But the truth is, expectations do really hurt your damn ego.
I feel lost and betrayed in just a tick of time. I never knew. I will never know. Paano ko naman malalaman diba?. Hindi naman ako si manghuhula o ang taong nakikita ang future o ang kasalukuyang galaw ng mga tao kahit walang CCTV. I'm just me. An ordinary girl na pilit sinisingit ang sarili sa taong hindi YATA para sakin.
Who knows diba?.
Kahit naman gusto namin ang isa't-isa, kung hindi pala ako priority nya. O sabihin nalang natin na past time?.
"Ang puso mo, Kaka.." napahawak ako sa bandang puso ko dahil pakiramdam ko, napupunit ito. Andito na nga kami dito sa Mindoro. Isang villa na nirentahan ng parents nina Lance at Bamby. Kaso, bakit ganito?. Yung akala kong magiging masaya ang trip na to, hindi pala!.
"I saw what had happened.." dahil sa abala sa pag-iisip. Hindi ko man lang namalayan ang pagdating ni Bamby at Winly sa gawi ko. Nakaupo ako sa duyan na nakasabit sa malaking puno ng mangga. Si Bamby din ang nagtanong sakin saka hinawakan ang lubid ng duyan. Inihinto nito ang paggalaw. Mukhang sila pala ng bakla ang may hawak ng magkabilang lubid. "Akala ko ba, Kian is not into that girl?."
Nakagat ko nalang basta ang labi sa narinig. Iyon nga rin ang tanong ko eh. Kaso hindi din alam ang sagot dito. "Why he suddenly grabbed her waist and–.."
"Girl, stop.." singit ni Winly para mapilitan na hindi matapos ni Bamby ang gustong sabihin. Minsan din kasi. Straightforward ito kung magsalita. Walang preno o kambyo. Masaktan ka man o hindi. It's up to you how to handle her subtle words. "Stop.." dinig kong inulit pa ni Winly. Baka sumubok muli yung isa at pinigilan ulit ito. "Quiet na. Nasasaktan na si Kaka oh?."
He got me for that. I am hurt. Aminin ko man o hinde. Nasasaktan ako. Alam mo yung pakiramdam na parang niloloko ka lang?. Parang ginagamit ganun?. Nakakainis!. Kung pwede ko lang komprontahin si Kian dito. Ginawa ko na. Kaso. HINDI KO KAYA!.
Bakit kaya?.
Kasi mahal mo sya.
Kingwang pagmamahal yan!. Kung ganun nga na mahal nya ako. Bakit ganun sya umasta ng ganun dun sa Andrea na yun?. Sa harap pa ng tropa. Sa MISMONG harap ko pa!. Wala ba syang mata o sinadya nyang makita ko ang panloloko nya?. I want to get mad. No! Im now mad at him!. Pinaglalaruan nya ba kami na parang bola?. Na kung nagsawa na sya sa isa. Ipapasa nya ito sa iba o di kaya'y iiwan nalang basta tsaka naman nya lalaruin ang isa?. Gago ang tawag dun!. Ayos na sakin kung sakin nya lang pinakita ang panloloko nya eh. Kaso bakit kailangan sa harap pa ng iba?. Pinapamukha nya ba sakin na hindi ako worth it tulad ng Andrea na yun?. Walanghiya sya kung ganun. Hindi ako mangkakamali sa isipin na namana nya rin pala ang ugali ng Nanay nya.
I don't know kung hanggang saan ang naging usapan ng dalawa kong kasama. Ang sabi ko nga. Nawala ako. Nalito sa totoong nararamdaman ko. "Gago ba ang tawag sa taong gumagawa ng kalokohan?." bigla ay tanong ng isang tao. Kumurap ako sa pagkatulala. Di agad nakilala ang nagmamay-ari ng boses na nagsalita. "Sabihin mo lang. Babasagin ko mukha ng taong yun." duon ko lang natanto na si Jaden pala itong nasa harapan ko. Nakapamaywang. Nangunot ang noo ko. Nasaan na yung dalawa?. Teka. Bakit di ko man lang naramdaman ang pag-alis nila?. Ganun ba ako kalutang?. Tiningala ko sya. May pagtatakang mukha. "Kinausap ako nina Bamby kanina. Gusto nilang ako ang lumapit sa'yo tungkol sa kaibigan ko. Tsk.." dismayado nitong saad. Ganyan din pakiramdam ko eh. Dismayado.
