"H-hindi pa ako bayad sa pamasahe," ang pautal na sambit niya.
Agad na dumukot ng pera sa bulsa ang lalaking may bitbit sa bag niya at iniabot sa matanda. "Sige na, alis na, tata!"
"Salamat, sister!" hiyaw ng huli. Nagitla pa muna ito.
"Tsk! Ang bait naman nitong kinidnap natin. Hindi kaya tayo tamaan ng kidlat, pare?" bulong ng umaakay sa kanya.
"'Wag ka nang magtanong. Mas takot ako sa punglo ni Bosing Devlin."
"Talagang pinanindigan niya ang pangalan niyang Devlin! Devlinyo talaga! Pati madre pinapatos na."
Kunwa'y walang naririnig si Layla. Pero panay-panay na ang pag-usal niya ng mga dasal.
She should have expected that her piqued suitor could resort to kidnapping. Hindi siya dapat nabigla sa pananambang. Hindi marunong tumanggap ng pagkabigo si Devlin Montecarlo.
"Pare, mag-ingat ka sa pagsasalita mo. Tauhan lang tayo dito. Hindi natin alam ang puno't dulo ng istorya," paalala ng ikalawang kidnapper. "O, heto na ang sasakyan."
Isang malaking behikulo na kulay itim ang dumarating buhat sa direksiyon ng bulubunduking bahagi ng asyenda.
"Sister, sakay na po," was the respectful request from her captor.
good novel (dot) com / book _ info /31000018884 / null / Heart-s - Desire
Tumalima si Layla. Tumanaw siya sa labas ng bintanang may tinted glass at hinayaang maglayag ang isipan sa nakaraan. Nakakintal pa rin sa memorya niya ang mga detalye ng pagkikilala nila ni Devlin Montecarlo...
Dalawang buwan bago sumapit ang ika-dalawampu't isang kaarawan ni Layla, nagkaroon ng malaking pagtitipon sa Montecarlo Mansion.
Ang ina-inahan niyang si Mrs. Corazon Gomez ang nakakuha sa posisyong maging official ornamental plants designer ng Montecarlo Mansion.
"Kailangang tulungan n'yo ako, mga anak. Malaking trabaho itong pinasok ng negosyo natin," paalala ng butihing ginang sa dalawang anak na babae at tatlong anak na lalaki. Bale si Layla pa ang pinakapanganay at naging ikatlo sa mga anak na babae. Ang bunsong si Cris ay wala pang kinse anyos.
"Opo, Mama," ang sabay-sabay na na wika ng anim na nakababata.
"Malaki naman ang kikitain natin," dagdag ni Mr. Gomez. "Kapag nagampanan natin ng maayos ang trabaho, makakabili tayo ng dalawa pang sasakyan at ilang makinarya na makakapagpadali sa ating production."
"Wow! Pipilitin naming gampanan ang mga iuutos n'yo, Mama, Papa!" Mas masigla na ang tono ng tatlong lalaki.
"Kami rin po." sagot din ng mga babae. Kasama na si Layla.
"Buweno, maghahati tayo sa dalawang grupo. Ang mga girls sa Mama n'yo, sa akin ang mga boys."
"Sa ornamental plants sila, at tayo naman sa flower designs," dugtong ng ginang.
"Pero tutulong pa rin tayo sa kanila kapag mabibigat na trabaho na. Maliwanag ba?" pagtatapos ng may edad na lalaki.
Tumaas ng kamay ang panganay sa lalaking si Felix. "Kailan ba ang big occasion, Papa?"
"Tatlong araw buhat ngayon."
"Tatlong araw?!" There was a sudden panic in the small group of youngsters.
"Gaano naman kalaki ang Montecarlo mansiyon?"
"E, di, sing-laki ng isang maliit na palasyo!"
Ang sinaunang kumbento ang unang pumasok sa utak ni Layla. Mistulang isang lumang palasyo ang tingin ng mga batang lumaki doon dahil sa sobrang laki at sobrang luwang ng mga silid.
Pero siguradong hindi nilulumot o di kaya'y ginagapangan ng makapal na halamang-baging ang mga pader.
good novel (dot) com / book _ info /31000018884 / null / Heart-s - Desire
"Kayang-kaya natin 'yon. Basta't tulung-tulong."
Layla silently agreed with her foster father.
"Wala kayong dapat ikatakot, mga anak. Lakas ng loob, sipag at tiyaga lang," encouraged the older woman. "Hindi ba, Layla?"
"Opo, Mama," she answered promptly. "Gagayahin na lang po namin ang mga designs n'yo."
Tila nakapagdulot ng kalma ang banayad na pahayag niya.
"Oo nga naman," anang ikalawang anak na babaeng si Rica. "Pulos arrangements na lang ang gagawin natin."
"Okey, call na call na kami," salo ni Rona, ang sinundan ng bunso. "Basta may celfone ako pagkatapos, Papa, ha?"
"Sure, may premyo ang mga pagsisipag ninyo, mga kids."
Nagkaroon ng masigla at masayang tawanan sa sala ng Pamilya Gomez. Pero kahit kabilang na si Layla sa loob ng nagdaang tatlong taon, hindi pa rin niya makalimutang hindi siya tunay na ka-pamilya ng mga ito.
Paano'y nakatutok pa rin ang buong isipan niya sa pagmamadre. Malapit nang matupad ang pangarap niyang maging madre. On her twenty-first birthday, she would enter the solemn world of nunhood. Buo na ang pasiya niya.
That holy aspiration of hers had put a 'no-touch' aura around her. Hindi kaila sa mga ka-pamilya at ka-trabaho ang kanyang pangarap na bumalik sa kumbento kaya walang nangahas na manligaw o magpalipad-hangin man lang sa kanya. Pulos mga panakaw na sulyap at tanaw mula sa malayo na lamang ang ginagawa ng mga sikretong tagahanga ni Layla.
