NAPABUGA ng hangin si Mackenzie ng matapos ang kanilang halos kalahating oras na meeting, kanina pa siya naiinip at inaaliw aliw na lang niya ang sarili sa pagtingin tingin sa paligid ng restaurant
Wala nga siyang maintindihan kung ano ang pinag-uusapan nila eh
"Giovanni, nasaan ka na ba?" Mahinang pagkakasabi niya at isinuot na naman ang shades at wig habang patagong hinahanap si Giovanni sa labas ng restaurant
"Aray ko!" Napaigik siya at halos mahalikan na niya ang sementong kalsada ng bigla na lang may lumabas galing sa loob ng restaurant at tumama ang kanto ng salaming pinto sa kanyang likuran
Dahan-dahan siyang tumayo habang itinukod niya ang dalawang kamay sa semento
"Ano ba! Hindi mo ba nakikitang may tao ha!" Bulyaw niya sa taong may kasalanan sa kanya
"Oh? Sorry hindi ko kasi nakitang nandiyan ka pala?" Sagot naman ng baritonong boses sa kanyang likuran
Napahinto siya ginagawang pagpapatayo sa kanyang sarili at tiningnan kung sino iyon. Kung hindi siya nagkakamali si De Witt iyon!
"Ikaw na naman! Kailan mo ba ako titigilan ha!" Pagsusungit niya
And oops! Mukhang nagkamali siya ng dapat niyang sasabihin. Too late dahil nasabi na niya
Napangisi si De Witt
"Kinukulit ba kita Ms San Jose? Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong ginagawang masama sa'yo." Nakakalokong nginisihan siya nito at inilingan pa
Masama niya itong tiningnan at diretsong tumayo
At dahil sa nakahigh heels siya ay muntik na siyang ma out of balance mabuti na lang at naiatras niya ang kanyang kanang paa
"Alam mo nakakainis ka talaga eh! Alam mo bang naririndi na ako sa'yong lalaki ka?!" At itinuro niya pa ito
Tinawanan lang siya ni Charles De Witt at nilapitan
Siya naman ay natataranta dahil hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin, alangan namang tumakbo siya at magsisigaw ng tulong eh wala naman itong ginagawang masama sa kanya. Magmumukha pa siyang baliw niyan
Nang makalapit na ito ng tuluyan sa kanya ay dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa kanya
At dahil sa naiinis siya sa lalaking 'to ay sinampal niya ito ng sobrang lakas dahil akala niya ay hahalikan siya ni Charles De Witt—mabuti ng sigurado ano baka hindi niya magawang maprotektahan ang kanyang sarili
At saka virgin pa ang lips niya, virgin!
Napamaang si Charles sa kanyang ginawa at hindi makapaniwalang hinawakan ang sariling pisnge pagkatapos ay ang panga naman nito ang hinawakan at hinihilot hilot iyon
"You woman! You slap me!" Galit na sinigawan siya nito
"Oh, bakit ka ba nagagalit diyan! Ano pa ba ang ibig sabihin ng paglapit mo sa'kin? Hindi ba hahalikan mo ako?!" Sagot naman niya
"What an assuming woman! Bakit naman kita hahalikan, hindi ka naman papasa sa mga babaeng gusto ko!" Tugon naman nito na ikinasinghap niya
Aba't ang lakas din ng loob nitong tapakan ang pagkatao niya—
Nang marinig niya ang sinabi nito tungkol sa kanya ay nasaktan siya, hindi niya lang pinapahalata baka maawa ito sa kanya or worst ay baka pagtawanan pa siya. She's an actress right? She can do this—she's pro when it comes to hiding feelings!