"Hindi naman na kailangan.." mahirap man tanggapin na hindi nga ako ang THE ONE nya. I'll endure it no matter what.
Kaso. Ang tanong. Kaya mo ba?.
Kakayanin.
"Hindi ka nasaktan sa ginawa nya kanina?." tanong pa nya. Hindi ako sumagot. Para saan pa hindi ba?. Di rin ako tumango o kahit ang bigyan sya ng isang maliit na iling.
"I'm okay.." iniwasan kong salubungin ang kanyang tingin. Pag kasi sinalubong ko iyon. Baka humagulgol lang ako. Ayokong mangyari yun.
"Hindi iyon ang sagot sa tanong ko. Meaning, you are."
Alam mo pala eh. Bat ka pa nagtanong?. I ask this myself. Pero hindi pwedeng magalit din ako sa kanya nang dahil lang sa naging tanong nya. That's immaturity.
Nilunok ko nalang ang mga bagay na masakit sabihin sa kaibigan nya. It's better to keep it this way. My way. Being silent for it. "Alam mo. Hindi ka maiintindihan ng ibang tao kung hindi mo sinasabi ang laman ng isip mo.."
"Pero hindi naman lahat ng lumalabas sa labi ng tao ay naiintindihan din ng lahat hindi ba?. What's the difference?."
Get me?.
Kasi naman. Lahat ba kailangan sabihin kahit hindi dapat?. Diba hinde?. Hindi lahat ng detalye tungkol sa'yo ay kailangan marinig ng iba dahil minsan, ang iba ay natutuwa sa paghihirap mo. Sometimes. It's a common sense.
"Alam ko. Wala ako sa posisyon para magsalita para sa kanya pero sana.." huminto sya. Tumingin ako sa kanya. Seryoso ang kanyang mukha. "Sana, wag mo muna syang husgahan."
"I already did." Pero, ano bang batayan para hindi mo dapat husgahan ang kilos ng isang tao?. Because you know him?. Because, you love him?. Nah! Is he joking?.
"I can't blame you.."
"Ano bang tingin mo saming dalawa Jaden?." I ask without thinking this. Basta nalang lumabas sa labi ko. I guess. It's not me who's talking. It's my heart who is crying and slowly bleeding. "Hahaha.. Kasi alam mo. Pakiramdam ko. Panaginip lang ang lahat ng to.." natatawa ako na naiiyak. Muntanga na ako. Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang paghagulgol. "I thought. He's into me and not into her pero kingwa!. Bola ba ako para lokohin nya ng ganito?. Ha Jaden?. Diba kaibigan mo sya?. Anong klase naman yang kaibigan mo?. Walang kwenta.." di ko na napigilan pa ang sarili na maglabas ng sama ng loob dito. "Bakit hindi nya mapanindigan ang mga salita nya?. Bakit?."
Tahimik lang si Jaden. Hindi na sya nagsalita pa. "Pero kung ito ang gusto nya. Laro. Sige. Makikipaglaro ako sa kanya. Ako ang taya ngayon. Bukas, babawi ako." ayoko sanang gawin na magpanggap sa harap ng tao na malakas ako kahit hinde kaso anong gagawin ko?. Baka pagtawanan lang lalo nila ako kung makikita nilang pumatak ang isang butil ng luha ko dahil sa kanila. Yes, it hurts. But still. Kaya ko pa. Lalabanan ko ito hanggat hindi pa ako natatalo.