ดาวน์โหลดแอป
51.06% She Leaves (Tagalog) / Chapter 24: The Demunyu

บท 24: The Demunyu

Kung dati, naging rason ang trabaho kung bakit nag-iiwasan kami ni Darry sa penthouse. Ngayon... ako na mismo ang umiiwas sa kaniya. Blessing in disguise din ang pagiging abala niya sa kompanya nila kaya hindi na rin niya ako binulabog pa. In short, wala kaming pansinan sa loob ng bahay.

Laking pasasalamat ko na nga lang na hindi ko na kailangang magpanggap dahil uuwi na akong Negros ngayon at maiiwan siya sa penthouse kasama si Alice at Erna. Babalik din naman ako ng Monday morning. It's just a weekend with family dahil first birthday ni Kansas, na pangalawang anak ni Ate Tonette.

"Maligayang pagbabalik sa Negros, Ma'am MJ!" Pagkalabas ko ng airport, ang nakangiting si Manong Bong ang bumungad sa akin. Kinuha niya ang medium size luggage ko at saka pinasakay sa kotse ko na siya ang nag-drive.

"Hello Manong Bong! Kumusta ka na, Manong?" No'ng naisakay na niya sa likuran ang bagahe ay agad ko siyang binati.

"Mabuti naman, Ma'am, heto't malakas pa rin."

Nahawa ako sa naging ngiti ni Manong kaya napangiti na rin ako.

"Sina Mama at Papa nandoon na sa bahay?" Tanong ko tungkol sa pamilya kong kababalita ko lang na umuwi na kahapon sa bahay galing sa bakasyon nila.

"Opo, Ma'am, kahapon lang po sila nakarating. Kasama na nila 'yong bago niyong pamangkin, Ma'am. 'Yong pangalawang anak ni Sir Yosef, Ma'am," patuloy pa rin sa pagkuwento si Manong Bong habang paalis na kami sa premises ng airport.

Sasagot na sana ako sa kuwento ni Manong Bong nang umingay ang kaniyang phone. Binagalan niya ang pagd-drive niya at sinagot ang kaniyang phone. Sumandal na lang ako sa upuan at tinanaw ang madilim na tanawin sa labas. Gabi na ako nakarating dito sa Negros kaya hindi ko na masiyadong makita ang tanawing dati'y palagi kong nakikita noong nandito pa ako. Magdadalawang buwan na akong hindi nakakabalik dito. Nakaka-miss din pala ang Negros.

Imbes na tingnan ang madilim na paligid, kinalikot ko na lang ang phone ko habang si Manong Bong naman ay mukhang may kausap sa phone niya.

"Hello Sir, magandang gabi po... Opo Sir, kasama ko na po siya ngayon, Sir... Opo, Sir, safe naman po siya Sir... Ah, Ma'am MJ, saan ka po magdi-dinner?" natigil ako sa pagkalikot sa phone ko nang tawagin ako ni Manong Bong.

"Sa bahay na lang po, Manong. Bakit po? Gusto niyo po ba kumain na muna tayo bago tayo umuwi?" Nakangiting tanong ko. Nasa Silay City pa naman kami, hindi pa nakalabas sa kanto papuntang airport kaya kung gutom na si Manong, puwede pa kaming kumain muna sa mga kainan dito sa Silay.

"Ay hindi po Ma'am, okay lang po." Tinanguan niya muna ako bago siya nagpatuloy sa pagka-usap sa kung sino man 'yong tumawag sa kaniya. Siguro si Kuya Yosef kasi Sir ang tawag niya, e. "Sa bahay na lang daw po siya kakain ng hapunan, Sir... Sige po, Sir. Sasabihin ko po..." Lumingon na naman si Manong Bong sa akin, paminsan-minsang sumusulyap sa daan.

"Manong, si Kuya Yosef po ba 'yang katawag mo? Pakisabi kay Kuya sa akin na siya tumawag, nagd-drive ka po, o," inunahan ko na siya sa pagsasalita.

"Hala sorry Ma'am, sandali lang po." Binagalan ni Manong Bong ang pagd-drive niya hanggang sa itabi niya sa gilid ng daan ang kotse at tuluyang huminto. "Si Sir Darry po ang tumawag, Ma'am. Pinapasabi na kailangan n'yo na po munang maghapunan bago umuwi, Ma'am."

Punyemas?

"Give me your phone, Manong, ako na kakausap sa demunyung iyan," naiinis na sabi ko, mabuti na lang at ibinigay din ni Manong ang phone niya. "Hoy! Bakit ba binubulabog mo pa ang ibang tao? Alam mo bang nagd-drive si Manong Bong? Kaya bakit ka tumatawag sa kaniya at sasabihin mo pang kailangan kong kumain bago umuwi? Ikaw ba may alam kung kailan ako nagugutom? Punyemas mo, Lizares! Bakit ba binubulabog mo pa ang ibang tao, kung puwede mo naman akong tawagan ng diretso! Perwisyo ka talaga kahit kailan!" At in-end ko ang call at ibinigay kay Manong Bong.

