ดาวน์โหลดแอป
83.87% The Virgin Mary / Chapter 52: KABANATA 49

บท 52: KABANATA 49

"Hayop ka Matteo." Dali-daling lumapit si Rocky saka niya sinuntok si Matteo sa mukha. Napaatras si Matteo sa ginawa niya kaya agad ko syang pinigilan at tinulak-tulak ito sa dibdib.

Pumasok si Robi at clifford saka nila hinarangan si Matteo na susuntokin din sana si Rocky.

"Rocky ano ba!" Tulak ko sa kanyang dibdib. "Bakit mo sinuntok si Matteo?" Bulyaw ko subalit galit na ekspresyon lang ang binalik niya sakin.

"Mary nag-iisip ka ba? Bakit ka nakipag relasyon kay Matteo?" Sigaw niya sakin kaya napapikit ako.

"Fuck you dude. Huwag na huwag mong sisigawan ang girlfriend ko." Pumipiglas si Matteo sa bisig ni Clifford at Robi. Ang ulo ko na kaninay gumaan ay bumalik sa bigat.

"Rocky ano bang problema mo?.

Mahal ko si Matteo at mahal niya ako." Bulyaw ko kaya mas lalong umigting ang kanyang panga. Inabot niya ang kamay ko kaya hinayaan ko lang iyon.

"Mary hindi mo alam kong anong pinasok mong gulo!" Mahinahon niyang sabi na tila naluluha.

"Bakit Rocky? Nakakagulo na ba ang magmahal?" Pumikit sya sa sinabi ko, ang kanyang magulong buhok ay nag papahiwatig ng pagod at sakit.

"Mary hindi nakakabuti si Matteo sayo. Hindi ka nababagay sa kanya." Sinampal ko sya dahil sa masakit niyang sinabi. Ang puso koy sinasaksak ng iilang patalim dahil sa binitawan niyang salita. Tumagilid ang kanyang mukha at dahan-dahan itong lumingon sakin ulit.

"Ang sakit mo namang magsalita Rocky. Kaibigan kita pero sayo pa talaga nang-galing yan. Bakit? kaninong tao ba ako nababagay? Sa mga tulad ko ring mahirap? Mababa? Cheap?" Sunod-sunod kong sabi kaya napasabunot sya sa kanyang buhok.

"Fuck Mary. Hindi ka magugustohan ng pamilya ni Matteo. Hindi ka nila tatanggapin." Bulyaw niya. Naramdaman ko nalang ang paghila ni Matteo sa kamay ko saka niya ako itinago mula sa likuran niya.

"Stop it dude. Kong anong meron sa pamilya ko ay labas ka na dun." Pumagitna ulit si Clifford sa dalawa. Ramdam ko ang higpit na hawak ni Matteo sa kamay ko.

"Hindi ako matatahimik kong nasa kamay mo ang kaibigan ko. Pare, naman sa dami-daming babaeng paglalaruan mo bakit si Mary pa?" Naging seryoso ang mukha ni Rocky ngayon. Ang kanyang titig ay nasa akin.

"I love her!" Hamon ni Matteo kaya natahimik si Rocky. Ang kanyang galit na mukha ay mas lalong naging tigre.

"Mahal? Are you fucking serious?Mahal mo ba talaga si Mary o baka mahal mulang sa kama?" Agad bumulagta si Rocky sa biglaang pag suntok ni Matteo. Ang bilis ng tibok ng puso ko ay nagpapahina sakin.

Pinigilan ko si Matteo at agad naman tinulongan ni Clifford si Rocky na tumayo. Nasasaktan ako dahil pareho silang importante sakin.

"You dont have no idea how im possedly inlove with Mary. Mahal ko sya kaya wala kang karapatang kwestyonin ako." Turo niya kay Rocky. May dugo ang labi ni Rocky kaya mas lalo akong nasaktan. Nalilito ang pusot isip ko sa pagkakataong ito.

"Shit..... Tumigil nga kayong dalawa. Sumasakit ang ulo ko sa kakaayos ng gulo sa araw na to." Pigil ni Clifford. Nakagat ko ang labi ko dahil sa kahihiyan. Marami kaming nadamay ni Matteo. Maraming na prowesyo at nasaktan dahil lang dito.

"Wala sanang mangyayaring gulo kong hindi pinatalon ng magaling  nating kaibigan ang bestfriend ko." Pagtatama ni Rocky kaya pinigilan ko ulit si Matteo sa pagsugod.

"Rocky tama na please! Please lang." Pagmamakaawa ko. Natahimik sya bigla at aakmang aabotin ang kamay ko ng hinila ako ni Matteo.

"Mary hiwalayan mo si Matteo at sumama ka sakin." Saad niya na ikinalaki ng mata ko.

