"April seven is our graduation day!" Masayang sabi ni Ferlen habang binabasa ang nakasulat sa bulletin board. It's an announcement for the graduating students about the date of our graduation day.
Sumandal ako sa pader na katabi lang ng bulletin board at in-i-relax ang likod ko habang ang mga kasamahan ko ay abala sa pagtingin sa bulletin board.
"That's exactly one month from now," ani Alvin.
"Grabe, grabe, grabe! Isang buwan na lang, graduate na tayo!" Masayang sambit naman ni Joemil kaya napatingin ako sa kaniya.
It's our final week. Our last finals. My last examination in college. Pinaaga ang exams namin kasi nga graduating kami, and that's the usual schedule ng mga graduating students ng college.
Dahil huling exams ko na, I challenged myself na hindi mag-aral at i-asa lahat sa stock knowledge. So, basically, hindi ako nag-aral para sa finals na ito. So far, so good, meron naman akong nasasagot.
"Okay ka lang, MJ?" May pag-aalala sa boses ni Raffy kaya nginitian ko siya.
"Oo naman. Anong oras nga pala makukuha ang mga libro?" Pag-iiba ko sa usapan para hindi na siya masiyadong magtanong pa.
"Sabi alas-tres daw. Sakto, after ng last exams natin mamaya."
Tumango ako sa sinabi ni Raffy at hindi na nagsalita pa. Naglakad na rin naman kami ng mga kasamahan ko papunta sa building namin. Napadaan lang naman talaga kami sa bulletin board ng SA building.
April seven. So, ibig sabihin, April eight ang engagement party. Isang buwan na lang at magtatapos na ako sa kolehiyo. Isang buwan na lang at ipapangako na ako sa isang pamilyang makakatulong sa kompanya. Isang buwan na lang. I have one month to enjoy the remaining days of my single life. What to do?
After the chismis from Nicole, sinubukan kong kumprontahin si Sonny tungkol doon kaso sa tuwing nasa harapan ko siya, umuurong ang dila ko, nababahag ang buntot ko, natatakot ako. Natatakot ako na baka tama ang chismis, natatakot din ako kung mali ang chismis. I'm in between.
After that night, napadalas na rin ang pagsasama namin ni Sonny. Minsan sa dinner, minsan kung uuwi ako ng ciudad. Siya palagi ang kasama ko kaya imposible ang sinabi ni Nicole. Walang girlfriend si Sonny. I already warned him and he said no. So I believed him. Baka gawa-gawa lang 'yon para hulihin ako, para aminin kong siya nga ang ipinangako sa akin. Baka nga. Sana nga.
Natapos ang araw ko sa school nang wala masiyadong nangyayari bukod sa exams and sa nakuha naming hardbound. Ipinasa naman namin sa faculty ng engineering department. They congratulated us, some photo op. That was an overwhelming experience kasi isa kami sa mga early passer ng project study sa department namin.
"I think this time we will celebrate. Party-party tayo!" Ani Belle nang makalabas na kami sa engineering building.
"O, ano? Sasama kayo sa akin mamaya? Gypsy ang destinasyon ko."
Sakto, Friday ngayon kaya inaya ko na sila.
"Sige, sige, gusto ko 'yan!" Ani Ferlen.
"Puwede magdala ng jowa?" Tanong ni Louise.
"Ano pa bang magagawa namin? Dalhin n'yo na pati ka-barangay n'yo!" Biro ni Belle. "Charot, sige, dalhin n'yo si Ana, Inza, at Jasmin, para may kasama kaming ibang girls, hindi 'yong puro mukha n'yo ang nakikita namin," dagdag na sabi niya na tinawana lang namin.
Pasado alas-cuatro pa lang at palabas na kami ng school. Mahigpit ang hawak ko sa sling bag ko habang nakikinig sa mga kuwento nila. Minsan din napapahinto ako sa tuwing may nakakasalubong na kakilala. Like the usual routine ko sa loob ng campus.
"Ano? Nine pm mamaya, ha? Diretso na lang kayo roon, hahanapin ko na lang kayo," huling sinabi ko bago kami nagkapaalaman.
I'm still commuting kaya nag-jeep ulit ako pauwi. Kasabayan ko si Ferlen kasi sa isang subdivision siya nakatira and along the way 'yon sa jeep na sinasakyan namin. Ang ibang natira, naglakad na lang kasi walking distance lang naman ang mga dorms nila.
Habang nasa jeep ay napa-check ako sa phone ko. May iilang messages akong natanggap.
Sonny:
Where are you? I'm outside your condo building.
Vad:
Gypsy mamaya ha. 9 pm.