"Tara na Manong, baka gabihin pa tayo sa daan," padarag akong sumandal sa upuan at masamang tinanaw ang labas na tanawin.

Nakakainis!

Pagkatapos ng tawag na iyon ay nag-vibrate agad ang phone ko. Tiningnan ko ang caller ID at halos balibagin ko ang phone ko sa nakita.

Darwin Charles Lizares is calling...

Demunyung Darry.

Ipinatong ko iyon sa tabing upuan ko at naghalukipkip ako, tinitigan ang pangalan niya hanggang sa mamatay ito.

At biglang tatawag ulit. O 'di ba, manigas ka r'yan! Naniwala ka naman sa sinabi ko. Demunyu nga'ng talaga.

Ilang missed calls ang nakita ko sa phone ko nang i-check ko ulit 'yon. Twenty-nine punyemas missed calls. Galit na galit, demunyu?

Pagka-uwi sa bahay, batian galore with my family. Catching up with my parents muna bago matulog kasi baka bukas, hindi na kami makapag-usap, mas madaming bisita bukas, e. Sabi ni Ate kanina invited lahat ng alta sociedad ng ciudad namin sa first birthday ng baby Kansas namin. At hindi nga rin pala nawala ang pagkarga ko sa bagong pamangkin ko na si baby Dove. Basta maraming ganap nang gabing iyon. It's a family thing you will understand.

Kahit na gabing-gabi na kami nakapag-pahinga kagabi ay nagawa ko pa ring gumising ng maaga. Hindi ako nakaramdam ng pagod dahil sobrang galak ng katawan ko, ng puso ko, dahil sa kumpleto kong pamilya. Kaya pagkagising ko, nag-jogging ako sa paligid ng lupain sa labas ng bahay at ninamnam ang pang-umagang hangin ng bukid na parte ng aming ciudad.

Aaaaah! I've been missing this air! Sobrang fresh at malayong-malayo sa polusyon ng Manila. I wish I could review in this ambiance for the remaining months of my review. But I can't, need to attend some diagnostic testing pa kasi.

Alas-cinco ng umaga ako umalis ng bahay para libutin ang lupaing malapit lang sa amin. Dalawang oras akong nag-jogging. Minsan nagpi-pictorial na rin, sariling sikap photography. Tamang lagay lang sa malapit na bato o 'di kaya'y sanga ng puno para sa phone then timer lang, then voila, may magandang kuha na ako ng magandang nature sa likuran ko. Ang galing mo talaga, Maria Josephina Constancia!

Matapos ang dalawang oras na pagpapakalma sa sarili ay bumalik ako ng bahay. Sa likuran ako dumaan kaya diretsong kusina agad ako. Nagpatimpla agad ng kape. Here comes the coffee addict.

"Ma'am MJ, nand'yan na po si Sir Darry."

Napahinto ako sa paglalakad palabas ng kusina nang marinig ang sinabi ng isang kasambahay na si Mely.

"Anong ginagawa niya rito?" Matinding pagtaas ng isang kilay ang ginawa ko. Gulat na gulat sa ibinalita ni Mely.

"Kararating niya lang po galing Maynila, Ma'am. Sinundo po ni Manong Bong."

Matinding singhap ang nagawa ko dahil sa dagdag na impormasyon.

"E, bakit nandito siya? 'Di ba dapat nandoon siya sa mansion nila? Anong ginagawa niya rito?"

Anong trip na naman 'to, demunyu?

Napakamot si Mely sa batok niya at parang nahihiya na may pagtatakang napatingin sa akin.

"'Di ba po mag-asawa na naman kayo, Ma'am MJ? Baka po dito siya tutuloy sa pananatili n'yo rito, Ma'am?"

What? The? Shit?

"Nasaan siya?"

"N-Nasa kuwarto n'yo po, Ma'am."

Punyemas.

Mariin akong napapikit.

"May dala bang gamit?"

"Opo Ma'am, isang maleta."

Nice.

What are you doing, Darwin Charles!

Tinapos ko na ang usapan namin ni Mely at agad nag-martsa papuntang kuwarto ko. Tahimik ang buong bahay, siguro tulog pa silang lahat. Nakalimutan kong itanong dahil sa naging balita ni Mely sa akin. Nawala tuloy sa isipan ko. Punyemas!

Padarag kong binuksan ang pinto ng kuwarto ko at handa nang ratratan ng salita ang demunyung lalaking iyon pero isang napakatahimik na kuwarto ang nadatnan ko.

My room is silent and empty, with no traces of a human being but I can see a luggage beside my bed. Untouched luggage. Iginala ko ang tingin sa kabuuan ng kuwarto pero walang bakas ni Darry. Pabagsak ko ring sinarado ang pinto baka sakaling nasa banyo siya at malaman niyang may tao na sa kuwartong ito.

