ดาวน์โหลดแอป
41.93% When You Love Too Much / Chapter 13: Chapter 12

บท 13: Chapter 12

Carlhei Andrew POV

"Ask him if you don't believe me! Totoong binato niya 'yung bike niya at nag madaling pumunta doon sa eskinita." Sigaw ni Neomi sa mga kaibigan ko

Napatigil sa pagkain ng meryenda ang mga kaibigan ko at nilingon ako. Kitang kita ang gulat sa mga mata nila at alam ko ang dahilan noon.

"Bro seryoso ba 'yon? Nag sisinungaling lang si Neomi dahil O.A siya 'di ba?" Tanong ni Reinest

"Binato mo 'yung kalahating milyon na halaga na bike? Bro, may lagnat ka ba?" Tanong rin ni Karl

"Kinikilabutan ako kapag naiisip kong dumampi sa lupa ang bike mo." Saad ni Steven

Napabuntong hininga ako at binatuhan ng masamang tingin ang kapatid ko.

"Mag kaiba ang 'binato' at 'naibato' mga bano. Naibato ko iyon dahil sa adrenaline rush. Iisipin ko pa bang i-stand ang bike ko kung kada-segundo ay may buhay na pwedeng mawala?" Pag dipensa ko sa sarili

Tango tango ang ibinigay nilang reaksyon sa sinabi ko.

"Pero sino ba 'tong babaeng iniligtas mo at parang game na game ka mag pasugat dyan sa braso mo?" Tanong ni Reinest

Tanong palang iyon ni Reinest ngunit kaagad na akong napangiti. Naalala ko kasi ang mukha niya noong sinabi niya na pwede ko raw siyang bigyan ng apelyido. Para sa akin ay astig iyon dahil ilan lang ang babaeng may lakas ng loob para bumanat ng ganoon.

"Karen ang pangalan niya. Wala daw siyang apelyido pero pwede ko raw bigyan." Nakangiti kong sabi

Sabay na naitampal ni Neomi, Reinest at Karl ang noo nila dahil sa sinabi ko. Iiling iling naman si Steven na tumingin sa akin, halatang dismayado.

"Iyong babae sa bar! Nakita ko 'yung name tag niya noong nakaraan eh." Saad ni Karl

Tumango tango ako bilang tugon sa kaniya.

"Ano?! Sa bar siya nag tatrabaho?!" Gulat na tanong ni Neomi

Kunot noo ko itong tinignan dahil hindi ko nagustuhan iyong tono niya.

"What is that tone Neomi?" Tanong ko dito ng hindi binabago ang ekspresyon ko

Tunog iyon ng nang huhusga kaya hindi ko iyon nagustuhan. Para bang kilala niya na 'yung tao para pag salitaan niya ng ganoon.

"C'mon, Kuya. You know what job that will suit to her. Can you just at least use your brain?" Saad ni Neomi

Napangiwi ako dahil sa sinabi nito. Tutol ako sa mga sinabi niya.

"And what? Can't a person change for better? That's why I am curious about her. I wanna know why she's doing that job because no person will do it for fun!" Pag argumento ko

Tumawa pa ng sarkastiko si Neomi at pinagkrus ang braso nito.

"Iyang idealism mo ang dapat sitahin dito eh. Akala mo ba mababago mo siya? Tumakbo ka nalang kayang presidente at 'wag ka na mag civil engineer? Gusto mo pala ng pagbabago eh!" Sigaw rin niya pabalik sa akin

"Tama na 'yan. Baka marinig kayo ng Mama niyo. Ilang metro lang ang layo ng opisina niya dito sa living room." Saway ni Steven

Masamang tingin ang ibinato ko kay Neomi at ganoon rin siya.

"Kapag nasaktan ka 'wag mo akong kakausapin ah. Hahayaan kitang mag breakdown mag isa. Para naman matuto ka na." Saad ni Neomi

Padabog itong nag lakad at nag tungo sa taas. Wala akong nagawa kung hindi ang humalukipkip dahil napikon rin ako sa mga sinabi niya.

"Hindi sa kinakampihan ko iyong kapatid mo ha? Alam mo namang hinding hindi ko kakampihan 'yang o.a mong kapatid eh." Saad ni Karl at bahagya pang tumawa, "Pero alam mo for the first time may punto siya. Ilang months lang ang pagitan simula noong nangyari iyong kay Ellaine eh. Pahinga ka muna kaya?"

"Eh bakit naman? Eh nakaramdam ulit siya ng spark eh. Bakit titigilan?" Saad ni Reinest

Napabuntong hininga si Karl at nilingon ito.