Maj:
'Wag mo kaming indianin, alam naming tapos na ang finals mo. Pumunta ka bago pa kita kaladkarin papuntang gypsy.
Wow! I'm being bombarded with texts from the engineers. Napa-iling na lang ako sa mga pinagsasabi nila at nagpatuloy sa pagbabasa.
Mama Blakelyn:
I just want to remind you with your dinner with Sonny. Ingat. I love you!
I sighed with Mama's text message and continued reading.
Lorene:
Lalabas daw kayo with boys? Nakaka-inggit naman. Uwi kayo this weekend, please. I'm burnout, I need a night out!
Steve:
Ano? Papakita ka na mamaya sa Gypsy? We miss you there, pinsan.
Breth:
Magpakita ka na. Parang awa mo na. Nami-miss ko na libre mo.
Unknown Number:
Hi, MJ!
Unknown Number:
Hi ganda!
Unknown Number:
We need to talk.
Napatagal ang titig ko sa huling mensaheng nabasa ko. It's from an unknown number and the message is kind of creepy. Baka wrong sent?
I just shrug my shoulder at isa-isang ni-reply-an ang mga mensaheng natanggap ko galing sa mga kilalang tao. Hindi ko pinag-aksayahan ng load ang mga unknown number. Hanggang sa hindi nagpapakilala, hindi ako magri-reply.
"Overpass lang po!" Sigaw ko sa driver para malaman niyang bababa na ako. "Dito na ako, Ferl, kitakits mamaya," paalam ko kay Ferlen bago bumaba.
Naisipan kong sa overpass dumaan para makapunta sa Robinsons. Nasa tabi lang naman talaga ang O Residences kasi magdi-dinner nga kami ni Sonny at meron pa akong bibilhin kaya diretso na ako roon.
Huli kong ni-reply-an si Sonny.
Ako:
Sa Rob. na lang tayo magkita. Doon na ako didiretso. May bibilhin pa ako.
And I hit the send button before continue walking.
Una kong pinuntahan ang department store dahil nga may bibilhin ako: Medyas.
Punyemas ka talaga kahit kailan, Maria Josephina Constancia L. Osmeña! Wala ka nang na-i-ambag sa lipunan bukod sa pagiging maganda!
Na-check ko ulit ang phone ko dahil sa vibration.
Sonny:
Café Bobs tayo kakain. I'm already here. Where are you?
Ako:
Dept. Store. Wait me there.
Ipapasok ko na sana ang phone ko sa bulsa ng bag nang mag-vibrate na naman ito. Nang makita ang mensahe, wala sa sarili kong naibagsak ang mga balikat ko.
Sonny:
Pupuntahan kita. Stay put.
"Stay put? Ano ako, aso?"
Umiling na lang ako at ibinulsa na talaga nang tuluyan ang phone at nagpatuloy sa paglalakad.
Nang makapasok ako sa department store, nagpalinga-linga ako sa paligid.
Ano nga ulit ang bibilhin ko?
A, oo, medyas.
Agad akong naglakad papunta sa stall ng mga medyas. Wala lang, gusto ko lang talaga bumili ng medyas.
Bago ako makapunta sa stall ng mga medyas, madadaanan ko muna ang baby's section. Pinasadahan ko 'yon ng tingin pero parang gusto kong dumaan muna. Naalala ko kasi si Kansas at ang baby girl ni Kuya Yosef. Malapit na raw manganak si Ate Isabel, this month na raw.
Hindi naman yata nagmamadali si Sonny kaya daanan na muna ako. Baka may mapili at maibigay sa dalawa kong pamangkin, lalo na sa baby girl ni Kuya.
Nagtingin-tingin ako ng mga damit at sapatos na babagay kay Kansas at baby girl ni Kuya. Sa pagkakaalala ko, si Kansas ay nasa nine months na yata 'yon.
Siguro, si baby girl ni Kuya na lang ang bibilhan ko, total nasa section ako ng 0-3 months na baby.
Habang namimili sa mga maliliit at mga puting damit ay nakikita ko sa gilid ng mata ko na may isa ring babaeng namimili ng damit. Kaya wala sa sarili ko siyang tiningnan.
Ang una kong napansin ay ang kamay niyang maingat na nakahawak sa lumalaki niyang tiyan. Siguro nasa five or six months na ang laki? Medyo visible na kasi.
Sunod kong tiningnan ang mukha niya.
Teka, wait, familiar siya, a?
Pinasingkit ko ang mata ko para maalala kung saan ko siya nakilala at kung sino siya. Patuloy pa rin siya sa pagpili ng mga damit habang ako ay patuloy sa pag-iisip kung sino nga ba ang babaeng ito.
