ดาวน์โหลดแอป
80.85% She Leaves (Tagalog) / Chapter 38: The Pregnancy

บท 38: The Pregnancy

I have two surprises for y'all:

One, after months of staying in Toronto in peace, and also with the big help of my bestfriend, Nicole and company, naitaguyod ko ang aking pagbubuntis at ang pag-aaral ng Masters in Engineering nang sabay, at nalaman ko rin agad ang gender ng aking magiging anak. Hindi lang isang blessing ang dadating sa buhay ko, kundi dalawa. Oo po, dalawang blessing ang dadating sa akin. I'm having twins. Fraternal twins, one boy and one girl.

Lord, hindi mo naman sinabi, kung ganito lang din pala ang matatanggap ko matapos ang sakit na naramdaman ko sa nakaraan, hindi ako magsasawang ulit-ulitin ang lahat ng sakit. Ang gandang blessing nito, Lord, sobra!

Second, remember the gay friend I had when I was still in a vacation mode in Africa? That gay named Genil? I saw him again here in Toronto at hindi basta-bastang pagkakita lang, kundi siya ang pinsan ni Nicole na kasama niya sa apartment niya. Oo, grabeng twist 'to, ito na yata ang pinaka-shocking sa lahat bukod sa pagbubuntis ko.

Nakita ko agad si Genil ilang oras nang makarating ako sa Toronto, after no'ng pag-uusap naming iyon ni Nicole mismo, ay umuwi si Genil sa apartment straight from his duty at doon na nagkaalaman ang lahat. Kuwento roon, kuwentoo rito ang naganap sa unang araw na pananatili ko sa Toronto.

Masayang-masaya ako, sa totoo lang, pero hindi talaga maiiwasan ang pangamba sa nakaabang na responsibilidad. Dalawang nilalang ang ilalabas ko. Kakayanin ko kaya?

Nagdaan ulit ang mga araw na mas lalo kong hinanda ang sarili sa nakaabang na responsibilidad. Araw-araw kong kinakausap ang kambal. Naging routine na ang buhay ko rito sa Toronto. Gigising nang maaga, yoga exercise, prepare for school, papasok sa school, uuwi, at mananatili sa apartment. Apartment-School lang ang destinasyon ko at kung minsan naman ay kapag day-off ni Nicole or Genil, makakapunta ako sa ibang lugar. Ganoon lang, walang kakulay-kulay. Ang pag-aaral ko na nga lang ng masters ang nagbibigay sa akin nang pagkakaabalahan, e.

Hanggang isang araw, pag-uwi ko sa apartment, tumumbad sa akin ang isang surpresang hindi ko alam kong ikatutuwa ko o ikagagalit ko.

"B-Bunso..." Pareho kaming nagulat sa presensiya ng isa't-isa. Gulat na gulat.

Anong ginagawa ni Ate Tonette dito?

Biglang lumapit si Nicole sa akin kaya sa kaniya ko natoon ang atensiyon ko.

"N-Nic? Ano 'to?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya sabay muwestra sa may banda ni Ate pero imbes na sagutin ako, isang mainit at mahigpit na yakap ang naramdaman ko mula kay Ate.

"B-Bunso, miss na miss na kita," aniya na nanginginig ang boses. Agad nanggilid ang mga luha ko hanggang sa tuluyan itong bumagsak. Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi ko agad nasuklian ang yakap ni Ate hanggang sa kumalas na siya at haplusin ang aking mukha.

"A-Ate..."

"Ssshhh, nandito na si Ate, tutulungan ka ni Ate," aniya.

Ibinaling ko ang tingin kay Nicole, nanghihingi ng explanation.

"Don't blame Nicole. I was in the area for a conference when I contacted her. I knew she's here and I can't stop by without saying hi to her. After all, kaibigan na rin siya ng pamilya natin," panimulang sabi niya. "At first, I really thought nasa Dubai ka talaga, then we talked about you. Aksidente lang niyang nasabi na nandito ka. Pinilit ko siya kaya walang siyang nagawa kundi sabihin ang tungkol sa 'yo."

Napasinghap ako sa sinabi ni Ate Tonette, hindi malaman kung anong sasabihin.

"Bunso, bakit naman hindi mo sinabi sa amin na nandito ka? Bakit kailangang magsinungaling ka kina Mama?"

"A-Ate..."

Marahan akong niyakap ulit ni Ate hanggang sa sabihin ko na sa kaniya ang mga nangyari nitong nakaraang mga buwan. Tinatagan ko ang sarili ko at hindi ako nagpatalo sa emotional hormones na dala ng pagbubuntis ko.