Naglakad ako papunta sa luggage na iyon at pinagmasdan itong mabuti. Plain black. Panlalaking maleta nga.

Pabagsak akong umupo sa kama at padarag na tinanggal ang airpods sa tenga at bastang inilapag sa bedside table habang masama pa rin ang tingin sa maleta, as if I can melt it and its owner. Punyemas, ano bang nangyayari sa akin!

Pinagpahinga ko muna ang kaluluwa ko. Pagod at gulat. Pagod dahil sa ginawang pagtakbo sa lupain at gulat sa nalaman galing kay Mely.

I did a breathing exercise. Tamang inhale, exhale lang, ganoon.

Isang minuto akong ganoon hanggang sa may kumatok sa pintuan ng kuwarto. Habang nakaupo ay tinitigan ko ang pinto hanggang sa kusa itong nagbukas.

Sa amoy pa lang ng pumasok, alam ko na kung sino kaya isang masamang tingin ang sinalubong ko sa kaniya.

"What are you doing here?" Puno ng pait na tinanong ko habang nasa ganoon akong posisyon.

Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. He's on his usual out of the office look. Gray V-neck shirt, six pocket shorts, boat shoes, his medium length messy hair, rimless specs, and his three day stubble beard. Punyemas, he still looks good and goddamn it, MJ! You're supposed to be mad at him! Magalit ka!

Tumayo ako at taas-noong sinalubong ang paglapit niya. He still looks fresh, parang hindi bumiyahe kaninang madaling araw.

"Bakit nandito 'yong gamit mo?" Iminuwestra ko po ang maleta niya sa tabi ko.

He heavily sighed and calmly look at me.

"Ang sabi ni Mama, dito na muna ako mags-stay."

Gusto kong tumawa. Gusto kong tumawa ng malakas.

"You are driven again by my parents! When will you stand on your own and have a decision by yourself? Malaki ka na, Darry, nagpapadikta ka pa rin sa mga matatanda?"

"And I also want to stay here with my wife."

Lalo akong natawa sa likod ng aking isipan. Umiling ako at ipinakita sa kaniyang disappointed ako sa naging desisyon niya.

"Gusto mo kasi gusto nila, ganoon 'yon. 'Wag mo nang ipilit ang gusto nila Darry. You can stay in your house. Hindi ka ba nagsasawa sa mukha ko? Araw-araw na tayong magkasama sa penthouse mo tapos pati rito, isang weekend lang sa bahay namin, kasama pa rin kita? Hindi ka ba nagsasawa? Kasi ako medyo nagsasawa, e."

Teka, parang mali yata ang nasabi ko? Punyemas, MJ, ano 'yong sinabi mo?!

Naglakad siya palapit sa akin at biglang kinuha ang maleta niya.

"Teka!" Bago pa man siya makapaglakad papunta sa pinto ng kuwarto ay nakasigaw na ako.

Teka nga, bakit ba ako sumigaw?

Huminto siya pero nakatalikod pa rin sa akin. Pumikit ako ng mariin at pinigilan ang sarili.

"Okay, dito ka muna, baka magtaka sina Mama kung bakit aalis ka kung nasabi na pala nila sa 'yong dito ka mags-stay," nag-iwas ako ng tingin at napilitang sabihin 'yon. Oo, napilitan talaga. "Hysterical pa naman si Blakelyn Osmeña 'pag nagtaka, baka hindi mo kayanin," dagdag na sabi ko.

E, kung bakit ba kasi dito pa patutulugin ni Mama 'to? May mansion 'to dito sa ciudad, e! Naman Mama Blakelyn, Papa Restituto! Ano bang trip n'yo sa buhay?

He slowly turn his back and face me with menacing eyes.

Uh, did I just hit a dangerous button?

"Are you sure?"

I scowled, very hard. Punyemas this demunyu jud oy!

"Ayaw mo? Akala ko ba gusto mong manatili rito? O, e, bakit parang ayaw mo?"

"Gusto mo bang manatili ako rito?"

"Importante pa ba kung anong gusto ko? E, palagi namang ang gusto ng magulang natin ang nasusunod," walang ganang sagot ko. Tumingin ako sa kaniya at ganoon na lang ang naging gulat ko nang makitang nakangisi na siya.

"Now look who's being driven by adults now."

Aba't!!!!!!

Sobrang nagtitimpi na talaga ako ng inis ngayon! Gustong-gusto ko siyang supalpalin!!!!

Na-back to you ka, MJ! Isang hardcore na back to you!

"Kung wala ka ng gagawin sa kuwarto ko, puwede ka munang lumabas." Pero pinigilan ko ang sarili kong ratratan siya sa naging sagot niya sa akin kanina.

He look at me from head to toe kaya tinaasan ko siya ng isang kilay.