"Eh..... Hayop ka pala eh." Tinulak ni Clifford ng mahina si Matteo rason kong bakit na paatras ito muli sa pag sugod.

"Tama na dude. Pag-usapan niyo ito ng hindi mainit ang ulo. Please both of you stop this." Isa-isang tingin samin ni Cifford. Hindi ko aakalain na hahantong kami sa puntong ito.

"Mary sumama ka sakin sa bahay. Iaalis kita dito." Ulit niya sakin na may sigaw.

"Rocky?" Inilahad niya ang kanyang kamay kaya bumagsak ang tingin ko dun.

"Mamili ka Mary. Sasama ka sakin o mananatili ka kay Matteo?" Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Matteo. Ang puso kong pahina ng pahina ang tibok. Ang sakit mamili dahil mahal ko sila pareho. Si Matteo na mahal ko at si Rocky na kaibigan ko simula pa noon.

"Rocky hindi ko kailangang mamili sainyo, dahil pareho kayong mahalaga sakin." Umiling sya agad sa sinabi ko. Ang kanyang mata ay bumagsak sa kamay namin mi Matteo.

"Hindi ako matatahimik hanggat wala kang pinipili saming dalawa." Dugtong niya. Sumulyap ako kay Matteo at tahimik lang ito.

Alam kong naging interesado sya sa katanongan ni Rocky. Pumikit ako ng marahan saka inisip ng ilang segundo ang desisyon kong ito. Kailangan kong pumili sa dalawa. Mahal ko si Matteo at mahalaga si Rocky sakin. Malaki ang pinag-kaiba sa dalawang iyon.

Dahan-dahan akong kumalas sa nakasiklop na kamay namin ni Matteo kaya nabigla sya sa ginawa ko. Bumagsak ang mata niya mula sa kamay ko.

Sumulyap ako sa kanya ng panandalian at kita mula sa mata nito ang sakit. Bumitaw ako sa kamay niya ngunit hinayaan niya lang akong bitawan.

Dahan-dahan akong lumapit kay Rocky kaya kita sa mukha niya ang tuwa at saya. Nakagat ko ang labi ko sa disesyon kong ito. Niyakap ko sya ng walang pag-aalinlagan at niyakap niya rin ako pabalik.

"Aalis tayo dito, sumama ka sakin kaya kitang alagaan, Mary." Niyakap ko sya ng mahigpit sa sinabi niya. Sobrabg sakit pero kailangan kong mamili sa dalawa.

Ano ba ang mas mahalaga? Ang pag kakaibigan o ang nararamdaman ko para saking minamhal?

Humiwalay ako sa yakap saka ko sya hinarap na may luha sa mata.

"Rocky im sorry."  Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "Sawang-sawa na ako saking pag-iisa. Ngayon lang ako naging masaya sa buong buhay ko. Patawarin mo ako Rocky pero mahal na mahal ko si Matteo. Hindi ko kailangang mamili sainyo dahil pareho ko kayong mahal. Pero sa pag kakataong ito ay kailangan kong manatili kay Matteo. Patawarin mo sana ako Rocky." Inabot ko ang kamay niya pero umatras lang ito. Bumagsak ang kamay ko mula sa ere.

"Sana hindi ka magsisi sa desisyon mong 'to." Huli niyang sabi saka ito tuluyang lumabas ng kwarto. Bumagsak ang katawan ko sa kama at bahagya akong napaupo. Hinilamos ko ang aking mukha.

"Susundan namin si Rocky!" Si Clifford at Robi.

Tanging pagsara ng pintoan ang narinig ko. Humalukip-kip ako saka nagbuga ng iilang hininga. Naramdaman kong tumabi sakin si Matteo saka niya inabot ang kamay ko at hinawakan niya iyon ng mahigpit.

"I am expecting your decision!" Bahagya akong lumingon sa kanya. Ang kanyang ngiti ay naging maaliwalas. Alam alam niya na sya ang pipiliin ko kahit anong mangyari.

Ginulo niya ang buhok ko kaya nag mumukha akong bata. Hinawi ko iyon saka sya sinamaan ng tingin.

"Ginulo na nga yan ni Venus kanina. Gugulohin mo pa ulit." Natatawa kong sabi kaya natahimik sya, tila hindi nagustohan ang pagbibiro ko. Ang kanyang mukha ay naging seyoso. Pinulupot ko ang kamay ko sa braso niya saka sumandal sa kanyang balikat. "Anong nangyari kay Venus?"

"Inihatid ko sya sa kanila." Mahina niyang sagot bago nagbuntong hininga.

"Nasaktan natin sya Matteo!" Simangot ko saka niya ako inakbayan at isinandal ulit sa kanyang dibdib.

"No were not," Saad niya. "Sya ang gumagawa ng mga bagay na ikakasakit niya," napapikit ako saka hinahayaang tumahimik ng ilang segundo.

