Carlhei Andrew POV
"I don't need a friend. I can handle myself. Besides, I have Reinest, Karl and Steven." Saad ko
Bumakas ang lungkot sa mata nito ngunit wala akong balak na pansinin ang ganoong bagay. Iniiwasan kong mag dagdag ng tao sa buhay ko dahil alam ko namang aalis lang rin sila katulad ng mga nauna. Nag sasawa na rin ako na palaging naiiwan. Ayos na ako sa maliit na bilang ng tao sa paligid ko.
"Pero gusto kitang maging kaibigan eh. Iintayin kong mangyari iyon." Saad niya at bahagyang ngumiti
Tumayo ito sa bench at nauna nang nag lakad. Dahil wala na rin ang hilo ko kaya napag pasyahan kong mag lakad rin katulad niya.
Wala akong hilig sa amusement park. Bukod sa rides ay ayaw ko ring mapagod. Pero ano bang magagawa ko ngayon? Syempre, ang sumunod sa babaeng ito na panay ang linga sa paligid. Mas napako ang tingin nito sa mga teddy bear sa isang stall. Kailangang mag laro doon bago makakuha.
Kumunot ang noo ko dahil lumapit iyon doon. Mayamaya lang ay may hawak na itong baril barilan at pinatutumba ang mga tao-tauhan na laruan. Tumaas ang isang kilay ko dahil sa galing nito. Napalapit tuloy ako sa pwesto niya.
May tinuro ito sa akin na teddy bear at ngumiti ito ng napakalapad.
Joker.
"Kita mo 'yun? Kukunin ko 'yun tapos ibibigay ko sa'yo. Para tanggapin mo na ako bilang kaibigan mo." Saad niya at patuloy na pinatumba ang mga tao-tauhan
Mas lalong kumunot ang noo ko.
What's with her? Why is she being like this?!
"I don't need that. And even if you get all of these teddy bears, I won't accept you as my friend. You see, all my friends are smart. We all graduated with high honors. I don't need a dumb friend." Sagot ko dito
Matapos pakawalan ang huling bala ng baril barilan ay tumingin ito sa akin.
"May kaibigan ka bang nurse?" Tanong nito
Weirdo ko itong tinigin, "Wala." Tanging tugon ko
"Edi kailangan mo nga ako maging kaibigan. Puro kayo Engineer eh." Saad niya
Kumunot lalo ang noo ko dahil hindi ko malaman kung anong konekta ng sinasabi nito. Pinag masdan ko nalang ito na kuhain iyong teddy bear na napanalunan niya. Tila talaga nang aasar ito dahil isa iyong teddy bear ay napakakapal ng kilay at nag mukhang galit. Itinapat pa iyon ni Geru sa mukha ko kaya mas lalo akong nainis.
"Mag kamukha kayo." Saad niya at tumawa pa
Sa inis ay lumayas ako sa kinaroroonan niya. Mabuti nalang at nakita ko na iyong apat. Mukhang napagod na ang mga ito kaya naman mag tatanghalian na sila.
"Wala ka talagang makikitang nakasimangot dito sa amusement park bukod kay Carlhei eh." Saad ni Karl na nang aasar ang tono
Kaagad kong sinamaan ng tingin ito, "Sinong matutuwa kung iyong kasama mo ay puro palpak? Kamuntikan pang mapaaway kung hindi pa ako nakadating agad." Inis kong sabi
Nag pigil ng tawa si Karl at Reinest ngunit sa huli ay malakas ang mga ito na tumawa.
"Superhero ka talaga, Carlhei. Para kang si Superman na sensitive ang pandinig." Saad ni Reinest
Nasapo ko nalang ang noo ko dahil doon, "Tigilan niyo nga ako ng pang aasar niyo. Nag kataon lang na napadaan ako doon." Saad ko
Hindi ko alam kung bakit ako nag sinungaling sa mga kaibigan ko. Kahit dati ay hindi naman ako nag sinungaling sa mga ito.
