"Sa lugar kung saan tayo lang dalawa"
Hindi ko alam kung anong patutunguhan ng ginagawa namin ngayon. Kahit walang kasiguraduhan ay sumama pa rin ako sa kanya
Tumigil kami sa pagtakbo sa kalagitnaan ng gubat at doon ko nakita ang isang malaking puno. Isa lang siya puno. Malaki at matayog pero may kung ano dito na nagbibigay ng dahilan kung ito nagiging bukod tangi. Ilang beses na akong nakakita ng mga puno sa buong buhay ko pero tila kakaiba ang isang ito. Tila nababalot ito ng mahika. Hindi ko maipaliwanag
Ang dahon nito ay kumikinang na para bang dyamante. Nakakaakit, nakakamangha. Walang salitang lumabas sa bibig o matapos makita ang misteryosong puno. Lumapit ako dito at hinakawan iyo
Sa unang hawak pa lang ay malalaman mo ng tama ang hinala ko. Hinalang mas espesyal pa ito kumpara sa ordinaryo. Hindi ako makapaliwala sa nakikita ko. Tila ba nahakahirap paniwalaan na kahit wahak mo ba ay nagdududa ka parin
Nilingon ko si Felix. Lumapit siya sakin
Hinawakan din niya ang puno. "Ito ang Lignum Vitae" panimula niya. "Ang Lignum Vitae ang bumubuhay sa buong Ekbasis". Namangha ako lalo.
So all this time lahat ng nakikita ko sa Ekbasis ay dahil sa kanya. Dahil sa isang puno
"Siya ang tagabantay ko at siya din ang dahilan kung bakit ako nakapunta sa inyo" wika niya
Napaamang ako. Napakahirap paniwalaan ng sinabi niya nang dahil lang sa isang puno. Parang ang hirap naman paniwalaan. Naguguluhan pa ako.
Parang may isang piraso ng puzzel sa utak ko ang nawawala
"Hindi ko maintindihan" naguguluhang sabi ko
"May sariling buhay ang Lignum Vitae. Siya ang bumubuhay at nagbabantay sa buong Ekbasis at kasama na ako don. Bnigyan ito ng kapangyahiran ng Hari sa mundo namin kaya nagkaroon ito ng kakayahan na buhayin ang Ekbasis" kwento niya.
"Ginamit ng aming Hari ang puting mahika para bigyang buhay ito" tukoy niya sa sinasabi niyang Lignum Vitae
Naliwanagan naman ako ng kaunti dahil sa sinabi niya. Pero anong konekyos naman nito sa pagpunta niya sa mundo namin
"Pero paano ka nakapunta sa lugar namin?" kanina ko pa gustong itanong yan
"Binigyan ako ng pagkakataon na humiling sa Lignum Vitae ngunit isang beses lamang"
"At ang pagpunta sa mundo namin ang hiniling mo?"
Tumango siya. Shit.
"Eh bakit hindi mo hiniling na makabalik ka sa mundong pinaggalingan mo?!" stress na sabi ko
Yun na yon eh. Pagkakataon na niya dapat yon pero sinayang pa niya. Kung naisip lang niya sana na yon na lang ang hiningin niya edi hindi na siya maghihirap dito. Hindi ba pumasok sa isip niya ang ideyang yon.
Sana hindi siya nagpadalos dalos at inisip niya ang mga bagay na makakatulong sa kanya na makaalis dito. Napasapo na lang ako sa noo dahil sa kanya
"Naisip ko na din yan" sagot niya
"Eh bakit hindi mo ginawa?!" ako na hihirapan dahil sa kanya
Iling lang ang sinagot ni loko. Sobra ang panghihinayang ang naramdaman ko. Umupo siya at sumandal sa puno. Tinapik niya ang pwesto sa tabi nito senyales na umupo ako don. Sumimangot ako saka tumabi sa kanya
"Alam mo minsan nakakainis ka" prangkang sabi ko sa kanya
"Bakit naman inaano ba kita?" maang na sabi niya
Hinampas ko siya sa braso dahil sa inis kaya napahawak naman siya don
"May pagkakataon ka na sanang makabalik sa mundo niyo tapos hindi mo pa ginawa. Kung hindi ka lang nagpadalos dalos edi sana nakabalik ka na ngayon"
"Magiging masaya kaba kapag nakabalik ako?"
