ดาวน์โหลดแอป
3.57% Ikaw ang GHOST-2 Ko / Chapter 2: Chapter 2: Misyon

บท 2: Chapter 2: Misyon

LUNA'S POV

"Ayaw mo talagang kumain?"

"Busog pa ako."

"Okay. Hindi pa ako nag-aalmusal kaya kakain na ako."

"Hindi ka pa nag-aalmusal niyan? Ano'ng oras ka ba talaga nagigising?"

"Maaga akong nagising kanina pero panaginip lang pala kaya heto na-late ako."

"Gaga."

"Hindi ang totoo niyan na-traffic ako."

"Wala namang traffic dito eh. Kumain ka na lang kaya."

"Oo nga."

"Hindi mo ba talaga nakita si lolo kanina?"

"Hindi nga. Sino bang lolo ano name?"

"Hindi ko alam."

"Baka multo nga 'yon. Hindi mo na alam kung sino ang buhay at multo." Hindi ko na lang siya kinulit. Maya-maya siniko niya ako.

"Ano?"

"Prince charming mo."

"Prince charming?"

"Hi, Luna. Hi, Jedda." Napatingin ako sa kaniya. Si Viel Fabregosa asungot. Masugid kong manliligaw.

"Hi." Si Jedda na ang bumati sa kanila. Naupo ito sa tabi ko pati ang kasama niyang barkada.

"Ano'ng ginagawa mo dito?"

"Nakita kasi kita dito kaya napadaan na din ako. Bakit hindi ka kumakain gusto mo ba bilhan kita? Ano ba'ng gusto mo?"

"Wala akong gusto." Walang gana kung sagot.

"Ako na lang ilibre mo, Viel."

"Oo ba."

"Je." Nakurot ko na lang si Jedda pero mahina lang.

"N-Nagbibiro lang ako. I'm full na."

"Sige sabi mo eh."

"Ah Luna-"

"Hep! Mr. Viel Fabregosa gaya ng paulit-ulit kong sinasabi sa'yo hindi kita gusto kaya naman humanap ka na lang ng ibang magugulo mo ha."

"Luna." Hindi ko pinansin si Jedda kahit pinipigilan niya akong magsalita.

"Bakit ba ayaw mo sa'kin?"

"Ayoko sa'yo period."

"Hanggat hindi mo sinasabi kung bakit ayaw mo sa'kin hindi kita titigilan." Naiirita na ako sa kaniya

"Kasi nga-" Biglang tinakpan ni Jedda ang bibig ko.

"Tapos na akong kumain alis na kami ha. Bye, Viel."

"See you, Luna." Hinila na ako ni Jedda palabas ng canteen. Naupo muna kami sa may student lounge.

"Grabe ka pagtyagaan mo na lang 'yong tao."

"Isa na lang talaga at malilintikan na siya sa'kin eh."

"Ano'ng gagawin mo tatakutin mo na naman gaya ng ginawa mo kay Adones noon?" Natatawa ako kapag naaalala ko 'yong ginawa ko noon kay Adones. Ayaw ba naman akong tigilan eh di tinakot ko ng bongga.

"Oo para tigilan na ako ng kumag na Viel na 'yon."

"Sabihin mo na lang na ayaw mo sa kaniya."

"Ano pa ba'ng ginawa ko kanina? Kung hindi mo ba ako pinigilan eh di sana nasabi ko na ayoko sa kaniya dahil mahangin siya at GGSS akala mo kung sinong gwapo. Tapos ang lakas pa ng pu-" Tinabunan na naman niya ang bibig ko.

"Oo na 'wag mo ng ituloy kaaga-aga nangangasim na agad ang surroundings natin."

"Ikaw kasi eh."

"Tara na nga may klase na tayo eh."

"Mabuti pa nga."

Pagdating namin sa room lahat ng mga kaklase namin nagsipalakpakan habang nakatingin sa amin ni Jedda. Nagkatinginan din kami ni Jedda.