Matapos ang mahabang kuwento, napasandal ako sa sofa ng apartment at hinimas ulit ang tiyan ko.

Nilingon ko si Ate na kanina pang tahimik magmula nang mag-kuwento ako.

She sighed and then she looked at me.

"Is this the reason kung bakit ka nakipaghiwalay kay Darry?" Walang filter na tanong niya.

Agad akong napa-iwas ng tingin sabay singhap.

"Kaya ka nakipaghiwalay kasi alam mong nabuntis ka ng ibang lalaki?"

What the shit?

Big time na nagulat ako sa sinabi ni Ate. Hindi agad ako naka-recover sa naging tanong niya, parang tumigil ang ikot ng aking mundo. I am punyemas speechless.

Nang maka-recover, agad akong napatingin kay Nicole na tahimik lang na nakikinig sa amin sa malayong gilid, maski siya nagulat din sa narinig mula kay Ate.

Gusto kong magsalita pero napapangunahan ako nang pagkalito.

"Sino 'yong ama, kung ganoon, MJ? Kasama mo ba rito sa Canada?" Dagdag na tanong ni Ate na mas lalong nagpadagdag sa akin sa pagkalito.

Napaawang ang bibig ko para magsalita pero walang boses na lumalabas. Nakipagtitigan na ako kay Nicole para tulungan ako sa pagsagot. Pinandilatan ko na rin siya ng mata pero pandidilat ng mata rin ang naging sagot niya sa akin.

Oo, mukha kaming timang na dalawa, nagdidilatan ng mata.

"A-Ate..." Panimula ko at sabay no'n ay ang pag-iwas ko ng tingin kay Nicole para ilipat kay Ate Tonette. "Kaya ako nandito sa Canada para magtago sa ama ng dinadala ko. Ayoko na siyang pag-usapan, Ate, please. What happened to us in the past will stay in the past. Gusto ko na lang na mag-focus sa pagbubuntis ko at sa dalawang batang dinadala ko ngayon."

Kitang-kita kong nangunot ang noo ni Ate dahil sa naging sagot ko. Alam ko, halatang hindi siya kumbinsido sa naging sagot ko.

Matapos ang usapan namin ni Ate ay umalis na muna siya sandali para balikan ang conference na pansamantala niyang iniwan. Marami na kaming napag-usapan ni Ate. Napag-usapan na rin namin ang tungkol sa mga detalyeng sasabihin niya sa mga magulang namin once na makauwi siya at kung anong mga hakbang ang gagawin niya para mabigyan ako ng assistance.

Kasali sa napag-usapan namin na may ipadadala siyang dalawang kasambahay mula sa Pilipinas para may tumulung sa akin, lalo na't kambal pa ang dinadala ko. Mas lalong mahirap daw 'yon kaya kailangan na kailangan ko raw nang makakasama sa pagbabantay. So sinabi ko na sa kaniyang si Alice at Erna na lang ang ipadala, mas maaasahan 'yon sa lahat. Kaya gagawin niya ang lahat at siya nang bahalang mag-proseso ng mga papeles nila para maipadala sila rito sa Canada. It may took months but I can wait.

Nang makaalis si Ate para balikan ang hotel room niya rito sa Toronto ay hindi na nga napigilan ni Nicole na lapitan ako at pagsabihan.

"Ano 'yon, MJ? Bakit hindi mo sinabi kay Ate Tonette ang tungkol sa ama ng mga anak mo?" Halos hysterical na tanong na nga ni Nicole.

I knew she'd react with this one.

I heavily sighed and intently look at her.

"I want a peaceful life away from the Lizares, Nic. That's the only thing I can do to protect my twins from them."

Napa-sapo si Nicole sa kaniyang noo, mukhang hindi makapaniwala sa naging sagot ko.

"You are adding fuel to the fire, MJ!" Aniya. "Alam mo naman na pinag-usapan ka sa Pilipinas noong mga nakaraang buwan dahil sa 'allegedly cheating scandal' mo raw with an unknown person tapos 'yon pa ang sasabihin mo sa Ate mo? Edi kapag nalaman ng bruhang malanding Callie Dela Rama na iyon na nabuntis ka at ibang lalaki pa, edi natuwa ang walang hiya?"

Natawa ako sa sinabi ni Nicole. As in sobrang natawa. At no'ng maka-recover ay tinapik ko ang pisnge niya at ngumiti.