Hmmm.
Ah, alam ko na!
"Um, Ayla, right?"
Nang maalala ko na kung sino siya, bahagya akong lumapit sa kaniya at nakangiting binati siya.
Katulad no'ng unang expression na ibinigay niya sa akin, gulat pa rin ang mukha niya.
"Kaklase ka ni Raffy, 'di ba? Raffy Javier? We already met, I don't know if you still remember it. Pero ipinakilala ka niya sa akin and vice versa. I case you forgot, MJ nga pala," nakangiti pa ring sabi ko sabay turo sa sarili at kahit nawi-weirduhan na ako sa expression niya sa mukha.
"H-Ha? A, sige, M-MJ. Please excuse me, magsi-CR lang ako."
Matinding pagkurap ang nagawa ko nang bigla siyang nawala sa paningin ko.
Ano 'yon? Ang weird naman ng babaeng iyon. Gusto ko lang namang makipagkaibigan kasi kaibigan siya ni Raffy. Ay bahala siya.
Nagpatuloy ako sa pagtingin sa mga damit hanggang sa sumagi sa isipan ko na masiyado pa pa lang maaga para bumili.
Ano bang trip ko sa buhay para bilhan ng damit ang batang hindi pa nakakalabas?
Pinuntahan ko na ang ang totoong agenda ko. Bumili ako ng limang pares ng medyas. Habang nagbabayad sa counter ay biglang nag-vibrate ang phone ko.
Engr. Edison Thomas L. Lizares is calling...
"Anong atin?"
"Where are you? Pumunta ka na ng Café Bobs. Kanina pa ako naghihintay."
Wow. Lakas ng tama.
Matinding pag-irap ang ginawa ko at nakita iyon ng cashier kaya lumihis ako ng direksyon habang inaabot ang card ko sa kaniya.
"Akala ko ba pupuntahan mo 'ko rito? I'm still here."
"Nah, tinamad ako. Hintayin na lang kita rito. Bilisan mo."
Lakas ng tama mo, Sonny Lizares!
Diretso kong binabaan ng tawag si Sonny at kinuha ang card at ang binili.
Maliit lang ang espasyo ng branch ng Café Bobs sa Robinsons kaya nasa labas pa lang ako, nakita ko na sa glass wall ng resto ang pagmumukha ng engkanto.
Oo, we're goods pero minsan talaga ang sarap niyang bigwasan.
Pinagbuksan ako ng sekyu kaya dire-diretso ang naging lakad ko habang nakatingin pa rin sa kaniya.
"Anong binili mo?" Kalmadong tanong niya habang nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa. He rested his chin on the palm of his hand habang nakapatong ang siko sa lamesa.
"Socks..." kibit-balikat na sagot ko. "Have you ordered?"
"Yeah. I ordered steak, is that enough o may gusto ka pang idagdag?"
I want to mirror his position sana kaso mas pinili kong mag-crossed arms na lang at sumandal sa inuupuan ko.
"Yep. Aalis din naman ako mamaya kaya okay lang kahit hindi ako mabusog."
"Where are you going?"
"Out with my friends. Usual Friday night," kibit-balikat na sagot ko.
You know what, these past few days, napapansin ko na napapadalas ang pagkibit-balikat ko. 'Di kaya mabali balikat ko nito?
"I think you need to change your lifestyle. Malapit na tayong i-engage and kasunod no'n ay ang kasal kaya kailangan mong iwasan ang mga nakasanayan mong pagpunta mo ng bar."
Wow, the audacity!
I harshly scowled when I heard it.
"Oh, please, Sonny, I still have one month to enjoy my life. Don't make me stop it," sarkastikong sagot ko habang ipinapatong ang kanang binti sa kaliwang binti ko.
Tiningnan ko siya pero nagulat ako ng very very light nang makitang hindi siya nakatingin sa akin. Lumampas ang tingin niya, mukhang sa labas.
Umayos ako ng upo at tiningnan siya ng mataman. Salubong ang kilay at may halong gulat at galit ang lumalabas na expression sa mga mata niya.
Na-curious ako kaya dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko, kung saan siya nakatingin.
"'Wag... 'wag kang lilingon."
Huh?
Ako naman ngayon ang nakasalubong ang kilay. Sinamaan ko siya ng tingin at sinunod pa rin ang gusto ko.
Paglingon ko, wala namang kahinahinala. Walang kakaiba. Mga taong naglalakad lang sa labas ng resto at ang mga taong nasa mismong resto na may kaniya-kaniyang mundo ang nakita ko.
"Ano ba 'yang tinitingnan mo? Para kang nakakita ng multo," puna ko sa naging expression ng mukha niya kanina.
