ดาวน์โหลดแอป
84.61% Mature Enough (COMPLETED) / Chapter 11: Chapter 9

บท 11: Chapter 9

Chapter 9

"How are you, Ijah?" Pangangamusta sa akin ng Mom ni Von na lalo kong ikina-kaba.

Hindi agad ako nakasagot at nakabawi noong ngumiti ito sa akin, masasabi ko na isa iyong tunay na ngiti. Pero bakit naman ngingiti ang Mom ni Von sa akin ng ganon, hindi ba?

"Matagal tayong hindi nagkita, at hindi mo tinupad ang napag-usapan nating dalawa." Napayuko ako dahil sa sinabi nito sa akin. Alam ko 'yon, alam ko na hindi ko tinupad at wala akong balak na tupadin iyon dahil mahalaga sa akin si Von. Hindi ko kayang pakawalan nalang sya ng ganon ganon lang.

Hindi ko kaya.

"Pasensya na po, pero hindi ko po kayang tuparin ang pangako ko sa inyo. Hindi ko iiwan si Von ng dahil lang sa walang kwentang rason nyo." Hindi ko na inisip kung magmukha akong bastos sa harapan ng Mom ni Von.

"I love your son, and I'll do anything and everything just to be with him. Hindi ko po sya iiwanan." Puno ng diterminasyon kong saad sa Mom ni Von.

Bumuntong hininga ito at kalauna'y ngumiti sa akin. Napakurap kurap naman ako dahil sa pagngiti bigla ng Mom ni Von sa akin. Lalo lamang akong kinabahan dahil sa pagngiti nyang iyon.

"Alam ko naman iyon, ijah. Kaya nga nagpunta ako dito para sabihin sa iyo na hindi na kita pipilitin pa na lumayo at hiwalayan ang anak ko. Isa pa," bahagyang huminto ang Mom ni Von at muling sumimsim sa tasa ng tsaa na iniabot ko sa kanya.

"Pumayag naman na din si Von na bumalik ng China upang doon na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral, kasama ni Von doon ang kambal nya." Ngumiti ng bahagya ang Mom ni Von kaya naman hindi ko maiwasang hindi rin matuwa dahil sa sinabi na iyon ng Mom ni Von.

Kung ganoon pala ay pumayag na si Von sa gusto ng kanyang ina? Paano naman ang arrange marriage nya sa isang babae? Pumayag na rin kaya sya?

Unti unting nawala ang ngiti sa labi ko noong sampalin ako ng reyalisasyon na kahit na anong pakikipag-laban ko para sa relasyon naming dalawa ay wala parin kung sya na unang susuko. Pero pumayag kaya sya?

Sa kaisipan pa lamang na iyon ay tila may dumagan na sa dibdib ko at nahirapan akong huminga sa kaisipang may magiging babae syang iba bukod sa akin. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko, hindi ba?

"Hindi pumayag si Von noong sabihin ko sa kanya ang tungkol sa arrange marriage, kaya huwag ka ng mag-alala dahil hindi ko naman na ipipilit ang gusto ko." Napaangat ako ng tingin sa Mom ni Von at nakita kong ibinaba nya ang tasa ng tsaa na hawaka nya sa coffee table na nasa harapan naming dalawa.

"Gusto na kita para sa anak ko, Ijah. Nakita ko ang malaking pagbabago kay Von noong makilala ka nya at alam ko na seryoso sya sayo dahil pinilit nyang bumalik sa dati dahil sabi nya ay iyon daw ang gusto mo." Maliit na ngumiti ang Mom ni Von at saka muling nagpatuloy sa kanyang pagsasalita.

"Natutuwa ako dahil nabago mo ang anak ko, naibalik mo ang dating ugali ng anak ko." Dagdag pa nito kaya naman hindi ko maiwasang hindi pamulahan ng magkabilang pisngi dahil sa sinabi ng Mom ni Von sa akin.

Hindi ko naman talaga gustong baguhin si Von, dahil gusto ko sya sa kung sino at ano sya. Pero hindi ko inaakala na maibabalik ko sya sa kung sino sya dati at ang hindi ako makapaniwala ay mapapasunod ko pa sya ng ganon ganon lang.

