ดาวน์โหลดแอป
50% Heart's Desire / Chapter 12: The Chained Heart - Chapter 4

บท 12: The Chained Heart - Chapter 4

Napaliyad siya, nang sapuhin ng mga palad ang dalawang namumurok na korona.

Umarko ang kanyang likod, nang pisilin nang buong pagsuyo ang kanyang puwitan.

Ilang sandali pa, lango na rin siya sa alak ng pagnanasa.

Kusang tumiklop ang mga tuhod niya nang ihiga ng kaniig ang kanyang katawan sa damuhan.

Lubos na ang pagpapaubaya niya. Ni hindi inalintana ang kawalan ng latag sa kanyang likod. O ang lugar na kanilang kinaroroonan.

Hindi niya naramdaman ang mga batong maliliit at mga kumpol ng damo na nahigaan.

Tanging ang matatamis na sensasyon lang na pumupuno sa buong kamalayan niya ang mahalaga kay Terry, nang mga sandaling iyon. Dahil ibinibigay niya nang buung-buo ang sarili sa lalaking pinakamamahal.

"Terry, mahal kita, mahal kita..." anas ng lalaki. Dumagan ang kalahati ng bigat nito sa kanya. "Mahal na mahal!"

Buong alab na sinibasib ng halik ang leeg at dibdib niya. Inapuhap at inangkin ang mga korona, gamit ang ngipin at dila.

"Diyuskup--M-Maximillan!" Hindi niya napigil ang mapasigaw nang balutin ng ibang klaseng sarap ang kabuuan niya.

Napasabunot ang mga daliring nangangatal sa maikling buhok. Pumulupot ang mga binti sa matigas na balakang.

"Maximillan, please!" sambit niya, padaing.

Ganito pala, ganito pala, bulalas niya sa sarili. Parang nababaliw...!

Ngayon lang niya naranasan kung paano salakayin ng umaalimpuyong puwersa ng pisikal na pag-ibig.

"Sweetheart, this'll gonna hurt," anas ng lalaki. Kumiskis ang isang tuhod nito sa nakakipit na mga hita. Dinudunggol nang marahan. "Open up, sweetheart," ang masuyong utos nito.

Tumalima ang dalaga. Hinayaan niyang paghiwalayin ng isang pangahas na palad ang mga biyas niya. Napapitlag siya nang madanggil ng mga daliri ang kaselanan niya.

Pinilit niyang dumilat. Kailangan niyang mag-ipon ng mga alaala.

Nakamulat rin si Maximillan. Nakatutok sa mukha niya ang mga matang mapupungay. "Huwag ka sanang magsisi, Terry," wika nito. Paus na paos ang tinig.

"H-hinding-hindi, Maximillan. Ang katawan ko ay para sa 'yo," tugon niya, pabulong din. "Kunin mo na ang handog ko, mahal."

Muling kumilos ang lalaki. Bumago ito ng puwesto. Inayos ang posisyon nila.

Abut-abot ang paghingal. Basam-basa ng pawis ang mukha at leeg. Pati ang buong katawan.

Kapwa na sila nanginginig. Pareho nang nag-aapoy sa matinding pagkasabik.

"Ngayon na, Terry!" At dumating ang unang ulos.

Kinagat niya ang ibabang labi nang mariin. Ayaw niyang may numulas na sigaw habang nasasaktan. Ngunit may nakahulagpos na mga hikbing inimpit nang pilit.

"I'm sorry!" Biglang huminto ang lalaki. "I'm sorry, sweetheart."

Pinahi ng bibig nito ang pawis sa kanyang noo, pati sa ilong.

"G-go on, Maximillan," anas niya. "I'm not hurting anymore." Hindi gaanong tutoo ang sinabi niyang iyon, ngunit ayaw niyang magtagal ang paghihirap ng katalik. Ramdam na ramdam niyang nais na nitong sumabog.

"Are you sure?" Masuyong hinaplos ng dila ang namagang labi. "Gusto kong maging memorable ang unang pagtatalik natin, Terry. I want you to feel wonderful, too."

"I already feel wonderful, Maximillan," salo niya. Pinilit niyang ngumiti. "Pinakaiibig kita, Maximillan!"

