CAROL'S POV
Pagkatapos kong mang-hugas ng pinag-kainan niya ay dumiretso na ako sa opisina at ginawa na naman yung pina-revise niya sa akin
Maya-maya pa ay biglang lumabas si Ms. Marga at nagsalita.... Bigla kong itinigil ang ginawa ko at si-nave ko muna.
"Nandito ba ang lahat?.." nilingon niya kami lahat at napa-hinto kami sa ginagawa namin
"I guess everyone's here... Naalala niyo pa ba si Ms. Celine Fernandez?" tumango naman kami sa tanong niya
"Okay... Bibisita siya dito mamaya for checking the items and paano natin ma-manage yung online event niya.. so expect niyo na magiging affirm siya sa mga sasabihin niya, meticulous and particular sa mga items na pipiliin niya o ipapa-kita natin sa kaniya and more thing she's very productive, when doing her business or work. At hindi rin tayo papa-talo okay, we are productive in our own ways. Be prepared later... So that's all and go back to your work" sabay pilit na ngiti at talikod sa amin
Mamaya ko na siguro ta-trabahuhin yung pina-revise ni sir at uunahin muna namin yung bisita.
So ayun busy na naman kami, naghanap agad ako ng mga bagong trend niya sa boutique at sa ibang malls and other boutiques na pwedeng pagku-haan ng bagong ideya...
Hindi ko man lang napansin na lunch break na pala.
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso kami agad sa opisina para gawin yung ginagawa namin.
Maya-maya pa ay may biglang kumatok at pumasok sa loob kasama si Lancelot, na mukhang okay naman na...
"Everyone Good Afternoon, hhhmm... Hinatid ko lang si Ms. Fernandez dito and please take care of her and treat her wise okay"
Tumingin siya sa akin at nginitian ko lang siya ng pilit... Bahala siya diyan
"So that's all, and..." tumingin siya sa relo niya
"May meeting ako later.. so good luck and enjoy"
"Carol, samahan mo kami mamaya ni Jonah diyan sa clothing line sa baba, sasamahan natin Ms. Fernandez para ipakita sa kaniya ang mga damit at iba pa niyang kailangan i-feature sa online marketing niya" bulong niya at tumango naman ako sa kaniya.
"So let's start with our business here" sabi niya
"Ms. Fernandez baba po muna tayo sa clothing line at nandoon po lahat ng damit at iba pang kailangan niyo sa online business niyo" pormal na sabi ni Ms. Marie
Tumayo naman kami ni Jonah at sinabayan sila, nasa likod kami ni Jonah habang si Ms. Fernandez ay kinaka-usap si Ms. Marie
Pagka-baba namin ay dumiretso agad kami sa clothing line.
Ang clothing line kasi ay malaki at pumunta kami sa isang pinto sa pinaka-dulo at binuksan iyon ni Ms. Marie. Isang malaking bodega and nandito na naglalaman ng mga damit, accessories, sapatos at etc.
Ang mga damit and accesories ay nasa isang curtain cabinet, ang sapatos naman ay nasa ibang curtain cabinet
Nandito na kami sa loob ng bodega at ini-explain naman ni Ms. Marie sa kaniya kung ano ang nasa loob
Please see the image of curtain cabinet below:

Just imagine guys na medyo malaki diyan ang curtain cabinet at naglalaman ng women's clothes, accessories and stilleto
Biglang lumapit si Ms. Marie sa akin at bumulong...
"Carol, ang pwede lang mag-access dito ay trabahante lang ng VIP"
"At kailangan mo ng ID Pass para maka-pasok dito, may ID Pass kaba?" tanong ni Ms. Marie
Buti na lang at dala ko ang ID at ID Pass dito.
Sabay pakita sa amin ni Ms. Marie ang mga damit at accessories sa isang curtain cabinet.
Lumapit si Ms. Fernandez sa curtain cabinet at inisa-isa ang pagkuha ng damit at accessories na mapupulot niya..
Tumango-tango naman siya at hindi mo makikita sa mukha niya kung satisfied ba siya o hindi ehh..
Pumunta naman kami sa sapatos and sandals..
Tumango Lang siya pagkakita ng mga sapatos and sandals..
Alam niyo bang ang gaganda ng sapatos, damit at accessories dito, ang sarap tuloy kunin at iuwi sa bahay...
Kung pwede lang sana eehh.. matagal ko nang inuwi toh pero ngayon ko lang nakita...
Kukupit na lang ako dito mamaya... Hahahahah... Ang sama ng ini-isip mo Carol aahh...