"Ano'ng meron?" Lumapit sa'kin si ma'am Ana.

"Luna nabalitaan namin 'yong ginawa mo kanina do'n sa senior na sinapian. We're proud of you."

"He.he. 'Yon po ba? Wala lang po 'yon ma'am."

"Talaga? Nakapagpalayas ka ng masamang espiritu, Luna?" Takang tanong ni Jedda.

"Bakit parang hindi ka naniniwala kaibigan ba talaga kita?"

"Galing mo naman, Luna. You're the best!"

"Luna, lately parang may sumusunod sa'kin na multo baka kasama ko siya ngayon sabihin mo naman umalis na siya." Nagsitawanan sila.

"Ayan nga siya sa tabi mo Cedric eh galit na galit sa'yo." Umakto naman siya na natatakot. Napatawa na lang kami.

"Oh sige maupo na kayo at magsisimula na tayo ng ating lesson. Saan na nga tayo natapos?"

"Luna." Marinig ko pa lang ang boses niya naiirita na ako. Kakalabas lang namin ng building dahil lunch time na.

"Ayan na naman girl." Mahinang sabi ni Jedda.

"Bakit na naman ba Viel?" Kasama na naman niya 'tong asungot niyang barkada.

"Magla-lunch ka na?"

"Oo. Bakit?"

"Sabay na tayo."

"Hindi pwede."

"Bakit?"

"Ayoko eh."

"Sige na sabay na tayong mag-lun-"

"Sa-bi ko hindi pwede. HINDI PWEDE!" Natigilan sila pare-pareho. Napatingin din 'yong mga dumadaan na estudyante.

"O-Okay. Sa-Saka na lang." Umalis na silang dalawa. Mga asungot na 'yon.

"Grabe lakas ng bunganga mo girl."

"Tsk! I have plan."

"Uy mga bakla andyan na pala kayo. Tara sa'n tayo kakain ngayon sa dorm o sa tabi-tabi?" Pinagmasdan kami pareho ni Paulo.

"Bakit ganyan mga fes niyo? Anyare te?"

"Kinulit na naman ni prince charming Viel niya. Inaayang mag-lunch." Sagot ni Jedda.

"Bakit 'di ka pumayag? Pagbigyan mo na 'yong tao tagal mo na kayang manliligaw 'yon." Nalamas ko 'yong mukha ni Paulo.

"Ara-Aray."

"Kayo kaya magsama no'n."

"Yoko nga." Nauna na akong maglakad.

FASTFOOD CHAIN. Kumakain na kaming tatlo ngayon. Napahinto ako sa pagkain kaya napatingin sa akin 'yong dalawa.

"Bakit?" Tanong ni Paulo.

"Ano iniisip mo 'day?"

"Hindi ba nagbo-board si Viel?" Pareho silang napatango.

"Oo."

"Huy! Parang nakukuha ko 'yang iniisip mo tumigil ka Maria Luna Del Mundo ha."

"Paulo-"

"Paula."

"Paulo-"

"Pau-" Sinubuan ko ng may kalakihang meatloaf ang bibig niya. Natawa naman si Jedda.

"Magsasalita ka pa?" Napailing na lang siya kasi hindi makapagsalita.

"Ano ba'ng plano mo Luna tatakutin mo si Viel?"

"Exactly. Dapat tigilan niya na ako dahil surang-sura na ako sa pagmumukha niya."

"Gawin mo 'yan mag-isa." Nahihirinan pang sabi ni Paulo. Uminom muna siya ng tubig.

"Kailangan ko ang tulong mo Paulo. Mamayang gabi ko na gagawin kay Viel ang pananakot 101 ko." Natawa ako sa iniisip ko.

"Baliw!" Inismiran ko si Paulo.

"Hindi naman bagay sa' kin, Luna. Sabi ko sa'yo white lady na lang ang role ko eh." Tiningnan ko si Paulo. Nakasuot siya ng lubos itim na gown. Hindi naman as in na gown talaga para lang siyang dress na mahaba. Tapos may props siya na sungay. Devil ghost ang role niya ngayon.

