ดาวน์โหลดแอป
38.88% The twins: loves story / Chapter 7: Chapter 7

บท 7: Chapter 7

Kiari Gray Dominguez

Pagkatapos ng klase ko sinundo ako ni Tatay. Pumunta kami sa isang resturant at nag order sya ng tea. Napansin ko rin na dala dala niya ang folder.

"Tatay bakit po tayo nandito?" tanong ko sa kanya habang inaayos niya ang papel na nasa loob ng folder nakita ko rin na may mga litrato pero hindi ko masyadong maklaro.

"Kiari Gray." Kinabahan ako sa kanya. Ngayon niya nalang ulit ako tinawag na Kiari Gray at hindi niya dinugtongan ng dominguez.

"Bakit po?" Mahina kung tanong.

"Kiari sana hindi ka magbago kapag nalaman mo ang katotohanan." Katotohanan? Katotohanan na ano? May kailangan ba akong malaman?!

"Anong katotohanan po?" hindi pa pwedeng sabihin niya nalang habang tumatagal mas lalo akong kinakabahan.

"Kiari alam kung napansin mo ang gabe kung pa uwi at lagi kubg bit bit ang folder na 'to. Sinabi ko rin sa 'yo na malalaman mo 'to sa tamang panahon. Kairi may karapatan kang malaman kahit matagal ka na nilang iniwan. At alam ko na gusto mo rin ng hustisya para sa papa mo. Ng malaman ko kung  sino  ang pamilya mo nagsimula na akong magusisa tungkol sa inyo." Nakikinig lang ako sa kanya at pilit na iniintindi ang mga sinabi niya. Binuksan niya ang dala niyang folder at hinarap sa 'kin. Bumungad sa 'kin ang litrato ni Papa na nakahigda sa kalsada, dugo-an at walang malay. At litrato ni mama na natutulog sa hospital. At kami ni kairo at kiari na nagbibinta ng gamit at nagtratrabaho sa pagdedeliver ng yello. Unti unting tumulo ang mga luha ko ng makita si Papa na naka handusay at wala ng buhay at ng makita si Mama na wala ng buhok at ang payat payat na.

"Kiari hindi 'to ang oras para maging mahina ka. Nagpa-imbestiga ako  sa mga nangyari. Dahil gusto ko bago ako mawala maging magaan ang loob mo minahal kita kiari na parang totoo kung anak kaya ginawa ko to para sa'yo." Tumago nalang ako habang pinupunasan ang mga luha ko.

"Basi sa mga impormasyon na na kuha ko matagal ng may galit sa parin sa inyo si Martin Chua. Sya ang dahil kung bakit ginawang kollateral ng  Ama mo ang bahay at mga ari ari an niyo. Pinlano niyang ibagsak ang companya ng Ama mo at nagtagumpay sya kailangan ng Ama mo makabawi sa lahat ng taong nagtratrabaho sa companya nyo. Kaya sinikap niyang makabawi nag loan siya ng malaking halaga sa bangko at ginawang kollateral ang bahay at iba pang ari ari-an niyo. At sa tingin ko siya ang nagpapatay sa papa mo." No'ng una hindi ko ma gets pero ng tumagal naliwanagan ako sa lahat.

"Bakit pinapatay niya si papa?!" May galit na tanong ko. Sinira niya ang pamilya namin makaksurvive si mama sa canacer kung hindi na delayed ang operasyon niya.

"Dahil malaki ang galit niya sa papa mo. Si Martin Chua at ang papa mo ay parehong ampon ni Jaime Chua."

Flash back

Si Jaime ay ang nagmamay ari ng hospital na ngayon at nasa kamay na ni Martin. Madalas na magkasama ang papa mo at si Jaime tinuri ni Jaime ang papa mo na parang tunay niyang anak at si Martin." Huminga sya ng malalim at ipinagpatuloy ang pagkwekwento. " Masaya noon sila ni Drake at Martin. Parang tunay nakamagkapatid sila kapag naglambingan. Pero unti unting lumayo ang loob ni Martin kay Drake ng marinig niyang nag uusap ang Daddy ni na si Jaime sa isang attorney. Narinig niya na ang mga papuri ni Jaime kay Drake at mas lalo syang nagalit ng malaman niyang sa kay Drake magma mana ng Hospital. Kaya simula noon lagi na silang hindi magka intindihan. Kapag nalalaro sila sinira ni Martin ang video games ni Drake. At kapag uminom naman ng gatas si Drake kinukuha niya at tinatapon sa sahig. Nagagalit si Jaime kapag may nababasak na gamit. Narinig niya ang pagbasag ng baso kaya kulumapit sya sa kay Martin at Darke tinanong niya kung ano ang nanyari mabilis na itinuro ni Martin si Darke na tinaponan sya ng baso." Ang sama niya talaga kailangan niya talagang magbayad.

