"Do not be confused with love and just admiration. Maybe you can feel them both but love will follow you everywhere, as if something is already tied to you."
Now playing: I was made for loving you
Ivy
Kinabukasan, lulugo-lugo akong bumangon mula sa higaan bago napahinga ng malalim. Ke aga-aga daig ko pa ang pinagsakluban ng langit at lupa. Paano ba namang hindi eh, halos di ako makatulog sa magdamag.
"Hays, Ivy!" Palatak ko sa sarili bago muling nagpagulong-gulong sa aking higaan.
Muli ko na naman kasing naalala ang mga nangyari kahapon. Kaya ngayon heto, hindi ko alam kung papasok ba ako sa aking trabaho o hindi. Natatakot kasi ako na muling makasalubong si Ms. Sommer, at ang malala pa eh, nahihiya ako dahil sa nangyari.
Pero ano bang magagawa ko? Empleyado lang naman ako nito, kaya sa gustuhin ko man o hindi, kailangan kong magpaka responsable at pumasok dahil hindi naman pupwede na basta na lamang akong aabsent ng walang pasabi.
Hays!! Naman eh.
"Wow! Halatang wala kang maayos na tulog ha." Komento ni Grace noong magkasalubong kami sa may entrance ng resort.
Napahikab ako habang tumatango-tango.
"Nag-away na naman ba kayo ng boyfriend mo? Sasapakin ko na talaga 'yung babaerong' yun!" Nanggigigil na sabi pa niya dahilan upang matawa ako.
"Hindi." Tipid na sagot ko.
"Anong hindi? Eh bakit ganyan yang itsura mo? Ang lalim ng mga mata mo." Napahinga ako ng malalim at hindi na lamang ito pinansin. Sa halip ay nagpalinga-linga ako sa paligid habang iginagala ang mga mata dahil baka nasa likuran na namin si Ms. Sommer.
Tinignan ako ni Grace ng may halong pagtataka. Pero agad itong natawa noong ma gets kung bakit ako napapatingin sa paligid.
"Tulog pa 'yun." Wika niya. "Balita ko lumabas sila ni Sir Joseph kagabi. Of course, nakainom." Dagdag pa niya. Napatango ako at parang nabunutan ng tinik sa dibdib. Mabuti naman kung ganon.
Nang makarating kami ni Grace sa kitchen, marami na agad ang trabahong naghihintay sa amin. Mabilis na nag palit kami ng aming uniform at agad na isi-nerve sa aming mga guest ng maayos ang kanilang mga pagkain. 'Yung iba naman ay sa kanilang kuwarto para sa mga nagrerequest ng breakfast in bed.
Pasado alas dyes na ng umaga ng humupa ang mga guest. Ibig sabihin lahat ay nakakain na. Habang tumutulong ako sa paghugas ng mga pinggan, bigla na lamang akong tinawag ni Sir Ben, ang supervisor namin.
"May special request sayo." Panimula nito. Agad na napalunok ako at kinabahan.
Mayroon kaya akong guest na nainis kanina? Tanong ko sa sarili.
Nag-aalala naman ang mukha na tinignan ako ni Grace. "A-ano ho 'yun Sir?" Utal na tanong ko.
May mga bagong lutong pagkain na inilalagay si Sir Ben sa serving cart. "Ikaw daw ang maghatid nito kay Ms. Sommer sa kanyang kuwarto. Ingatan mo na huwag mabasag ang glass wine ha? Ikaw rin ang maglalagay ng wine, ingatan na huwag mabuhos, okay?" Kung kanina kinabahan ako, ngayon yata eh mas lalo pa yata akong kinabahan.
Isa pa, bakit ako? Eh iniiwasan ko nga na hindi kami magtagpo. Atsaka, paano niya ako nakilala? Sa dami ng mga baguhang empleyado rito na katulad ko?
"N-Noted Sir. Pagkatapos pwede ko na po ba siyang iwanan?" Napailing ito.
"Nope. Hintayin mong matapos siya sa pagkain bago ka tuluyang umalis." Sagot nito. "Bilisan mo na, mukhang kanina pa siya nagugutom."