"Bagay kaya sa'yo."

"Palitan kaya tayo mas bet ko pa 'yang suot mo eh." Ang suot ko naman ay pangkasal na umabot lamang sa may tuhod ko. Nabili ko lang.'to sa ukay-ukay na sinadya ko talaga. Nilagyan ko ng ketchup ang may dibdib ko para magmukhang dugo. Nagpa-make-up na rin ako kay Paulo para mas effective. Siya na ang nag-make-up sa sarili niya.

" 'Wag ka na ngang maarte diyan bakla ka. Tara na."

"Wait."

"Bakit?"

"Ayusin mo muna 'tong sungay ko baka malaglag."

"Akala ko okay na 'yan?"

"Hindi pa." Inayos ko na kaagad.

"Okay na let's go."

"Let's go." Napahinto ako sandali.

"Bakit?"

"Kinuha ko 'yong nakapilot na papel na sinulatan ko kanina. Kailangan ko 'to.

"Ano 'yan?"

"Basta. Ako na mauuna baka may makakita pa sa'tin eh." Binuksan ko ng kunti ang pinto at tiningnan kung may tao pa sa labas pero wala naman akong nakita kaya lumabas na kami kaagad. Naglalakad na kami papunta sa boarding house ni Viel nang may makasalubong kaming babae. Grabe naman 'to nasa labas pa rin ng ganitong oras. Napahinto rin ito ng makita kami.

"AHHHHHHH! MAY KILLER!" Napatakbo na siya matapos sumigaw ng malakas. Sakit sa tenga ng boses niya.

"Tayo ba ang killer na sinasabi niya?" Tanong ko kay Paulo.

"Siguro tayo lang naman ang nandito eh."

"Ikaw ang mukhang killer."

"Duh! Anong ako baka ikaw tingnan mo nga may dugo ka pang nalalaman diyan eh halata namang ketchup lang."

"Gaga. Tara na nga."

Viels' Boardinghouse. Nasa labas na kami ngayon ng boarding house ni Viel. Humanda siya sa'kin.

"Pasok na tayo." Hinila ko si Paulo pabalik sa may akin.

"Ba't diyan ka dadaan sa may pinto?"

"Eh saan ba tayo dadaan?" Tinuro ko 'yong daan papunta sa likod ng bahay.

"Diyan? Are you sure?"

"Yes." Nauna na ulit ako sa kaniya. Napahinto ako ng makarating ako sa may bintana.

"Ano'ng sabi no'ng napagtanungan mo?"

"Masarap daw 'yong lugaw."

"Baliw! Tungkol sa kwarto ni Viel."

"Ahh. Nasa may tapat daw ng bintana dito sa ibaba."

"May bintana pa do'n oh saang direksyon daw ba?"

"Basta may bintana daw."

"Galing mo rin magtanong eh ano?"

"Syempre."

"So ano'ng gagawin natin ngayon? Paano natin malalaman kung alin ang kwarto ni Viel?"

"Malay ko ba hindi naman ako engineer para sa mga plan-plan eh cook ako cook."

"Cook 'yang mukha mo 'wag kang maingay." Nag-isip ako sandali.

"Alam ko na. Kakatukin natin 'tong bintana tapos tatago tayo kaagad kapag may nagbukas. Gets?"

"Gets." Kinatok ko na ang bintana pero wala pa ring nagbubukas. Maya-maya nagbukas ang ilaw kaya napatago agad kami ni Paulo. Binuksan nga 'yong bintana pero hindi naman si Viel ang lumabas. Sinubukan namin 'yong isa pang bintana pero hindi ulit siya.

"Ako nga ang kakatok Luna feeling ko malas ka eh." Inismiran ko lang siya. Ilang sandali pa at napatag kaagad kami ni Paulo dahil may nagbukas kaagad ng bintana.

"Sino 'yan?"

"Si Viel na." Bulong ko kay Paulo.