"Ijho wag kang magtanim ng galit sa puso mo. Hayaan ko na hustisya ang manaig ijho wag kang gagawa ng ikapapahamak mo." Nagaalalang sabi sa akin ni tatay.

"Opo." Matipid kung sabi.

"Makakasama ang maghiganti ijho. Walang mabuting maidudulot sa 'yo yan. Minsan ang pahihiganti ay mas nakakasama." Tumango ako

"Pangako po tatay gagawin ko ang lahat para mahuka ang hustisya sa pagkamatay ni tatay. Tapos po ano po ang ginawa ni Daddy sa sinungaling na Martin.?" uminom sya ng tea na parang inaalala niya ang nangyari.

"Teka po paano niyo po nalaman ang tungkol kina Martin at Dad?" Grabe naman sya mag imbestiga nalaman niya pati past.

"Dati akong secretatry ni Jaime Chua, Nagkita ko ang alitan sa kanilang dalawa ni Martin at Drake. Ako ang inuutusan ni Jaime aa mga assets niya kaya alam ko kung kanino dapat ang hospital na yon." Ang liit talaga ng mundo. Sa secretary pa ako napadpad ang nakakilala sa Daddy kaya pala gano'n nalang ang reaction niya ng sinabi ko ang pangalan nila.

"Pero bakit nasa kay Martin ang companya?" tanong ko kay Tatay stephen.

"Dahil nagpaubya si Drake."

No'ng araw na nagsinungaling si Martin kay Jaime at binaliktad niya ang nangyari. Sinabi ni Drake ang totoong nangyari at napagalitan si Martin dahil sa pag sisinungaling dahil sa mga salitang binitawan tawan ni Jaime kay Martin mas lalong naging masama sya. May mga beses na narinig ko si Martin at Drake nagtatalo sa graden. At minsan sinusuntok ni Martin si Drake at sinasabi ni Martin kay Drake na siya dapat ang mamamana ng hospital kaso epal daw si Drake naka handusay ang papa mo sa lupa at sinusuntok sya ni Martin. Mabait na bata si Drake kaya na iintindihan niya si Martin. Na abotan ni Jaime ang gano'ng . kaya pinatawag niya si Drake. Pumunta si Drake sa office niya at tinanong ang mga nangyari pero hindi sinabi ni drake ang katotohanan. Binaliktad niya ang nangyari at ipinamukhang masama ang sarili niya. At pinalabas na sya ni Jaime.

"Stephen nakita kita nando'n ka no'ng naaway sila alam kung may alam ka. Hindi ako makapaniwala na magagawa ni Drake ang manakit." Sabi ni Jaime.

"Ahh Sir narinig ko po na sinisigawan ni Martin si Drake sinasabi niya na dapat epal at sana daw sya nalang ang inampon. Narinig niya na sa kay Drake mo ipapamana ang hospital nakita ku sya ng araw na naguusap kayo ni Attorney. Nasa pinto siya at nakikinig.Minsan sinasaktan ni Martin si Drake at si Martin rin a sumira ng vidoe games ni Drake at nag tapon ng gatas sa sahig." Nakita kung pumikit si Jaime at humingang malalim.

"Ipatawag mo si Martin." Sinunuod ko naman agad sya at kumabas ako para sabihan ang maid na ipinapatawag ni Sir Jaime si Martin. At bumalik na ako sa office ni Sir Jaime. Sumunod naman agad si Martin pinaupos sya ni Sir jaime.

"Martin Alam kung ginawa mo.At hindi ako natutuwa." sabi ni Sir Jaime at si martin naka yuko lang na nakikining sa kanya. "What you did to your brother was unforgivable Martin. I want you to beg for Drake's forgiveness." Napaagat naman ng ulo si Martin.

"No! I won't do that Dad!" Sigaw ni martin sa daddy niya.