"Alright! May sinabi ba akong type mo ako? At saka Mr De Witt! Hindi ako assumera. Masama bang mag-isip ng advance!" Maarte niyang sagot at tinalikuran na ito
Kailangan niya pang hanapin si Giovanni dahil gusto niya ng umalis sa nakakaimbeyernang lugar na ito, at hindi siya mag-aaksaya ng panahon na makipag-away sa lalaking walang modo at kakilala niya lang
—
Masama pa din ang tingin na ipinukol ni Charles sa likod ng babaeng nakatayo sa gilid ng kalsada na papatawid. Ang sakit ng pagkakasampal nito sa kanyang mukha at hindi naman niya akalaing mabigat ang kamay niyon
Maliit pero mabigat kung bumwelo—
"Hindi pa tayo tapos babae, sigurado akong magkikita pa tayo. Lagot ka talaga sa'kin." May galit na bumulong bulong si Charles sa hangin at sumakay na sa sasakyan na pagmamay-ari ng kanyang Daddy
"GIOVANNI!" Sigaw ni Mackenzie mula sa malayo ng makita niya ang kanyang manager na naglalakad ng nakayuko
"Mackenzie!" Sigaw naman nito at patakbong nilapitan siya
"Saan ka ba galing ha? Alam mo bang kanina pa kita hinahanap, urrgh! You're so annoying Giovanni: ikaw itong pinagsisilbihan ako tapos ako pa talaga ang naghahanap sa'yo? My God!" Napatampal sa sariling nuo na hindi niya mapigilang mapalatak
"Ay grabe, hiyang hiya naman ako sa'yo ghorl. Ako din naman ah—hinahanap ka, iyon nga lang ay nahiwalay ako sa'yo dahil tinulak ako ng isang netizen na mas malaki pa sa'kin." Pagtataray pa nito sa kanya at tinaasan siya ng kilay na halos umabot na sa sariling nuo nito
Okay tama nga ang hinala niya kanina na nahiwalay nga ito sa kanya, she's satisfied about that
Nang rumehistro sa utak niya ang senaryong naganap kanina ay napasinghap na naman siya. She need to tell this to Giovanni!
"Giovanni may sasabihin ako sa'yo," hawak niya sa kamay ng manager at hinila na ito
"Ano naman ang sasabihin mo sa'kin aber? About do'n sa meeting niyo? Huwag na lang Mackenzie. I tell you hindi na naman kita pakikinggan about diyan—" tamad na sagot nito at nagpatianod lang sa kanyang hila na parang isang damit
Huminto siya sa paglalakad at hinarap ito
"This is not about the meeting Giovanni. I swear kapag narinig mo ito maiinis ka talaga super!" Bulalas niya at nagpatuloy sa paglalakad
"OMG! Kuya Charles! Who did this to you?" Nag-aalalang bungad sa kanya ni Aqueela ng makita siya nitong papasok sa bahay ng kanilang magulang habang hawak hawak ang namumulang pisnge
Sumasakit pa din iyon at parang malabo na yatang maglaho ang hapdi dala ng pagkakasampal sa kanya ni Mackenzie
Lagot talaga ang babaeng 'yun kapag nagkita sila ulit
"It's just nothing Aqueela, okay lang ako. Natisod lang ang paa ko sa wire na hindi ko pala naliligpit sa aking condo at saktong tumama ang pisnge ko sa kanto ng sementong dingding." Rason niya at ngumiti kahit na parang hinihiwa ang kanyang pisnge sa sakit
"Talaga ba Kuya Charles? Naku, kawawa naman ang Kuya ko—" tugon nito at yumakap sa kanya
Ang sweet talaga ni Aqueela kahit kailan
Bigla namang pumasok sa isip niya si Mackenzie San Jose. Hindi niya maiwasang mapatiim bagang; hindi niya talaga makakalimutan ang tagpong 'yun
"Anak Charles, mabuti naman at napadalaw ka dito sa bahay namin ng daddy mo." Napatingin si Charles sa kanyang ina na kakababa lang galing sa taas kasunod ang kanyang ama
"Hey mom! It's been a month!" Bati din niya pabalik at lumapit sa mga ito na nakayakap pa din si Aqueela sa kanyang bewang
"Yeah, my son. It's been a month—" sagot naman ng kanyang ama at pabirong sinuntok ang kanyang balikat
Napatawa na lang si Charles ng bahagya siyang napaatras sa ginawang pagsuntok nito sa kanyang balikat. Iyon ang batian nila ng kanyang pinakamamahal na ama
"Anong nangyari diyan sa pisnge mo?" Hindi niya akalaing napansin din pala iyon ng kanyang ina
Ibinuka niya ang bibig at handa na sanang magsalita ng inunahan siya ni Aqueela
"Like duh! Mom and Dad, natisod lang naman po si Kuya Charles sa nagkalat na wires sa kanyang condo tapos tumama ang kanyang pisnge sa kanto ng kanyang wall." Puna nito at nagcrossed arms
He don't want to lie in front of his parents
Pero wala na siyang magagawa doon dahil nasabi na ni Aqueela, at kung malaman naman ng kapatid niyang babae kung saan niya nakuha ang pamumula at medyo namamaga na niyang pisnge. For sure ay susugurin nito si Mackenzie at gaganti
"Is that true?" Tanong ng kanyang ina sa kanya
Kilala siya nito, kung anong sinabi ni Aqueela ay alam nitong hindi totoo. Ngumiti lang siya ng pilit at tumango ng dahan dahan
"Mag-usap tayo—" tawag sa kanya ng ina at naunang maglakad papuntang kusina
—
"Really? Tapos anong ginawa niya sa'yo?" Nakatukod ang dalawang siko na interesadong interesado na makinig si Giovanni
Alam niyang hindi na naman magpapahuli ang baklang 'to.