Walang nagawa na sinunod ko na lamang ito. Habang naglalakad papunta sa kanyang kuwarto, hindi ko maiwasan ang mag practice ng sasabihin o pambungad sa kanya. Kung paano ba ako dapat nguniti at paano ko ito kakausapin bilang aking boss. Hays! Nakakatense naman.
Kumatok muna ako ng dalawang beses sa pintuan ng kanyang kuwarto, noong marinig ko na ang boses nito ay bago ako tuluyang pumasok sa loob.
Naabutan ko naman itong naka upo sa ibabaw ng kanyang kama, habang abala sa pagkalikot ng kanyang laptop.
Bakit ganoon? Kahit na messy ang kanyang buhok mula sa pagtulog at kahit na bagong gising pa siya eh napaka ganda parin niya? Ang hot niyang tignan...
"G-Good morning Ms. Sommer, b-breakfast niyo po." Sabi ko at agad naman siyang nag-angat ng kanyang mga mata upang salubungin ang mga mata ko. Mabilis na napaiwas ako ng tingin at napayuko.
Itinabi muna nito ang hawak na laptop bago tuluyang bumaba sa kama at lumapit sa akin. Nararamdaman ko ang nakakapasong mga tingin nito sa aking mukha, ngunit nanatili parin akong nakayuko habang inihahanda ang kanyang mga pagkain.
"I'm hungry." Biglang sabi niya habang napapahawak pa sa kanyang flat na tiyan. Hindi ko tuloy maiwasan na maalala ang kanyang mga abs. Hmp!
"Hindi mo pa ba ako pagsisilbihan?" Dagdag na tanong pa niya habang mayroong nakakalokong ngisi sa kanyang labi na muling sinalibong ang aking mga mata.
Dahil sa sinabi nito ay lakas loob na inisantabi ko na muna ang hiya na aking nararamdaman at ginawa ng maayos ang aking trabaho. Katulad ng mga sinabi ni Sir Ben sa akin, maayos at maingat ko naman na nagawa ang lahat ng iyon.
Habang kumakain si Ms. Sommer, hindi ko maiwasan ang mapatingin sa buong kuwarto nito. Napaka plain lamang ng kanyang wall, tanging ang mga iilang portraits at furniture lamang ang makikita sa loob at mga personal nitong kagamitan.
Pakiramdam ko napaka boring ng buhay niya, balita ko kasi, mahilig lamang siyang magkulong sa kanyang kuwarto. Pag sapit naman ng hapon, doon naman siya lalabas upang i-check ang resort at para batiin ang ilang guest. Pagkatapos noon...hindi ko na alam.
Hindi ko maiwasan ang pagmasdan ito ng palihim. Masaya kaya siya sa buhay niya ngayon? Kung titignan ko kasi siya, mukhang okay naman siya eh. Pero....there's something about her that says she's not really happy. Lalo na kapag tinignan mo siya sa kanyang mga mata, ang tanging makikita mo lamang ay napaka lalim na kalungkutan.
"Don't you know that staring is rude?" Nagulat ako sa biglang pagsalita nito. Nahuli na naman niya akong nakatingin. Tsk!
"Why don't you just join me here? Para naman magkaroon ng lasa itong kinakain ko." Sabay lingon na tanong nito sa akin. At napa musyon pa na maupo ako sa kanyang tabi.
Mabilis na napailing ako bilang pagtanggi.
"Naku! Ms. Sommer, hindi po pwede. Pasensya na po. S-Sorry rin kung...k-kung---"
"It's okay." Putol nito sa akin bago napatawa ng mahina. Marahan na kinuha nito ang table napkin at pinunasan ang kanyang labi. "Sa tingin ko naman busog na ako." Wika pa niya ng muling inihakbang ang kanyang mga paa papalapit sa akin.
Napalunok ako. Bakit siya papalapit sa akin? Tanong kong muli sa sarili.
