HALOS mapatingin ang lahat ng tao sa gawi ni Mackenzie ng pagpasok niya ay tumunog ang bell na nasa ibabaw ng pintuan. Agad niyang inayos ang suot na shades at taas nuong tumayo at pasimpleng naghanap ng bakanteng mesa (maging si Charles na din at ang girlfriend nitong kasa-kasama kanina)
Kaagad na tinungo ni Mackenzie ang magkatabing mesa na kasalukuyang inuukupahan nila Charles at no'ng babae. Nagtatawanan ang mga ito at naghahampasan ng table napkin—ang landi lang ano?
"What do you want to order ma'am?" Magiliw na nilapitan siya ng lalaking waiter habang may dalang walang laman na food tray na nakaipit sa kanang braso nito
Pasimple naman niyang kinuha ang menu na nakapatong sa mesa at binuklat iyon sabay tabon sa kanyang mukha
"Nothing, tatawagin na lang kita kapag may napili na ako—" sagot naman niya sa mahinang boses na tanging ang waiter lang ang makakarinig
"Oh, okay ma'am." Sagot naman ng waiter at umalis na sa tabi niya
Pasimple niyang iginila ang mga mata sa mga klase klaseng dessert na kanyang nakikita sa menu at may kasama na itong kape
"Ano ka ba naman Charles! Napaka corny mo—" maarteng anas ng babaeng nakatalikod sa kanyang gawi
Hindi niya mapigilang magtaas ng isang kilay
Mas pabebe pa pala ang babaeng 'yun kesa sa kanya. Dahan-dahan niyang ibinaba ang menu at pasimpleng iniangat ang ulo para makita kung ano ang ginagawa ng dalawa sa kanyang harapan. At hindi niya mapigilang samaan ito ng nakakamatay na tingin
"You know what Aqueela, mas mabuting mag-aral ka na lang—" napapailing pa na sagot ni Charles sa babaeng nagngangalang Aqueela
So, nag-aaral pa pala ang girlfriend niya? Anong course nito? Saan ito nag-aaral? Kilala din ba ito sa lipunan kagaya niya?
"Aww, ang sweet talaga ng Kuya Charles ko. Don't worry pagbubutihin ko pa ang pag-aaral ko para hindi ako bumaba sa aking pwesto." Hindi niya maiwasang mapasuka ng hindi totoo
Napaka lame naman ng endearment nila masyadong pangbata, ano sila teenager na naghaharotan sa gilid ng malaking puno na may upuan na bench? At saka ang harot din ng babaeng 'to ah—may pa Kuya kuya pang nalalaman at gustong gusto naman ni Charles? Ang sarap lang iuntog sa mesa
Napatikhim na lang si Mackenzie at ibinalik ang tingin sa menu, ramdam niyang napatingin sina Charles at Aqueela sa kanyang gawi pagkatapos ay nagtawanan ng muli
Hindi niya mapigilang mainis sa mga ito
Bakit pa kasi siya pumasok sa cafeteriang ito kung wala naman pala siyang ibang gagawin kung hindi ang makinig at sumulyap ng sumulyap sa dalawang taong naghaharutan sa kanyang harapan
Makaalis na nga!