"Hindi ko naman po intensyon na baguhin si Von. Gusto ko po sya at mahal ko sya bilang sya." Mahina kong sagot sa Mom ni Von na ikinailing naman nito. Lumapit sa akin ang Mom ni Von at hinawakan ang magkabila kong kamay.

Hindi ko inaasahan na gagawin nya ang bagay na iyon, lalo pa't nasanay ako sa pakikitungo nya na palagi nya akong kinukumbinsi na hiwalayan si Von dahil mas gusto nya ang ibang babae kaysa sa akin.

"Alam ko 'yon, nakikita ko sa pakikitungo mo sa kanya at kung paano mo sya ipaglaban. Alam ko na mahal mo ang anak ko." Halata ang sensiridad sa kanyang boses kaya naman hindi ko na maiwasang hindi matuwa.

Panalo na ba kaming dalawa ni Von? Hindi na papakealaman ng Mom ni Von ang relasyong naming dalawa sa isa't isa kaya naman laking tuwa ko ngayon.

Pagbalik ni Von ay sasabihin ko lahat ng napag-usapan namin ng Mom nya sa kanya. Sasabihin ko sa kanya na hindi na namin pa kailangang maghiwalay dahil lang mag-aaral sya sa ibang lugar. At hindi na rin nya kailangang mam-roblema patungkol sa arrange marriage na magaganap sa hindi nya kilalang babae at kay Von.

-

Nasa labas ako ng apartment ko at inaantay ang pagdating ni Von ngayon. Napag-usapan namin sa telepono na ngayon ang magiging balik nya dito, hindi na rin ako makapaghintay pa na sabihin kay Von ang naging pag-uusap naming dalawa ng Mom ni Von.

Hindi nagtagal ay may huminto na sasakyan sa harapan ko at kilala na kilala ko ang may-ari ng sasakya na iyon. Lumabas ang nasa backseat at hindi ko maiwasang hindi ngumiti ng malawak noong makita ko kung sino iyon.

Agad akong lumapit sa kaya at sinalubong sya ng isang mahigpit na yakap. Gumanti rin naman ito ng yakap sa akin kaya naman mas lalo ko lamang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya na tila ayaw kong mawala sya sa mga bisig ko. Well, ayaw ko naman na mawala sya sa akin, at alam ko na hindi na iyon mangyayari pa dahil pumayag na ang Mom ni Von sa relasyon naming dalawa.

Kumawala na ako sa pagkakayakap sa kanya at tila nasabik naman ako sa labi nya na natural na mapula kaya naman agad kong inilapat ang labi ko sa labi nya na halatang ikinatigil nya. Napangiti ako sa naging reaksyon nya.

"I missed you, Von." Saad ko at muli ko syang niyakap na agad din naman nyang tinugunan.

Ilang segundo rin siguro kaming nasa ganoong sitwasyon bago kami naghiwalay sa isa't isa. Nagtungo kami sa loob ng apartment ko kaya at hanggang sa makapasok kami sa loob ng apartment ko ay tahimik lamang si Von na ikinataka ko.

Tikom ang bibig nito at hindi pa nagsasalita simula kanina kaya naman nagtaka ako lalo. Huminto sya kaya naman huminto na rin ako at hinawakan ko ang kanyang kamay upang mapatingin sya sa akin.

"Is there any problem?" Tanong ko sa kanya ngunit nag-iwas lamang sya ng tingin sa akin at bahagyang itinabig ang aking kamay na talaga namang nagpakunot ng noo ko.

"Von..." Nahihirapan kong pagtawag sa kanyang pangalan dahil pakiramdam ko ay may tila nakadagan sa aking dibdib dahil sa kaisipan na may problema kaming dalawa sa isa't isa.

Hindi nya ako pinansin at nagtungo sa mini kitchen ng apartment ko at nagsalin ng tubig sa baso, habang ako naman ay nakatingin lamang sa kanya at pinapanood ang bawat ginagawa nya. Hindi ko maiwasang hindi magtanong sa aking isipan kung may nagawa ba akong mali at hindi nya nagustuhan para hindi nya ako pansinin ng ganito?

