ดาวน์โหลดแอป
73.33% One Night Stand - Season 1 / Chapter 33: (Mga Panauhin)

บท 33: (Mga Panauhin)

Isang araw bago ang kasal sa Munisipyo.

Nagsidatingan ang pamilya ni Carllex dahil sabik itong makilala ang pamilya ng babaeng mapapangasawa ng uniko eho (hijo) na anak nina Sir Fierce at ma'am Jerimy. Hindi lang iyon dahil gusto din nilang mamasyal sa napakagandang Mt. Guiting guiting ng Isla Sibuyan.

Isa isang binati ang tito at tita ni sir Carllex pati rin ang señora at señore.

Magkakabatian at maggagalangan sa bawat isa.

" kamusta balae, grabi ang ganda dito sa inyo. Kaya pala itong apo namin ay ayaw nang umalis sa bahay ng mapapangasawa niya. " pabirong wika ng señora.

" lola talaga, " sabat ni Carllex.

" anong gusto niyong inumin? Juice, buko juice, kape o tubig? " alok ni Mang Jeno sa mga bisita nito.

" ano ka ba balae, wag ka nang mag abala saka marunong naman silang kumuha ng maiinom nila. Saka alam nila ang buhay probinsya. " sabat uli ng señora Mia na tila nagpapahiwatig sa mga anak at apo niyang ipalabas ang abilidad pagdating sa mga bagay na iyon.

" nakakahiya naman ata balae saka malayo pa ang biyahe nila. " ani Mang Jeno.

" tama si mama kailangan naming makisabayan sa buhay probinsya. At kami na ho ang bahala kuya Jeno. " tugon ni Dierce rito at tumungo sa kusina.

Sa kabilang banda.

Sa may kwarto ni Jen, sisilip na lamang siya sa baba at titig sa mga bisita.

Nahihiya siyang magpakita sa lahat ng mga panauhin kaya naupo siya sa isang silya.

" ang laki ng pamilya ni sir Carllex este ng magiging asawa. Para silang walis na lupon at matatag sa lahat ng pagsubok. " wika ni Jen habang nakatitig sa mga panauhin.

" hey, " tapik nito sa balikat niya ng binatang magiging ama ng mga anak niya.

" kanina ka pa diyan? " usisa ni Jen sa kaniya.

" hindi naman, halika sa sala at ipapakilala kita sa mga tito ko at tita. " yaya niya sa asawa patungo sa sala.

Sasalubungin na lamang sila ng mama ni Carllex at agad na babati kay Jen.

" Jen, wag kang kabahan mababait naman ang mga tito at tita ni Carllex. How's your tummy? Medyo malaki na yan siguro mabigat na mabigat na yan. " ani ma'am Jerimy sa magiging daughter - in - law niya.

" oo nga po, mabigat na siya natatakot nga akong madulas baka makunan ako. " tugon ni Jen sa kaniya.

" oh my goshhhh... So, totoo nga ang sabi ng apo at mapapasa kaniya si Jen. " salubong ng señora Mia sa magiging asawa ng apo niya.

" lola talaga, " bara agad ni Carllex sa kaniya.

" totoo kaya, saksi ako diyan sabi mo hindi ka papayag na hindi mo makukuha ang babaeng nagligtas sa buhay mo. " sabi pa ng señora Mia na ikinatawanan ng lahat.

" ok fine, " cross arm nitong upo sa tabi ng asawa.

" hi Jen, I'm Dierce at triplets kaming ng papa ni Carllex. " pakilala ng isang ginoo.

" kasama ako doon ah! " sabat ng isa pang kamukha.

Malilito na lamang si Jen sa magkamukhang mga binata na iisa lang ang kilos ng mga ito. Mapapakamot na lamang ang dalaga, " hi Jen. " sabay bati ng dalawa pang ginang na magkamukha. " wala ho ba kayong name tag? " usisa ni Jen sabay kamot sa ulo niya.

Magtatawanan na lamang ang mga ito sabay magbabatian nang biglang may dumating.

