ดาวน์โหลดแอป
82.14% My Unpredictable Boss / Chapter 46: Forty Five

บท 46: Forty Five

JONAH'S POV

Lumayo muna ako sa kanila at sinagot yung tawag ni sir Carl...

Bakit kaya napa-tawag tung kumag na toh sa akin.

"Hello sir, how can I help you??" professional na sagot ko sa kaniya

"Na saan kayo?? Hinahanap kasi ni sir Lance si Carol eehh"

"Pumunta kasi sir Lance sa opisina niyo at hinahanap nila kayo, bakit wala daw kayo dito" nag-aalalang sabi ni sir Carl sa amin

"Nandito kami sa mall, text ko lang sayo ang pangalan ng mall at bakit pala kami hinahanap ni sir??" sabi ko, pero nakapag-tataka naman

"Sabi kasi niya kahit wala daw si Marga, dapat nandito pa rin kayo kahit wala daw siya" sabi niya sa akin

"Eehhh??? Nandito na kami ehh at sila Carol naman ay namimili ng damit dito, kami ba talaga ang hinahanap ni sir o si Carol lang talaga??"

"Si Carol talaga yung hinahanap niya at hindi kayo, nakita ko kasi sa mga mata niya na nag-aalala siya, baka may nangyari ng masama kay Carol"

"YYYIIIEEE.... Kakilig naman si sir, hindi halatang obsess siya Kay Carol ha"

"Oo nga eehh... Text mo nalang yung address sa mall at ibibigay ko kay sir yung binigay mo sa akin"

"Okay sir, sabihin niyo nalang kay sir Lance na nag-mall kami, date naming apat ngayon at dinamay namin siya mag-mall"

"Okay sige na... Mukhang umu-usok na yung ilong niya dito eehh... Ciao"

Kaya tinext ko yung pangalan ng mall at ng address nito at namili na rin ako ng damit na nagagandahan ako.

LANCE'S POV

Saan kaya nag-suot yung babaeng yun, pumunta pa naman ako sa opisina niya para sabay kaming kumain ng snacks at maka-uwi ng maaga dito sa kompaniya.

Badtrip akong pumunta sa opisina ko, dali-daling umupo sa swivel chair ko, tumalikod ako at, sinandal ko yung katawan ko at tumingin sa kisame.

Narinig kong nag-bukas at sirado nung pinto pero hindi ko iyon pinansin.

"Sir, heto na po yung documents na kailangan niyo" sabi ni Carl at nilagay yung documents sa desk ko

"Carl, nasaan ba sila Carol... Bakit wala sila sa opisina nila ng pumunta ako doon??" walang ganang sabi ko

"Teka Lang sir ha... Tatawagan ko lang si Jonah para malaman natin kung saan sila pumunta o kung naka-uwi na ba sila" sabi ni Carl

Ayon pumunta muna siya sa opisina niya at maya-maya pa ay pumunta agad sa akin

"Sir, pumunta ho sila sa mall na ito" sabay pakita nung CP niyang may address at pangalan ng mall.

Dali-dali naman akong pumunta sa pinto at huminto saglit, humarap kay Carl sabay sabing...

"May meeting ba ako ngayon??"

Tinignan niya naman niya agad yung booklet niya...

"Isa Lang ho yung meeting niyo sir... The rest wala na ho"

"Cancel that meeting, sabihin mo may ibang appointment akong pinuntahan"

Binuksan ko na yung pinto atsaka dali-daling lumabas sa kompanya, sumakay agad ako sa motor ko at agad pinaharurot yun papunta sa mall na pinakita sa akin ni Carl.

Nang makarating ako ay dali-dali akong pumunta sa 3rd floor na sinasabi ng katext ni Carl.

Agad kong nakita si Carol na tuwang tuwa dahil sa mga nakikita niyang mga casual dress na nandito sa floor na ito, nagtingin-tingin Lang siya habang yung dalawang kamay niya ay may dalang plastic ng damit.

Dali-dali akong pumunta sa kaniya sabay yakap patalikod at hinalikan yung leeg papuntang balikat niya.

Siniksik ko ang ulo ko sa leeg at balikat niya... Shet sabik talaga ako sa kaniya ngayon.

"Bakit hindi mo sinabing pupunta kayo ng mall ngayon" bulong ko at nilayo niya naman ng bahagya yung ulo niya.

Kinuha ko yung dala niyang damit sa kamay niya at hinalikan na naman yung leeg niya.

"Kailangan ba lahat alam mo lahat, at kanino mo nalaman na nandito ako ngayon sa mall na ito!" inis na bulong niya sa akin

Binitawan ko na siya sa yakap ko, hinarap ko siya sa akin at tinignan siya ng mas maigi. Napa kagat siya ng labi niya

SSSHHHIIITTT... I want to kiss that damn lips of hers... Bigla kong nakagat yung labi ko sa nai-isip ko.

"Kay Carl, may tinawagan kasi siya sa mga kaibigan mo at tinext niya kung nasaan at anong mall kayo pumunta... And here I am... Viola" sabi ko

Sumimangot siya at inis na tumingin sa akin... Kaya hinalikan ko siya sa labi saglit...

CAROL'S POV

Bakit ba kasi nandito tung ugok na ito sa harap ko at hinalikan pa talaga ako sa maraming tao ha...

Hindi ba siya nahihiya sa ginagawa niya dito...

Biglang dumating sila Jonah, Jake at Ms. Marie, at parang kinikilig sa ginagawa ni Lancelot sa akin.

"Sir, ang sweet niyo naman... May pa-hug and kiss pa kayo kay Carol... Ako rin po sir, kahit hug lang pero pwede ring bigyan niyo rin ako ng kiss" malanding sabi ni Jake.

Lumayo ako sa kaniya at pumunta ako sa gilid ni Jake...

"Jake, sayo na si sir... Okay lang kung landiin mo siya araw-araw" sabay bulong ko sa kaniya

"Sure ka?? Baka mag-selos ka niyan ha... Hinding-hindi ko na siya pakawalan dahil sa sinabi mo"

"Oo naman, sayo na siya" sabi ko at sinamaan ng tingin si Lancelot

"Pwede ko bang hiramin muna si Carol, manonuod kami ng sine at ito ang first date namin" sabay hila sa braso ko, papunta sa kaniya tapos sabay halik sa pisngi ko

"Okay na okay sir, enjoy ho kayo sa first date niyo and ikaw Carol, kailangan mo ring enjoy-in yung company ni sir ha... At chikahin mo kami bukas ha" si Ms. Marie sabay kindat sa akin

Tumungo ako dahil sa kahihiyang sinasabi ni Lancelot sa kanila... Piste siya, hindi ba siya nahihiya sa mga pinag-sasabi niya sa mga kaibigan ko.

"So let's go, we have to have fun and enjoy our first date, babe" bulong niya sabay halik sa tenga ko.

"Yyyyyhhhhiiieeee.... Kkkkkkyyyaaaahhh.... Nakaka-inggit naman kayo eehh... Maghanap na nga lang ako ng jowa yung kapareha kay sir Lance" si Jonah habang kinikilig sa amin

Nagpahila na ako sa kaniya dahil wala rin naman akong magawa.

Pumunta na kami sa 5th floor nitong mall dahil nandito ang cinema at mga gadgets.

Please Don't Forget to Vote, Comment Follow


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C46
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