Subalit pinanindigan niya ang pagtutol. Tumakas siya sa poder ni Devlin...
Natigil ang pagbabalik-tanaw ni Layla. Para siyang malaking bato na inihulog buhat sa mataas na lugar nang bumalik sa kasalukuyan.
Bahagya siyang nauntog sa sandalan ng upuang nasa harapan nang magpreno ang sinasakyan. Hindi siya nasaktan pero sapat na para magbalik ang naglalakbay na wisyo.
"Nandito na tayo," was the unnecessary announcement from the driver.
Hindi niya namalayang umaambon na naman. Tumingala siya upang tanawin ang pinakaituktok ng palalong mansiyon na nasa kanyang harapan. Nakabalot pa rin iyon ng makapal na ulap.
At katulad pa rin ng dati ang pakiramdam niya. A cold shiver crawled along her spine. Ginapangan ng lamig ang gulugod niya.
"Bababa na tayo, sister. Naghihintay na si Sir Devlin."
She forced her paralyzed limbs to function. Mabuway ang kanyang mga tuhod kaya muling umalalay sa isang siko niya ang katabing tauhan.
"Ingat lang, sister," paalala nito. "Medyo madulas ang daan."
Sinipat niya ng nanlalabong tingin ang aspaltadong daanan ng sasakyan. It was indeed slippery but she was wearing a pair of practical shoes. Ligtas ilakad ang kanyang mga sapatos na may mababang takong.
"Nasa balkon siya." wika sa kanila ng sumalubong na mayordoma.
Panakaw ang pagsulyap nito sa gawi niya. Hindi makatingin ng diretso sa kanya. Marahil naalala pa ang ilang araw na pagtigil niya sa Mansyon noon.
"Tutuloy na kami," anang tauhan na nakahawak sa siko niya. Kasunuran nila ang isa pang may bitbit ng bag niya. Kapuna-punang wala na ang mahahabang armas. Gayundin ang mababangis na ekspresyon ng mukha ng tambangan siya kanina.
Dinala siya ng nanginginig niyang mga tuhod paakyat sa hagdanang marmol diretso sa maluwang na verandah. It was connected to the family room through a pair of french doors.
Madaling naapuhap ng mga mata niya ang matangkad na hugis ni Devlin Montecarlo. Nakatalikod ito sa kanila habang nakatanaw sa malayo.
He wore a white polo, hip-hugging jeans outlining the long muscular length of legs, brown casual shoes on his feet. His luxuriant black hair was wind-blown, yet he did not look unkempt. The rakish appearance just added recklessness to his vibrant masculinity.
Nang lumingon ang lalaki, huminto sandali ang pag-inog ng mundo.
At nang magpatuloy naman, parang nagkulang na ang oksihena sa paligid.
Ang kanyang puso ay tinambol ng malakas, halos habulin niya ang kanyang paghinga.
She had forgotten quite how staggeringly handsome and how dynamic his presence was! Halos imposibleng pigilan niya ang sarili na tumitig dito.
"Puwede n'yo na kaming iwanan," utos nito sa mga tauhan, pero sa kanya nakatutok ang buong atensiyon.
"Hello, Layla," he greeted her softly. But it was like a gentle purr of a lion, stealthily preparing for a hunt. "It's been more than a year. Sa wakas, magkaharap na uli tayo ngayon." His intense eyes travelled her up and down. Sinipat nito ang kabuuan niya. Para bang nakikita pa rin ang katawan kahit makapal at maluwang ang kasuotan niya.
Nanuyo ang kanyang mga labi. At ginapangan ng pamumula ang kanyang nanlalamig na pisngi. Hindi siya makapagsalita kahit gustuhin pa.
"Have a seat," imbita nito. "You look ready to drop on my feet."
Kusang tumalima ang nanlalatang katawan. Inapuhap niya ang silyang inialok at halos pabagsak na naupo. Parang nakaamot siya ng kaunting lakas nang mawala ang pangamba na baka mag-collapse siya sa harap ni Devlin.
"A-ano'ng kailangan mo sa akin? Bakit dinala mo ako dito?"
A thick brow arched arrogantly. "You have the nerve to ask me that?" bawi nito. Malamig ang tono. "We have unfinished business."
Nagawang ituwid ni Layla ang likod. Habang tumatagal, ang takot na kayang umalipin sa buong isipan niya noon ay unti-unti nang humuhulas. Sanhi marahil ng desperasyon, may bumukal na lakas sa kaibuturan niya. Isa pa, may proteksiyon na siya. Siguro naman, may respeto si Devlin Montecarlo sa suot niyang abito at belo?
Nakabawi siya ng sapat na lakas para tumingin ng tuwid sa mga mata nitong matiim kung tumitig.
At lakas loob niyang kinontra ang sinabi nito.
"We don't have any unfinished business, Mr. Montecarlo," she insisted unsteadily. Hindi niya maialis nang lubos ang panginginig ng boses. "Natapos na ang kuneksiyon natin nung huling pag-uusap natin."
"Paano natapos 'yon? Hindi ka man lang nagpaalam sa akin nung umalis ka?" Pakunwari lang ang pagmamaang-maangan ng lalaki. His tone was as smooth and as cold as glass.
"Hindi ako dapat magpaalam sa 'yo, sir."
"At bakit hindi?" Devlin broke in softly. "Nandito ka sa poder ko noon--kung hindi ako nagkakamali."
Layla swallowed back the rising fear in her throat. "Ikinulong mo ako dito," pakli niya. "Laban sa loob ko--kaya dapat lang na tumakas ako."