"Oh ayan na pala si Geru oh. Mukhang nag enjoy kakalaro." Saad ni Karl at ngiting ngiti pa
Napalingon ako sa likod ko dahil doon. Paano ay may kung ano ano itong dala na nakalagay sa paper bag. Mga laruan.
"Are you running a toy shop?" Tanong ko dito
Umiling iling ito, "May mga pag bibigyan lang ako. Pwede ko bang dalhin itong mga 'to sa kotse?" Saad niya
Kinuha ko iyong susi at hinagis iyon sa kaniya. Ngumiti lang ito matapos makuha ang susi.
"Bakit 'di mo pa siya samahan, Carlhei? Intayin namin kayo sa food court." Saad ni Dannica
Dahil itong si Dannica na ang nag salita ay wala akong nagawa kung hindi kuhain ulit ang susi kay Geru. Naririnig ko na naman ang hagikgikan nila Reinest at Karl kaya naman nauna na ako sa parking.
Mabilis kong binuksan iyong compartment at ipinasok niya naman iyong tatlong paper bag.
"Sorry. Dapat nauna ka nalang." Saad niya habang pabalik na kami sa loob
Napasinghal ako dahil doon, "Then what? Making me a bad person because I let you go alone?" Inis kong sabi
Narinig ko itong nag buntong hininga, "Kaysa naman nakasimangot ka d'yan."
Mas nauna itong nag lakad papunta sa cafeteria. Ako naman ay napalingon sa isang sliding window. Nakita ko doon ang repleksyon ng mukha ko. Totoo nga ang sinabi nila. Nakasimangot nga ako.
Sadyang hindi ko lang mapigilang ma-badtrip sa presensya ni Geru. Para siyang virus na umuubos ng pasensya ko.
Nang makarating ako sa food court ay naabutan ko na silang nakaupo. Naka order na rin sila. Maging ako nga ay mayroon na ring pagkain. Iniisip kong si Steven ang um-order ng paborito kong part ng manok.
"Let's eat na, Carlhei. Ini-order ka na ni Geru ng food." Saad ni Dannica
Napangiwi ako dahil mali ang akala ko. Pero at the same time, hindi ko napigilang mamangha na naman. Kaunting araw palang kaming mag kasama sa bahay pero mukhang alam niya ang ayaw at gusto ko. Baka tinanong niya iyon kay Mama.
Tahimik akong kumain samantalang silang lahat ang nag kwekwentuhan patungkol sa ginawa nila ng buong umaga. Mukhang close na agad sila kay Geru, lalo na si Dannica.
I let a sigh. I don't know the reason why they like her so much. I can even see Karl's eyes shining while looking at Geru. No, he don't like her. Nakita ko na iyong ganyang tingin niya noong elementary kami. Ibig sabihin ay nag suit ang personality nilang dalawa. Ang pagiging masayahin.
"Tapos alam mo ba? Hindi ito ang unang araw na sumuka si Carlhei sa rides! Noong field trip namin nung elementary sobrang dami naming sinakyan. Tapos sumuka siya sa bus noong pauwi na kami! Simula noon, ayaw na niya sa amusement park!" Tawang tawang kwento ni Karl
Mabilis ko itong sinamaan ng tingin dahil doon. Halos umakyat na yata ang lahat ng dugo sa mukha ko dahil sa hiya.
"Will you shut up?" Inis kong sabi kay Karl
Pero dahil nga alam niyang hindi ko kayang magalit sa kaniya, tumawa lang ito. Sinabayan pa ito ni Geru kaya mas lalo akong nainis.
Buong hapon ay wala parin silang ginawa kung hindi ang mag rides. Naiwan tuloy kami dito ni Geru at nag lakad lakad nalang.
"Bakit 'di ka sumama? 'Di ba kaibigan mo na rin naman sila?" Tanong ko
"Andito 'yung gusto kong kaibigan eh. Tyaka naka dress ako oh. Okay na ako doon sa rollercoaster. Sabi ko nga okay na ako malibot lang itong amusement park." Nakangiting sabi niya
Hindi ko na alam ang iaakto ko. Paano ay kanina niya pa sinasabi na gusto niyang makipag kaibigan sa akin. Hindi naman na mag babago ang sagot ko.
