Pumasok noon si Kian sa bahay ngunit hindi na iyon nagtagal ng sampung minuto. Nakasalubong kasi namin si Papa sa may gate at duon na sila nag-usap. Gaya nga ng sabi ni Kian sakin. Humingi sya ng paumanhin sa nangyari at gaya rin ng laging ginagawa ni Papa sa lahat ng mga taong ganun ang ginagawa sa kanya ay agad nya itong pinapatapos. Wala raw kasing may kasalanan noon. Di namin alam na may allergies sya at syempre, naintindihan daw ni Papa ang pakiramdam nya nung nasa hapag na, na mahirap tanggihan ang mga inaalok sa'yo. Laking pasalamat ko nalang at naging maayos ang takbo ng usapan nila. Hindi na ako sumingit pa o dumagdag pa sa usapan nila dahil ang totoo sobra ang kaba ko na baka hindi lang iyon ang sasabihn nya.
"Mauna na po ako Tito." nabunutan ako ng tinik ng mahinahon itong nagpaalam kay Papa. Isang ngiti nya lang sakin saka na sya yumuko, tumalikod na palabas ng gate. Isang lihim lang na buntong hininga ang pinakawalan ko ng tuluyang makaalis na sya.
Sa dami ng laman ng isip ko. Kinailangan kong dumiretso ng higa para ipahinga ang lahat. Wala naman kaming ibang ginawa kundi mag-usap lang pero dinaig ko pa ang nakipagkarera sa isang marathon. Nakahiga na ako't lahat ngunit heto pa rin ang tibok ng aking puso, malakas ito at hindi normal. Kung hindi pa ako kinalabog ni ate Keonna mula sa labas ay baka hindi na ako nakapaghapunan.
"Karen, ano ba?! Male-late na ako." kanina pa nagdadabog ang isa kong ate. Umaga na kasi at pasado ala syete na. Kakalabas ko lang ng banyo at nagpapalit palang ako. Hindi kasi ako agad nakatulog kagabi kaya eto't late na ako nagising.
"Andyan na po!." sabi ko nalang kahit ang totoo ay nagsusuot palang ako ng palda.
"Iiwan na talaga kita." banta nya pa.
Ate wag po!. Yan sana isasagot ko subalit wag nalang pala. Away lang aabot ang pagsagog ko sa kanya. Tutal, inaamin kong mali din naman ako. Alam ko namang may pasok pa, hindi ako natulog ng maaga. Isa pa. Hindi nya ako kayang iwan yan dahil malalagot sya kila Mama.
"Ano ba!?. Papasok ka ba talaga o hinde?." mabuti nalang talaga at ready na ako ng halos sirain na nya ang pintuan mapasok lang ang silid ko. Ang brutal lang nya!. Gaya ng labi nya ang galaw nya. Tsk! Kaya di na ako nagtataka pa na lagi syang iniiwan ng kanyang jowa. Ang daldal kasi!. Dinaig pa nya si Mama.
Isang matinding irap ang binigay nya sakin bago ang nakakamatay na titig.
Eh!?. Galit na galit ang amazona!
"Sorry po." hindi ko alam bat sinabi ko pa ito. Tuloy, mas lalo syang nagdabog pababa hanggang sa pag-andar at pagmaneho nya ng sasakyan. Hinatid lang ako hanggang kanto dahil late na talaga sya.
Nakanguso tuloy akong naglakad papuntang school.
Ewan ko din. Imbes magalit ako kay ate Keonna ay mas nanaig pa sakin ang awa. Sana papasukin sya ng kanyang Propessor kahit late na sya dahil naku! Katakut-takot na galit ni Papa ang sasalubong sa kanya.
And speaking of. Tungkol kahapon. Sa mga sinabi ni Kian. Iyon ang dahilan bat ako madaling araw na dinalaw ng antok. Hindi kasi maproseso ng utak ko gusto nyang mangyari. Para bang totoo na hinde. May bumubulong sakin na tamang pasukin ko ang alok nya pero may isa ding nagsasabi na mali ito. Tuloy, hindi maubos-ubos ang tanong ko.
"Karen!." mula sa likurang bahagi ko ay kumakaway itong si Bryan. Lumingon ako sa kanya dahil limang beses na yata nya sinambit pangalan ko. Baka mamemorize ng iilan eh. Iistalk nila ako! Heck! Asa ka girl!