"Sabi ko sa'yo eh malas ka."

"Tahimik. Gawin na natin ang plano."

"Sure."

"Sino'ng nandyan?" Tingin ko talaw din 'tong si Viel eh. Napangiti ako ng mapansin kong palabas siya ng kwarto. Kinindatan ko si Paulo.

"It's show time!" Medyo lumapit na si Paulo no'ng nagbukas na ng pinto si Viel. Syempre ang effect nito ay parang may multo talaga. Nagsiga ako ng apoy para may usok effect naman. Nakita ko si Viel na napatingin sa may kinaroroonan ni Paulo. Nagsimula ng manakot si Paulo tapos ako naman ay lapit na rin. Ginayumos ko muna ang papel saka nagsimulang manakot kay Viel. Tingin ko mapapaihi na siya sa sobrang takot.

"May tao ba diyan?" Dahil pumasok si Viel sa loob kaya sinubukan din namin ni Paulo na pumasok at nagawa naman namin. Napatago kami sandali ni Paulo dahil biglang nagising 'yong barkada niya.

"Bakit parang takot na takot ka?" Tanong nito kay Viel.

"Pre parang may multo dito eh."

"Anong multo? Ha-ha! Ang talaw mo pre."

"Meron nga."

"Hindi ako naniniwala sa..." Napahinto siya ng makita si Paulo. Nanlilisik ang mga mata ni Paulo kaya nakakatakot talaga.

"...MULTO!"

"AHHHHH!" Hindi malaman no'ng dalawa kung saan sila tatakbo. Nakakatawa. Ako naman ang nagpakita sa dalawa.

"GHOST BRIDE! AHHHHHHH!" Sigaw ni Viel bago mawalan ng malay. Lumapit sa'kin si Paulo.

"Napatay mo yata."

"Nawalan lang ng malay." Lumabas na kaagad kami ni Paulo at nagtago dahil nagsigisingan na rin 'yong ibang boarders.

"Tawang-tawa ka pa talaga sa mga pinaggagagawa mo bakla ka."

"Eh sa nakakatawa naman talaga eh."

"Ano'ng role niyang basurang dala-dala mo?"

"Hindi 'to basura."

"Ay ano'yan?"

"Basta. Kailangan ko 'tong maihagis sa loob." Napansin ko 'yong binatana na nakabukas. Tumayo na ako at inihagis ang papel.

"Ayos. Let's go."

"Tara na nga bago pa tayo mahuli ng mga lalaking boarders diyan."

"Alam ko namang magpapahuli ka eh." Umalis na kami habang nagkakagulo pa sila doon.

ST. MARIS DORMITORY. Nasa labas na kami ng dorm namin. Napahinto ako sandali dahil natanggal 'yong takong nitong suot kong sandals.

"Ano pa'ng ginagawa mo diyan? Tara na."

"Mauna ka na aayusin ko lang 'tong sandals ko."

"Sige sige. Nangangati na ako sa make up eh. Una na ako sa taas sunod ka agad ha."

"Oo." Naupo muna ako sa may hagdan dito sa labas. Kinuha ko 'yong sandalyas na suot ko at tinanggal na lang 'yong takong. Lumapit na rin kasi ito.

"Luna." Napatingin ako sa nagsalita.

"Lolo?" Siya 'yong tinulungan ko kanina na bigla na lang nawala. Napatayo ako at lumapit sa kaniya. Tinulungan ko siyang makaupo sa may hagdan.

"Ako po 'to 'yong tumulong sa inyo kanina sa may hagdan. Paano niyo po nalaman ang pangalan ko?"

"Alam ko, ija at alam ko na rin kung sino ka."

"Wow! Nakilala niyo po ako kahit ganito ang itsura ko? Hindi nga po talaga kayo matanda." Natawa kami ni lolo.

"Syempre naman."

"Ano po'ng ginagawa niyo dito gabing-gabi na po ah? Wala po ba kayong matutulugan?"

"Meron naman may sinadya lang akong tao dito."