"At least we know the whole truth, right? At saka, hindi naman habang-buhay itatago ko ang totoo, ang gusto ko lang ngayon ay protektahan ang kambal at gusto ko nang matiwasay na buhay para sa kanila. 'Wag ka na ring masiyadong magpapaniwala at magpapa-apekto sa mga sinasabi ng mga judgmental netizens na 'yan. They are influenced by Callie and besides, nandito tayo sa Toronto, malayo sa kanila kaya 'wag kang paapekto.

"Upload mo kaya 'yong in-edit n'yong video ni Genil ng trip ko sa Africa sa Facebook? Show them that I am perfectly fine despite of their bashing to me," dagdag na sabi ko habang natatawa.

The second trimester of my pregnancy went well. It's still the same with my first trimester but a little heavier this time and more food intake kasi nga dalawa na ang pinapakain ko sa loob.

"Nic, nagpaparamdam ba si MJ sa 'yo?"

Umiinom ako ng tubig sa kusina nang marinig ko ang tanong ni Paulla. Inabisohan na ako ni Nicole kanina na tatawag daw si Paulla sa kaniya and since hindi alam ng ibang kaibigan namin na kasama ko si Nicole kaya nanahimik ako at nanatili sa likod ng camera.

"Bakit naman?" Patay-malisyang tanong naman ni Nicole.

Ang gaga, best actress talaga.

"Magmula kasi no'ng nag-Dubai na siya, hindi na siya nag-o-online sa Skype tapos parang hindi niya sini-seen ang mga messages ko. Ang bruha talagang 'yon, nakipaghiwalay lang sa asawa niya naging idle na. Malapit pa naman birthday niya," puno ng reklamong sabi ni Paulla sa kabilang linya.

Natawa ako at the same time ay na-guilty na rin. Yes, I know, kailangan nilang malaman ang totoo pero promise, kapag kaya ko na, uunti-unitiin ko sila.

Another news about my career life blooms. Aside from being a masteral student, nagkaroon din ako ng part time job in a construction firm here in Toronto. Apprentice pa lang ang status ko and more on office job ako kasi nga buntis at baguhan pa lang. But that didn't stop me from being a practicing engineer in this foreign land.

Tinotoo nga ni Ate Tonette ang sinabi niya sa akin. Eight months ang tiyan ko nang makarating na si Alice at Erna dito sa puder namin sa Toronto. Siyempre, iyakan at matinding kuwentuhan ang naging salubong namin. Sobrang na-miss ko silang dalawa at sobra rin silang nagulat nang malaman na nga ang situwasiyon ko. Alam na rin nina Mama, Papa, at Kuya ang totoong kinalulugaran ko. Actually, kasama sila sa paghatid sa dalawang makakasangga ko sa pagbabantay sa mga bata. Wala akong ibang nagawa kundi ang salubungin ng explanation ang mga magulang ko. Napagalitan ako pero wala rin naman silang magagawa, pinilit ko silang itago nila ang totoong kalagayan ko at kung maaari ay i-sekreto ang pagbubuntis ko alang-alang sa kaligtasan at kapayapaan ng mga magiging anak ko. Sumang-ayon na rin naman sila.

Totoo nga ang sinabi ni Nicole, kailangang-kailangan namin ang tulong ng pamilya ko. Noong maliit pa lang ang tiyan ko, palagi kong sinasabi kay Nicole na hindi ko ipapaalam sa pamilya ko ang pagbubuntis ko kasi kaya kong buhayin sila. Oo nga, kaya ko nga when it comes to financial stability pero kung physical, hindi ko kakayanin lalo na nang malaman naming kambal ang magiging anak ko. Siguro tama lang na pinaalam ko ang tungkol dito sa pagbubuntis ko. Hindi man nila nalaman kung sino ang ama, tinanggap pa rin nila ako at sinuportahan.

After a month, I gave birth to my two lovely babies. They are so healthy and so, so lovely. cesarean section ako but they are so worth it kaya wala na akong pakialam kung may bakas ng hiwa itong tiyan ko. They are both a blessing from above. An unexpected one but the most beautiful unexpected gifts that ever given to me.

Napatanong na nga lang ako sa sarili ko kung anong nagawa ko sa past life ko to deserve this kind of blessing? Sobrang thankful ako. Sobra. At lahat nang pagsisising ginawa ko nang mangyari ang gabing iyon ay nawala nang dahil sa kanila.

My parents were there when I gave birth. Bumalik sila at pansamantalang nagbakasyon ng ilang linggo para masaksihan daw ang panganganak ko. Oo, napagalitan nga ako nang dahil dito pero aminin man nila o hindi, mas excited sila kesa sa akin.

I name them Kaven and Keyla. Wala lang, trip ko lang. Bakit ba? Mga anak ko naman 'to, hindi niyo naman anak 'to.

