ดาวน์โหลดแอป
7% He's My Dream Boy (Completed) / Chapter 7: Chapter 7: Computer Lab

บท 7: Chapter 7: Computer Lab

After nga ng subject na iyon. Di namin alam na, susunod rin kami sa computer lab.

"Kasya ba tayo doon?.." di mapakaling tanong nitong si Bamby. Maingay sina Winly at iba pa naming kaklase habang papalabas na ng room. Kanina pa namin sila hinihintay.

"Di ko alam nga eh.." sagot ko sa kanya. Eksaktong paglabas nila Winly at Joyce.

"Anong di mo alam?.." palipat lipat nya kaming tignan. Interesado tungkol sa pinag-uusapan namin.

"Kasi, diba sa computer lab tayo? e andun ang section A ngayon?.."

"So?. Anong problema mo?.." ngiwi nya kay Bamby na nakanguso. Kinakamot ang noo. Hindi alam kung paano magpapaliwanag sa taong daig pa ang isang lehitimong abugado sa di maubos ubos na tanong nito.

"Kasya ba tayo doon?.. ang dami natin. "

"Iyon ba talaga problema mo?.." pinagtaasan nya ng kilay si Bamby na di na talaga mapakali kanina pa. Nagagawa nga naman ng pag-ibig oo!

"O, ang taong iniiwasan mo?.." dagdag pang-aasar nito sa isa.

Naglalakad na kami patungong lab. Nasa dulong kaliwa ko si Joyce habang nasa kanan ko naman si Bamby, na nasa kanan rin si Winly na kanina pa dumadaldal.

"Hindi noh.." tanggi ni Bamby.

"Sus, magdeny ka pa gurl. di kaya halata.. hahaha.."

"Kaasar ka talaga!.." pinalo nya ito sa braso tapos humagalpak si Winly.

"Don't worry gurl.. di lang naman ikaw ang di mapakali dyan.. mukhang, may isang tahimik rin.. hmmm..." Naku Naman! Kumindat pa! Sinilip ako gamit ang isa nyang mata. "Kanina pa iniisip kung paano haharapin ang chinito boy nya.. hahaha.."

"Winly, ano ba?.." mariin at mahina ko syang sinuway dahil malapit na kami sa building ng lab.

"Ano?!.." asar nya. Di talaga sya nagpatinag. Pinaabot pa sa loob ng mismong computer lab ang nakakainis nyang halakhak. Agad kong kinurot ang tagiliran nya dahilan para mapakislot sya't tumalon ng bahagya. "Aww!.." maarteng reklamo nya pa. Inirapan ko na lamang sya sa kanyang kabaliwan saka naghanap nang mauupuan.

Kasunod din kasi namin ang aming guro. Lalaki ito at may balbas na di ko alam kung trip nya ba talagang wag ahitin iyon o sadyang wala lang syang oras para ayusin ang sarili. Ah basta. Bahala na sya. Basta ako. Nakaupo na ako't kating kati nang gumamit ng computer.

"All section A is on the left side. Section B, right side. Settle down ladies and gentlemen.." anunsyo nya nang nasa harapan na.

Ngayon ko lang natanto na kasya pala kaming lahat dito. Hindi nangyari ang nasa isip ko kanina na isang CPU sa dalawang student. Bongga pala ang laki ng lab!.

"Hi Welcome.." nakangiti akong nakatungangang nakikinig kay sir nang may biglang bumulong. Di ko alam kung saan galing. Sa kanan ba o sa kaliwa o sa likod ng aking CPU. Luminga ako. Nagpapanggap na may tiningtignan sa ilalim ng notebook ko nakapatong sa keyboard kahit na ang totoo ay may hinahanap ako. Yung bumulong!. Sino kaya yun?. Multo?. Nakunaman! Wag po!!

"Yuhoo!. I'm here Welcome me please.. hahaha.." noon ko lamang nakumpirma kung sino ang nagsalita. Really?. What's with the welcome huh?!. Grrr!

Umikot ang mata ko bago sumandal sa malamig na upuan. Gawa nang hangin na galing sa aircon.