"Kamusta ang naging pag-uusap nyo ni Mom?" Malamig ang boses nya kaya naman hindi ko maiwasang hindi maging emosyonal dahil ngayon lang nangyari na naging malamig sya sa akin.

Naramdaman ko na tila may bumara sa aking lalamunan at alam ko na kahit na anong oras ay tutulo na ang luha sa mga mata ko. Pasimple kong pinunasan ang luha na tumulo sa pisngi ko at tumikhim upang matanggal ang nakabara sa lalamunan ko bago ako nagsalita.

"Nag-usap kami ng Mom mo tungkol sa relasyon natin, pumayag na rin sya at hindi ka na nya pipilitin na magpakasal sa iba." Tanging tango lamang ang isinagot nya sa akin kaya naman lalong sumama ang loob ko. Ano bang ginawa ko na ayaw nya?

"Mabuti naman. Alam mo na pala ang tungkol sa arrange marriage pero hindi mo man lang sinabi sa akin, Irene." Madidiin ang bawat pagbitaw nya sa mga salita kaya naman nalaman ko na kung bakit sya nagkakaganito.

Dahil ba sa alam ko na at nauna kong malaman ang tungkol sa arrange marriage nya at hindi ko man lang sinabi sa kanya iyon? Ano nanaman ba ang sinabi sa kanya ng Mom nya para maging ganito sya kalamig sa akin ngayon?

"Hindi ko sinabi sayo kasi alam ko naman na magagalit ka sa Mom mo. Isa pa, hindi ka naman papayag sa arrange marriage na iyon, diba? Kaya ano pa kung sasabihin ko sayo?" Pagdadahilan ko dahil totoo naman ang mga sinabi ko.

Hindi ko sinabi sa kanya dahil ayaw kong magalit sya sa Mom nya at ayoko na mam-roblema sya tungkol doon. Isa pa, tapos naman na, kaya bakit pa sya nagiging ganito?

"Kahit na. Paano kung pumayag ako?" Tumingin sya sa akin habang sinasabi nya ang mga katagang iyon. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig na hindi agad ako nakasagot sa sinabi nya.

Paano nga kaya kung pumayag sya doon? Ano na lamang ang mangyayari sa akin? Sa amin?

"Pero may tiwala ako sayo, alam kong hindi ka papayag doon." Mahina kong sagot sa kanya na ikina-iling na lamang nya.

Nagpakawala sya ng buntong hininga bago lumapit sa akin at sya na mismo ang nagpunas ng pisngi ko na nabasa dahil sa tumulong luha. Hinawakan ko naman ang kamay nya na nakahawak sa pisngi ko.

"Sorry, baby. Shh... Stop crying. Sorry." Pag-aalo nya sa akin at saka nya ako hinapit palapit sa kanyang mga bisig upang yakapin. Sinubsob ko naman ang mukha ko sa dibdib nya at niyakap sya.

"Bakit ka ba kasi naging ganon? Ayoko lang naman na mam-roblema ka tungkol sa bagay na tapos naman na ngayon, tapos magiging malamig ka sa akin ngayon? Bakit?" Paglalabas ko ng sama ng loob habang sya naman ay tahimik lamang at hinahagod ang likod ko.

"I'm sorry, Baby. Nainis lang ako kasi sinolo mo yung problema na dapat ako ang gumagawa ng solosyon." Sagot nito kaya naman suminghot singhot ako at tiningala ko ang mukha nya.

Malamlam na ang mga mata nito at nababasa ko na ang emosyon na nasa kanyang mga mata. Tumingin ako sa kanyang labi at tila naakit nanaman ako at binigyan ko sya ng isang mabilis na halik sa labi.

"Sorry." Sabi ko at hindi pa ako nakontento ay nagnakaw ulit ako ng halik sa kanya ngunit sa pagkakataon na dapat ay lalayo na ako ay sya namang paghawak nya sa likod ng ulo ko upang palalimin ang halik.

Napapikit na lamang ako habang dinadama ang paggalaw ng labi nya sa labi ko. Napakapit na lamang ako sa kanyang batok upang makakuha ng lakas dahil sa nanghihina kong tuhod ngayon.

-

Written by Chewzychick


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C11
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