Hakbang inihahakbang nito ang kanyang mga paa papalapit sa akin eh, napapa atras din ako hanggang sa mawalan ako ng balanse at mabilis na nadulas sa sahig. Ngunit bago pa man ako tuluyang bumagsak sa sahig ay mabilis ako nitong nasalo at nahawakan sa aking beywang.
Halos lumuwa na ang aking puso sa bilis ng pagpintig nito. Napaka lapit na kasi ng mukha namin sa isa't isa. Dahil doon ay nagkaroon ako ng pagkakataon na matitigan si Ms. Sommer ng malapitan. Grabe! Kahit yata isang tigyawat eh hindi tinubuan ang kanyang itsura. Napaka kinis nito. Isa pa, ang tangos ng ilong niya. Ang ganda ng mga mata niya na parang kumikinang pa. Iyong makapal niyang kilay na hindi peke na mas nagpapaganda sa kanya. Iyong makakapal niyang pilik mata na mas nagpapa ganda sa kanyang mga mata. Napaka perfect ng mukha niya. At napaka natural ng kulay pula nitong labi na parang...kay sarap matikman?
What?! Nahihibang na ba ako?
"Uhmmm...Ivy?" Pagtawag nito sa aking pangalan dahilan upang bumalik ako sa realidad.
"Yes?" Sagot ko naman.
"M-Medyo nangangalay na kasi ako eh." Wika nito. Noon ko naman napansin na hawak-hawak parin nga pala ako nito sa aking beywang, bilang suporta upang hindi ako tuluyang bumagsak sa sahig.
Mabilis na napatayo ako at inayos ang aking sarili.
"Thank you." Nahihiya na pagpapasalamat ko habang lihim na sinasaway ang aking sarili. Mataman lamang na tinitigan ako nito sa aking mukha habang naka ngiti ng matamis.
"Next time, be careful." Sabi niya bago ako nilagpasan at kinuha ang kanyang cellphone na nakapatong sa isang drawer mula sa aking likuran.
Hays!
Hindi ko na ito muling tinapunan pa ng tingin hanggang sa makalabas na ako ng kanyang kuwarto. Buong maghapon yata, tulala at wala na naman ako sa aking sarili habang nagtatrabaho. Bakit naman kasi kailangan tuwing umaga ko talaga siya nakikita ngayon?
Siguro nga kailangan ko ng gumawa ng aking resignation letter. Hindi ko na yata pa kayang tagalan pa ang kahihiyan na ito. Ayoko ng hintayin pa ang oras na tanggalin ako rito, dahil ako na mismo ang kusang aalis.
Ngunit ang ipinagtataka ko lang eh, bakit parang mayroong nagtutulak sa akin na manatili at huwag tuluyang lisanin ang lugar na ito?
----
Habang naghihintay kay Prince na sunduin ako, sandaling inilabas ko na muna ang aking cellphone at naisipang pumunta sa aking Instagram app.
Basta ko na lamang itinype ang pangalang Sommer Mendoza, hanggang sa mahanap ko ang instagram account nito. Nahuli ko na lamang ang aking sarili na naka ngiti habang isa-isang tinitignan ang kanyang mga litrato. Napapailing na rin dahil sa 8 million followers nito, isang tao lamang ang kanyang following. At iyon ay walang iba kung hindi si Rae Lewis, ang sikat na singer/celebrity ng bansa.
And the next thing I didn't expect was to press the heart button on one of her photos where she was wearing a bikini.
Parang tumigil bigla ang aking mundo ng makita iyon. Susubukan ko pa sana na i-unlike iyon nang bigla na lamang mayroong mag pop-up na message mula sa notification bar ng aking cellphone.
"Someone stalking me." With a wink emoji pa iyon.
Halos kulang nalang eh maihagis ko ang aking cellphone sa gulat ng makita ang pangalang Sommer Mendoza. Lalo na dahil nag message pa talaga ito. Wala sa sarili na napapakagat labi na lamang ako. Pakiramdam ko rin sobrang namumula na ang aking itsura dahil sa nadagdagan na naman ang kahihiyang nararamdaman ko ngayon.
Oh God! Magreresign na talaga ako. Bahala na. Sabi ko sa loob ko.