"Terry, Terry, pinaliligaya mo ako nang husto!" Binihag ng bibig nito ang isang mala-rosas na korona. At nagsimula uling gumalaw.

Marahan lang sa una. Masuyo lang muna ang bawat kiwal. Hanggang sa unti-unting nagiging mapusok ang bawat ulos, at nagiging mabilis ang bawat indayog.

Aywan kung gaano katagal silang umindak sa saliw ng primitibong musika na dumadaloy sa kanilang mga ugat. Namalayan na lamang ni Terry na bumubulusok sila papaitaas, patungo sa mga bituin sa kalawakan. Sabay sila ni Maximillan.

Hindi niya napigil ang pagbaon ng mga kuko sa likod ng katalik, habang sumisirit ang walang katulad na sarap sa kaibuturan.

Umapaw ang maraming kulay na may katumbas na tamis sa kanyang isipan.

Matagal bago nanumbalik ang normal na pagpintig ng puso at pagdaloy ng dugo. Pati ang payapang paghinga.

Naunang dumilat si Terry. Napatitig muna siya sa asul at puting langit sa itaas, bago siya bumaling sa katabi.

Nakapikit pa rin ang lalaki. Tila nakatulog na yata.

"Maximillan?"

Dahan-dahang umangat ang mabibigat na talukap. "Tutoo ba talagang may nangyari na sa atin, Terry? Hindi lang ako nananaginip na katulad ng dati?"

"O-oo." Nilunok niya ang nadaramang aprehensiyon. "Nagsisisi ka ba?"

Walang gatol ang pag-iling nito. "Ikaw?"

"Of course not. Gusto ko ang nangyari, Maximillan."

Parang natubigan ang lalaki. "Bakit?"

"Dahil mahal kita."

"Pero ngayon ka lang naging agresibo, Terry," bawi ni Maximillan. Medyo nakakunot na ang noo. "Parang sinadya mong tuksuhin ako."

Halos hindi niya matagalan ang pagtitig nang diretso sa nobyo. "Sinadya ko nga--dahil gusto kong ipadama sa 'yo ang buong pagmamahal ko," pag-amin niya.

Dahil ikakasal na ako sa isang linggo, dagdag niya sa sarili.

"Mayroon kang hindi sinasabi sa akin, Terry," pananalakab nito. "Ano 'yon?"

Noon na siya bumangon. Nangamba siyang baka mabasa ng lalaki ang mga lihim na itinatago.

"P-puwede bang magbihis na muna tayo?" mungkahi niya habang dinadampot ang blusang dilaw. "Baka may makakita sa atin," dugtong niya.

Marahang tumalima ang lalaki sa suhestiyon niya. Naguguluhan na talaga.

"Hindi ako makapaniwalang nagpaubaya ka sa akin dito sa damuhan, Terry," sambit nito. "Kungsaan may puwedeng makakita sa atin habang nagtatalik tayo."

Namula ang mga pisngi ni Terry. Pero hindi dahil sa pagkapahiya. Kundi dahil sa alaala ng erotikong pag-angkin ni Maximillan sa kanya.

Tila wala ng kinikilalang kahihiyan ang kanyang pag-ibig.

"N-nakalimot ako dahil sa labis na pagkasabik sa 'yo, Maximillan," pahayag niya, sa mababang tono. "Hindi ba't ikaw rin ay nawalan ng kontrol?"

Bumuntonghininga ang lalaki. Niyapos siya nito at ginawaran ng halik sa mga mata. Isang piping paghingi ng dispensa iyon.

Na tinanggap niya sa pamamagitan ng pagsiksik sa malapad na dibdib nito. Ilang sandali silang nanatili sa gayong ayos. Kuntento na sana si Terry.

"Nagugutom na ako," anito. Iniiba na ang usapan. "Ikaw?"

"Medyo." Ang paldang maong naman ang isinuot niya. "Saan mo gustong kumain? Ako na ang mag-aayos."

"Kahit dito na lang." Tumindig ito para i-zipper ang pantalon. Isinampay na lang sa isang balikat ang polo. "Kukunin ko ang picnic basket."

Magkatulong silang naghain sa damuhan. Inilatag ng lalaki ang malapad na picnic mat. Inilabas naman niya ang mga sisidlan ng pagkain, pati ang mga gamit at kubyertos. Nasa isang cooler ang mga naka-boteng tubig at mga canned juice drink.