I spent three months with my babies before I came back to schooling and to my job, na dahil siguro sa hatid na suwerte ng kambal, ay naging full-time job ko na.

I feel inspired every day to go to school and to do my job. I feel responsible enough dahil sa mga anak ko. Naging responsable ako at mas inisip ang nakaabang na future ng mga anak ko. Sobrang legit na masarap magtrabaho kapag alam mong may pinaglalaanan ka ng lahat ng mga sakripisyong ginagawa mo. And for me, it's them, my twins. Walang ibang makapapantay sa kanila. Sila lang, sapat na.

I've moved on and never looked back. I lift myself up and became the woman I am now.

My career. My family. My social life. They are so different from what I had in the Philippines. And all I can say is that I am more contented to what I have right now that I am ready to let go of what I had. Mas importante na sa akin ang mga anak ko ngayon and nothing can replace them, replace everything.

Hindi man maiwasan, naging kilala kami ng team ko sa Toronto. Nang dahil ito sa first project na kasali ako. Naging succesful kasi ito at naging talk of the town kasi isa ito sa pinaka-malaking project in the field of construction sa Toronto. Nang dahil do'n, f-in-eature kami sa isang local magazine about engineering and etcetera. Naging cover kami nito kasama ang mga teams ko na pareho ko, mga baguhan din, pero may itinatagong galing. Mga nasa late 20's na kaming lahat at aaminin ko, kaya siguro naging cover kami sa magazine na iyon, ay dahil guwapo nga naman ang mga kasamahan ko sa team and they are all bachelors pa and I am also the only girl in that team.

Nagtuloy-tuloy ang pamumuhay ko nang matiwasay kasama ang mga anak ko, si Alice, Erna, si Nicole, at si Genil.

Masaya ang buhay lalo na kung nawi-witness mo ang mga progress na ginagawa ng mga anak mo sa pang-araw-araw. Kahit na mahirap mag-alaga ng kambal, kinaya ko at habambuhay kong kakayanin.

Years passed and I'm done with my masters. I now have a stable job here in Toronto with my new found employer with an international construction firm impression. My kids are growing bigger and naughtier than ever. Masakit na sila sa ulo pero kagaya nang una kong sinabi, kakayanin.

"Ano? Ready na ba ang 'anneyeong hasseyo' mo, Genil?" Tanong ko kay Genil nang minsan ay nagsabay-sabay ang day-off naming tatlo. Nasa kuwarto ako ni Nicole and nandito rin si Genil. Tinutulungan lang naming mag-impake si Nicole habang ang boyfriend naman niyang si Nathan ay nakikipaglaro sa kambal doon sa salas.

"Last year pa ako handa sa mga Oppa ko, bruha!" Sagot naman ni Genil na sinabayan niya pa nang pangingisay. Halatang mahilig talaga sa K-drama. Napa-irap na lang ako.

"E, ikaw?" Napatigil ang hagikhikan namin ni Genil nang magsalita ang isa pang bruha. "After ng Korea trip, handa ka na bang umuwi ng Pilipinas?"

Punyemas.

Big time na natigilan talaga ako sa naging tanong ni Nicole. Hindi ko nasangga kaya sapul na sapol ako.

"Kailangan... para sa trabaho," simpleng sagot ko na lang at tinulungan na nga si Nicole sa pag-iimpake.

"Sabagay, international construction firm 'yang pinagta-trabahuan mo, malamang hindi talaga maiiwasan na may isang kompanya sa Pilipinas na kukuha sa inyo," sagot naman ni Genil.

Matapos ang ilang taon, makakabalik na ako ng Pilipinas. Hindi dahil gusto ko, kundi dahil sa trabaho. Laking pasasalamat ko na lang na meron pa kaming South Korea trip kasama ang pamilya ko bago tuluyang umuwi ng Pilipinas, maihahanda ko pa ang sarili ko sa loob ng isang linggo.

Simula nang piliin kong 'wag nang mangialam sa nangyayari sa Pilipinas, wala na rin akong naging balita sa kaniya, sa kanila, sa pamilya niya.

Pero aaminin ko, natatakot akong umuwi ng Pilipinas lalo na't kasama ko ang mga bata. Mas d-um-oble ngayon ang takot ko na lumalaki na sila. They haven't yet asked about their father but I am afraid that time will come. Kaya hinahanda ko na rin ang sarili ko. Laking pasasalamat ko na lang kay Nathan at Genil kasi kahit papaano ay may father figure ang mga anak ko.