"Yes! At alam mo kung anong ginawa niya sa'kin Giovanni? He just pushed the door not knowing na nandoon ako sa labas—ang sakit ng likod ko dahil tumama sa kanto ng door iyong maganda kong back!!" Maarteng saad niya at hinaplos haplos ang likod gamit ang kamay
"Eh hindi naman niya siguro alam na nandoon ka sa labas." Kibit balikat na sagot naman nito
Napahinto si Mackenzie sa paghaplos haplos sa kanyang likuran at nanggigigil na sinamaan ng tingin si Giovanni
Parang pinapalabas pa nito na siya ang may kasalanan at hindi ang Charles na 'yun!
"So ako pa talaga ang may kasalanan ganoon? Sino ba ang kinakampihan mo, ako o si Charles De Witt na walang modo?" Nakaturo sa sariling tinanong ni Mackenzie ang manager
Ang kaninang nakapikit at nakapatong ang dalawang braso sa dibdib na Giovanni ay napaayos ng tayo
"Sino? Si Charles De Witt?" Pag-uulit nito sa kanyang sinabi ngayon ngayon lang
Pinaningkitan niya ito ng mga mata at ikinuyom ang dalawang kamao na nakapatong sa mesa. Nakakainis lang? Ayaw na niya talaga makita ang lalaking 'yun kahit marinig lang ang pangalan ay nagagalit na siya
"My Gosh Mackenzie! Nagkamali ka ng kinalaban ghorl, alam mo bang sobrang sikat ng binangga mo?" Nakahawak ang dalawang kamay sa ulong pagsasalita ni Giovanni
Hindi niya maiwasang pangunutan ng nuo
"Sikat? Eh sa hindi ko naririnig ang pangalan niya sa industriya eh, at saka mukha lang naman siyang staff o 'di kaya ay dancer ng mga singer kapag nagcoconcert!" Palatak naman niya at sumandal sa kinauupuan
"Hala ka girl! Akala ko ba kilala mo siya? Siya 'yung kumanta ng paborito mong kanta na 18!" Kumpirma nito na ikinasalubong ng kanyang dalawang kilay
18, 18, 18, 18—narinig ko na ba ang kantang 'yun?
Napasinghap siyang muli ng maalala niya ang kantang 18, oo! Tama ang sinabi ni Giovanni! Paborito niya ang kantang 'yun simula no'ng twenty years old siya
"T-totoo ka ba Giovanni? My God! Ang tanga tanga ko!" Napapahilot sa nuong sagot naman ni Mackenzie at hindi maiwasang kagat kagatin ang mga daliri
Paano niya nagawang sampalin ang kanyang idolo sa musika! Yes, Charles De Witt is her favorite singer! Bakit niya kasi nakalimutan—aishh!!
"I need to say sorry to him Giovanni! My Gosh! Kay tagal kung hinihintay na makita siya in person tapos inaway ko pa talaga siya?!" Hindi niya mapigilang mapasigaw
Kaya pala hindi maalis-alis sa utak niya ang pangalang Charleston "Charles" De Witt dahil baliw na baliw siya dito (obsess na nga yata eh—)
"Do what you must Mackenzie, gawin mo ang nararapat para hindi ka na ulit maissue" tugon ni Giovanni at tinapik ang kanyang balikat