mo. Dios ko 'day alam naman naming 'di totoo 'yang mga sinasabi mo." Naiinis na ako sa dalawang 'to ha.
"Tototong may multo 'yong isa nga katabi mo pa Paulo eh."
"Ows? Ha-ha-ha!" Napatawa sila ulit.
"Luna iinom ako eh." Bigla ko kasing inagaw 'yong bottle ng mountain dew kay Paulo habang umiinom siya.
"Ayaw niyong maniwala ha." Napatingin ako kay Melissa.
"Kaya mo bang pagalawin 'to ate Melissa?"
"Susubukan ko." Hindi pa rin sila tumitigil sa pagtawa. Ikinumpas ni ate Melissa ang kamay sa bote at maya-maya ay gumalaw at lumutang pa ito. Napatingin ako sa dalawa na natigilan. Napalunok pa si Paulo sa takot siguro.
"AHHHHHHH! MULTO!" Sigaw no'ng dalawa at nagsitakbuhan na. Hindi nila alam kung saan susuksok eh. Natawa na lang ako. Pinagtinginan pa tuloy kami nitong mga student dito. Naupo na rin si Melissa at Mike sa bangkong inalisan no'ng dalawa.
"Tingin ko natakot ko ng sobra ang mga kaibigan mo."
"Oo nga. Nakikita ko 'yong sarili ko sa kanila kanina no'ng tinatakbuhan ko kayo." Napatawa ako.
"Tingnan mo sila, Luna." Tiningnan ko 'yong tinutukoy ni Princess. Mga estudyanteng malapit lang sa'kin.
"Baliw na siguro."
"Oo nga tumatawa kasi mag-isa."
"Kinakausap ang sarili 'di ba baliw lang 'yong mga gano'n?"
"Oo nga. Alis na nga tayo dito baka mahawa pa tayo."
"Tara na, guys." Dinig kong pag-uusap nila.
"Ano pa ba ang iisipin nila kung hindi ang nababaliw na ako." Napabuntong-hininga na lang ako.
"Sige mamaya na lang hahanapin ko muna 'yong dalawa." Habang hinahanap kung saan nagpunta 'yong dalawa nakasalubong ko si Viel at ang mga barkada niya dito sa hallway ng Educ building. Nagulat ako no'ng lampasan niya lang ako pero at the same time napangiti na lang ako.
"Ah Viel." Napahinto sila at tiningnan ako.
"Luna."
"Ano'ng nangyari sa'yo bakit hindi mo ako pinapansin?"
"Kasi Luna-"
"Luna..." Putol niya sa sasabihin nang barkada niya.
"Hindi na kasi kita type kaya 'wag ka ng magpapakita sa'kin."
"Ano? Ako pa 'yong...Grabe!" Natawa na lang ako sa kaniya. Tinalikuran ko na sila at hinanap ulit sina Paulo at Jedda.
"Saan ba nagpunta ang dalawang 'yon? Nakakapagod maglakad ha." Nakarating na ako dito sa may field pero hindi ko pa rin sila nakikita. Napahinto ako ng mapansin ko ang bulaklak na nalaglag mula sa lalaki. Nakatalikod ito sa'kin habang naglalakad kaya hindi ko nakikita kung sino. Hindi rin naman ito naka-uniform kaya 'di ko alam kung student ba 'to ng MSU. Pinulot ko ang bulaklak at hinabol ang lalaki. Kinudlit ko siya kaya napaharap ito sa'kin.
"Nahulog mo yata 'tong bulaklak."
"Nakikita mo ako?" Napatango ako.
"O-Oo." May biglang dumaan na student at nalampasan ang katawan niya. Napaatras ako ng bahagya.
"M-Multo ka din?" Hindi naman siya maputla kasi para lang siyang buhay. Napansin ko na gwapo siya. Ang tangos ng ilong nito at may magandang mata. Grabe ang gwapo niya basta. Bakit kaya hindi nakakatakot ang itsura niya? Napaka-gwapo.
Napatawa siya. Oh my g! Grabe lalo siyang gumwapo. Diyos ko likha mo po ba 'to? Perfect! Nakakalambot ng tuhod at nakakatunaw ng puso. Pero hindi siya pasa sa'kin dahil multo na siya.
"Talaga? Seryoso nakikita mo ako?"
"Oo makakausap ba kita kung hindi?" Pagtataray ko. Nakita ko ang excitement sa mukha niya.
"Wow! Thank you, God! Ikaw na 'yong hinihintay ko." Niyakap niya ako bigla. Tama si ate Melissa. Nakikita ko sila kaya nahahawakan nila ako.
"Yes! Yes! Yes!"
"Hay naku panibago na namang sakit sa ulo."
__________________________________________________
Thank you so much, guys. Love ya'll 💙💙💙
Anyways,' wag ninyong kalimutan na mag-FAN sa' kin, VOTE, and SPREAD THE STORY.
Please, mahalaga po ang VOTE niyong lahat.
MARAMING SALAMAT! ☺️