Carlhei Andrew POV
It's New Years Eve and I'm waiting for Karen to come. Mag kaiba kasi ang daanan nila ni Papa dahil si Papa ay galing sa business meeting at si Karen ay nasa office.
Sabi ni Karen ay 'wag ko na itong sunduin dahil pupunta nalang daw siya. Pero 10:30 pm na ay wala parin ito kaya kinuha ko na ang susi ng kotse ko. Hanggang alas otso lang ang mga empleyado dahil nga New Year.
"Saan ka pupunta Carlhei? Baka abutan ka ng hating gabi sa labas." Sita ni Mama
"Kay Karen lang, Mama. Susunduin ko siya kasi baka wala siyang masakyan papunta dito. 'Di ba maagang gumagarahe ang mga jeep every new year? Can I please?" Pag papaalam ko kay Mama
Saglit na tumitig sa akin si Mama pero tumango rin naman. Humalik pa ako sa pisngi nito dahil sa tuwa. Kaagad akong nag tungo sa garahe at nag maneho papunta sa apartment niya. Trenta minutos ang inabot noon dahil madami ring sasakyan ang mga pauwi sa bahay nila.
Nang maiparada ko sa tapat ng building ng apartment niya ang kotse ko ay bumaba ako agad. Papasok na sana ako sa building ng mamataan ko si Jourland. Labis kong ipinagtaka ang presensya nito dito. Una sa lahat ay ako mismo ang humanap ng bagong apartment na ito para kay Karen upang hindi na siya masundan ni Jourland. Pangalawa ay salubong ng bagong taon pero nandito siya.
"Akalain mo nga namang mag kikita tayo ulit? Sadya mo rin ba si Karen?" Tanong sa akin ni Jourland
"Oo. Susunduin ko lang ang girlfriend ko dahil doon siya mag babagong taon sa amin." Sagot ko
Nagulat ako ng humagalpak ito ng tawa. Humawak pa ito sa tiyan niya at nag punas ng luha.
"Ano?! Girlfriend mo ang isang 'yun?! Eh sino 'yung nasa loob?" Tanong niya
Ikinagulat ko ang sinabi niya. Ayaw ko namang maniwala dahil malaki ang tiwala ko kay Karen. Hindi niya magagawa ang kung ano mang naiisip ni Jourland.
"Seryoso ka? Ginawa mong girlfriend ang babaeng pinagtrabaho ko sa bar? Anong trip niyong mayayaman?" Natatawang tanong parin nito
Kumunot na ang noo ko dahil hindi ko na matanggap ang mga insulto nito.
"Wala na ba siyang karapatang mag bago? Nag bago na siya at hindi na siya katulad ng dati. Wala akong balak na gawin siyang mas malala pa sa inaasahan mo. Hindi ako katulad mo na hindi rumirespeto sa babae at pinagkakakitaan pa." Saad ko
Hindi ko inasahan ang ginawa nito. Bigla itong lumapit at sinuntok ako sa mukha. Hindi ko rin nailagan ang pangalawang suntok nito dahil iniinda ko pa iyong nauna.
"Bayani ka pala eh! Bakit hindi ka marunong sumuntok?!" Galit na saad nito
Akma pa sana itong susuntok pero mayroong dumating na mga pulis. Laking pasasalamat ko dahil dumating ang mga ito at nag patrol sa oras na ito.
Itinaas ni Jourland ang dalawa nitong kamay bilang pag suko. Napatingin pa ito sa akin ng matalim pero nawala rin iyon dahil kinaladkad na ito ng pulis papasok sa patrol nito. Lumapit sa akin ang isang pulis.
"Sir, involve ang taong 'yan sa prostitution. I will talk to our attorney to file complaint." Saad ko
"Salamat, Sir. Matagal na naming minamatyagan ang isang 'to. Kami na ang bahala." Saad ng pulis
Nang nakaalis sila ay doon ko lang napunasan ang pumutok kong labi pati na rin ang dumugong kilay ko. Ngayon palang ay nahihiya na akong umakyat sa apartment niya. Natatakot rin akong umuwi dahil tiyak ay mapapagalitan ako ni Mama.