"Good," salo ni Devlin. Marahan itong humakbang palapit sa kanya.
Bagay na nagpasikip nang husto sa dibdib at lalamunan ng dalaga.
"Natutuwa akong marinig na inaamin mo na ang pagtakas mo dito noon. Na sinadya mong bigyan ako ng kahihiyan sa hindi mo pagsipot sa araw ng ating kasal!"
Layla lost color. "I-itinuloy mo pa rin ang--" Hindi niya matapos dahil muntik mapahikbi. She could not stop herself from feeling sympathy towards the man in front of her. No wonder, he was so bitter against her! "Bakit hindi mo na lang kinansela? Alam mong wala na ako?"
He did not reply. He just stared at her piercingly. Nagmistulang mikrobyo siya na ineeksamin sa ilalim ng isang microscope.
Maya-maya'y nagkibit-balikat ito. Huminga nang malalim bago tumugon. "Sabihin na nating pinaparusahan ko na ang sarili ko para--" Sinadya nitong ibitin ang susunod na sasabihin.
Uncontrollably, she found herself hanging onto every word that he uttered.
"Para puwede uling gumawa ng kasalanan," dugtong ng lalaki. His low voice was like honey, sweet and dark and menacing.
"G-gagawin ko uli ang pagtakas," she promised tensely.
"Tsk! tsk!" Umiling-iling ang lalaki. Iwinagayway ang isang daliri. Para bang bata lang siya na minamaliit ang kakayahan. "Hindi mo na magagawang tumakas uli dito, Layla. Kailangang lampasan mo muna ang mga bantay mo dito."
Bumaon ang mga kuko niya nang kumuyom nang mahigpit ang mga kamay. "Hindi mo ako mapipilit na magpakasal sa 'yo!" bulalas niya.
"At sino ang maysabing magpapakasal tayo, hmm?" Devlin cut in with cold derision.
A hot and cold wave of embarrassment enveloped her. Nagbaba siya ng tingin nang magsimulang lumabo sa luha ang mga mata.
"I--I'm sorry." Minabuti niyang maging magpakumbaba na. Kahit na naniniwala pa ring wala siyang kasalanan kung ito man ay dumanas ng humiliyasyon nung walang sumipot na bride sa kasal nilang iginiit nitong itakda noon.
"Please, forgive me, Mr. Montecarlo. Hindi ko sinasadyang ipahiya ka sa lipunan, pero hindi ko rin naman mapilit ang sarili ko na sundin ang gusto mo," ang mahabang paliwanag niya. "As you can see, natupad ko na ang pangarap ko. Isa na akong madre." She crossed her fingers beneath the heavy folds of her attire. She was dispensing a white lie, once again.
"Nagmamadre ka pa lang, Layla. Hindi ka pa pasado," bawi ni Devlin. "Nasa huling pagsubok ka pa lang."
Namutla si Layla dahil napahiya na nabisto agad ang pagsisinungaling.
"Nakausap ko ang madre superyora sa telepono," patuloy ng lalaki. "Inusig ko siya sa panloloko niya sa akin noon."
"H-hindi ka niya niloko," Layla said hastily. "W-wala pa talaga ako noon sa kumbento nung--nung ipinahanap mo ako doon."
A thick black eyebrow quirked haughtily. "Kung mapaniwala mo man ako, hindi pa rin absuwelto ang mga madre, Layla," ang malamig na pakli ni Devlin. "They should've informed me the minute you showed up there."
"Nakiusap ako kay Mother. Nakumbinsi siya na desidido akong maging madre kaysa maging--" Napahinto siya. Hindi magawang sambitin ang mga huling kataga.
"Kabiyak ko," Devlin prompted blandly. His dense and spiky lashes lowered over glittering eyes. Itinago ng lalaki ang anumang iniisip sa ilalim ng makakapal na pilikmata. "But I have a different proposition for you now," he went on enigmatically.
Nabitin ang kanyang paghinga. "W-what is it--?" tanong niya. Her soft mouth quivering. Her eyes wide with tension.
"Hindi na kita pipiliting magpakasal, Layla," Devlin elaborated with awesome casualness. "Hindi rin kita pipigilan sa pagmamadre mo."
Lalong nanlaki ang mga mata ni Layla. "P-pero?" untag niya. Bitin na bitin.
Lumapit ang matangkad na lalaki sa wine cabinet. With fluid movements, he pulled out a bottle and a crystal tumbler.
"P-paano--?" Hindi siya makapaniwalang ganoon kadaling magpatawad ang isang Devlin Montecarlo.
Tinapunan siya ng malisyosong tingin na nagpapula sa kanyang pisngi.
Bahagya pang nakangisi ang matigas na hubog ng bibig habang nagsasalin ng alak sa baso.
Muling umalsa ang sindak ni Layla. Nataranta na siya. Mas gusto pala niyang makitang sumisingasing sa galit si Devlin kaysa ganitong tila pinagtatawanan siya nang pasikreto!
"M-maawa ka naman, Mr. Montecarlo," she begged shamelessly.
"Devlin," he cut in flatly. "Call me by my name--bakasakaling maawa ako sa 'yo."
Kaagad siyang nagpatianod. Hindi na siya makapag-isip nang husto. Fighting with this powerful man drained all her strength. "D-Devlin, please..."
Something hot flared in his eyes as he gazed at her keenly.
Puno ng malisya ang hatid ng mga mata nito na naghatid ng kakaibang init na nagmistulang apoy bago gumapang sa kanyang balat.