Sana, hindi na mag-krus ang landas namin kapag umuwi na ako ng Pilipinas.

"Ang taray ng pamilya mo, friendship ha. All expense paid trip in South Korea, bongga!" Wika ni Genil nang makarating kami sa hotel na pinag-s-stay-han namin dito sa Seoul.

"If you were her friend since childhood, Diyos ko, pinsan, ikaw na mismo ang aayaw sa mga lakad nila. Ako nga umaayaw na, e," ani Nicole na nakapagpatawa sa akin.

"Edi ikaw na ang matagal na kaibigan ni MJ,"

Asows, makaarte naman ang baklang 'to.

"It's also their way of saying thank you sa inyo sa lahat ng tulong na ginawa niyo sa akin no'ng nasa Canada pa lang tayo, kaya tanggapin niyo na," sagot ko naman.

"Pang-ilang beses na 'to ha, palagi na lang ba silang magti-thank you?" Tanong na naman ni Genil na animo'y hindi sanay sa ginagawa ng pamilya ko.

"Gaya nga ng sabi ko kanina, Genil, masanay ka na," sagot ulit ni Nicole.

"Pero infairness, ang guwapo-guwapo na ng Kuya mo ha?"

Napangisi ako sa sinabi ni Genil at patuloy na inayos ang mga kinalat na laruan ng mga bata.

"Guwapo ba 'yong Kuya ko?" Medyo alanganin kong tanong. Oo, guwapo si Kuya Yosef pero wala akong bilib sa kaniya, e.

"Naku, pinsan, patikim pa lang 'yon si Kuya Yosef. Ewan ko na lang kung ano pang magiging reaksiyon mo kapag nakita mo ang ibang mga pinsan nito," kuwento ulit ni Nicole na sanay na sanay na sa pamilya ko. "Speaking of pinsans, okay na ba kayo ng mga pinsan mo, MJ? Sina Kuya Clee, okay na ba sila sa 'yo?" Tumingin sa akin si Nicole kaya ngumiti ako sa kaniya sabay tango.

"Yeah, pinapa-uwi na nga nila ako, e," sagot ko naman.

Pinuntahan ko ang kuwarto ng mga bata at nang makitang mahimbing ang kanilang pagtulog ay nakampante ako. Bumalik ako sa sala ng family suite na tinitirhan namin dito sa Seoul para kausapin ulit ang mga kaibigan ko.

Kararating lang namin galing airport. Hinatid kasi namin ang pamilya ko pauwi ng Pilipinas. Hindi sabay ang plane ticket namin kaya kami naiwan dito sa Seoul, susunod din naman kami bukas kaya panandalian lang itong pagpapahinga namin ngayon.

"Ano? Handa ka na bang umuwi?" Tanong ni Nicole sa akin nang makabalik ako sa salas.

"Do you have plans and precautionaries in case makilala nila ang kambal?" Sunod na tanong naman ni Genil. Napabuntunghininga na lang ako sabay pasada ng tingin sa boyfriend ni Nicole na tahimik lang sa isang tabi.

"I think it's time for them to know their own blood,. After all, nakapag-moved on na rin naman ako," Taas-noong sagot ko na alam kong ikinagulat nila.

"What?" Eksaheradang tanong ni Genil. "Ipapakilala mo na sila sa daddy nila?"

"Wow, you changed your plans," wika ni Nicole.

"I'm going home and I know na hindi maiiwasan na mag-krus ang landas namin ng pamilya nila. Sasabihin ko pero hangga't wala pa, hangga't kaya ko pa, itatago ko muna at sasarilinin sila. I also need to prepare myself, ayokong mawalay sila sa akin."

I have doubts with my plan pero kung puwede nga lang na sa akin na ang mga anak ko, gagawin ko.

"Mabuti alam mo na hindi talaga maiiwasan 'yon. At saka, simula pa lang, karapatan naman talaga nilang malaman ang tungkol sa anak mo, karapatan niyang malaman ang tungkol sa kanila," wika ni Nicole. "Alam na ba ng mga magulang mo kung sino ang ama? Nasabi mo na ba sa kanila?" Dagdag na tanong niya.

Nilabanan ko ang tingin ni Nicole hanggang sa ako na mismo ang nag-iwas ng tingin.

"H-Hindi pa, hindi na ulit namin napag-usapan pa."

Isang ngisi ang unang sinagot ni Nicole sa akin na ikinakunot ng noo ko. Anong sapak ng babaeng ito?

"Sabagay, kahit hindi mo man sabihin sa kanila, alam kong alam na nila kung sino ang ama. Mukha pa lang ng mga anak mo, halata na, e."

