ดาวน์โหลดแอป
64.86% Alpha Section (Tagalog) / Chapter 24: Sound Recorder

บท 24: Sound Recorder

Cedric's POV

Tila nanghihina ako ngayong nakahiga sa isang sulok ng isang 'di pamilyar na kwarto kung nasaan ako kasalukuyan. Sinubukan ko pang tipunin ang aking lakas para lang maimulat ko ang aking mga mata, at nang magawa ko na nga rin sa wakas ay iginala ko ang aking tingin sa buong paligid.

Tama nga ako, wala nga ako sa aking dorm room ngayon. Kung saang kwarto man ito ay hindi ko iyon masasabi. Agad na bumungad sa'kin ang mga dingding nitong pinintahan ng kulay kahel, ibang-iba sa aking kwarto na pininturahan ng kulay bughaw.

No'ng inilibot ko pa ang aking mga mata ay nakita ko sa parehong gilid ko sina Mitch at Kylie na parehong walang malay. Kumunot naman ang aking noo ng makita kong parehong nakagapos ang kanilang mga kamay sa kanilang likuran habang mahimbing pa ring natutulog.

Susubukan ko sanang igalaw ang aking mga kamay para tulungan sila pero agaran ko ring naramdaman na parang nakatali ang dalawa kong kamay sa aking likuran, dahilan para kumunot ang aking noo.

Ano'ng ibig sabihin nito? Bakit ako nakatali? Paano kami napadpad sa ganitong sitwasyon?

Marahan kong ipinikit ang aking mga mata upang alalahanin ng mabuti ang naging sitwasyon namin bago nito. Series of images soon flashed back at the back of my memory.

Oo nga pala, nasa science laboratory kaming lahat no'ng biglang may mga nagsipasok na mga lalaking pawang mga nakaitim at bigla kaming dinakip, as if may ginawa naman kaming kasalanan.

At kung hindi ako nagkakamali, ang huling taong naaninag ko bago pa ako mawalan ng malay ay walang iba kundi ang adviser naming si Mr. Cruz.

Nakaramdam ako ng pagkabahala ng makita kong gumalaw 'yung doorknob ng pintuang nasa malapit lang sa kung saan kaming nakahigang tatlo kaya minadali kong ipikit ulit ang aking mga mata para magkunyaring wala pa ring malay.

Pagkabukas nga ng pintuang iyon, agad akong nakarinig ng dalawang boses-lalaki the moment na nakapasok na sila sa loob ng silid na ito. Pareho kong kilala kung sino ang nagmamay-ari ng dalawang boses na ito!

"Ano naman ang balak ninyo director sa tatlong nahuli nating estudyante?" rinig kong tanong ng adviser naming si Mr. Cruz.

"Tell me, William, marami na ba silang alam tungkol sa nakaraan?"balik-tanong naman ng kausap niyang director ng Eastwood High.

"Sa tingin ko ay hindi pa gaano, director."

"Gano'n ba? Bweno, I can't lose my Alpha students anymore, especially this lad."

Kahit nagtutulug-tulugan ako ay ramdam kong nakaturo ang isang hintuturo ng director sa aking direksyon.

"But sir, hindi pa natin alam sa ngayon kung ano ang kanyang kapangyarihan. Or kung meron nga siyang taglay na kapangyarihan." sabi ni Mr. Cruz. See, even ang aming adviser ay nag-aalangan sa akin.

"Believe me William, if my daughter says so, then this lad indeed has powers.." sagot naman ng director.

There was a moment of silence before I heard the director spoke again.

"We are not sure of his background yet, but I may have an idea kung sino ang mga magulang niya." turan nito na siyang ikinagulat ko.

I tried my best to contain my surprise para hindi ako mahuling nagtutulug-tulugan dito. Pero kasi... all my life, I never knew my parents, nor had meet them. Si lolo Juls lang talaga ang kilala at itinuturing kong kamag-anak.

"One of which managed to escape from our hands...na hanggang ngayon ay tinutugis pa rin ng aking mga tauhan."

Halos manlaki ang mga mata ko sa aking narinig. Posible kayang... buhay pa ang isa sa mga magulang ko?

"Anyway, ikaw na ang bahala rito sa tatlong ito. Matapos mong mabura ang kanilang mga memorya, dalhin mo na agad sila sa kani-kanilang mga kwarto." rinig kong utos ng director kay Mr. Cruz.

Teka, siya 'yung may kakayahang mambura ng memorya?

"Masusunod po director." tugon ng aming guro.