Dahil malapit na ngang mag alas dose ay umakyat na ako sa palag kung saan nandoon ang apartment nito. Nang makatapat sa apartment niya ay hindi na ako kumatok. Bukas kasi iyon ng kaunti kaya naman pumasok na ako.
Halos manginig naman ang tuhod ko dahil sa naabutan ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at parang napako iyon doon.
I saw her kissing another man passionately. I feel my heart broke because she haven't done that to me.
Nang mag tagpo ang tingin ay nanlaki ang mata nito. Mabilis siyang lumayo sa lalaking iyon at nag mamadaling nilapitan ako. Uminit ang ilalim ng mata ko hudyat na maluluha na ako. Nang kapitan niya ang kamay ko ay kaagad kong tinaggal iyon. Ni-hindi ko siya matignan dahil sa sakit.
"S-sorry, Carlhei." Halos pumiyok ito dahil nanginginig ang boses nito
Pilit ulit nitong inabot ang kamay ko ngunit iniiwas ko iyon. Kunot noo kong natignan ang lalaking kahalikan niya. Gusto kong mag salita ng masasamang salita dahil doon pa sa lagi niyang kasama sa trabaho. Iyong Lyke.
"Kailan pa 'to? Kailan pa tayo nag lolokohan dito?" Tanong ko
Hindi nakasagot si Karen at panay hikbi lang ang maririnig dito. Parang hinigop ang lakas ko dahil doon.
"Kailan pa ba 'to?! Kailan niyo pa ako niloloko?! Sagot!" Sigaw ko na
"Isa't kalahating buwan!" Sagot ni Karen
Doon tuloy tuloy na tumulo ang luha ko. Ito na naman ang pakiramdam na maloko. Ito na naman pag bali sa mga expectation ko.
"Hindi mo alam kung gaano kita pinagkatiwalaan, Karen. Ipinag tanggol ko ang pangalan mo sa kapatid ko, sa mga kaibigan ko at pati na rin sa Jourland na 'yun. Proud na proud ako dahil… dahil sa akin ay tumino ka." Puno ng hinanakit kong sabi, "Pero mali pala ako ng akala na makakasama kita habang buhay. I can't believe that… I fix you for another man. Binuo kita kahit maubo ako! Bakit ganito?! Ano bang kulang ko?!"
Muli ay sinubukan ako nitong hawakan pero sa galit ay naibalibag ko na ang kamay nito. Tumalsik ito sa Lyke na iyon.
"S-sorry." Muli na namang sabi nito
Bagamat lumuluha ay bahagya akong tumawa. Pinunasan ko ang luha ko at tumingin ng diretso sa kaniya.
"I'm tired of hearing sorrys, Karen. You of all people know that I suffered twice! Hindi ka nag padaig sa kanila kaya ito at bagong taon ay sinurpresa mo ako ng lalaki na 'yan?!" Galit na saad ko, "Pero ano nga bang magagawa ko? Mas mag tatagal pa yata kayo dahil mag kasama kayo sa trabaho."
Muli sana itong lalapit sa akin pero sinenyas ko ang kamay ko upang tumigil ito. Ayokong saktan ito ng pisikal dahil hindi ako ganoong lalaki. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng galit ko kaya mas pinili kong lumabas sa building na iyon. Dali dali akong pumasok sa kotse ko at tumungo doon. Iyong manibela ang hinampas ko ng ilang beses dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Nag umpisa nang mag ingay ang paligid hudyat na alas dose na. Hindi ako makapaniwalang ganito ko sasalubungin ang bagong taon.
Lumuluha parin ang mata ko ng makauwi ako sa bahay. Nang makapasok sa bahay ay tumambad ang magulang ko. Gulat na gulat si Mama ng makita ang mukha ko. Kaagad akong nilapitan nito at sinipat ang kabuoan ko.