"Hoy, Nicolane! Si Kaven lang, sa akin nagmana si Keyla."

"Silang dalawa kaya! Habang lumalaki 'yang mga anak mo, nagiging kamukha na nila, e. Ang tapang talaga ng dugo nila."

Napasimangot ako sa sinabi ni Nicole. Ayoko mang aminin sa sarili ko, mukhang tama siya. Kamukhang-kamukha nga niya ang mga anak ko. Kaya nga sa araw-araw na ginawa ng Diyos, e, nahihirapan ako, kasi sa tuwing nakakaharap ko ang mga anak ko... it reminds me of him. Punyemas.

"Ano? Itatago mo pa? Mana pala sa tatay, e," kantyaw naman ni Genil kaya nabato ko siya ng throw pillow.

"Basta! Ihahanda ko muna ang sarili ko, saka ko na lang iisipin 'yan kapag nandiyan na. E, wala pa naman kaya mapapanatag pa ang loob ko," depensa ko. Gusto pa sanang sumagot no'ng dalawa pero hindi ko na hinayaan nang biglang may tumawag sa phone ko.

Engr. Kither Gollen Cervantes is calling...

"Sandali, Engineer Kith is calling, sagutin ko lang," sabi ko sabay tayo.

"Weh? Engineer Kith pala ha," kantyaw naman ni Genil na sinabayan ng 'ayie' ni Nicole. Umiling na lang ako at lumayo-layo sa kanila.

"Yes, Engineer?" Bati ko sa ka-trabaho ko.

"Hey, Engineer..." Pa-unang bati niya.

Engr. Kith is a colleague of mine. Kasama ko siya sa project na gagawin namin sa Pilipinas together with Ar. Schmidt and Engr. Rivera. Engr. Kith is a half-filipino and half-american. Mama niya ang american and Papa niya ang pinoy kaya Cervantes ang apelyido niya. Baka kako kayo ay magtaka.

"I just called to check on you. I heard you're still in Korea?"

Wala sa sarili akong napangiti sa naging tanong niya.

"Yes, I am. But don't worry, Engineer, I will be there sa meeting and tomorrow morning will be our flight going to the Philippines kaya don't worry," assurance ko sa kaniya.

"Oh, good thing. So um, how's your trip there? How's the kids? Did they enjoy?"

And then we talked and talked more.

Engr. Kith is a good friend of mine. Isa rin siya sa naging kasangga ko noong nag-aaral pa lang ako ng masters sa Canada. Siya rin 'yong tumulong sa akin para makapasok sa construction firm for my part time job. Isa rin siya sa mga nakasama kong Engineer noong na-feature kami sa isang local magazine. Marami na kaming napagdaanan nitong si Engr. Kith and sa lahat ng iyon, hindi niya nakakalimutan ang mga anak ko. He know about them but he didn't know about the father.

Kinabukasan, maaga kaming nagising lahat for our eight am flight back to the Philippines. Aaminin ko, magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko.

Because finally, I'm going home.

Nang lumapag na ang eroplanong lulan namin sa airport ng Manila ay parang may kung anong kumabog sa loob ko. Napahinga ako ng malalim at f-in-ocus sa kasalukuyan ang sarili ko.

Katabi ko ang kambal nang lumapag na ang eroplano. Paglingon ko sa kanila, mahimbing ang kanilang mga tulog.

Isa-isang nagsitayuan ang mga pasaherong kasama namin rito sa business class nang mabigyan kami ng hudyat na puwede na raw bumaba.

"Kami na magbubuhat sa kanila, MJ." Volunteer ni Nathan nang makalapit sila sa amin. Kinarga niya si Kaven at si Genil naman ang kumarga kay Keyla. At mas nauna silang naglakad.

Nilingon ko ang dalawang kasama pa namin na mababakas sa kanilang pagmumukha ang sabik sa pag-uwi.

"Ano? Excited ba kayong umuwi?" Tanong ko kay Erna at Alice nang pababa na kami ng eroplano.

"Oo naman, Ma'am. Ilang taon din noong huli kong nakita ang Pilipinas, e," energetic na sagot ni Erna na tinawanan namin ni Alice.

Kasama din namin ang dalawa nang magbakasyon kami sa Korea. Ngayong nakauwi na kami ng Pilipinas, binigyan ko sila ng pagkakataong makauwi sa kanilang pamilya dahil ilang taon din silang hindi nakauwi rito. Simula noong ipadala sila ni Ate sa akin, hindi na sila nakauwi ulit, ngayon lang.