"Good morning." tumakbo sya papalapit sakin. Hinintay ko din naman sya.
"Good morning din." ngiti ko. Agad dumaan sa ilong ko ang amoy ng panglalaki nyang pabango. At ngayon ko lang to napansin. Ang tangkad nya pala. Hanggang balikat nya lang ako. Hindi na ata lalagpas duon.
"Nalate ka ata?." tanong nya. Mabilis ko syang tinanguan saka tinawanan ng mahina.
"Ah, oo e." sabay kamot ko ng batok kahit na di naman makati.
"Ano?. Hinatid ka ba agad ni Master kahapon?." ang tinutukoy nya ay si Kian. Di ko nga alam bat Master tawag nila doon. Noon ko lang nalaman nung nasa bahay na nila kami.
Lihim ko munang nilinis ang lalamunan bago sumagot. "Oo, magkakasunod lang tayong umalis."
"Ows?. Talaga?." parang ayaw pang maniwala. Hinarangan ako sa paglalakad kaya napahinto ako.
"Oo nga. Kahit tanungin mo pa sya." tiningala ko sya para ipakitang totoo ang sinasabi ko.
"Pssst. Students, pasok na." kung hindi kami tinawag nang gurong napadaan. Mukhang chineck ang area outside the school ay baka di na nga namin maaabutan pa ang first subject namin. Salamat nalang talaga.
"See you." paalam pa nya ng magkahiwalay kami sa may hallway. Nauna syang pumasok kaysa sakin.
At pagdating ko ng room. Special mention ang mga taong late. Gaya ko nalang. Ginawa akong writer nung advisory teacher namin sa board habang sya naman ay nagdidiscuss. Nangalay ako matapos ang ilang pahina.
"Yan kasi. Perks of being late. May penalty na nga, may parusa pa. Ano uulit ka pa ba?." asar sakin ni Winly. Kakaupo ko lang at iyon agad ang sinermon nya.
"Hindi na ho." nakapikit akong tumingala sa kisame. Pagod talaga ako. Susnako! Uuwi nalang kaya ako. Kasalanan mo to Kian!.
"Very good." iyon lang ang nadinig kong boses ni Winly.
At ang sumunod ay di ko na inasahan.
"So, you're really late huh?." nasa mismong tabi ng bintana ang upuan ko. Tanaw mula rito ang kulay asul na kalangitan at ang mga punong kahoy na sumasayaw sa kanta ng hangin. Hindi pa man ako nag-iisip ay, napadilat ako kaagad. Dumapo sa kaliwang bahagi kung saan andun ang taong nakatayo. Nasa loob ng bulsa ang magkabilang kamay. Preskong nakatayo lang doon.
"Anong ginagawa mo dyan?." napatayo ako without thinking twice.
"Checking on you." maikli nyang sagot. Kumindat pa. Susnako!. Yung bra ko, suot ko pa ba?. Kulang nalang kapain ko ang hinaharap ko sa naiisip. Susnako Kian!. Wag ka ngang ano dyan!
"You have seen me. Balik ka na sa room nyo." natawa lang sya ng matantong pinapaalis ko na sya.
"Okay then. Bye for now Master boss. See you later." haynako!. Yung kindat pa, pamatay!. Tuloy, pati ng mga kaklase kong babae sa likod ko ay impit na napitili sa ginawa nya.
My goodness gurl! Sabihin mo nga. Sinong hindi kikiligin sa taong katulad nya?. Sino ha?.
"Owishi!. Magpalate nga din tayo bukas Bamblebie. Nang madalaw man lang tayo ng kung sino dyan. Hahaha." kulang nalang ianunsyo ito ng bakla. Sarap sabunutan ng buhok nyang hindi kailanman humaba. Lol!.
Hindi lang sya ang nagparinig. May iilan din na negatibo ang sinabi ngunit binalewala ko na lamang. Mas nakalamang ang nadinig ko sa mga kalalakihan na, "Iba talaga kapag pumorma ang isang Kian Lim. Tilian kahit saan." anang isa.
"Tumitili ka rin ba?."
"Timang!. Paano ako titili?. Babae ba ako?."
"Aba malay ko. hahaha." nagtawanan lang ang dalawang nag-uusap hanggang sa dumating na muli ang second teacher namin.
Hay.. Late man ako pero yung puso ko, parang nanalo naman sa loto. Hay Kian mylabs!