"You went jogging with that clothes?" Matapos niya akong tingnan mula ulo hanggang paa, pupunahin naman niya ang suot ko na parang naiinis. Ano bang problema ng demunyung ito?

"O, e, ano ngayon sa 'yo? Alangan namang mag-gown ako sa pagj-jogging?" Sarkastikong sagot ko sa kaniya.

Anong problema sa dri-fit cropped racerback tank top at cycling shorts?

Mas lalo siyang nairita sa naging sagot ko at nag-iwas ng tingin.

"Paano kung may nakakita sa iyong trabahante n'yo sa tubohan habang nagj-jogging ka nang mag-isa?" May panghahamong tanong niya sa akin kaya umismid ako.

"Bakit ba ang damit ko na naman ang pinagdidiskitahan mo? Pati mga trabahante sa tubohan dinamay mo pa! E, ano ngayon kung makita nila akong ganito? I've been doing this and been wearing this since high school and malaki ang respeto nila sa akin!"

Yumuko siya at bahagyang hinilot ang bridge ng kaniyang ilong at mariing pumikit. Mukhang pinipigilan ang pasensiya sa akin.

Aware naman akong naiinis na siya sa akin, gusto ko naman talaga siyang inisin. Nakakainis kasi siya kaya iinisin ko siya.

"Just take a bath and prepare, we're leaving in an hour. Pupunta tayong milling."

What?

Aangal pa sana ako sa sinabi niya kaso bigla na lang siyang nawala sa harapan ko, nawala sa kuwarto ko, nawala sa paningin ko. Lumabas siya ng kuwarto? Ang bilis a?

Napailing na lang ako at nag-ayos ng sarili.

Pagkalabas ko ng kuwarto, agad akong tinawag ng isa pa naming kasambahay para sa agahan. Kumpleto kaming lahat, at kasama na ang demunyung si Darry.

Tama nga ang narinig ko sa kaniya, aalis kami after breakfast papunta sa milling nila para bisitahin ito. Sina Ate naman ay pupuntahan na ang venue ng birthday ni Kansas, sasama na rin sina Mama roon. Mamayang alas-tres pa kasi ng hapon magsisimula ang party kaya puwede pa raw kaming pumunta ni Darry sa milling hanggang hapon. Aba ewan ko, gusto ko nga'ng tumulong sa paghahanda pero hindi naman ako pinatulong kasi nga aalis kami ni Darry.

Punyemas, importante pa ba ang bisitahin ang milling nila kesa sa tumulong sa birthday ng pamangkin ko? Ano ba kasing gagawin ko roon? Ako ba maggagaling ng asukal ng mga tubo? Ako ba gagawa ng asukal? Ako ba? Ano ba?!

"We'll check the parts of the milling na ipapa-renovate," ani Darry nang makarating kami sa milling nila.

Sabado ngayon kaya ang milling site lang nila ang nag-o-operate, close na naman ang administrative building nila. Teka, kailan ko ba mati-tiyempohan na bukas ang opisina nila?

"Nandito si Engineer Valmayor to explain the actual renovation."

Punyemas?

Nasa parking lot kami ng Lizares Sugar Corporation nang sabihin ni Darry ang tungkol sa pagdating ni Tibor na saktong pagdating ng isang Jeep Commander.

Punyemas.

Matinding paglunok ang ginawa ko habang nakahawak sa sling ng chain bag ko. Unti-unti na ring kumakabog ang puso ko.

Bakit ba hindi ko naisip 'to? Na tungkol sa renovation ang pinunta namin sa milling? Bakit?

"Bay!" Lumunok ako ulit nang makalabas siya sa kotse niya at salubungin siya ni Darry ng pagbati. "Con--MJ, magandang umaga."

Pagak akong ngumiti sa kaniya at hindi man lang makatagal ng titig sa kaniyang mga mata. Tango lang talaga ang kaya kong gawin sa kaniya. Punyemas naman, MJ! Baka mahalata ka ni Darry, o! Ingat-ingat naman sa pagkilos.

"So, shall we start the tour?" Ani Tibor.

Another episode of being a tuyong dahon. Nagpapatianod sa agos at halinghing ng hangin. Kung saan man ako dalhin ng buhay, doon ako. Hahayaan ang hangin na dumikta sa kapalaran ko.

Pero sinubukan kong makinig nang hindi ako mapaghalataang nakalutang lang sa ere at sa pagpapatianod sa hangin. Dapat walang makahalata.

Nagsimula kami sa admin building. In-explain ni Tibor lahat nang pagbabagong gagawin, medyo makaluma na ang stracture ng building at karamihan sa ginamit ay kahoy pa. Ang plano ay gagawin itong concrete building at mas palalakihin pa ito. Meron akong suggestion pero 'wag na, ayokong magsalita, baka mali ako. International renowned engineer pa naman ang kinuhang engineer ng mga Lizares, anong panama ko roon?