Erna chose to go home for a while pero nangakong babalik din dahil mami-miss daw ang mga bata. Meanwhile, Alice chose to stay kasi ayon nga sa kaniya...

"Alam mo namang wala na akong mauuwian 'di ba? Kaya ako nang bahala sa mga bata. Ayaw mo no'n? Mas alam ko ang mga plano mo kesa sa ipa-ubaya mo pa sa ibang kasambahay ang pag-aalaga sa kanila? Edi nasira plano mo?" Natawa na lang ako sa naging sagot niyang iyon.

Aside from Nicole and Genil, Alice and Erna saw me when I had my postpartum after giving birth. They saw everything I've been through at alam nila na ayaw kong makilala niya ang mga anak ko. They knew how loathed I am towards him kaya laking kaginhawaan na nagpa-iwan sa puder ko si Alice kahit na pansamantalang magbabakasyon si Erna.

"Mabigat ba?" Tanong ko kay Genil nang naglalakad na kami papunta sa area kung saan kukunin namin ang mga bagahe namin.

Bahagya ko pang hinaplos ang mahabang buhok ni Keyla na mahimbing pa rin na natutulog. Si Kaven naman ay nandoon sa Ninong Nathan at Ninang Nicole niya.

Ngumiti lang sa akin si Genil sabay senyas na okay lang daw.

Medyo mabagal ang usad ng makina kaya matiyaga kaming naghintay. Hindi rin naman kami makapag-okrayan ni Genil kasi nga baka magising si Keyla sa tawanan namin. Malakas pa naman tumawa itong si Genil.

Tinititigan ko lang si Keyla nang biglang lumapit si Nicole sa akin. Para siyang nataranta bigla.

"Bruha, twelve o' clock," aniya na hindi ko maintindihan.

"Twelve o' clock? E, ala una pa lang ng hapon, Nic ah?" Confuse na tanong ko, tumingin pa nga ako sa wrist watch ko.

Pero ang naging response niya ay isang mahigpit na hawak sa kamay ko.

"Twelve o' clock position," medyo nanggigigil na sabi niya.

Ah, okay?

Nang ma-gets ang gusto niyang iparating ay agad kong sinundan ng tingin ang sinasabi niyang twelve o' clock position.

Medyo maraming tao ang nandito, nag-aabang sa kani-kanilang bagahe at sa malayong parte nga ng arrival area, sa kabilang bahagi, ay diretso at sentrong nakatingin sa akin ang isa sa mga Lizares.

Shit?

The moment na magtama ang tingin naming dalawa, agad akong nag-iwas at napalapit kay Genil.

"Who that?" Confusion can be heard from Genil but I ignored him and continue taking away my vision from him.

"Hoy, bruha? Maka-dikit ka sa akin, sino ba 'yan? Is he the father?"

Punyemas! Ang ingay ng baklang ito!

Mahina kong hinampas si Genil nang matigil sa pinagsasabi niya.

"Tumahimik ka nga at 'wag kang magpapa-cute, gagamitin pa kita, punyemas!" Bulong ko, siyempre, malayo sa side ng anak ko, baka marinig, e.

"Ew, are you really going to use me? Dimwit ka, bruha!"

"That's not the father, cous, it's the brother of the father," sagot naman ni Nicole na nandito pa pala sa tabi naming dalawa.

"Oh? He's so... hot! Dimwit ka nga, bruha! Kung itong brother ay ganito na ka-hot at ka-guwapo, paano na ang kapatid? At saka bakit ang sama niya makatingin? Is he looking at me?"

Mariin akong napapikit at pa-simpleng kinurot si Genil dahil sa kalandian niya.

"Tumahimik ka nga," saway ko sa kaniya.

"Arte mo, akala mo kung sinong maganda," maarteng sagot naman ni Genil.

"'Wag mo nang pagnasahan 'yan, cous, may asawa na 'yang si Tonton," sagot naman ni Nicole.

"Oh, so Tonton is the name? Sayang naman pala at maagang nag-asawa."

Hindi ko na siya pinatulan pa at hindi ko na rin ulit ibinalik kay Tonton ang tingin ko. Natatakot malaman na tama ang sinabi ni Genil, na masama ang tingin sa amin.

Pero bakit? Tonton is the nicest guy among them kaya bakit?

Nakahinga lang ako nang maluwag nang malamang nakaalis na siya at nakuha na namin ang mga bagahe namin. Palabas na kami sa airport at nang makita ang sundo namin, agad na inilagay sa loob ng sasakyan ang ngayo'y mahimbing pa ring natutulog na kambal.