"Oh, you might need another syringe to knock them out. Malay mo, may isa sa kanila diyan ang nagtutulug-tulugan lang." I heard the director chuckled bago na ito tuluyang lumabas. Then I heard the door closing.

Crap! Nabuking yata ako ng director? How come?

Before I could even protest, naramdaman ko nang may isang matulis na bagay ang tila tumusok sa aking balat sa aking braso kaya napangiwi ako sa sakit.

"I know you're awake this whole time, Cedric." ani nito na siyang ikinamura ko.

"Crap, Mr. Cruz... why...are...you doing.... this?"

'Yan na yata ang mga huling sinabi ko sa kanya bago ulit ako mawalan ng ulirat.

***

*Riiiinnnggggg*

Agad na napamulat ang aking mga mata ng marinig ko ang wagas na alarm ng aking maingay na alarm clock na nasa side table ko nakapatong. Nagmadali akong mapaupo sa aking kama at pinatay ang naturang bagay.

Ang weird naman, hindi naman ako nagpa-alarm ah ever since nalaman ko ang property ni Mitch.

*Bzzt bzzt*

Speaking of him, ito na nga nagchat siya sa akin na hinaan ko raw ang aking alarm dahil nabulabog ang kanyang magandang tulog.

Pagkapatay ko ng aking alarm ay nagpahimasmas muna ako saglit na siyang dahilan para matulala ako sa kawalan.

Why do I felt that there something's missing? Like may nakalimutan ako... or something like that?

Anyway, I just shrugged my thoughts away at nagpunta ng banyo. Mamaya niyan male-late pa ako.

***

"Your second grading exam is approaching soon. Kaya dapat within this week ay nag-aaral na kayong mabuti para makakuha ng mataas na marka."

Lahat ay napa-groan matapos naming marinig ang sinabi ng aming adviser na si Mr. Cruz. Pati ako ay tila nanlumo rin sa narinig. Mahina pa naman ako sa exam at tanging si Andrew lang dati ang tumutulong sa akin para mag-aral.

Hays... napabuntung-hininga na lang ako habang naaalala ko na naman ang taong iyon.

"About our exams, I'll need to check first with the director if kailan tayo pwede mag-held ng ating magiging exam sa klase ko. Ino-notify ko na lang kayo sa ating group chat once nakareceive na ako ng instructions galing sa kanya. Maliwanag ba?"

"Yes sir." we all said in unison.

"Okay then. You're dismissed." And with that, binitbit na ni Mr. Cruz ang kanyang laptop at tuluyan nang umalis ng aming classroom.

Pagkaalis ng naturang guro ay siyang pagharap dito sa'min ni Kylie na masayang nakangiti.

"Buo tayo ng isang study group, game?" masayang turan ng dalaga.

"Game." sabay naming sambit ni Mitch.

***

Matapos nga naming kumain sa cafeteria ay nagpunta kaming tatlo ni Mitch at Kylie sa library at nagsimulang magbuklat ng mga libro. Kapag may mga hindi ako naiintindihang parte sa binasa ko, agad naman akong tinutulungan either nina Mitch or ni Kyllie.

After all, parehong nasa top ng section 1 ang dalawang ito habang ako naman ay ang kanilang 'di gaanong katalinuhang kaibigan.

All of a sudden, habang abala pa rin kaming tatlo sa pagbabasa ng textbook ay bigla akong nakaramdam na para bang may nakamasid sa amin ng palihim. No'ng nilingon ko naman kung sino, wala naman akong naaninag sa aming likuran.

No'ng una ay akala ko guni-guni ko lamang ito. Pero no'ng hindi ako tinigilan ng instincts ko na ito ay minabuti ko nang tumayo at itsek ang labas ng library para lang talaga makasiguro.

"Oh? Saan ka pupunta?" kunot-noo namang tanong sa'kin ni Kylie no'ng nakita niya akong tumayo ng walang pasabi.

"Magtatapon lang ng basura sa labasan." palusot ko.

Nagkibit-balikat lamang itong kasama ko saka ibinalik ulit ang pansin sa binabasa niyang libro. Unti-unti ko namang inihakbang ang aking mga paa papunta sa labasan, hanggang sa makalabas na nga ako ng tuluyan.

Iginala ko ang aking tingin, pero wala naman akong may naaninag na kahit sinong personang tumatambay dito sa labas . Baka guni-guni ko nga lamang iyon?

Anyway, pinilit ko na lamang itong ipinagsawalang-bahala at bumalik na sa loob kung nasaan ang aking mga kaibigan.