Sasamantalahin ang off-season sa pagr-renovate kaya ngayon ito sisimulan, kaka-close lang kasi ng central at hindi pa tumatanggap ng mga tubo para gagawing asukal and by products. Sa October pa ang balik ng operation.

Matapos sa admin building, pinuntahan naman namin ang mismong factory, ang malaking factory kung saan ginagawa ang mga asukal at iba pa. Kaonti lang ang gagawing renovation doon pero kailangan pa rin nang masinsinang gawain.

"So what can you say about the renovation plan, wife?"

Tumikhim ako pagkasalita ni Darry at nginitian ko siya.

"It's good, it's good. I've got nothing against it," simpleng sagot ko sa maligayang paraan, para hindi maramdaman ang tension kung meron man.

"B-Boss Darry..." Magsasalita pa sana si Darry tungkol sa naging komento ko nang biglang may lumapit sa amin na isang trabahante ng milling nila. "Pasensiya na po sa abala, pero pinapatawag po kayo ni Engineer Jansen at Engineer Sonny, boss, ipapakita lang po nila ang bagong makina ng milling," dagdag na sabi no'ng trabahante, parang nahihiya pa sa presence namin.

Darry groaned to what the man said.

"Kuya really knows how to ruin the moment," he mumbled and since ako ang katabi niya, ako lang ang nakarinig no'n.

Sonny is here?

"Sige Fernan, susunod ako. Ihahatid ko lang ang asawa ko sa opisina."

"Sige po, Boss," magalang na sagot naman ng trabahanteng iyon at na-una nang naglakad pabalik sa kaniyang pinanggalingan.

"'Wag mo na akong ihatid, matatagalan ka pa kung pupunta ka pang opisina. Kaya ko na ang sarili ko. I'll just wait there," pahapyaw akong ngumiti sa kaniya at bago pa man siya makapalag ay inunahan ko na siya sa paglalakad.

Binilisan ko ang paglalakad papuntang opisina para kalmahin ang sarili ko. Being near with Tibor and Darry at the same time gives me an unidentified feeling. A mixture of contentment and chaos.

Pumasok ako sa opisina ni Darry at agad dumiretso sa malaking bintana niya na gawa sa kahoy.

Bumuga ako ng malalim na hangin at tinanaw ang kabuuan ng factory: ang malaking factory ng asukal kung saan ginagaling ang mga tubo para gawing asukal. The main product of the Lizares Sugar Corp.

Ilang segundong kapayapaan ang naramdaman ko bago ulit ako kinabahan nang marinig ang pagsarado ng pinto ng opisina ni Darry. Marahan akong pumikit. Shit.

"Siguro naman ngayon, makikipag-usap ka na sa akin?"

Punyemas.

Mas diniinan ko ang pagkakapikit ko at pinigilan ang huminga, pinigilan ang puso sa pagkalabog ng mabilis, baka marinig niya.

"Ano bang pag-uusapan natin, Engineer Valmayor?" Like the usual tone na ginagamit ko sa tuwing nakakaharap ko siya, pormal na pormal pa rin ito. Nasa ganoon pa rin akong posisyon nang ibuka ko ang aking mata para tingnan kung palabas na ba si Darry galing sa factory. Pinag-ekis ko ang aking kamay habang nasa ganoong posisyon.

"Engineer Valmayor? Really, Cony?"

Matinding paglunok ang nagawa ko nang tumawa siya nang napaka-sarkastiko. I can feel the sarcasm in the air. Punong-puno ito.

He is really different now. Way too different sa Tibor na nakilala ko. He grew up. Very well.

"What's the problem, Engineer Valmayor? Dapat lang na tawagin kita sa title mo, 'di ba? You are the hired engineer of the Lizares. You are here to do a certain job," nakatalikod ko pa ring sabi. Siguro, mabuti kung ganito na nakatalikod ako, hindi ako aatakehin ng matinding kaba. Mas malakas ako kung nakatalikod ako sa kalaban kahit na hindi ko alam kung anong atake ang gagawin niya.

"Anong nangyari, Cony? Bakit hindi mo tinupad ang pangako natin sa isa't-isa?"

"Pangako natin sa isa't-isa?" Sarkastikong tanong ko sa kaniya sabay padarag na lumingon, nagkaroon ng lakas ng loob na harapin siya. "Pangako mo lang 'yon. Ikaw lang ang nangako no'n na hindi mo tinupad kaya 'wag mong isusumbat sa akin na hindi ko tinupad kasi pangako mo lang 'yon!"

Kitang-kita ko ang pagbalatay ng gulat sa kaniyang mukha nang lumingon ako sa kaniya.

"Pinanghawakan ko ang sinabi mong mahal mo ako, Cony! Pinanghawakan ko kahit na hindi ka na bumalik sa mga sumunod na bakasyon. Pinanghawakan ko kahit na mukha na akong tanga kahihintay sa 'yo sa tuwing magbabakasyon ang Lolo at Lola mo! Bakit hindi ka na bumalik? Akala ko ba mahal mo ako? Bakit bigla kang nang-iwan?"