Ang mga opinyon na sayang ang kagandahan at kaseksihan niya kung itatago sa ilalim ng maluwang at makapal na abito at belo ay nauulinigan na lamang niya nang di-sinasadya.
But she ignored them all. Her whole heart was focused on her future plan. Nasa hustong edad na siya kaya wala nang makakapigil sa kanya ngayon.
Until she became the devil's desire...
Hanggang sa makilala niya ang isang lalaking naakit at nagnasang angkinin siya. Devlin was sinfully rich and devilishly handsome. He was also wickedly seductive and provocative.
Sa unang pagkikita pa lang nila ng lalaki, nag-umapaw na agad ang sindak sa kalooban ni Layla.
His short and slightly curling hair was jet-black. His dark eyes were deep and mysterious and spectacular. The firm shape of his mouth sensuous and mischievous.
Lalo pang nataranta si Layla nang may sumirit na init sa kaibuturan niya.
Naging paragasa ang daloy ng dugo niya sa mga ugat. Tinambol ng husto ang kanyang dibdib.
Her senses exploded and became numb. She felt helpless when a hot, hot flare gripped her taut body without warning. Her breasts ached. Her nipples throbbed. And dark heat curled and darted up between her thighs.
Sa isang kisapmata, parang sinakop ng malakas na kapangyarihan ang kabuuan niya--gayong nakatitig pa lang sila sa isa't isa ng estranghero. Gusto siyang alipinin ng isang di-nakikitang puwersa.
Nanlaban siya.
"Gusto kitang makilala, magandang binibini. Ano'ng pangalan mo?" His deep voice broke the spell.
"I-isa kang demonyo..." She heard her husky voice declared shakily, rudely ignoring his gentle query.
Napamaang ang lalaki sa akusasyon niya. Maya-maya'y napangiti ito. "That's an original compliment, my beautiful temptress." Masuyo pa rin ang tono nito. Bahagya pang nakangiti na para bang ikinatuwa pa ang tinuran niya. "Ano'ng pangalan mo? Eva?"
Sunud-sunud ang pag-iling niya. She forced her limbs to move away from him.
Subali't naging sagabal sa kanyang pagkilos ang basa niyang kasuotan.
Kasabay kasi ng pagbibiyahe nila sa mga halaman, siya namang pagbuhos ng pinong ulan. Palibhasa apurahan ang trabaho, hindi na sila huminto at sumilong. Itinuloy na ang pag-aayos ng mga ornamental potted plants sa maluwang na bulwagang sayawan ng mansiyon.
The white and green mansion itself was a magnificent creation of classic architecture. Mistulang isang munting palasyo nga na tila umusbong sa ituktok ng mababang burol. It has turrets and towers and gateways. Bumagay na sa nakapalibot na kalikasan dahil sa tagal ng panahon at sa metikulosong disenyo.
Subali't hindi ito hinangaan ni Layla. Kanina habang papalapit ang trak na sinasakyan nila at ng mga halaman, natatanaw niya ang makapal na ulap na nakalambong sa halos kalahati ng mansiyon at nakaramdam siya ng takot, kilabot at masamang pangitain.
"Sandali, binibini." Long fingers wrapped themselves on a slim arm. Parang sumagitsit ang malamig na balat niya nang dumaiti ang mainit na palad. "Halika sa loob. Magsalo tayo sa mainit na tsaa."
"A-ayoko," tutol niya. "Bitiwan mo ako!" She shook his hand off hastily. Pasung-paso siya.
Tumawa nang patudyo ang lalaki. He chuckled mockingly as he stared at her flushed face.
"Wala kang dapat ikatakot sa akin, binibini," he remarked silkily. "Hindi ako marunong manakit ng babae. Lalo't ng isang napakagandang dilag na katulad mo, miss."
His sweet words sounded like wicked whispers to her ears. Nanatiling bingi at manhid si Layla sa malambing na pakikipag-usap ng lalaki.
Paano'y hindi kapani-paniwala dahil putik-putikan ang laylayan ng kanyang kasuotan. Pati ang kanyang mga kamay. She knew she looked a mess. Nakasambulat ang mahabang buhok niya sa likod at mga balikat dahil nakalas na sa pagkakatali. Ang manipis na koloreteng ipinipilit na ipahid ni Rona tuwing umaga ay kanina pa binura ng pawis at ambon.
Mas determinado na siyang makakawala. This time, she was able to go away. Ngunit sinundan siya ng paanas na banta ng lalaki.
"Hindi ka makakatakas sa atraksiyon natin sa isa't isa, magandang Eba. Ako ang iyong Adan."
Pilit niyang iwinaksi ang kakaibang takot na umalipin sa kanya. Nabigo siyang iwaksi ang malaking bikig na nakaharang sa kanyang lalamunan dahil sa takot. Matagal bago siya nakapagsalita uli.
That day had passed slowly and torturously, with her heart thrumming endlessly with suspense and anxiety.
But she did not see the disturbing devil again.
Hanggang sa makauwi na sila nung araw na iyon, hindi na niya nakita ang estranghero. Nang muli niya itong makita ay bisita ito ng kanyang mga foster parents, humihingi ng pahintulot na maligawan siya. Higit pa nga roon ang nangyari. Halos ipamigay na siya ng mag-asawang umapon sa kanya. Botong-boto ang mga ito kay Devlin na ubod ng galante.
Ipinagkasundo pa siya kay Devlin ng hindi man lamang siya kinukunsulta. Inakalang isang magandang kapalaran na ang naghihintay sa kanya kaya naman inihatid pa siya sa Montecarlo Mansion.