"Ah, wala," simpleng sagot niya.
Magsasalita pa sana ako kaso dumating na ang mga pagkaing in-order niya kaya naging tahimk na kaming dalawa within the course of our meal.
Isang madaliang dinner ang ginawa namin. Hindi ko alam kung ako ba ang nagmamadali o siya o pareho kami.
Ngayon, naglalakad na kami palabas ng mall. Gusto niya pa sanang ihatid ako pero hindi ako pumayag. Gusto ko kasing maglakad. Nasa tapat lang ang condo building, magpapahatid pa? Kaya siya na lang ang inihatid ko sa kotse niya na naka-park sa front parking lot.
"You still don't have social media accounts, right?" Biglang basag niya sa katahimikan namin kahit na abala na ang mga taong nasa paligid namin.
Umiling ako bilang sagot.
"Wala kang planong gumawa?"
Bakit ba ito 'yung pinag-uusapan namin?
"Nope..." May halong pagdududang sagot ko.
"Are you sure?" Paninigurado niya.
"Yeah, I am sure. Bakit ba ganiyang mga tanong mo?"
Weird.
Isang malalim na buntonghininga ang ginawa niya.
"Good. Ako nga, nag-deactivate kasi sobrang toxic na ng Facebook."
"Bakit naman naging toxic sa'yo? May issue ka ba?"
'Yan kasi ang usually rason ng mga kakilala ko kung bakit daw sila nagdi-deactivate kasi it's either toxic sa kanila because of issue reasonss or kailangan nilang layuan ang social media for review purposes. Sa case niya, hindi naman siya nagri-review for an exam. So ang former ang tingin ko'y rason n'ya.
"H-Ha? H-Hindi, a! Toxic lang talaga, hindi ko na gusto ang mga nag-aappear sa news feed ko. At saka hindi naman talaga ako mahilig mag-Facebook."
Masiyado namang defensive.
"Okay..." Saktong pagkasabi ko no'n ay nakarating kami sa kotse niya. "Dito ka na lang, maglalakad na lang ako papuntang building. Uuwi ka pang ciudad, 'di ba?"
Nasa kaliwang daan kasi ang direksyon papuntang ciudad namin at nasa kanan naman ang building.
"Sigurado ka?"
"Oo nga! Magkita na lang tayo sa weekend. Uuwi akong ciudad."
"Wala ako sa weekend. I have a b-business trip."
Para akong nalagasan ng isang dahon dahil sa sinabi niya.
"Ah, okay? Magkita na lang tayo kung kailan tayo fr-"
Oh, punyemas!
"Please... if you read something on social media or if someone will tell you, just please don't ever believe them. Please."
Dalawang pagsabog na naman ang naramdaman ko. Isang granada para sa sinabi niya at isang fireworks para sa ginawa niya.
Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang lakas ko para makapaglakad papuntang condo building. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ko para makapagbihis sa lakad ko. Hindi ko alam.
Nakakapanghina. Nakakakaba.
One, hinalikan ako ni Sonny sa noo.
Two, ang sinabi niya.
Anong ibig sabihin ng sinabi niya? Ano ang hindi ko dapat paniwalaan?
~
Pitong araw ang dumaan. It's the same day of the week - Friday.
This time, instead of staying in kabisera, mas pinili kong umuwi sa bahay nang maaga. Friday morning and I'm here in the house. Ready for take off. Charot.
Nasa kotse na ako at balak kong pumunta sa isang farm na pagmamay-ari ni Tito Jov. Wala lang, gusto ko lang kausapin at bisitahin ang mga pinsan ko na mga kapatid ni Ate Die. Gusto niyo makilala? Sandali lang, magda-drive lang ako.
Heto na, malapit na, ipina-park ko na ang kotse ko sa labas ng farm.
Osmeña Game Farm.
Malaki at gawa sa tansong letra ang nakalagay sa ibabaw ng malaking gate ng farm ni Tito Jov. Pag-aari niya ito and he's the patriarch of this business pero dahil isa siyang Osmeña, under ito ng Osmeña Business Empire.
"Magandang umaga, Ma'am MJ," magalang na bati sa akin ng sekyu na nagbabantay ng malaking gate. "Napadalaw po kayo, Ma'am?"
Huminto muna ako at sumilong sa may post ng sekyu at tinanaw muna ang kabuuan ng farm.
"Hmm, nasa loob po ba si Tito, Manong?"
"Opo, Ma'am, nasa loob po. Pasok po kayo, Ma'am."
"Sige Manong, ako na pong bahala."