Umiwas ako ng tingin sa kaniya at ibinaling sa bookshelves ang tingin ko. Maybe it's time to let it all out?

"Really, Tibor? Ako pa ang susumbatan mo? Ako pa ang sasabihan mo na nang-iwan na well in fact, ikaw ang naging rason kung bakit hindi na ako bumalik! At saka, bakit ba natin pinag-uusapan 'to? Isang dekada na ang nakaraan, Tibor, panis na panis na ang issue'ng ito. Isang dekada nang tapos! Ngayon ka na nga lang magpaparamdaman, susumbatan mo pa ako. Ako pa talaga?"

Matinding pagpipigil ang ginawa ko para isigaw ang mga salitang iyon. Ayokong mag-aksaya ng energy. This feeling is way over due.

"Cony, nagsikap ako! Nagsikap ako nang mabuti para mapantayan ka! Nagsikap ako nang mabuti para makuha kita nang hindi ako minamaliit ng pamilya mo. Nagsikap ako para matupad ko ang ipinangako ko sa 'yo. I am who I am today because of you! Tapos uuwi ako ng Pilipinas... malalaman na ikinasal ka na? At ang masaklap sa lahat, sa kaibigan ko pa! Kay Darry pa! Bakit, Cony?"

Punyemas. Punyemas!

Nilabanan ko ang titig niya. Ang mga mata niyang minsan kong tinitigan. Ang mga mata niyang pulang-pula na halatang pinipigilan ang sariling maiyak. Mas lalong sumikip ang dibdib ko dahil sa sinabi niya.

"Spoiled brat!" Madiing sabi ko habang nakatingin sa kaniyang mapapait na mata. "Spoiled brat ako 'di ba? Anak mayaman na spoiled brat na por que maraming pera ay kaya nang manakit ng ibang tao kasi lang naiirita siya sa taong 'yon, 'di ba, Tibor? Spoiled brat? 'Yon ang tingin mo sa akin?" Pero kahit anong sabihin mo, hindi na mababago ang nangyari. Nang dahil sa'yo, muntik na akong... shit I still can't even say it. I still can't.

His eyebrows furrowed. Looking confuse on what I said.

Punyemas, namnamin mo!

"'Yon lang? Dahil doon kakalimutan mo ang pangako ko sa 'yo? Dahil lang doon hindi ka na babalik sa probinsiya namin? Dahil lang sa sinabihan kita ng spoiled brat?"

Wow. The guts!

Pagak akong natawa sa sinabi niya. What the shit. Gusto kong umiyak! Gustong-gusto ko! Frustrated na frustrated na naman ako! Ang bigat-bigat na naman sa dibdib.

"Lang?" Sarkastikong tanong sa kaniya. Ipinilig ang ulo at masama siyang tiningnan, nag-i-echo na rin sa utak ko ang eksaktong salitang sinabi niya. "You judged me, Tibor. You judged me badly. I was judge by the person whom I thought really knew me well. You judged me, Tibor!"

Umatras ako na animo'y nandidiri sa kaniya. Yumuko siya at marahas na hinilamosan ang mukha bago ako tiningnan sa namumungay na mata.

"N-Nasabi ko lang naman 'yon kasi nagtatampo ako sa 'yo. Nagtatampo ako na nakipagkita ka kay Eliseo. Nagtatampo ako na sinabi mong may gusto ka rin sa kaniya. Nagtatampo ako na sa lahat ng puwede niyong puntahan, bakit sa paboritong tambayan pa natin. Nagtatampo lang ako kaya ko nasabi 'yon, Cony."

What. The. Shit?

Napaawang ang bibig ko, nanlaki ang mga mata ko sa gulat. What the shit. Isang napakalaking punyemas!

"I-I-I n-never said t-that!" I cover my mouth kasi naramdaman kong nanginig ang labi ko habang sinasabi ko 'yon. Tumalikod ako sa kaniya para hindi niya makita ang nanginginig kong sistema. Punyemas.

"I know... Alam kong nagsisinungaling si Eliseo nang sabihin niya 'yon. Alam ko... Pero huli na ang lahat, bigla na kayong umalis at hindi ka na bumalik."

Please stop... Please stop mentioning his name. Please Tibor, stop!

"Naghintay ako, Cony, para manghingi ng tawad sa sinabi ko kaso hindi ka na bumalik. Hanggang sa wala na akong naging balita sa 'yo. So I just strived my way to the top para sa susunod na magkita tayo, I am succesful as you are, as your family are."

But what you said, what you did, and what happened in the past will never be changed. Hindi na mababago. Kaya kahit anong sabihin mo, Tibor, wala na, tapos na, nangyari na at hindi na mababago ng salita mo ang kung ano ako ngayon.

Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya.

"What's done is done, we can't bring it back. Let's just move on, Tibor," kalmadong sabi ko na ngayon. Namumungay ang kaniyang mga mata na animo'y nagmamakaawa. Halos hawakan niya ang braso ko pero ako na ang kusang lumayo.

Please... Darry, dumating ka na.

"What if I can? What if I can still do what I promised you?"

What?

Padarag akong lumingon sa kaniya at kunot-noong tiningnan siya.

"What will you do? You can't do it, Tibor. You can't!"

Ang kaninang nagmamakaawang tingin niya ay unti-unting napalitan ng naglalarong ngisi.

"Hindi n'yo naman mahal ang isa't-isa 'di ba? Nagpakasal lang naman kayo para sa kompanya ng mga pamilya n'yo, 'di ba?" May sumibol na kaba sa aking dibdib nang sabihin niya iyon. "I can offer double or triple the amount of investment your company can offer, Cony. Kaya ko ring sabihin sa kaniya na ikaw ang babaeng mahal ko, alam niya ang tungkol sa 'yo, hindi nga lang niya alam na ikaw 'yon. Kaya kong gawin ang lahat, mapasa akin ka lang, Cony. I have choices just to bring you back. Sabihin mo lang at gagawin ko. Hindi na ako ang Tibor na kaya kang pakawalan kasi wala akong yamang hawak, hindi na ako ang Tibor na anak ng caretaker ng mansion n'yo. Hindi na ako ang mahirap na Tibor. Kaya ko nang ibigay ang lahat sa 'yo, Cony."

Umiling-iling ako. You just gave me a reason na hindi hiwalayan si Darry.

Ngumisi ako, para itago ang kabang nararamdaman ko. He's a powerful man now, by the looks of him and his credentials, I know he can do it.

"You're not going to use force to get me, Tibor."

"Bakit? Kusa ka bang babalik sa akin?"

I scowled. I harshly scowled on his remarks. Kung puwede lang tumawa, ginawa ko na.

"Kasi hindi na ako babalik sa 'yo. Hinding-hindi na ako babalik sa 'yo kahit anong gawin mo, Tibor. Mauubos lang ang yaman mo, mapapagod ka lang, mapapahiya ka lang pero hindi mo na ako makukuha. I told you, Engineer Thibault Valmayor, what's done is done," seryoso ko siyang tiningnan. Pinantayan naman niya ang titig ko.

"You don't know me, Maria Josephina Constancia Osmeña. You don't know what I can do."

Ang frustration na naramdaman ko kanina, ang sakit at ang mga masasamang alaalang naalala kanina ay biglang naglaho dahil sa inis. Naiinis na ako kay Tibor. Naging mayabang siya. Mataas nga ang kaniyang naabot, naging mayabang naman siya.

"Hindi mo na rin ako kilala, Tibor. Kung sinong Cony man ang nakilala mo noong bata pa tayo, malayong-malayo na 'yon sa Cony na nasa harapan mo ngayon." Umatras ako at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

Umiwas ako ng tingin at nagtiim-bagang. Nakita kong nakasuot sa kamay palapulsohan niya ang pamilyar na bracelet na ibinigay ko sa kaniya. Matagal na panahon na 'yon pero tandang-tanda ko pa ang desinyo no'n. Pinigilan ko ang sarili na bumigay. Hindi ko man inaasahan ang pagkikita namin ngayon matapos ang ilang taon, alam ko sa sarili ko na wala na talaga at hindi na puwede.

"'Pag sinabi kong hindi na puwede, hindi na puwede, Tibor. Kasi muntik na akong-" Tumalikod ako at hinilamosan ang mukha.

Punyemas. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang sabihin. Napapangunahan ako ng takot, ng kaba, ng sakit. Hindi ko kaya. Hindi ko pa rin kayang banggitin kahit ilang taon na ang nakalipas. Maaaring natanggap ko na sa aking isipan, pero hindi ko pala kayang sabihin sa iba. Wala akong lakas na loob. Natatakot pa rin ako.

Lumapit ako sa may bintana at mariing pumikit. Kinakalma ang ngayo'y naghuhuramentado na namang puso.

Kanina pa ako nagdadasal na sana dumating na si Darry pero bakit hindi ako dinidinig ng sampung santo na palagi kong tinatawag sa tuwing nasa alanganin ako. Bakit ngayon pa? Bakit ba ang tagal mo, Darry? Bakit!

"Whatever you say, Cony. I will still get you no matter what. I am true to my words at sana ganoon ka rin."

Matinding paglunok ang nagawa ko at nagawa ko pang haplusin ang bandang puso ko nang bigla itong kumirot.

Ang hirap. Mahirap pa ito kaysa sa confrontation ko kay Sonny. Mas mahirap balikan ang nakaraan na pilit mong kinakalimutan.

