Pag gising ko sa umaga tinamaam ang aking makinis na morenang balat ng malamig na simoy ng hangin, palatandaang mag uumaga na. Bumangon ako at lumabas mula saking kwarto papunta sa kusina upang uminom ng tubig.
Binuksan ko ang ref para Kumuha ng tubig at ag salin sa basong kinuha ko.
Habang iniinom ang tubig ko biglang pumasok sa isip ko kung pano ko haharapin mamaya si Ivan, magiging awkward ba? Na iisip niya ba pinagsamahan namin? Hays ewan ko nga.
Bumalik ako sa kwarto para maligo at mag bihis may klase na mamaya, it's a no no na malate baka pagalitan pa ako ng teacher ayoko pa naman may bad records lalo na at gr 12 na ako kailangan ko ng malinis na records para sa kolehiyo.
"Mayumi bat kapa naka tunga-nga dyan?"
"ha? Kanina kapa diyan ma?" tanong ko, di ko naman kase na pansin na pumasok siya, gagi uminom na ako ng tubig lutang pa rin?
"anong ha? Oo kanina pa ako katok ng katok pero di ka sumasagot, pumasok nalang ako."
"ah okay sorry, may iniisip lang." sagot ko.
"oh ano pa ginagawa mo diyan? Lakad na! Malalate ka." saka siya lumabas sa kwarto ko.
Inabotan ako ng 30 mins bago matapos maligo at mag bihis, ngayon baba na ako para sa breakfast.
"ma ano ulam?" tanong ko.
"scrambled egg, ham, at hotdog, mag iwan ka para sa kapatid mo at para sa baon mo."
"WAW MAY FIESTA?" ang raming ulam mwhehehe raramihan ko baon ko, wag judgemental ha na nag babaon pa ako kahit gr 12 na.
"kumain kana nga diyan!" sigaw ni mama, okay mader chill umagang-umaga galit na galit gustong manakit.
Umupo ako sa lamesa upang simulan ang pag kain. Ng matapos ako nilagay ko sa pingan ang plato at kutsara na ginamit ko, at uminom ng tubig gotta stay hydrated babe!
5:45 am na kailangan ko ng umalis 6:15 mag sisimula ang flag ceremony, nag lakad ako papunta sa kanto, para pumara ng tricycle.
Maka lipas ng 10 mins. Naka sakay na ako ng tricycle na deretso akong ihahatid sa paaralan.
Sana magiging maganda ang susunod na mangyayari.