Magalang akong ngumiti sa sekyu na iyon at nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi pa naman masiyadong mainit kasi maaga pa at hindi pa masiyadong masakit ang sinag ng araw.
Pinasadahan ko ng tingin ang malawak na lupain ni Tito Jov. Nang dumaan ako, siyempre, isang masigabong na tugtugaok ng manok ang sumalubong sa akin.
"Hi, mga pinsan! Long time, no see!" Nakangiting bati ko sa kanila habang kinakawayan pa ang iba. Patuloy pa rin sila sa pag tugtugaok, sinasalubong ako.
O, akala niyo nag-iisang anak lang si Ate Die, 'no? No, no, no. Marami siyang kapatid at dito sila nakatira. The Osmeña Roosters. Mga panabong na manok!
"Oo mga pinsan, alam ko, maganda pa rin ako!" Mas lalong nagsi-ingayan ang mga manok nang magsalita ulit ako. "O, ano? Magagaling na ba kayo? Pinapanalo n'yo ba ang mga laban ninyo?"
Tumigil ako sa isang puting manok. Hindi ako masiyadong maalam sa mga panabong na manok pero alam ko mga panabong na manok sila. Nakatingin ako sa isang puting manok, 'yung parang manok ni San Pedro. O, 'di ba ang gulo?
"Hija, MJ, kinakausap mo na naman 'yang mga alaga ko!"
Napalingon ako sa kaliwa ko nang marinig ang pamilyar na boses ni Tito Jov. Humalakhak siya na mas lalong nagpa-ingay sa mga alaga niya.
We meet halfway and I smile widely.
"Hi, Tito Jov!" Yumakap ako sa kaniya at nag-bless na rin. "Siyempre naman, Tito, 'pag ako kumausap sa mga alaga mo, for sure mananalo ang mga 'yan," I said boastfully and kiddingly.
"Naku naman! Hanggang ngayon, palabiro ka pa ring bata ka," sabi niya sabay halakhak.
Mag-isa lang pala siya at mukhang galing siya sa isang bahay na nakatayo sa gitna ng manokan niya. Hindi 'yon bahay nila kasi nasa proper barangay ang bahay nila, parang bahay lang 'yon ng mga taga-bantay ng manokan niya. Sa malayong kanan ng game farm, meron siyang malaking sabungan or arena para sa mga manok kung saan nagtitipon-tipon ang mga sabungero ng ciudad at karatig-bayan.
"What brought you here nga pala, anak? Mabuti napadalaw ka?"
Nagpatuloy kami sa paglalakad, inaakbayan ako ni Tito Jov at inalalayan ko naman siya papunta sa bahay na nakatayo sa gitna ng manok.
Close na close ako sa mga Tito at Tita ko, sa mga kapatid ng Papa ko at sa mga asawa nila. I grew up with them and ni minsan ay hindi sila lumayo sa ciudad namin kaya super close rin kami ng mga pinsan ko. Nagkalat man sa iba't-ibang barangay ng ciudad ang mga bahay nila, palagi naman kaming nagkikita-kita.
Pinagsilbihan kami ng mga tagapangalaga niya sa game farm na nandoon. May lumapit na tauhan niya para ipa-check ang isang manok na may sakit yata, may isa ring pina-injection-an.
Nanunood lang ako habang nakaupo sa round table. Nilatagan na rin ako ng juice. I refused the food kasi nakapag-breakfast na naman ako sa bahay.
Nang matapos si Tito Jov, umupo siya sa harapan ko.
"So, how's our engineer?"
"Tito naman, wala pa nga, e."
"Totoo naman! Masaya kami na sa wakas ay meron nang engineer sa pamilya natin and I didn't expect na isang babae pa ang magiging unang engineer ng Osmeña clan," malawak ang ngiting sabi ni Tito Jov.
I am flattered. Kasi totoo talaga, walang nangahas sa mga pinsan kong lalaki na kumuha ng engineering sa college. Siguro may sumunod sa akin, na nasa mga younger cousins ko na, pero ako talaga ang kauna-unahang babae. Malaki na naman ulo natin nito, MJ, ano?
"I still need to wait for the boards before I can call myself an engineer, Tito. Stop it already, baka po maantala pa." Humalakhak si Tito Jov sa sinabi ko. "Si Tita Letty nga po pala, Tito?" Patungkol ko sa Tita ko na asawa niya.
"Nandoon sa grocery. Alam mo na, kahit kay Dieviena na ang grocery store na iyon, hands on pa rin talaga ang Tita mo."
Another member of Osmeña Business Empire: Osmeña Mart. Isang malaking grocery store sa ciudad namin.
"Baka gusto lang talaga ni Tita na may pagkaka-abalahan siya?"
