Lunes na. Rinig ko sa labas na maingay na sila. Nagmumura itong si Ate Ken kay Ate Kio dahil sa damit. Nanghiram na naman yata. Si Papa naman ay bukambibig si Mama. Hinahanap lahat ng kailangan rito. Noon ko lang rin natanto na mahirap palang maiwan rito. Hindi biro sapagkat lahat ng myembro ng pamilya ay kailangan mong bigyang pansin. Nakakabilib ang abilidad ni Mama na kaya nyang tugunan lahat ng kailangan namin. "Asan ang kapatid nyong isa?." hinanap nya ako sa kanila. Tumalukbong lang ako sa ilalim ng kumot at duon nagtago. Ayokong pumasok. Tinatamad ako. "Nasa lungga pa nya, Ma." isa sa kanila ang sumagot nito. Gusto kong matawa pero mas nanaig sa akin ang tumango sa sinabi nila. Tama nga sya. Kung sino man sa kanilang dalawa ang nagsabi, hula ko'y alam na nila kung bakit hindi pa ako lumalabas.
Kalaunan. Bumukas ang pintuan ng silid ko't biglang dumapo sa pwet ko ang isang palo. "Babangon ka ba dyan o hinde?." humaba ang nguso ko sa naging tanong nya.
"Ma.." atungal ko pa. Lalong hinila ang kumot para sana takpan ang mukha ko pero mabilis nyang tinanggal iyon lahat sa katawan ko. Tuloy kita ang magulo kong higaan. Napaupo ako ng di oras. Yumuko. Napunta lahat sa mukha ko ang aking buhok na di alam ang salitang suklay kapag ganitong bagong gising. "Inaantok pa ako. Gusto ko pang matulog eh."
Panigurado akong nakapamaywang na ito kahit di ko makita. "Gusto mo pang matulog?."
"Opo.." aba sumagot ka pa. Alam mo na ang kasunod nyan Kaka.
At ang sumunod nga na nangyari ay hinila na nya ako patungong banyo. Nagpumiglas ako pero mas malakas nga sya. Tapos inopen na ang shower. Binuhusan pa ako ng tubig gamit ang isang tabo kaya napakislot ako. Doon din nabuhayan ang dugo ko. "May balak ka pang umabsent ah. Ayan. Para magising ka't matandaan na may summative test kayo ngayon."
What?. Nawala sa isip ko ang bagay na iyon. Susnako! Ano bang tumatakbo sa isip ko't hindi nakapagreview kahapon?. Naku Karen! Ano ka ngayon?.
"Bat di mo sinabi agad Ma?." ako na mismo ang nagmadali sa pagligo bago sinabi ito. Mabuti nalang at inihanda na nya ang uniform ko sa higaan ko. Maayos na rin iyon. Mukhang inayos na nya dahil alam nyang di ko na magagawa ito mamaya.
"Hindi ko malalaman kung di pa sinabi ni Kian.." I was like. Ano ho?. Napahinto ako ng ilang segundo o umabot pa yata ng minuto bago muling kumilos. "Dalian mo na. Naghihintay sya sa'yo."
At dahil nga sa ibinalita nyang to. Nawala na naman ako sa sarili ko. Di alam kung magmamadali pa ba ako o wag nalang bumaba at bumalik na sa kama ko. Si Kian ba kamo?. Anong ginagawa nya rito?. Bakit kailangan nya akong sunduin?. Anong meron?. Tanong na gusto kong marinig ni Mama subalit pinili kong wag nalang at solohin to.
"Yung baon ko po?." dumaan pa muna ako kay Mama at humalikbago tuluyang lumabas ng bahay. Dumampot lang din ako ng isang tinapay sa mesa saka isinubo iyon. Kapag kasing kumain pa ako, male-late na talaga kami. And take note. Iwinasiwas ko ang isiping naghihintay nga sya. Dahil sino nga ba naman ako sa kanya hindi ba?. Di ba nga, malapit na syang ikasal?. Ano pang saysay diba?.