Mga tulog mantika talaga ang dalawa, manang-mana sa... akin siyempre, saan pa ba?

"Hoy, sisipot ka mamaya ha? They are here para salubungin tayo." Nang nandito na kami sa labas ng kotse ay agad nagsalita si Nicole para sa iilang bilin.

"Oo, mamayang gabi, alam ko na 'yan." Kahit medyo pagod na ako sa biyahe ay nagawa ko pang tumango. "Sigurado kayong hindi na kayo matutulog sa mansion?" tanong ko sa mag-pinsan.

"Hindi na, Nathan's family is expecting us kaya doon na kami mananatili bago kami umuwi ng Negros," sagot agad ni Nicole.

Nilingon ko si Genil, baka sakaling makumbinsi ko.

"Kailangan kong samahan 'yang pinsan ko at saka nakakahiya na, ang dami-dami ng libreng nabigay ng mga Osmeña sa akin, pagpahingahin mo naman ghorl," maarteng sagot naman ni Genil.

Wala akong nagawa kundi ang magpaalam sa kanila. May sariling sundo si Nathan at doon na sasakay ang mag-pinsan.

Nang makapag-paalam ay agad din akong tumulak pauwi sa Leonardia Mansion dito sa Metro Manila kasama siyempre ang mga precious ones ko.

Habang nasa biyahe ay biglang nagising ang dalawa.

"Mom, where are we?" Agarang tanong ni Keyla.

"Are we here already? Where are we going, Mom? Why are we riding a car?" Na sinundan nang pagtatanong ni Kaven.

Isa-isa kong hinalikan ang dalawa.

"We are in the Philippines na, and ano nga ulit sinabi ni Mommy sa inyo?"

"We need to speak tagalog once we're in the Philippines," sabay na sabi ng dalawa kaya sa sobrang tuwa ko ay nahalikan ko ulit silang dalawa.

"Very good!"

Naghintay pa ulit kami ng ilang minuto bago kami tuluyang nakarating sa Leonardia mansion.

Dito na muna kami magpapalipas ng gabi. Bukas, aalis na naman ang kambal at sa Negros na sila pupunta habang ako ay maiiwan muna rito sa Manila for work purposes pero agad din naman akong susunod sa kanila once I settled my work here.

Nakarating kami sa tahimik na mansion. Malamang, tahimik talaga ito kasi kami lang ang magiging tao rito, nasa Negros yata lahat ng miyembro ng pamilya ko, e.

Inalalayan ko ang kambal habang sinasagot ang katanungan nila na walang humpay. Masiyadong matatalino, ang daming alam, manang-mana talaga sa... akin ulit, sa akin lang talaga.

Ang mga katulong ang nag-asikaso ng mga bagahe namin habang kaming tatlo ay papasok na sa mansion. Close ang main door nito pero hindi naman naka-lock kaya agad kong nabuksan. Pinapasok ko 'yong kambal at sabay nang pagpasok namin ay ang pagputok ng mga confetti at ang pagsigaw nila ng...

"Welcome home!"

Wow?

Ilang segundo akong hindi nakapag-reak dahil sa gulat na rin. Nang maka-recover ay agad akong napayakap sa mga pinsan ko na nandito ngayon sa Leonardia mansion para salubungin kami ng mga anak ko. Hindi man sila kumpleto pero nakakataba pa rin ng puso.

"You're finally home, cousin!" Masiglang bati ni Ate Fiona sa akin sabay yakap nang mahigpit.

"Awe, ang cute ng mga anak mo, MJ!" Ani Ate Chain na nilapitan na ang kambal na agad silang pinagma-mano. Mas lalo silang namangha sa inasal ng kambal.

Ate Fiona, Ate Chain, Ate Teagan, Kuya Yohan, Kuya Mikan, Jest, Lourd, and Hype are here to salubong us. May pa-banner pa sila tapos confetti at cake. Naks naman itong mga pinsan kong ito.

Kuwentuhan doon, kuwentuhan dito ang ginawa namin sa hapong iyon. Lahat sila halos natuwa sa pinapakitang pagka-jolly ng kambal.

Alam kong umalis ako nang walang abiso o pormal na paalam sa kanila. Ni hindi ko nga personal na nasabi sa kanila ang tungkol sa pagbubuntis ko. Ni hindi ko rin sila nakausap tungkol sa naging alitan namin dati. Pero ganito yata siguro kapag kadugo mo? Kusa at kusa kayong magkakabati, kusa at kusa nilang tatanggapin kung anong naging flaw mo.

And I am so lucky I have a family like them. I am so lucky I became an Osmeña.

~


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C38
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