Nanatili akong tahimik habang nag lalakad. Gusto ko mang humiwalay ng pupuntahan ay wala naman akong mapupuntahan. Sinusundan ko nalang rin itong si Geru dahil baka makatagpo na naman ng gulo.
We're in the middle of walking when I heard my phone beep. Nang silipin ko iyon ay nakita kong may chat si Neomi.
Psychopath
Ano nang nangyari? Send ka naman picture! Kuhaan mo ng picture si Ate Geru ha? Wala pa siyang masyadong picture kasi ngayon niya lang nadiscover ang teknolohiya HAHAHA!
Napabuntong hininga ako dahil sa kawalang magawa. Kung hindi ko gagawin ang iniutos ng kapatid ko ay kukulitin lang ako nito. Pasimple ko nalang kinuhaan ng litrato si Geru habang nakatingin ito sa fountain at carousel. Katulad ng inaasahan, nakangiti ito at manghang mangha sa pag buga ng tubig sa fountain.
Matapos iyon ay pinadala ko kay Neomi ang litrato.
Kuya Sungit
Satisfied?
Psychopath
Oo sobra! Ang ganda niya talaga.
Hindi na ako nag reply pa. Sinara ko nalang iyong cellphone ko at lumapit sa kinaroroonan niya. Napansin kong sinusundan niya ng tingin ang nanay na inaalalayan ang anak niyang makasakay sa kabayo. Kita ang lungkot sa mata niya. Nang mapansin niya akong nakatingin ay ngumiti ito.
Two-faced.
"Ang ganda dito. Sobrang daming happy memories na pwedeng mabuo." Saad niya
"Are you really happy? Aren't you tired of pretending?" Tanong ko
Mula sa pagiging malapad na ngiti at naging bahagya iyon.
"Nakakapagod. Pero ano nga ang magagawa ko? Hindi ako kasing tapang mo. Hindi ko pa kayang mag move on. Ang kaya ko lang gawin ay mag panggap na masaya," paliwanag nito.
"Think of the damage that they did and you will move on," sagot ko.
"Hindi moving on ang tawag doon. Pag tatanim ng sama ng loob ang tawag doon. Real moving on is being happy because they're gone in our lives for good. Real moving on is accepting that we deserve better. Real moving on is not being cranky whenever people approach you. We can't move on, Andrew. Minahal ko ng sobra si Zwei at ikaw naman, nag tanim ka ng sama ng loob kay Karen."
Hindi ako nakasagot dahil punong puno ng punto ang sinabi niya. Hindi ko magawang mainis dito dahil sa mga sinabi niya.
"Kaya gusto kitang maging kaibigan. Baka kasi mabago ko ang pananaw mo," saad niya muli at nag patuloy sa pag lalakad.
Mukha akong batang sumusunod lang sa kaniya hanggang sa sumapit na ang gabi. Nag tungo kami sa kinaroroonan nila Steven kung saan kumakain ang mga ito ng pizza.
"Kumusta ang pag lalakad lakad?" Tanong ni Steven sa akin
Humiwalay kasi si Geru at nakipag kwentuhan kay Dannica.
"Ayos lang. Nakalanghap rin ako ng sariwang hangin." Saad ko
Tinapik ni Steven ang balikat ko at ngumiti, "Ayan, bro. Tama 'yan. Kalma ka lang lagi ha? 'Wag mo nalang patulan 'yung pang aasar nila Renren at Karl. Alam mo naman 'yang mga kaibigan natin na 'yan. Hindi 'yan titigil hanggat 'di ka napapatawa," saad ni Steven.
Pinag patuloy namin ang pag kain namin. Nag silbi na rin itong dinner para makaalis na rin kami dito. Kailangan ko kasi talagang makauwi ng maaga dahil kay Neomi.
