ดาวน์โหลดแอป
27% He's My Dream Boy (Completed) / Chapter 27: Chapter 27: Oh My gosh!

บท 27: Chapter 27: Oh My gosh!

After nung first subject namin. Physical education naman ang kasunod. Agad inanunsyo ni Sir Pete na sa labas kami ngayon kasama ng mga Section A. Syempre, nagdiwang ang lahat kasi nga outdoor activities pero ako, susnako!. Parang ayoko dahil una, nangalay ang kamay ko sa pagsusulat kanina. Pangalawa, ayokong magpakita sa kanya ngayon. Nahihiya ako! Ikatlo, tinatamad ako sa subject na to. Di sa ayaw ko talaga sa subject. Sadyang wala lang siguro ako sa tamang huwisyo ngayon kung kaya't kailangan pa akong hilahin nina Winly at Bamby palabas ng room.

"Ano ba girl?. Maglakad ka nga ng maayos.." nakangiwi nang sita sakin ng bakla.

"Eh, ayoko ngang pumunta." giit ko rin.

"E bakit nga?. Subject natin to ha?. Baka limot mo nang babae ka." nagpaalala pa. Alam ko naman. Gaya nga ng sabi ko. May iniiwasan akong tao. Ay yun pala yung point ko. LoL!.

"Alam ko ho." nakapikit ko pang sambit. They both growl in disbelief. Para bang di nila gets bat ako ganito ngayon. Di kasi ako ganito kaya siguro sila napabuntong hininga.

"Aisstt.. alam mo. Malapit ko nang paluin yang pwet mo. Ngayon ka lang ganyan ha. Bakit?. Anong meron?. Sabihin mo nga." paghahamon na nya sakin.

Duon na rin lang ako napaayos ng tayo pero hindi pa rin idinidilat ang mga mata. "Wala." tamad kong sagot.

"Wala ba talaga?." at iyon ang di ko inasahan. Hindi ang boses ni Winly ang nagsalita kundi isang baritonong boses. Lalaki ito at pawang pamilyar sa pandinig ko. "Wala ba talaga o may rason ka?." maya maya ay lumapit ang boses nya't naramdaman kong tumabi sa kinatatayuan ko. Unti unti kong idinilat ang mga mata at agad iyon tumama sa kanya. Nagtataka ko syang tinignan nang magsalubong ang aming mata. Noon ko lang din natanto na wala na pala ang mga kasama ko. Ganun din sya. At kaming dalawa nalang ang andito. Malapit sa may hagdanan. "Ako ba dahilan mo?."

Isang nakakalokong ngisi ang kumawala sakin at nadinig nya iyon.

"Psh!. Asa ka!." Tumudo pa yata maging ang pag-irap ko dahil nahilo ako at muntik nang mahulog sa may hagdan. Tanaw ko na ang bawat baitang ng sementadong hagdanan pababa. I even asked myself bat di ako nahulog?. And guess what?. Saka ko lamang napagtanto ang sitwasyon ko ng may maramdaman na gumalaw sa may baywang ko. Dahan dahan kong hinanap iyon. Sinundan ang kamay na iyon. At laking gulat ko dahil di lang sa baywang ko may kamay kundi maging sa may balikat ko. Wala. Umawang nalang ang pigil kong labi sa nakita. Sya pala itong may hawak sa akin at pareho kaming nasa isang awkward na sitwasyon.

Nakunaman!.....

Ang masama pa. Nagtagal pa sa labi nyang mapula ang mata ko bago iyon umakyat sa mata nyang dumikit na yata sa akin. Di ko malaman kung ilang segundo o minuto kami ng ganun ang posisyon. Pareho kaming nakatagilid sa may hagdanan at kami'y kasalukuyang nakaharap. So damn awkward!

"Ehem.." bigla ay may nagdlinis ng lalamunan sa may gilid at walang lingunang dinaanan kami ng nasa ganuong lagay. Walang anu ano'y itinulak ko sya. Mabuti nalang at andyan pa rin sya na umalalay kahit ganun ang ginawa ko dahil muntik na din akong bumagsak sa sahig.

Karen naman!. Umayos ka nga!..