"Sino po? Gusto niyo po samahan ko na kayo sa kaniya?"

"Hindi na dahil ang totoo niyan nasa harap ko na siya." Nagtaka ako sa sinabi niya.

"A-Ako po ba ang sadya niyo lolo?"

"Oo. Matagal na kitang sinusubaybayan pero ngayon lang ako nagpakita sa'yo."

"Ano po'ng ibig niyong sabihin?"

"May tanong lang ako sa'yo ija."

"Ano po 'yon?"

"Bakit ka ba nananakot ng 'yong kapwa?"

"Masaya po eh. Ahm ang totoo po niyan kasi...tinatakot ko lang naman po sila dahil may kasalanan sila kagaya po ni Viel na manliligaw ko hindi niya ako tinitigilan kaya naisip ko pong takutin din siya. Pero may secret po akong sasabihin sa inyo lolo."

"Ano 'yon?" Medyo lumapit pa ako sa kaniya.

"Hindi po talaga ako nakakakita ng multo gimik ko lang po 'yon. Kaya nga po nagtataka ako kung paano ko napaalis 'yong masamang espiritu na sumapi do'n sa senior student kanina sa school." Napatawa si Lolo.

"Ako ang nagpalayas sa masamang espiritu na 'yon, ija." Napamulagat ako.

"Totoo po? Wow! Kaya pala biglang gumaling 'yong babae nahimatay nga lang. Sino po ba kayo?"

"Hindi na mahalaga kung sino ako. Nais sana kitang parusahan sa mga kapilyuhang ginagawa mo hanggang ngayon pero nakita ko na maganda naman ang 'yong kalooban."

"Engkantado po ba kayo? Naku pasensiya na po Lolo 'wag niyo po akong parurusahan."

"Sige."

"Talaga po? Yehey!" Yayakapin ko sana si Lolo pero napahinto ako ng magsalita ulit siya.

"Pero..."

"Pero ano po?"

"Hindi na kita parurusahan pero bibigyan kita ng misyon."

"Misyon po? Seryoso po ba 'yan Lolo?"

"Oo naman."

"Ano pong misyon?"

"Simula bukas magbabago ang mundo mo Luna dahil bukas makikita mo ang mga nilalang na hindi nakikita ng iba."

"Hindi ko po kayo ma-gets." Nginitian na lang ako ni lolo.

"Bukas malalaman mo, ija." Pinatong niya sa noo ko ang hintuturo at panggitnang daliri niya. Parang may something magical na nangyari sa'kin dahil naramdaman ko 'yon.

"Luna." Lumapit sa'kin si Paulo na nakapagpalit na.

"Babae ka bakit naka-upo ka pa diyan? Tara na sa loob gabing-gabi na." Tiningnan ko si Lolo na nawala na naman.

"Lolo."

"Lolo? Hay naku tara na sa loob." Itinayo na niya ako at pumasok na kami sa loob ng dorm.

"Huy! Magpalit ka na bakit naka-upo ka pa diyan?" Napatingin ako kay Paulo.

"Paulo."

"Paula. Bakit?"

"Si Lolo binigyan niya ako ng misyon. Sabi niya bukas magbabago daw ang mundo ko."

"Ano? Ano'ng sinasabi mo? At saka sinong Lolo ba 'yan? May toyo ka na sa utak 'no?"

"Seryoso nga."

"Ewan ko sa'yo. Tayo na diyan at magpalit na ng makatulog na tayo dahil antok na antok na ako." Nag-ayos na lang ako at natulog na.

________________________________________________________

Thank you so much, guys. Love ya'll 💙💙💙

Anyways,' wag ninyong kalimutan na mag-FAN sa' kin, VOTE, and SPREAD THE STORY.

Please, mahalaga po ang VOTE niyong lahat.

MARAMING SALAMAT! ☺️

OTHER STORY:

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero Terror [ https://www.wattpad.com/story/210888996?utm_medium=link&utm_source=android&utm_content=share_writing ]


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C2
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