After eating, nag lakad na kami papunta sa main gate ng amusement park. Hindi ko inaakalang may makakapukaw ng atensyon ko. Isa siyang manika na babae pero weirdo ang itsura. Hindi ko malaman kung galit ba ito o nakangiti. Napakakapal rin ng eyeliner nito.
"Mauna na kayo, Steven. Isama niyo na rin si Geru at ihatid niyo nalang sa kotse ko," bilin ko.
Tumango tango si Steven dahil doon. Ako naman ay dumiretso sa stall upang mag laro. Mabuti nalang at medyo may talento ako sa darts kaya mabilis ko lang iyong nakuha.
Kamukha ni Geru. Mukhang malungkot na hindi.
Nag tungo ako sa parking lot at nakitang wala na ang sasakyan nila Karl, Steven at Reinest. Nilibot ko ang mata ko at hindi ko mahagilap si Geru. Lalapit na sana ako sa kotse ko nang may narinig akong iyak.
"P-pauwiin niyo na po ako."
Mabilis akong lumapit sa madilim na parte ng parking lot at naabutan kong nakaluhod si Geru sa harap ng isang lalaki. Bigla ay hinila ng lalaki ang buhok ni Geru at itinayo siya. Dahil doon ay napatakbo ako dito at kaagad na sinugod ang lalaki.
Hindi ko nakilala ang sarili ko. Bigla ay sinuntok ko iyong lalaki at kaagad itong bumulagta sa sahig. Muli ko sana itong susuntukin ngunit naramdaman ko ang mainit na palad ni Geru sa braso ko. Nang lingunin ko ito ay paulit ulit siyang umiling senyales na dapat ko itong itigil.
Nabingi ako nang marinig ang pito ng isang guard ng amusement park. Parang bigla ay wala akong narinig kung hindi ang hikbi ni Geru.
"Sir?" Tawag ng guard
Doon lang nagising ang diwa ko at nilingon ang guard, "Do whatever it takes. I want him in jail," saad ko.
Hinigit ko si Geru at pinapasok sa kotse ko. Papasok na sana ako sa drivers seat nang makita ang manikang napanaluhan ko sa stall. Inis kong dinampot iyon at pumasok sa drivers seat. Nang maka-upo ako ay inihagis ko ang manika sa kaniya.
"Ano na naman iyon, Geru?!" Inis kong tanong
Kaagad itong napapitlag dahil sa sigaw ko at napayuko.
"N-nag tatanong kasi siya kung saan ang sakayan. A-akala ko naman nawawala siya. T-tinulungan ko lang siya." Saad ni Geru
Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha dahil sa sobrang frustration.
"Ano ba naman?! Bakit ba ang labo ng tingin mo sa tao?! Bakit ba hindi mo alam kung ano ang mabait at masamang tao?!" Inis kong tanong
Tumunghay ito at nakita kong lumuluha ang mata niya, "Bakit ba galit ka na naman? Bakit parang kasalanan ko pang malambot ang puso ko sa mga nanangailangan? Bakit… sobrang sakit mo palaging mag salita?" Umiiyak na tanong nito
Humagulgol ito nang humagulgol na parang bata. Wala akong nagawa kung hindi ang mag buntong hininga.
"Hindi naman kita tinawag doon pero bakit lumapit ka? Bakit mo pa ako tinulungan kung sisigawan mo rin ako?" Tanong niya parin habang umiiyak.
Nag iwas ako ng tingin dito, "Dahil nagagalit ako. Walang sinuman sa mga kaibigan ko ang dapat na masaktan ng kahit sino."
Pag kasabi noon ay tumigil ito sa pag iyak. Parang bata na inabutan mo ng candy.
"M-mag kaibigan na tayo?" Tanong niya
Binuhay ko na ang makina ng sasakyan at nag umpisa nang mag maneho.
"Kapag inulit mo iyon ay hindi na kita magiging kaibigan pa," sagot ko.