"Late na tayo guys.. Tara na.." bigla ay sumulpot ang bulto ni Bryan mula kung saan. Agad nyang inakbayan si Kian para sabay na silang bumaba. Tuloy, naiwan akong tulala pa. Pinanood ang pagbaba nila. Sumulyap pa nga sya sakin ng palihim bago tuluyang nawala sa paningin ko ang bulto nila.

Mama!. I want to scream pero bawal. Baka maguidance ako. Ayoko ng ganun!. Kaya sa puso at isip ko nalang isinigaw ang marubrob na kaba na naramdaman kanina.

Ano yun??. Bakit itong pakiramdam na to ay di ko mapangalanan. Pawang eatranggero ito na bago sa akin.

Nakailang buntong hininga at pagpapakawala muna ng hangin ang ginawa ko bago tuluyang bumaba. Nadatnan ko na lamang sila na nag-uusap usap. Nilapitan ko ang grupo nina Bamby na nasa may gilid. Kasama nito ang iilan naming kaklase at sina Winly habang ang iilan ay naglalaro ng basketball. Kasama na sya roon.

"Saan ka galing?." nakangiting tanong ni Bamby. Hawak nito ang puting panyo nya. Nagpaalam ang iilan na duon muna sa iba kaya naiwan kaming dalawa.

"Ah. Dyan lang." pagsisinungaling ko. Tinignan nya ako ng mariin. Para bang di sya kumbinsido sa aking sinabi. "Bat ganyan ka makatingin?." I almost stutter when I asked this. Kinagat nito ang labi bago inalis ang mala pusa nyang titig sa akin.

"Wala lang." anya.

"Talaga ba ha?." at eto na ang mapang-asar na bakla. Kiniliti pa ako sa tagiliran kung kaya't napaatras ako ng bahagya.

"Wala nga."

Nagpatuloy sya sa ginagawa. "Anong wala ha?. E bat nauna si Kian sa'yo dito?. Tapos nung dumating ka, para kang ewan?. Pakiexplain nga?." pinamaywangan pa ako. Tsismoso!.

"Tsk!. Ang tsismoso neto." ngumuso ako dahil nahihiya ako sa mga taong nakakarinig. I'm not used to it.

Maya maya ay dumating si Sir Pete at muling inassemble ang bawat section. Naunang nagkaroon ng physical test ang Section A habang kami ang huli. Matagal. Nakakabagot. Pero nung natapos na. Nagtulungan anv lahat sa mga kalat. Kasama ko sila ng magpang-abot kami ni Kian na nagkaharap.

"Oh, bat walang nagsasalita?. Anghel ba ako?." humirit pa itong bakla sa pagitan ng grupo dahil nakakabingi ang katahimikan. Nagtinginan kami ni Kian. At sabay ding nag-iwas ng tingin.

Tawang tawa naman sina Billy, Jaden at Ryan sa kanya.

"Master, isang game lang." bigla ay dinig kong boses ni Bryan sa bandang likod. Dinig ko ang pagdribol nito ng bola. Tumingin sya doon. Tahimik at seryoso. At ang sumunod ay di ko na talaga inasahan!. Bigla kasi syang lumapit sa akin at halos yakapin na para lang maprotektahan sa bolang paparating. Di nya man ako hinawakan ngunit pakiramdam ko, nag-init ang buong katawan ko sa astig nyang galaw.

"Ohhh..." halos sabay sabay na hiyaw ng kaklase namin.

"Oh my gosh!." tili pa ng mga babae.

Gustuhin ko mang lumunok ay di ko magawa dahil sa kaba. Unti unti kong iniangat ang ulo upang makita sya. Duon ang kaba ko, hindi na masukat ng magbaba sya ng tingin sakin habang hawak pa rin ang bola sa likuran ko.

"Sorry pre." ani Bryan pero wala pa ring gumalaw sa amin. Muli. Na naman. Nagtitigan kami.

Yung puso ko. Hindi ko na naman maintindihan. Oh my gosh! Pakiramdam ko, nasa loob ako ng kalan at kasalukuyang niluluto.

Dahil sa hiya ay agad akong tumakbo palabas na ng gym. Is this really happening?. Parang sa drama ko lamang to nakikita eh. Totoo ba talaga?.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C27
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