Lumabas akong hindi lumilingon. Duon ko lang nakumpirma ang sinabi ni Mama nang may marinig akong bumusinang sasakyan sa likod ko. Di ako lumingon. Di rin ako bumalik para sumakay sa sasakyan nya kahit ilang ulit ko pang sinilip ang relos na suot ko.
"Kaka, get in." anya nang sumabay na sya sa paglalakad ko.
"No thanks, Kian." mapakla kong sagot. Hinayaan ko syang sundan ako hanggang sa hinablot nya ako't dinala nalang basta sa loob ng sasakyan nya. "We're getting late at walang sasakyan sa may kanto." he explain more pero parang hangin nalang na dumaan iyon sa akin. Mabilis nyang pinatakbo ang kanyang sasakyan hanggang school. Nung magpark na sya. May bumalik na alaala sa akin. Dito sa mismong pwestong to. Lihim akong huminga ng malalim bago nagbigay ng pasasalamat sa kanya kahit hindi nakatingin sa kanyang mata.
"Hey! Why are you in rush?." tawag nya sakin ng mabilis pa sa agos ng tubig talon ang lakad ko.
"Summative test Master." Kako nalang para di na sya magtanong pa o kung anuman.
"Wait me then.." habol nya. Dinig ko ang mga yabang nya. Tumakbo pa yata. "Ang bilis mo naman maglakad?." hinahabol nito ang paghinga. Di ko sya sinagot. Talagang tinutukan ang paglalakad. Eksaktong kakatapos ng flag ceremony na nung nasa ground floor kami. Nadatnan ko pang nakahawak ng gamit panglinis sina Bamby at Winly. Nagtatawanan pero nung makita ako, kami na magkasama. Natahimik sila. Tumaas kilay ni Winly. Si Bamby naman, napangiti pero halatang di iyon totoo.
Minuto lang silang ganun saka mabilis ding nakabawi nang sabay na nila kaming batiin ng magandang umaga. Binati ko rin sila. Ganun din ng taong nasa tabi ko. "Sige Kian. Mauna na ako." paalam ko na ng kailangan na naming puamsok ng room. Tinitigan nya ako. Titig na hindi basta tingin. Pawang may ibig itong sabihin na di ko mabigyan ng kahulugan na sya lang ang nakakaalam. "Are you avoiding me?." mahina nya itong inihabol nung tatalikod na sana ako. Napahinto ako sa paghakbang at talaga nga namang hinarap sya. "Nope." sagot ko kahit na ang totoo ay, Yes na Yes. Iniiwasan kita. Di ko na isinatinig pa ito. Nakakapagod magsalita kung wala lang naman ako sa kanya. "Kung ganun, bakit mo iniiwasang tumingin sa mata ko?." di pa sya nakuntento. Itinext pa nya ito. Kasalukuyan na ang lecture namin ng magvibrate ang phone ko at nakita ang pangalan nya.
Nakagat ko ang dulo ng bullpen ko habang hawak sa isang kamay naman ang phone ko. Sa ilalim ng arm chair ko iyon itinago. Baka kasi mahuli ako. Lagot kami sa Nanay ko. "It's rush day Kian. Kailangan magmadali dahil exam nga. Remember?." di ko mapigilan ang maging sarkastiko sa itinipa para sa kanya. Bakit nagtatanong ka pa e mukhang aware ka naman sa bawat kilos na ginagawa mo? Manhid ka ba o nagpapanggap lang?.
"Focus Karen. Summative to. Kailangan highest tayo." bulong sakin ng katabi kong lalaki nang mapansin yata na wala ako sa hustong huwisyo.
Iyon nga. Tama sya. Kailangan kong magfocus nalang sa studies. Wag na sa kung anu-ano.
"I remember. Good luck to both us. See you later." yan ang huli nyang reply na di ko na inintindi pa. Mabigat sa damdamin ko ang wag syang sagutin subalit mas masakit mamaya ang ulo ko kapag di ako nagfocus sa summative. Malalagot ako kay Mama. Lalo na kay Ate Ken. Pag nalaman nyang bumagsak ako ng dahil lang sa isang walang basehan na relasyon. Kutos ang aabutin ko. O higit pa duon. Walang libreng mamon. Sayang.