Kapwa sila tahimik. Parehong abala sa mga iniisip.

"Kain na tayo," aya ng lalaki. Ito mismo ang naglagay ng kanin at ulam sa mga plastik na pinggan. Iniabot nito ang isa sa kanya.

"Salamat," ani Terry. Hindi na siya nag-aangat ng tingin. Parang napapaso siya sa mga titig na nang-aarok.

Bumalik na ang katinuan ni Maximillan. Pati ang matalas na pag-iisip nito. Dapat siyang mag-ingat para hindi nito matuklasan ang katotohanan.

"May sasabihin ako sa 'yo, Terry," untag ni Maximillan kapagkuwan. Seryoso ang baritonong tinig nito.

"A-ano 'yon?" Inihinto na rin niya ang tamilmil na pagkain.

Hindi agad nagpatuloy ang lalaki. Humugot muna ito ng isang malalim na buntonghininga. Maingat nitong inilapag ang hawak na pinggan sa makulay na banig.

Napilitang mag-angat ng paningin si Terry. Ngayon lang nag-alinlangan sa pagsasabi ng saloobin ang kasintahan.

Ang una niyang hinangaan kay Maximillan ay ang buong kumpiyansa nito sa sarili.

"Ano'ng sasabihin mo, Maximillan?" untag niya nang magtagal ang bumibigat na katahimikan.

Napuna niyang nanginginig ang mga daliring sumuklay sa maikling buhok nito. Matinding tensiyon ang bumabalot sa kalooban ni Maximillan.

"May nangyari na sa atin, Terry."

Hindi umimik si Terry. Wala naman kasi siyang dapat sabihin.

"Ano'ng balak mo?" tanong ng kaharap matapos ang maikling pakikiramdam. "Iba na ang sitwasyon natin ngayon."

"W-walang nag-iba para sa akin, Maximillan," sambit niya.

"Huwag mong lokohin ang sarili mo, Terry," pakli nito. "We'll always be like this, every time we meet. Hindi ko na mapipigil ang sarili ko--ngayong natikman ko na ang bawal na prutas!" dugtong pa, tila pagalit.

Muling naumid ang dila ni Terry. Paano niya sasabihin na huling pagkikita na nila iyon?

Pasabunot uling sinuklay ni Maximillan ang sarili.

"I should marry you now, sweetheart," pahayag nito. "But I can't. Nasa gitna ako ng krisis."

Sumikdo ang dibdib ni Terry sa narinig. Parang may bumangon na pag-asa sa kalooban niya.

"Kaya kong magtiis, Maximillan," wika niya.

"Unfair kung idadamay kita sa paghihirap na dinaranas ko ngayon, Terry."

Bumuka ang bibig niya pero hindi na itinuloy ang sasabihin.

Kaya niyang pilitin ang lalaki na pakasalan siya nito, pero nasa gitna rin siya ng krisis ngayon. Unfair din na idawit niya ito sa mga problemang nilikha ng magulang at ipinaresolba sa kanya.

"Nauunawaan mo ba ako, Terry?" untag ng lalaki. May pagsusumamo na sa mga matang malalalim. "Hindi pa kita mapapakasalan sa ngayon. At--at baka maging tatlo hanggang apat na taon pa ang ipaghihintay natin. Hindi na dalawang taon lang."

"H-huwag kang mag-alala, Maximillan. Naiintindihan kita," tugon niya.

Ginagap ng lalaki ang isang kamay niya. Inilapit iyon sa bibig at ginawaran ng mainit na halik ang palad na nanlalamig.

"Isa kang babaeng maunawain, Terry. Napakasuwerte ko sa pag-ibig mo," bulong nito. Puno na naman ng alab ang paos na tinig.

Hindi na kailangan ang anumang salita upang maintindihan niya ang ibig gawin ng lalaki.

"Mahal kita, Maximillan. Gawin mo ang anumang nais mo." Sapat na ang paanyayang iyon upang muling maglagablab ang mga sumunod na sandali.

Nagpaubaya siya nang pangkuin ng makisig na mangingibig upang dalhin sa kotse. Walang halaga ang lugar sa kanya.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C12
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