" Magandang araw ho! " bati ng dalawa pang ginang na hindi magkamukha ngunit parehong mamula mula ang mga pisngi. Kasing kulay ng balat at halatang magkapatid.

Tatayo ang mga ginoo sabay babati, " Sofia at Alex, wow naman parang dalaga ang dating. " sabay gulo ng buhok ng mga ito. Magkakayakapan at maghahalikan sa noo at pisngi.

" alam niyo mga kuya, na mis ko talaga kayo lalo na si mama. " hanap agad ng ginang na may mapulang labi at kilos mala anghel na itim.

Kaagad niyang yayakapin ang mama niya na tila magkamukhang kamukha sila sa angking kagandahan at kilos. " Sofia, nasaan na ang mga apo ko? " usisa ni señora Mia sa kaniya.

" ma, nandoon kay Denise at nasa bahay pa sila. Hi papa, wow ang pogi pa rin ni papa. " yakap at kiss nito sa pisngi ni Sofia. Ang anghel na itim sa gitna ng dilim ngunit kabutihan ang dala.

" Sofia, kamukha ka talaga ng mama mo. " ani Señore Carlos.

" syempre papa ako ata si Sofia ang pangalawang bersiyon ni mama. " pagmamalaki nito.

Mababaling na lamang ang titig ng mga bagong dating sa dalagang malaki na ang tiyan.

Sabay silang lalapit, " wow, mukhang may magmamana na naman ng kasimplehan ni mama. Sigurado ako ikaw ang magdadala ng sanggol na magmamana ng lahat. " sambit ni Sofia habang nakatitig kay Jen.

" teka, Sofia diba may future sense ka. Dali, hulaan mo iyong magiging baby niya. " ani Alex.

" alam mo Jen ang ganda mo. I mean ang maganda mong katangian ang nagpahulog sa pamangkin naming si Carllex. " ani Maria Carllotta na hindi nagbibiro.

Sandaling hinawakan ang tiyan niya ni Sofia nang walang ano ano'y natulala na lamang si Sofia. " mag ingat ka Jen may darating para guluhin ang pagsasama ninyo ni Carllex at paparating na siya. " babala ni Sofia at agad na bumalik sa sofang kinauupuan ng mama Mia niya. Napayakap na lamang si Sofia sa mama nito na tila natakot sa kaniyang nakita.

" wag niyo ngang takutin ang asawa ko baka ano pa ang isipin nito. " ani Carllex na tila nag aalala na sa sinabi ng tita Sofia niya.

" ayos lang ako, hayaan na lang natin ang mangyayari dahil iyon ang dapat. " wika ni Jen habang nakahawak sa tiyan niya.

" excuse me, sir Carllex may bisita ka daw nasa labas. " sabi ni Mang Jeno na nasa bintana naka dungaw. Magtatayuan na lamang ang mga ginoo at sisilip sa bintana.

Mapapatitig na lamang ang lahat ng pag alala ang tatlong ginoong magkamukha.

" speaking of the devil, " sambit ni sir Thierce na hindi maipinta ang mukha sa reaksiyon nito.

" Jen, andiyan na iyong higad na sisira sa inyong dalawa. " sambit ni sir Fierce sa magiging asawa ng anak niya

" Carllex, wag mong palapitin sa kaniya si Jen baka tuklawin. " babala pa ni sir Dierce sa kaniya.

Kaagad namang tatayo si Carllex at ihahated ang asawa sa kwarto nito.

Mag uusap ang dalawa ng masinsinan. " Jen, wag kang lalapit sa babaeng iyon ha. " paalala nito sa asawa na hindi maunawaan kung bakit.

Her Pov's

Hindi ko maunawaan kung bakit ganon ang reaksiyon ng mga tito niya ng sumilip sa bintana kanina. Sino ba iyong pinag uusapan nila kanina? At mukhang worried siya sa akin.

" sino ba siya? " usisa ko habang nakasandal sa wall ng kama.

" well, classmate ko siya at lagi akong pinagpapantasyahan non. Alam kong may balak siya kaya pumunta siya rito. Baka laitin ka na naman yon at may masamang gawin sayo. " tugon niya sa akin.