Pagkatapos niyang tignan lahat ng iyon ay....
"Impressive, buti na Lang at na-isipan niyong papuntahin ako dito at nagustuhan ko naman yung mga pina-kita niyo sa akin" sabi niya
"So that's all, and I'm waiting to work with you all.. and keep up the work"
"So bye for now and see you next month... Kailangan ko ng umalis dahil may aasikasuhin pa ako" pagpa-paalam niya samin
Hinatid na muna namin siya sa parking lot at nag-paalam uli sa kaniya
"Punta na tayo sa loob at mag-o-out na ako ng maaga dahil may bisita ako ngayon" sabi ni Jonah sa amin
Pumunta naman kami sa loob at nag-out nga muna so Jonah bago umalis.
Tumingin muna ako sa relo at 4:50 na pala, ganon pala kami katagal doon sa bodega.
Over-time na naman ako neto dahil gagawin ko pa yung pina-revise sa akin ng lang-hiyang Lancelot na yun.
At umalis na sila isa-isa pero nag-paalam pa muna sila sa akin.
Nung ako ng mag-isa ay nagpa-soundtrip ako ng upbeat na music..
Pumunta muna ako sa mini kitchen at gumawa ng kape at kumuha na rin ako ng dalawang burger bun at nilagyan ko yun ng peanut butter..
Lumabas agad ako at nilagay ko yun at sa lamesa ko..
LANCE'S POV
Hindi ko napansin ang oras at 8:46pm na pala..
Pumunta muna ako sa opisina nila Carol at pagkarating ko dun ay naiwang naka-awang yung pinto at sinilip ko muna siya...
Nakita ko siyang sumayaw habang kumakain ng pan
SOUNDS RIGHT NOW:

Just imagine guys na sinasayaw ito ni Carol
Nakita ko siyang parang sumusuntok siya.
Natawa ako sa ginawa niya... Ang lambot pala ng katwan neto kapag sumasayaw..
Nung matapos ang kanta ay bigla akong pumasok at pumalakpak sa kaniya..
Bigla siyang umupo at nag-tago sa lamesa, siguro nahiya sa ginawa niyang pag-sayaw
"Impressive, ang galing mo palang sumayaw... Sana nagpa-tuloy ka Lang" at natawa ako ng bahagya.
"K-Kanina ka pa ba diyan s-sir" habang dahan-dahang tumayo mula sa pagta-tago niya
"Hindi naman, parang ngayon Lang" pagsi-sinungaling ko sa kaniya.
Nginitian ko siya ng matamis..
"Sinungaling ka sir, mukhang kanina ka pa nga diyan eehh"
Lumapit ako sa kaniya at may binulong pag-lapit ko
"Sinisilip mo pa nga ako eehh.. ang maniyak" bulong niya.
"Anong maniyak doon?! alam Kong mali ang manilip pero hindi ka naman nag-hubad o ano diba?" explain ko sa kaniya
"Eehh... Paano kung nag-bihis ako dito tapos hindi ko alam na sinisilip mo pala ako" maang-maangang sabi niya
"Ttcchh... Hindi naman malaki yang hinaharap mo para maniyakin yan" nakaka-lokong sabi ko
"A-Ang maniyak mo talaga.. sure ba talaga silang boss ka namin" sabay takip sa hinaharap niya
Lumapit ako sa kaniya hanggang sa maka-sandal siya sa glass window at ini-lapit ko ang mukha ko sa kaniya...
Bigla niyang ini-layo yung mukha niya hanggang sa in-yuko niya ang mukha niya
"Anong akala mo, may gagawin akong masama sayo" diretsong sabi ko sa kaniya...
Tinulak niya ako ng bahagya habang naka-yuko pa rin siya
"A-Ang lapit h-ho kasi ng katawan niyo a-at yung m-mukha niyo..."
Bigla akong natawa sa reaksyon niya...
Pumunta siya sa computer at si-nave yung document doon at shi-nut down niya na yung computer
"U-Uuwi na po ako s-sir, h-hindi p-pa po ba k-kayo uuwi?"
"Hhhhmmmmm... Uuwi na, tara sabay na tayong bumaba"
Yumuko siya at ni-lock niya na yung pinto dito sa opisina pag-labas namin.
SORRY FOR THE TYPOS
God Bless po sa inyo
Please Vote, Follow and Comment to my Story
Please Follow me to my Account:
twitter: @taoclaire16
instagram: @abrokenart
facebook: clairequinto12@yahoo.com
Love You so Much Guys
😊💕😍😘