"Tama nga naman, but our apos are enough para pagka-abalahan niya, namin."
Ate Die is already married and has two offsprings. I forgot to tell you dahil sa sobrang busy.
"Ikaw nga, Tito, abala rin sa mga anak mo. Hayaan mo na si Tita."
Tumawa ulit siya sa sinabi ko.
"Kahit kailan talaga, kampi ka pa rin sa Tita mo kesa sa akin."
Pareho kaming natawa sa sinabi niya. Nang humupa ay agad akong nagsalita.
Marami kaming napag-usapan ni Tito. More on his alaga lang talaga. Kahit na wala naman akong ineteres pero the fact na kinalakihan ko ang ganitong negosyo niya, nagkaroon na rin ako ng alam pero hindi ako sabungero, ha? Minsan lang. 'Pag na-trip-an. Past time namin ng mga pinsan ko 'pag walang magawa sa buhay noong bata kami.
Naputol lang ang kuwentuhan namin nang may tumawag sa phone ko.
"Excuse me, Tito, ha? I need to answer this po," sabay muwestra ko sa phone ko at tumayo na rin.
"Sige, anak, pupuntahan ko muna rin ang mga tauhan ko," tumayo na rin siya at tinalikuran ako. Ako naman ay humarap sa malawak na manokan.
Engr. Salvador Montero V is calling...
"Anong atin?"
"Saw your car outside your Tito Jov's game farm, are you there?"
Umihip ang hangin na galing sa silangan at malugod ko itong sinimot.
"Yeah, I'm here. Binisita mga pinsan ko."
Humalakhak si Vad sa sinagot ko. Kahit na malakas ang tawa niya, narinig ko pa rin ang ingay sa background niya.
"Gago ka talaga, MJ, kinakausap mo pa rin 'yang mga manok. Anyways, ang aga mo namang umuwi? I thought sa weekend pa?"
Patuloy ang ingay sa background niya at habang tumatagal ang tawag ay nahihinuha ko kung ano ang mga ingay na 'yon.
"Wala na naman kasi masiyadong ginagawa kaya umuwi na ako kaninang madaling araw. Where are you? Ba't ang ingay d'yan?"
"Nasa site. Bisita ka rito."
"Where? 'Yan ba 'yong project mo as the City Engineer?" Pagbibiro ko sa kaniya.
"Tanga! Assistant nga lang ako. Pumunta ka na rito, nasa likod lang ng City Hall."
"Sige, after ko rito diretso na ako r'yan."
"Ge."
Sabay naming binaba ni Vad ang tawag. Saktong paglingon ko sa kaninang puwesto namin ni Tito Jov ay nakita ko na siyang papalapit.
"Tito, aalis na po ako. Pupuntahan ko po si Vad," nang tuluyang makalapit, agad akong nagpaalam.
"Iyong kaibigan mong anak ni Mayor Sally? O, sige, anak, mag-ingat ka. See you this Sunday."
Nakipag-beso ako kay Tito Jov at agad akong umalis.
Nag-park ako sa tapat mismo ng City Hall. Bali ang City Hall ay nakaharap mismo sa malawak na plaza ng ciudad. Sa bandang kaliwa (kung nakaharap ka sa plaza at nasa likuran mo ang City Hall) ay ang police station at sa kanan ko naman ay ang mga kabahayan na at ang daan papunta Shopping Center or Market ng ciudad.
Hindi ako pumasok ng City Hall dahil sa may gilid ng entrance na malapit sa police station ako dumaan at naglakad para mapuntahan ang site na sinasabi ni Vad.
Mabuti na lang talaga at naka-sneakers ako ngayon for my little adventure tapos naka-washed skinny jeans and sleeveless top naman ako. Hindi alintana ang init sa skin ko habang naglalakad papunta sa likuran ng City Hall.
Ang sinabi sa akin ni Vad noong nakaraan, Administrative Building daw ang kino-construct dito. An extended building of the City Hall.
Nagta-trabaho na ngayon si Vad sa City Engineering's Office pero dahil kakapasa pa lang niya, mababa pa ang posisyong hawak niya. Kahit na Mayor ang Daddy niya, he never used his power kahit na his Dad insisted it. Si Maj naman, mas pinili ang isang private construction company as his first employer.
Kakatanaw ko pa lang sa building, agad na kumaway si Vad. Naka city hall's uniform at naka-white hard hat siya.
"Catch!" Sabay bato sa akin ng white hard hat.
Sinuot ko ang hard har habang nakatanaw sa two-storey building.
"How's the project?"
"Almost done. Kailangang tapusin agad para makaabot sa term ni Dad," nakatingala ring sabi ni Vad.