"Kaya mo ba talaga akong ipaglaban sa pamilya mo?" Nakagat ko ang labi ko dahil bakit ko pa iyon naitanong sa kanya. Hinimas-himas niya ang braso ko kaya para akong hinihila pa antok nito.

"Yes.... Kaya ko silang talikuran para sayo." Marahan niyang sagot. Humiwalay ako sa yakap saka sya hinarap na may luha.

"Pero pamilya mo sila." Nguso ko, isa-isa niyang hinawi ang luha ko.

"Pero mahal kita. If they can't accept you, then i will forget everything about them." Nakagat ko ang labi ko sa sinabi niya. Bumagsak ang mata ko saka ko pinaglalaruan ang dulo ng aking kamay.

"Nang dahil sakin kaya nagkaka---" Nilagay niya ang kanyang hintuturo sa labi ko rason kong bakit hindi ko natapos ang aking sasabihin. Hinimas niya iyon ng sandali saka iyon tinititigan..

"Walang may kasalanan. Not me, not you. Were just inlove and they can't stop our feelings. Kong iniisip mo na ilalayo ka nila sakin? I can find you evidently!" Napayuko ako ulit sa sinabi niya. Kong kailan ka pa msaya iyon naman ang bawal na. Ang daming sagabal at tila pinapaalala lang sakin na hindi ako nababagay sa mundi ni Matteo. Hindi ako karapat-dapat sa kanya. Kaya ko ba talaga syang ipaglaban? "Baby please fight me as you can." Kinurot ang puso ko sa sinabi niya. Unti-unti kong pinoproseso ang lahat. "Unless you don't want to!"

"Ipaglalaban kita hanggat kailangan mo ako. Susuko lang ako pag pagod kana sakin." Sagot ko agad na ikinunot ng kanyang noo. Pinisil niya ang magkabila kong pisnge na para bang isang malambot na unan.

"If I tired, I rest. I am not going to quit." Ngiti niya ng malapad saka ako hinila sa bewang at niyakap niya ako ng mahigpit. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa leeg at ramdam ko ulit ang kanyang mga luha.

Hinahayaan ko lang syang umiyak.

"Mahal na mahal kita, Matteo." Mahina kong sabi. Dahan-dahan niyang hinalikan ang leeg ko. Napapikit ako sa ginawa niya.

"I love you more than anything baby. I love you damn much and i want to spend my time to waste it for you ,seconds, minutes, hour and every single day." Hinalikan niya ako ulit sa may leeg bago ako hinarap at hinawakan ang magkabila kong pisnge. "Do you trust me?" Tumango ako bilang sagot bago niya hinalikan ang dulo ng aking ilong.

"May tiwala naman ako sayo pero sa ibang babae wala." Naningkit ang kanyang mata sa sinabi ko. Naalala ko lang ang sinabi sakin ni Ivony na nilalandi ni Alyana si Matteo.

"Mag kakaroon lang ako ng ibang babae, pag babae ang magiging anak natin." Tumalon ang puso ko sa sinabi niya. Ang pisnge kong namumula at ramdam na ramdam ko ang panginginit nito.

Hinalikan niya ako sa labi. Isang mababaw na halik bilang isang pagmamahal at respito. Humiwalay lang kami sa halik ng tumunog ang kanyang cellphone.

"Wait," Saad niya na ikinatango ko. Dumungaw ako sa cellphone niya at bumungad  sakin ang tumawag.

Daddy Calling...

"Sagotin muna," Saad ko sa kanya bago ito sumulyap sakin. Nagbuga sya ng iilang hininga saka niya sinagot ang tawag. Pinagalalaruan ko ang isang kamay niya dahil sa kaba.

"Hello dad," Sumulyap ako sa kanya at tinititigan sya. "What?" Napatayo si Matteo kaya nabitawan niya ang kamay ko. "Saang hospital? Fuck! Okay i'll be there." Tumayo ako sa kaba dahil sa narinig.

"Sinong nasa hospital?" Sumulyap sya sakin at kita sa mata nito ang sakit at pag-aalala.

"Baby I have to go," Hinalika niya ako sa noo. "I promise i'll be back. Please stay here until i came back." Hinalikan niya ulit ako sa noo saka ito tuluyang lumabas ng silid.

Bagsak ang magkabila kong balikat sa pag-alis niya. Gumugulo parin sa isipan ko ang narinig kanina. Napaupo ako sa kama at unti-unting pinoproseso ang lahat ng nangyari ngayong araw.

Napapikit ako at unti-unting sinasamsam ang kirot ng aking dibdib.

Anong kayang nangyari? Bakit nagmamadaling umalis si Matteo? Kinabahan ako, parang may masamang mangyayari.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C52
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