"What happened?! Sinong nakaaway mo at putok ang kilay pati na ang labi mo?!" Nag aalalang sabi ni Mama
Lumapit ang katulong namin daladala ang medical kit. Para na akong lantang gulay at napatulala nalang. Hinayaan kong gamutin ni Mama ang sugat ko sa mukha. Nang matapos iyon ay umayos ako ng upo. Ni-hindi ko matitigan ang pamilya ko sa hiya.
"Maam may bisita po sa labas. Iyong girlfriend po ni Sir Carlhei." Saad ng katulong namin
Nag pintig agad ang tenga ko dahil doon. Muling bumagsak ang luha na ayaw kong makita ng pamilya ko. Nailagay ko sa tuhod ko ang dalawa kong siko at itinuon doon ang ulo ko.
Naamoy ko ang pabango nito. Papalapit ng papalapit sa pwesto ko. Pabilis rin ng pabilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kaniya. Ayaw mawala ng galit ko.
Nakita ko sa gilid ng mata ko na lumuhod ito sa harapan ng pamilya ko.
"Patawad po." Umiiyak na sabi nito
Tumayo ako sa kinauupuan ko at tumalikod dito.
"Paalisin niyo na siya dito. Hindi ko siya girlfriend. Wala akong girlfriend na manloloko." Buong hinanakit kong sabi
I heard my Mom gasp in disbelief. Aalis na sana ako pero hinawakan nito ang kamay ko. Masamang tingin ang ibinigay ko sa kaniya. Tumayo siya sa pagkakaluhod niya at umiiyak akong tinignan.
"A-ayusin natin 'to. M-may second chance pa naman 'di ba?" Pakiusap nito
Inialis ko ang kamay niya at bahagyang tumawa.
"Second chance, Karen?! Alam mo ba 'yang hihingi mo?!" Galit na tanong ko, "Hindi ako nag bibigay ng second chance, Karen. Dahil hindi magkakaroon ng second chance kung hindi mo sinayang iyong unang chance. Pero hindi kita masisisi, ako naman talaga itong nag pumilit pumasok sa buhay mo 'di ba? Kasalanan ko ito."
"Wala kang kasalanan, Carlhei. Kasalanan ko lahat. S-sorry, n-natukso ako." Saad nito
Mapait ko itong nginitian, "I'm letting you go. Please don't show up again. The damage is too painful, Karen. Dahil pinamukha mo sa akin na hindi lahat ng pinipili, tumatagal. Iyong iba pinili lang dahil nauna pero kapag may dumating nang iba, wala na."
Doon tuluyan akong nag lakad ako papalayo sa kaniya.
Narinig ko ang yabag nito ngunit tumigil rin. Isang malakas na sampal ang pumuno ng sala. Alam kong galing iyon sa kapatid ko.
"Get out!" Sigaw ni Neomi
Hindi ako lumingon. Hindi ko na kaya dahil pakiramdam ko ay nauupos na ako. Pumasok ako sa kwarto ko at nahiga sa kama ko. Gusto ko nang mag pahinga. Pagod na pagod na pagod na akong maniwala na may tunay na pag-ibig sa mundo na ito.
Pagod na pagod na akong masaktan. Nauupos na ako at sa tingin ko, hindi ko deserve ito.
Tuloy tuloy na namang tumulo ang mga luha ko. Sa pangatlong pagkakataon ay umiyak ako para sa maling tao.
"Hindi ko deserve 'to! Hindi!" Sigaw ko, "Bakit ba ako nalang lagi?! Ano bang ginawa kong mali?! Nag mahal lang naman ako! Bakit puro ganito?!"
Naihagis ko na ang lahat ng gamit ko sa table. Nag mukha nang basura ang kwarto ko. Pero isa lang ang hindi nabago… pagod na pagod na ako.