Malapit na nga'ng matapos at mukhang mga finishing touches na lang ang kulang, pati mga bintana at pintuan. 'Yong pintura, inunt-unti na.
"Sigurado ka bang matibay 'to?"
"Gago ka, MJ!" Babatukan na sana niya ako kaso mabilis akong umilag kaya tinawanan ko na lang siya. "Materyales niyo ang ginamit dito, woy. 'Pag palpak 'to, ikaw ang una kong sisisihin," natatawang dagdag niya.
"Hoy! Walang ganiyanan. Matitibay mga materyales namin, woy. 'Wag kang manisi ng iba."
"'Pag ikaw talaga nagkaroon ng project, araw-araw talaga kitang bubulabugin."
"Dami mong satsat, Engineer Montero! Mabuti pa i-tour mo na lang ako sa buong building."
Ewan ko ba, sa buong tour namin ni Vad, nagtatawanan lang kami. Hindi ko kasi talaga kayang magseryoso lalo na't alam kong mas maraming kalokohan si Vad kesa sa akin na obviously nakakapanibagong makita na seryoso ang kaibigan kong ito sa pagiging engineer niya.
Natapos ang tour namin nang puros tawanan at asaran lang ang ginagawa namin. Nakitawa na nga rin 'yong mismong Head ng City Engineering's Office nang naabutan kaming nagbabarahan. Mabuti na lang talaga at hindi ako dumidikit sa kanila noong college, baka puro kalokohan lang ang gawin naming tatlo.
"Daan muna tayo sa office ni Dad, ibibigay ko lang 'tong report na pinapabigay ni Engineer Manuel."
"Okay, Engineer Otosan," biro ko sa kaniya.
Umiling siya pero natawa na rin.
Pareho naming hinubad ang hard hat na mga suot namin at ibinigay sa mga trabahador na nandoon. Sa back door ng City Hall kami dumaan.
Pagkapasok pa lang sa City Hall, abala na ang mga tao sa day to day routine nila sa office. May mga taong nagpo-proseso sa BIR, Comelec, Accounting Office, atbp. Umakyat kami sa pangalawang palapag nang nag-uusap pa rin. Minsan nahihinto kasi may bumabati sa engineer na kasama ko.
Sa pangalawang palapag ng City Hall, nandoon ang opisina ng HRMO, Vice Mayor's, Tourism, CENRO, Mayor's, at ang pansamantalang opisina ng mga konsehal. Katulad nang sa unang palapag, marami ring tao sa itaas. Abala ang lahat.
Halatang natitigilan ang iba sa mga ginagawa nila nang nakita ang pagdating naming dalawa. Hindi ko alam kung si Vad ang tinitingnan o ako. I guess both? I don't punyemas know!
Lalo na sa mga staff ni Mayor na may tables sa labas ng opisina niya, napahinto talaga ang lahat. 'Yong iba ay bumati kay Vad at may iba rin na nakakakilala sa akin at bumati na rin.
"May bisita si Mayor?"
Umismid akong sa tinanong ni Vad. Daddy niya tapos tatawagin niyang Mayor? Sabagay, boss nga naman niya talaga si Mayor Montero.
"Yes, Engineer, pero okay lang na pumasok kayo," sagot no'ng sekretarya yata ni Mayor na medyo may katandaan na.
"Sino pong nasa loob, Miss Jane?"
Iginala ko ang tingin ko sa kabuuan ng opisina. Nakatingin pa rin ang ibang empleyado sa amin pero 'pag nakikita ko silang nakatingin sa akin, agad din namang umiiwas.
"Tara na, MJ."
Nabalik ang tingin ko kay Vad nang bigla niya akong kaladkarin papasok ng opisina ni Mayor. Nakatingin lang ako sa kamay ni Vad na nakahawak sa palapulsohan ko habang papasok kami sa opisina. So, medyo nakayuko ang drama ko, 'no.
"Good morning, gentlemen."
Napaangat ako ng tingin nang batiin na nga ni Vad ang Dad niya.
"Oh, MJ, hija! What a surprise!"
Walang pag-aalinlangan kong nilingon si Tito Sally nang masaya niya akong binati. Nilapitan ko siya at nakipag-beso.
"Hi, Tito Sally, good morning po."
"Sinasabi ko na nga ba na ikaw 'yung kasama ni Vad sa building sa labas, e. Napadalaw ka, hija?"
Paano niya nalaman?
Automatic akong napatingin sa malaking bintana ng opisina ni Mayor at laking gulat ko na oo nga pala, may malaking bintana nga pala rito na nakikita ang building na ginagawa sa labas. Sigurado akong nakita niya ang katarantaduhan namin ni Vad habang nagto-tour.