Tumahimik ako, dinama ang tanawin sa malayo. Mga ilang minuto kaming naging tahimik. Singhap ni Tibor at buntunghininga ko ang namutawing ingay sa loob ng opisina ni Darry.

Saktong lilingon na sana ako kay Tibor nang biglang bumukas ang pinto ng opisina. Halos sabay kaming lumingon doon ni Tibor. Ako, nasa may malaking bintana. Siya, nakaupo sa couch ng opisina.

Ang tingin ko ang unang nakita ni Darry nang pumasok siya. Aaminin ko, nagkaroon ng kapayapaan ang puso ko nang makita ko siyang pumasok sa opisina. It feels like I am really safe and no one's gonna harm me anymore. Isang pasada lang ng tingin, isang ngiti lang galing sa kaniya, kapayapaan na ang aking naramdaman.

"Pasensiya na natagalan, ang daming sinabi ni Kuya, e."

Nag-iwas ako ng tingin at mahinang tumikhim sa isang gilid.

"Sonny is still the same, huh?" Si Tibor ang sumagot na animo'y relax na relax at parang hindi nakipagsagutan sa akin kanina.

"Still the same, bay. Sinabi mo pa," natatawa pang sagot ni Darry habang papalapit sa akin. He looked at me intently and I can't even stare at him in the eyes kaya panandalian ko lang siyang tiningnan. "Nag-usap ba kayong dalawa kanina habang wala ako?" Tanong niya sa akin.

Pinasadahan ko muna ng daliri ang buhok ko at diretsong tiningnan si Tibor na nakatayo na ngayon at pinagmamasdan ang bawat galaw naming dalawa.

"Yeah, nasabi ko na sa kaniya ang mga suggestions ko tungkol sa renovations," sagot ko nang hindi man lang inaalis ang tingin sa kaniya. Tinaasan ko na rin siya ng isang kilay.

Alibi ko 'yon kaya ikaw nang bahalang gumawa ng alibi mo.

"You talked about that, bay?" Mas lalong lumapit si Darry sa akin at bahagyang hinawakan ang likuran ko. Nasa gilid ko na siya ngayon at pareho na naming hinarap si Tibor. Hindi na ako nagreklamo sa gesture ni Darry. Para sa akin mas mabuti nga iyon para makita ni Tibor na wala na talaga. Na kahit anong gawin niya, wala na talaga.

"Y-Yeah... I mean, yeah, minor changes lang naman kaya hindi naman masiyadong mababago ang overall changes ng renovation." Nakipagsukatan si Tibor ng tingin sa akin. Chin up pa siya na animo'y nagmamayabang sa nasabi niyang alibi. "And I am looking forward to be her colleague soon. Magaling ang asawa mo, bay, magaling na magaling." Ramdam na ramdam ko ang bawat diin sa huling dalawang salitang sinabi niya. Pero binalewala ko. Ayokong gumawa ng unecessary movements lalo na't nandito si Darry. "Sana nga makasama siya sa renovation," dagdag niya na inismiran ko.

"Let's go, Darry, baka naghihintay na sina Mama." Nauna akong naglakad palabas ng opisina ni Darry, nilampasan si Tibor nang hindi pinasadahan ng tingin.

Mahirap tibagin ang pusong may napili ng mahalin, Tibor. If only you just came earlier. If only. Mabibigyan sana kita nang pagkakataon despite everything. You are late. Very latish.

Nakapasok na ako sa kotse ni Darry at siya naman ay nasa tabi ko lang at parang walang balak na paandarin ang kotse niya. Kaya naiinis ko siyang tiningnan.

"What are you staring at?" Lakas-loob na tanong ko kahit na hindi nakatingin sa akin.

"Why are you so silent and uneasy whenever Tibor is around?"

Punyemas.

Marahas na paglunok ang nagawa ko at mariing tiningnan ang daang nasa harapan ko. Kumalabog na rin ang puso ko. Nahahalata ba niya? Halata ba talaga ang bawat galaw ko sa tuwing nandito si Tibor?

"What are you talking about, Darry?" Patay-malisyang tanong ko.

"May gusto ka ba kay Tibor?"

What the shit?

This time, nagkaroon na ako ng lakas ng loob na tingnan siya. Seryoso siyang nakatingin sa akin at mukhang naninimbang.

Natulala ako. Hindi dahil sa naging tanong niya. Natulala ako dahil sa paraan ng kaniyang pagtitig. Hindi ko mapangalanan kung anong expression ang pinapakita niya sa akin ngayon. I can't even understand its language.

"N-No. What are you talking about? You are talking nonsense!" Just like my usual defense, pinataas ko ang boses ko, tinatago ang tension sa kalooblooban ko.

Punyemas. Masiyado ba talaga akong halata? Bakit hindi man lang niya nahahalatang siya... ang... gusto... ko... at hindi si Tibor?

~


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C24
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