"Palibhasa hindi ka pa nakikipagbreak kay Dannica eh. Posible kasi na kapag humanap agad siya ng bago, 'ng padalos dalos' lang ay mauulit ulit 'yun." Paliwanag ni Karl

"Medyo may punto ka rin, Karl. Pero pakinggan na muna natin ang side ni Carlhei. Alam naman nating hindi ito nag kakagusto sa kahit sino lang." Saad ni Steven

Sabay na tumingin sina Reinest at Karl hudyat ng pag uumpisa kong mag salita.

"Sa tingin ko iba siya sa lahat. Hindi siya 'yung babaeng pa-sweet. Knowing na ganoon nga ang trabaho niya ay hindi parin niya ugaling mag take advantage ng tao. Una ko palang siyang nakita doon sa bar noong graduation party natin ay nacurious na agad ako sa kaniya. She deserves a better treatment. Hindi niya deserve ang judgement na katulad ng narinig niyo kanina." Paliwanag ko

Tinapik ni Steven iyong balikat ko at tumango tango ito sa akin.

"Naiintindihan ka naman namin, Carlhei. Ang kailangan mo lang ay mag ingat dahil baka kung saan ka dalhin ng curiosity mo. Sana alam mo parin ang limitasyon mo sa pang hihimasok sa buhay ng iba." Saad ni Steven

Tumango tango ako bilang tugon.

"'Wag mo nang intindihin ang kapatid mo. Panigurado ay nag aalala lang siya dahil nga dalawang beses ka nang nagamit. Kahit ako naman bro, mag babakla ako at mananabunot kapag ginanon ka ulit eh." Pabirong saad ni Karl

Dahil tuloy doon ay nawala ang pagiging malungkot ng paligid.

"Pwero biro, Carlhei. Minsan hindi mo kailangang baguhin iyong tao. Pero pwede mo rin silang mabago dahil sa mga kinikilos mo. If you wanna pursue her, we will help you as much as we can. And as much as it is reasonable to help you." Saad mi Reinest

Ngiti ang ibinigay ko rito dahil doon.

"Salamat at naiintindihan niyo ako." Saad ko

"Oo naman. Tamang tama 'yan dahil mag eexam tayo. May inspirasyon ka na naman." Saad ni Reinest

Hindi ko maiwasang ngumiti lalo. Ganoon naman siguro iyon. Nag kakagusto tayo sa tao dahil may something na nag caught ng attention natin.

Anong nakita ko sa kaniya? Matapang siya. Pero hindi naman habang buhay ay mataapang ka. Darating ang puntong matatakot ka rin. Bigla ay gusto kong nandoon ako sa tabi niya kapag natakot na siya. Dalawang beses ko na siyang nakitang sinasaktan ng lalaki, hindi ko na yata kayang makita iyon ng pangatlong beses.

Dahil wala na kaming gagawin sa hapon ng mga kaibigan ko ay napagpasyahan naming mag tungo doon sa bar na pinagtatrabahuhan niya. Malayo palang ay nakikita ko na itong nag seserve ng drinks sa bar island. Ngingiti lang ito kapag nag seserve ngunit kapag hindi na kaharap ang customer ay sisimangot ulit ito. Bahagya tuloy akong natawa dahil doon.

Lumapit kami sa bar island at doon tumambay dahil nandoon siya.

"Order natin mga sir?" Tanong ni Karen

Nakatalikod ito dahil may sinusuring alak sa may stand. Kaya niya narinig ang pag dating namin ay kumatok si Karl sa mesa nito.

"Can you give us a low-booze beer, Dry Vermouth and Manhattan?" Tanong ni Karl

Nang kunin nito ang mga bote ng alak na sinabi ni Karl ay doon palang ito humarap. Bahagya itong nagulat sa presensya ko ngunit nakabawi rin naman.

"'Yan lang ba?" Tanong ni Karen kay Karl

Nginuso ako ni Karl at tumawa, "Baka siya may ibang gusto bukod sa beer." Pang aasar ni Karl

Nag tawanan tuloy sina Reinest at Steven dahil gulat na gulat ako doon. Nahihiya man ay tinignan ko si Karen. Wala itong reaksyon na nakatingin rin sa akin.

"Bakit nag sama kayo ng good boy dito? Hindi ito lugar pa sa tulad niya." Saad ni Karen

Hindi ako nakapag salita dahil doon. Bigla ay para akong kinuhaan ng dila. Pinanood ko nalang itong mag halo at mag salin nung inorder na inumin ni Karl. Matapos nga noon ay bumaling siya sa kararating lang na customer na katabi ko.