"Oo naman!"
"Magiging masaya ka parin ba kapag hindi kana makakapunta ulit dito sa Ekbasis? Magiging masaya ka parin ba kung hindi na tayo magkikita? At magiging masaya ka parin ba kapag wala na ako" sunod sunod na tanong niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Natahimik ako dahil sa sinabi niya
Napatanong agad ako sa sarili ko. Kaya ko ba? Kakayanin ko ba?. Ang Ekbasis ang naging pangalawang tahanan ko. Ang lugar na ito ang naging sandalan ko nung mga down na down ako. Ang lugar na ito ang naging confortzone ko. Ang lugar na ito ang naging dahilan kung bakit nasaksihan ko ang mga bagay na kahanga hanga na tila ba ang hirap paniwalaan. Ang lugar na ito ang nagpamangha sakin hanggang ngayon. Ang lugar na ito ang nagpasaya sakin. Ang lugar na ito ang nagparamdam sakin na hindi ako nag iisa. Ang lugar na ito ang nagpatunay na pwedeng gawinng posible ang imposible. Ang lugar na ito na ang nagparealize sakin na may mga bagay sa mundo na espesyal kumpara sa ordinaryo. Ang lugar na ito ang naging dahilan kung bakit nakilala ko siya
Tinignan ko pabalik si Felix
At ang lugar na ito ang naging dahilan kung bakit kami nagkakilala ng lalaking naging kasama ko sa lahat na yon. Itatanong ko ulit sa sarili ko. Kaya ko ba?
Iniisip ko palang parang bibigay na ako
"Balang araw malalaman mo din kung bakit hindi ko ginawa yon dahil lahat ng desisyon ko ay may dahilan. Tatanungin ulit kita. Magiging masaya ka pa ba?" sabi niya
Inialis ko ang tingin ko sa kanya saka tumingin sa malayo. Hindi ko kayang tagalan yung tingin niya
Hindi ko man aminin. Hindi ko man sabihin. Halatang na sakin na hindi ko kaya at hinding hindi ako magiging masaya. Pakiramdam ko sobrang masasaktan lang ako kapag dumating yung panahong hindi ko na makikita si Felix at ang Ekbasis. Hindi ko alam na napalapit na pala ako dito. Wala man lang akong kaalam alam
Maraming ala ala ang nabuo dahil sa pananatili ko sa dito at hindi ko pa kayang pakawalan ng ganon kadali yon. Wala pa akong sapat na lakas ng loob para gawin yon.
"Sana mapatawad mo pa ako kapag nalaman mo" sabi niya out of nowhere. Nilingon ko siya habang nakakunot ang noo
"Hindi naman ako galit sayo sadyang nainis lang ako sa ginawa mo" sabi ko
Natawa siya. "Gusto kong maranasan na ako naman ang pumupunta sayo hindi yung puro ikaw na lang" sabi niya
"Kahit na. Inuna mo na dapat ang sarili mo" sagot ko
"Kapag inuna ko yung sarili ko, hindi ka magiging masaya"
Sa ikalawang pagkakataon ay hindi na naman ako nakapagsalita. Natameme na naman ako dahil sa sinabi niya. Nagugulat ako sa mga sinasabi niya
"Hindi ka pa ba babalik sa inyo?" tanong niya
Oo nga noh. Anong na ba?
Tumayo siya sa naglahad ng kamay katulad ng lagi niyang ginagawa. Inabot ko yon. Nagpagpag ako ng damit saka nilingon yung puno. Bago umalis sa lugar na yon ay hinawakan ko ulit ang Lignum Vitae saka tinignan ito. Napangiti ako
Pagkatapos non ay umalis na kami sa lugar na yon. Hinatid ulit ako ni Felix sa pinto. Bago lumabas sa pinto para makabalik ako ay niyakap muna ako ni Felix
Mahigpit ang pagkakayakap niya sakin.
"Babalik ka pa diba" sabi niya
Hinagod ko ang likod niya bago sumagot.
"Babalik at babalik ako" paninigurado ko sa kanya. Binitawan niya ako saka kumaway sakin na may malawak na ngiti sa labi. Natawa ako at iiling iling na lumabas sa pinto