Saktong pagkaupo ko ay bigla ko lang naalala na hindi ko nga pala nakikita ang aking cellphone simula pa no'ng umaga. Wala rin naman akong ka-chat or ka-text kaya minsan nalilimutan ko talaga ang existence nito.

Anyway, naisipan kong kunin ang aking bag at halughugin sa loob, pero nagtaka naman ako kung bakit wala 'yun doon. I was about to give up ng maramdaman kong may nakabukol sa secret compartment ng aking bag.

Laking gulat ko ng makita ko na rin sa wakas ang aking phone. Pero wala akong kaide-ideya kung bakit ko roon nilagay in the first place.

Ipinagsawalang-bahala ko na lamang iyon at agad na inopen ang aking phone, baka sakaling may mga namiss akong chats sa group chat namin sa Alpha Section. Pero laking gulat ko naman na as soon as pagka-on ko ng aking phone screen ay sound recorder agad ang unang tumambad... as if nakalimutan kong iexit.

But why do I need the sound recorder for???

"May problema ba Cedric?" tanong sa'kin ni Kylie no'ng mapagawi ang kanyang tingin sa aking direksyon.

"Wala naman." sagot ko, saka siya bumalik sa kanyang pagbabasa.

Since ayokong maistorbo ang aking mga kasama ay dali-dali kong kinuha ang aking earphones na nasa aking bag at isinaksak ito sa aking phone. Pagkalagay ko nito sa magkabila kong tenga ay saka ko pinindot ang play button.

"Hindi ko alam kung ano'ng mangyayari sa'kin, or sa'min, once na may madiskubre kami ngayong araw tungkol sa school... it's as if may sadyang humahadlang sa amin para malaman namin ang katotohanan sa pagkawala ng dalawang estudyante sa yearbook sa taong 2000. Kaya kung sakali mang mawawala ang aking memorya gaya ng nangyari kay Kylie, at least I still have this."

Series of flashbacks with me speaking my mind on my phone habang nakahiga sa aking kama ang biglang nagpakita mula sa aking subconscious memory dahilan para biglaang manakit ang aking ulo.

Pinilit kong ininda ang pananakit nito and carried on with listening to this audio recorder. I'm sure pinause ko ito since agad na lumipat sa naging usapan namin ni Kylie ang nilalaman nito.

"Kylie, 'di ba sabi mo hindi mo na maalala ang mga kaganapan no'ng nagpunta tayo sa science lab no'ng isang araw, tama?" tanong ko sa audio recorder na ito.

"Paano kung susubukan mo ulit na alalahanin ang lahat ng mga pangyayaring iyon? Alam kong hindi basta-basta nawawala ang ating memorya...kundi nakaimbak lang sa subconscious part ng ating utak."

Hindi basta-bastang nawawala ang ating memorya...

I immediately stopped playing that audio recorder nang lumala na ang pananakit ng aking ulo. Lahat ng mga nangyari kagabi, na akala ko ay parte lamang ng isang masamang panaginip, ay pawang katotohanan pala.

"Cedric?! Ano'ng nangyayari sa'yo?" Kita kong napatayo si Kylie mula sa kanyang kinauupuan para puntahan ako.

"W-wala..." pagsasawalang-bahala ko sa iniinda kong sakit.

"Ayos lang ako..."

"Sure ka ba diyan ha? You look like someone in pain eh." nag-aalala pa rin nitong tugon.

"Yes, I'm perfectly fine." pagre-reassure ko naman. No'ng masiguro na niyang ayos lang ako ay agad na itong bumalik sa kanyang upuan.

Matapos ng saglit naming pag-uusap na iyon ay wala na sa amin ang muling umimik at bumalik ako sa pag-iisip ng malaliman rito sa aking kinauupuan. Kung totoo nga ang mga pangyayaring iyon kagabi..

Hindi ko na hahayaan pang may madamay muli sa kanilang dalawa dahil lamang sa kagustuhan kong malaman ang katotohanan mula sa eskwelahang ito...

---

{ PLS READ MY AUTHOR'S NOTE. THANKS :D }


ความคิดของผู้สร้าง
AteJanz AteJanz

Hello minna-san! Pasensya na if it took me a while bago ako nakapag-update muli. Kakaaprove lang kasi ng contract ko sa Webnovel, and I have to finish 40 chapters for my contracted story Witch Hunt before this month ends. So I'm pleading for your patience with this one.

Aside from that, I'm also busy translating Alpha Section into English, huehue.

I think that's it. Don't forget to vote and comment your thoughts. Pls, sa mga kind-hearted diyan, I need book reviews para magka-star rating huhu. xD

Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C24
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