"VIP ako dito kaya ayusin mo sana ang pag aasikaso sa akin." Saad ng lalaking katabi ko sa tono na nag yayabang

"Opo, Sir." Saad ni Karen at pekeng ngumiti

Imbis na sa usapan ng mga kaibigan ko ako makinig ay dito sa lalaking ito ako nakabantay. Hindi ko gusto ang presensya niya. Paminsan minsan ay sumusulyap ako sa kanilang dalawa. Bigla ay napatuwid ako ng pagkakaupo ng ilapit ng lalaki ang labi niya sa tenga ni Karen. Naalarma ako ng lumayo kaagad si Karen.

"Alam ko ho na VIP kayo pero dito po ako nakalagay. Hindi ko po mapagbibigyan iyong gusto niyo." Saad ni Karen

Padabog na ibinagsak ng lalaki ang baso niya kaya naman nabasag iyon. Halata ang gulat ni Karen dahil malamang sa malamang ay sa kaniya isisisi iyong nabasag na baso na iyon.

"Ano ba naman?! Simpleng hiling lang hindi mo pa magawa?! Nag mamalinis ka pa eh alam naman ng lahat na you're a slut!" Sigaw ng lalaking ito

Dahil doon ay may lumabas na lalaking nakauniporme ng disente. Masasabing ito ang manager ng bar na na ito dahil sa name tag nito.

"Sir ano pong problema?" Tanong ng manger at nilingon pa si Karen, "Ikaw na naman ang problema, Karen?! VIP 'yan oh!"

Naikuyom ko ang kamay ko dahil doon. Pinipigilan kong 'wag mangialam dahil alam kong magagalit sa akin si Karen kapag nangialam ako.

"Iyan kasing babae na 'yan. Kung makatanggi eh akala mo hindi pa siya nai-kama!" Sigaw ng lalaki

Napatingin ako sa rekasyon ni Karen. Halatang nasaktan sa narinig niya ngunit pinilit paring i-maintain ang pustura nito.

"Pinaliwanag ko naman ho na dito ako inilagay. Hindi niyo po ba naintindihan? Kailangan ho ba ng ingles? Pasensya na ho at kaunti lang ang alam kong ingles. My manager said that… this is my duty for today. Ingles na ho iyan. Sana kuha niyo na." Saad ni Karen

Nagulat ako ng sampalin ng lalaki si Karen. Dahil doon ay napatayo ako sa kinauupuan ko.

"Namimilosopo ka pa? Ang lakas ng loob mo ah!" Saad ng lalaki

Muli sana nitong pagbubuhatan ng kamay si Karen ngunit sinangga ko iyon. Ibinato ko ang kamay nito at sinamaan ng titig. Bago ito mag salita ay dinala ko na sa labas si Karen.

"Bitawan mo nga ako!" Galit na sigaw nito

Tyaka ko lang ito binitawan ng makapunta kami sa parking lot. Halata ang galit nito dahil sa sama ng tingin nito sa akin.

"Bakit ka ba pumapayag ng ginaganon ka?!" Tanong ko

"Ang alin?!" Galit na tanong nito

"Ang sampalin, bastusin at pag salitaan ka ng masasamang salita! Bakit ka pumapayag ng ganoon?!" Saad ko

Kunot noo ako nitong tinignan at bahagya pang nag isip. Muli ay ipinakita na naman niya ang ngisi niya.

"Wala ka nang pake doon. Trabaho ko iyon at may mali rin ako. Hindi ka na dapat sumawsaw pa! Mawawalan ako ng trabaho dahil sa ginagawa mo!" Galit na saad nito

Akma itong aalis ngunit hinila ko ang pulsuhan nito pabalik sa harap ko.

"Ano bang gusto mo ha?!" Galit na saad nito

Bumuntong hininga ako bago nag salita.

"Mag resign ka na sa trabaho mo. Hindi ka nararapat doon." Saad ko

Tumawa ito ng sarkastiko tyaka pabatong inalis ang kamay kong nakahawak sa pulsuhan niya.

"Sino ka ba para pag sabihan ako na mag resign sa trabaho ko? May utang akong binabayaran kaya hindi ko gagawin iyon." Saad nito

Akma ulit itong aalis ngunit hinila ko ulit ito pabalik. Sumalubong sa akin ang masamang tingin niya dahil doon.

"I can give you a decent job. May company kami." Saad ko

Itinulak ako nito palayo dahilan ng pag bitaw ko sa pulsuhan niya.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo at lalong lalo na ang pera mo. Ang kailangan ko lang ay umalis ka na dito at 'wag mo na akong papakialamanan pa." Saad ni Karen at tuluyang umalis

Doon ko napagtanto ang isa pa niyang katauhan. Hindi siya mahilig sa pera ko kahit mayaman ako. Pursigudo siya na bayaran ang utang niya ng mag isa lang. Isang bagay na hindi ko natagpuan sa dalawang nauna.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C13
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