" wag kang mag aalala mag iingat naman ako. Saka hindi naman siguro itutulak non diba? " sabi ko sa kaniya.

" may gusto ka bang kainin o inumin? Ipagkukuha kita? " sabi niya sa akin.

" gusto ko ng dalandan, " tugon ko sa kaniya.

" sige, punta lang ako ng kusina at wag kang lalabas dito ha at nasa baba na iyong ahas. " payo niya sa akin at hinagkan ako sa noo.

Hay, ang caring niya sa akin at magbabago pa iyon kapag ikinasal na kami. Pero bakit malanding higad ang tawag doon sa babae? Hindi naman ahas iyon ah? Nalilito nga ako sa reaksyon ng mga tito niya. Para bang babala ang dating sa kanila ng bagong panauhin na nasa baba.

Humiga na lamang ako at niyakap ang unan. Mag iisip pa ako ng magiging pangalan ng mga baby namin. Puro kaya sila lalaki o may isang babae? Sana naman may babae para kompleto na. Ang lambot ng hinihigaan ko at inaantok na naman ako. Si sir Carllex kasi pinalitan na naman iyong kama rito sa kwarto ko. Baka daw hindi ako komportable sa pagtulog. Eh, di naman ako maarte. Napaka OA niya kasi sa akin.

In a minutes

Bumalik na siya, " heto na ang dalandan mo at dinalhan kita ng tubig. Ako na ang magbabalat para sayo. " sabi niya habang binabalatan ang isa.

Napatitig na lamang ako kay sir Carllex. Wow, kaya pala habulin ng babae kasi perfect ang mukha niya at napaka pogi. Pero bat ako ang pinili? Wala naman akong magandang mukha saka walang wala ako compare sa kanila.

Napansin niya ang pagtitig ko sa mukha niya.

" sus, napopogian kana siguro sa mukha ko no? " ngisi niya sa akin.

" bakit pogi ka ba? " balik ko sa pagkasandal ko.

" syempre naman at lahat ng babae nagkakandarapa sa mukhang ito. " turo niya pa.

Ang yabang naman nito ang sarap sipain. Porket pogi siya magkakagusto ako sa kaniya. Hindi kaya. " oo na, siguro nainlove ka sa akin nong iniligtas mo ako. " sabi pa niya.

" hindi kaya, " sabat ko sa kaniya.

" sige hindi na kita paaminin pero hindi ko maintindihan kung paano ka nagkagusto sa akin. Di bale pagkasal na tayo ay sisingilin kita. " sabi pa niya.

Hala, mukhang may balak siya sa akin. Paaaminin daw? Kung aaminin ako sayo.

" heto, kain kana at ubusin mo yan dahil ang takaw mo sa dalandan. Baka paglabas ng mga baby natin ay mukhang dalandan na. " sabi pa niya sa akin na ikinatawa ko.

" mukhang dalandan daw? Eh pogi ang papa nila kaya malamang pogi rin sila. " bahagya akong bulong sa kinasasandalan ko na ikinahinto niya.

Hala, narinig ba niya ang sinabi ko? Ang hina kaya non!

" pakiulit nga iyong sinabi mo, pangit? " ayan, tinawag na naman niya akong pangit.

" bat ko naman uulitin? " sabi ko sa kaniya habang kumakain ng dalandan.

Bahala siya diyan at kakain pa ako ng dalandan. Ito kaya ang paborito ko at ayaw na ayaw ko na lagi akong hinaharangan sa pagkain. Pogi kaya ang magiging baby namin kasi pogi rin ang papa eh. Sana may babae sa kanila para kompleto na. Tatlo na kasi at gusto ko dalawang boy at alagaan nilang mabuti ang nag iisa nilang kapatid na babae. Sana hindi mangyare ang pangitain ng tita niya. Sana nga, maging ligtas itong mga baby ko hanggang sa manganak ko at lumaki sila.


Load failed, please RETRY

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C33
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