"Anong ginagawa mo dyan?.."

"Really?.." ngisi nya. Nakita ko iyon dahil bahagyang umangat ang mukha nya sa taas ng CPU. Mataman ko syang tinignan. Di ko maiwasan ang itikom nalang basta ang labi dala ng kakaibang kaba sa tuwing malapit ang presensya nya. Kaba na ngayon ko pa lamang naramdaman. "Hello computer lab.." sarkastiko nyang himig.

Napamaang ako. Pati ba naman pagiging sarkastiko ay nakakagwapo na rin ngayon?. Seryoso ba to?.

Wala akong ibang marinig kundi itong kalabog nang aking puso. Palakas ito nang palakas. Na sa pagpitik ng kamay nang orasan ay, mukha na lamang nya ang nakikita ko. Wala nang iba.

Sya lang ang sentro nang paningin ko. Kahit anong pilit kong ibaling pa sa iba ay nagiging malabo lang ang mga iyon. Sinubukan kong pakinggan ang sinasabi ng aming guro. Bumubuka ang kanyang labi subalit wala talaga akong marinig. Tanging ang mga salita lamang na namumutawi sa kanyang labi ang aking naiintindihan ngunit di ko iyon mapakinggan.

"Hoy!.."dinig kong may sumigaw.

Ganito ba talaga ang pag-ibig?. Pinapahinto maging ang takbo ng oras?. Maging ang nangyayari sa paligid mo?. Maging ang totoong mundo?. Mukha na ba akong baliw?..

"Hoy gurl, ano ba!?. tawag ka ni sir!.." kailangan pa akong yugyugin ni Bamby sa braso para lang matauhan sa nakakabaliw na sitwasyon.

Para iyong panaginip na ayoko nang iwan pa.

"Lagot ka!. galit na sya.." nguso pa ni Bamby nang di ako magkandaugaga sa gagawin. Bigla pa nga akong napatayo dahil wala akong ideya sa kung ano ang nangyayari.

Ano bang nangyari?

"Are you with us?.." nakahalukipkip na sya ngayon. Ako lang ang nakatayo. At lahat ng mata nila ay sakin na nakasentro. Maging si chinito!.

Nataranta ako. Kingina! Ano ba kasing ginagawa mo Karen?!. Magtigil ka nga dyan sa mga lutang mong panaginip! Mag-aral ka muna!

Hindi ako tumango o umiling. Basta yumuko lang ako gaya nang ginawa ko sa English subject namin kanina. Paano ko ba kasi idedefend sarili ko gayong ako mismo ay nalito rin sa nagawa ko. Tsk! Baliw na yata ako!

"Do you really want to study my subject?.." galit nyang tanong.

Pawisan na ang aking mga palad kahit malamig naman talaga. Tumango ako. Geez! Nakakahiya! Round two Karen! "Then, where is your mindset is?.."

"Sorry sir.." iyon ang pinakatamang sabihin sa ngayon. Humingi ng tawad, hindi ang magpaliwanag.

At hayun. Ayoko nang ilaborate pa kung paano ULIT ako napahiya sa harapan nya. Hiyang hiya ako dahil napagalitan lang naman ako ngayon ng dalawang beses at nawitness nya iyon mismo. Grr! How to be a good girl ba?. Good girl naman talaga ako eh. It's not even my fault. Not really my intention. It's just a bad timing. In a blurry situation.

"See you tomorrow welcome.. Be a good girl huh?.. hahaha.." kakatapos naming maglinis at naghahanda na sa pag-uwi nang mapahinto ang mga kasama ko. Nagulat nalang ako ng husto nang bigla syang dumaan sa mismong harapan ko at ginulo pa ang buhok ko. Hindi pa nakuntento. Kinurot ang aking pisngi. "Bye!.." kaway nya bago mawala sa paningin ko.

What the hell! Anong ginawa nya?.

Natulala ako at parang pakiramdam ko'y bigla akong tinangay nang malakas na hangin dahilan para magpalutang lutang na naman ako sa kawalan.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C7
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