"Gagawin mo Martin kung sino ang may mali sya ang dapat magpakumbaba. Kung ayaw mong magpakumbaba wag kang gagawa ng mali na syang ikakabagsak mo." Sabi sa kanya ni Sir Jaime pero Halata sa mukha ni martin na lalaban sya.

"What if I won't do it? what will you do dad? itataboy mo ako? ha? kasi wala naman akong kwenta diba?!" Galit na galit si martin nahalos may tunulo ng luha sa mata niya sa subrang galit.

"Ikaw ang nag sabi niyan Martin. Magpakatotoo ka sa sarili mo. Lawakan mo ang pagiintindi mo Martin." Mahinang sabi ni Jaime.

"Pagmakatotoo? sige Dad sasabihin ko sa inyo ang totoo. Ano ba ang kailangan kung gawin oara makita mo nakarapatdat rin ako kagaya ni Drake? ano pa pa ba ang dapat kung patunayan? Si Drake nalang lagi e! Wala na akong may ginawang para sa inyo mali ko nalang lahat nga nakikita nyo Dad!" Malakas na sigaw ni Martin at tumayo sya at nilakagay sa baywang niya ang dalawa niyang kamay kita mo sa mata niya ang matinding galit at selos.

" Mali ang nakikita ko Dahil yun ang ginagawa mo Martin!" Tumayo na rin si Jaime. Ama sya kahit saan angulo hindi sa magpapatalo.

"Ilang beses kung susunonod kayo Dad! mga gusto niyo lahat pero wala para sa inyo wala parin akong kwenta! Lahat ng kasamaan nasa sa 'kin at lahat ng kabutihan sa sa kay Drake ang galing!"

"Dahil sa sirado mong utak at kitid mong maiintindi at sa panget mong ugali yan ang dahilan kung bakit hindi karapat dapat!" sigaw ni Jaime. Napahilamos nalang si Martin sa mukha niya.

"Bakit mo ba sinisi sa 'kin ang ganitonh ugali?! e ikaw naman ang nag palaki sa'kin!" Hindi napigilan ni  Jaime ang kanyang sarili na sampalin si Martin.

"Baka nakalimutan mo na ako rin ang nag palako kay Drake at hindi sya masama kagaya mo." Mahinang sabi ni Jaime kay Martin. Lumabas si Martin sa office ni  jaime. Huminga nalang ng malalim si Jaime, at uminom ng alak.

Kinabukasan nalaman nalang namin na lumayas si Martin sa bahay. Pero alam ni Jaime kung saan sya tutungo dahil sa malakas niyang connection. Pinatawag ni Jaime si Drake sa papunta sa kanyang office.

"Hi Dad Good evening. I'm sorry for what happened hindi na po mauulit." Sabi ni Drake.

"Don't be sorry Drake wala kang kasalanan nararapat lang sa ikaw ang nagapag mana ko." sabi ni Jaime. Napaangat ng ulo si Drake na parang naguguluhan

"Po? tagapag mana?"

"Oo kaya Drake mag aral kang mabuti."

"Pa'no po si Martin?"  Nagaalalang tanong ni Drake.

"He'll be fine son sa kanya ang farm." sabi ni Jaime.

"But he wants the hospital Dad, okay lang naman po sa 'kin kahit ano. Ayoko na pong nagagalot sa akin si Martin Dad at sa inyo. Kapag hindi napunta sa kanya ang hospital baka Tuloyan na niya tayong kalimutan."  Tumago nalang si Jaime at lumapit kay Drake at niyakap sya. Natuwa sya sa inaasal ni Drake. Ibinaubaya ni Drake kay Marco ang hospital at sa kanya ang Farm.

Nasa office na si Jaime ng may tumawag sa kanya na ikinagulat niya.

"Asan si Drake?" tanong ng Babae.

"Jaime please ibalik mo na sa 'min si Drake. Kami ang tunay niyang magulang." Pagmamaka awa ng babae. Hindi maipagkakait ni Jaime si Drake sa tunay niyang magulang dahil mula bata alam na ni Drake na ampon lang sila ni Martin at hinihiling niya na sana matagpo-an na niya ang kanyang tunay na pamilya.

Ng makilala ni Drake ang kanya pamilya pinalitan nila ang apelyido ni Drake from Chua nagin Gray. May company ang pamilya ni Drake at masaya sya sa piling ng totoo niyang pamilya.

end of flash back


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C7
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