Dala ng pagkainis sa dalawa ay tumayo siya at naglakad ng walang naririnig, hindi na niya inabalang tumingin pa sa gawi ng dalawa sa halip ay taas noo siyang naglakad na para bang siya ang nagmamay-ari ng cafeteriang ito
"Hello Giovanni, pick me here." Sabay patay ng cellphone at naghintay sa manager kung kailan ito lalabas sa nasabing restaurant na katapat lang ng cafe na pinasukan niya
SINUNDAN ni Charles ang babaeng tumayo na lang basta basta sa likuran ni Aqueela at inaral ang katawan nito. Parang pamilyar ito sa kanya, at parang kilalang kilala niya kung sino iyong babae. Parang si Mackenzie iyon at alam niyang hindi siya nagkakamali
"Aqueela dito ka lang." Bilin niya sa kanyang kapatid na babae na abala sa pagkakalikot ng sariling cellphone
"Wait Kuya, saan ka pupunta. Iiwan mo ba ako dito? I'll come with you na lang—" sagot naman nito at isinilid ang cellphone sa sling bag
"Stay there, babalik ako kaagad. May nakita kasi akong tao na pamilyar sa'kin kakausapin ko lang siya; nandoon siya sa labas" tugon niya at hindi na ito hinintay na makasagot
Nang makalabas si Charles sa cafeteria ay nakita niya ang babaeng nakatayo malayo sa pwesto niya. Nakasuot ito ng halter na black at white low rise denim jeans. Napalunok siya ng sinipat niya ang katawan ng babae—ang ganda ng pagkakakurba ng katawan niya
"Mackenzie?" Tawag niya sa pangalan ng babae pero mukhang hindi siya nito narinig dahil may tumigil na sasakyan sa harap nito at bigla na lang itong pinasakay
Wala siyang ibang magawa kundi ang sundan ng tingin ang itim na sasakyan na papalayo sa kanyang kinatatayuan
—
Napabuntong hininga na lang si Mackenzie at dahan-dahang isinandal ang sarili sa upuan ng sasakyan. Actually, narinig niyang tinawag siya ni Charles kanina pero hindi lang siya lumingon para hindi nito malaman kung siya ba iyon o hindi—
"Mackenzie naman eh, pwede namang ikaw na lang ang umuwi mag-isa. Hindi ko tuloy nakuha ang pagkaing pinatake out ko." Pakinig niyang himotok ni Giovanni at sumandal sa upuan na nakapatong ang dalawang braso sa dibdib
Hindi siya sumagot sa halip ay tumingin na lang siya sa labas at pinagmamasdan ang mga building na kanilang dinadaanan
Hindi niya basta bastang makakalimutan na may girlfriend na si Charles, parang sumikip ang dibdib niya sa isiping baka totoo nga ang hinala niyang nobya iyon ng taong palaging nang-iinis sa kanya
Hindi niya kayang may girlfriend na ang crush niya—
Oo crush niya si Charleston no'ng siya ay nasa highschool pa lamang. Hindi pa siya nag-aartista no'n dahil gusto ng parents niya na makapagtapos muna bago siya pumasok sa industriya
Todo cheer siya kay Charles noon kapag may concert ito at hindi siya nagpapahuli dahil palagi siyang nagpapa VIP,
"Hoy Mackenzie, okay ka lang?" Tanong ni Giovanni sa kanya na ikinabalik niya sa reyalidad
"Giovanni may girlfriend na si Charles—" nanlulumo niyang sabi at ibinaon ang mukha sa kanyang mga palad
HE'S so sure that, that woman is Mackenzie San Jose. Alam na alam niya ang uri ng katawan nito—kung paano ito maglakad, tumayo ng tuwid at higit sa lahat ang kanyang hugis ng katawan; letse! Nagkakaroon na siya ng massive boner kada umaga dahil si Mackenzie ang unang pumapasok sa isipan niya pagkagising niya
"I know that it's you Mackenzie, at 'yun ang aalamin ko kapag nagkita ulit tayo—" bulong niya at hinatid si Aqueela sa paaralang pinapasukan nito
"Kuya Charles, pwede bang ikaw na lang ang susundo sa'kin mamaya—hindi daw kasi makakapunta si Mang Franco." Anas ni Aqueela na ikinatingin niya sa gawi nito
"Oh, okay. Sige, tawagan mo na lang ako mamaya kapag tapos na ang classes niyo—" sagot naman niya at hinalikan ang noo ng bunsong kapatid
"Bakit?" Tanong niya ng hindi pa ito umalis sa kanyang kotse
"Alam ko kung anong klaseng ekspresiyon 'yan Kuya Charles." Bulalas nito
Napabuntong hininga siya
"It's nothing Aqueela, sige na. Lumabas ka na at baka malate ka pa sa klase mo." At inalis ang seatbelt nito na nakalingkis pa din sa katawan ni Aqueela
Hinawakan naman ng kanyang kapatid ang kanyang braso na ikinatigil niya sa ginagawa
"Kilala kita Kuya Charles, mas malapit ako sa'yo dahil ikaw lang ang maaasahan ko. Care to share what is it?"
Wala naman siyang problema, may iniisip lang siya tungkol doon sa babae. Alam niyang si Mackenzie iyon at kung si Mackenzie nga talaga iyon—bakit nandoon ito sa loob ng cafeteria? Alam niyang nakikinig ito sa usapan nila ni Aqueela kanina dahil hindi aksidente ang ginawa nitong pagtikhim para maagaw nito ang atensiyon nilang magkapatid
"It's nothing Aqueela, you can go now. Kita na lang tayo mamaya." Pagpapa-alis niya sa kanyang kapatid at binuksan ang pintuan ng kanyang sasakyan para makaalis na ito