Sa paglingon ko sa bintanang iyon, may nahagip na naman ang mata ko.
Anong ginagawa niya rito?
Wearing his slim fit black polo shirt na hapit na hapit at nagpadepina sa hubog ng kaniyang bulging muscles and a six pocket shorts. He's on his usual manbun hairstyle and his specs. Plus the sneakers for the shoes. He's not on his usual working attire. He's just there, standing, na parang namamasyal lang... sa opisina ni Mayor. Ni Mayor! Ang ama ciudad namin! Isang respetadong public servant. Wow! Wala ba siyang trabaho ngayon?
Marahas akong lumunok at agad nag-iwas ng tingin. Hindi ko alam, bigla akong kinabahan but I plastered it with a smile and tried my best to hide the fireworks inside me.
Teka, ano nga ulit 'yong tanong ni Tito Sally?
"Dinalaw ko lang po 'yung ginagawa ni Vad, Tito. Chini-check ko kung matibay po ba."
Humalakhak si Tito Sally dahil sa naging sagot ko pero hindi siya nag-iisa, may ibang nakitawa sa kaniya. Nagkaroon ako ng chance na igala ang tingin sa buong opisina ni Tito Sally at doon ko nga nakita ang tatlong iba pang lalaki sa loob.
Sitting on a chair in front of the Mayor's table is the number one councilor and will soon run as the Vice Mayor of our city - Councilor Einny Lizares and sitting on a single sofa is the incumbent and will soon assume the Mayor's position - Vice Mayor Amell Zamora. The last man among the three is no other than the man I saw first. Nakapamulsa at seryosong nakatingin sa akin. Hindi ko nga lang masiyadong maaninag ang titig niya dahil sa specs niya.
Nang nakita niyang nakatitig ako sa kaniya ay umayos siya sa pagkakatayo at inayos na rin niya ang specs niya at umiwas ng tingin. Gusto ko na sanang umiwas ng tingin dahil bigla akong nahiya na nakita niyang nakatitig ako sa kaniya pero masiyadong nakaka-attract ang jaw niyang nagke-clenched. Clenching thirst. Ah, punyemas, anong pinag-iisip mo, MJ?
"Hi, bayaw! Good thing you're here. Sayang at wala si Sonny."
What the shit. What the shit. What the punyemas shit!
Mas marahas akong napalunok sa naging bati ni Konsehal Einny. Hindi ko alam kung sino ang una kong titingnan; ang Konsehal, ang Vice Mayor, ang Mayor, o ang katabi kong si Vad na alam kong masama na ang titig sa akin.
Please shut your mouth, Konsehal Einny!
"Dad, pinapabigay ni Engineer Manuel."
Biglang natigil ang mala-kabayong takbo ng puso ko nang magsalita si Vad. He blocked my view kasi lumapit siya sa table ni Tito Sally at inilapag ang folder na kanina niya pang hawak.
"Okay, I'll check that later. Upo muna kayo ni MJ, dito na kayo mag-lunch."
"Okay po."
Mariin akong pumikit nang pumayag si Vad sa offer ng Dad niya at sabay na tumingin sa akin.
"So, it's true talaga, hija, na ikaw ang ipakakasal kay Sonny? Your father mentioned it when we saw each other yesterday and Einny just confirmed it to me too."
Habang naglalakad kami ni Vad papunta sa mahabang sofa ay nagsalita ulit si Tito Sally.
Lumunok ako bago plastic na ngumiti sa kaniya.
"Opo..." Simpleng sagot ko.
Alam kong marami nang tanong ni Vad sa akin. Kaya sinadya kong iwasan ang tingin niya. Mamaya ka na Salvador Montero V!
"Where's Sonny nga po pala, Konsehal?" Magalang na tanong ko kay Konsehal Einny.
Ganito ako kapag nasa awkward na situation, nagiging magalang sa lahat nang magalang ako.
Prenteng nakaupo lang siya sa bangko at ngumisi sa akin.
"He's on his business trip again. Hindi ko nga alam kung bakit siya palagi ang pinapadala ng kompanya sa mga ganiyang trip, e, 'di ba, Charles?"
Wala sa sarili akong napatingin kay Darry na naka-crossed arms na ngayon at masamang tiningnan ang kapatid.
"It's for his professional growth and knowledge of the company, Kuya, it can help him," simpleng sagot lang ni Darry.
"Care to explain what's happening, MJ?" Marahas akong kinalabit ni Vad at seryosong tinanong sa akin 'yon.
~
Hi, this is the Chapter 13 of She Leaves (Tagalog)
Enjoy reading!