ดาวน์โหลดแอป
19.35% When You Love Too Much / Chapter 6: Chapter 5

บท 6: Chapter 5

Carlhei Andrew

"And then? 'Yun lang?" Sunod sunod na tanong ni Karl

Ngumiwi ako dahil sa tanong niya. Mukha kasing nag hahanap pa ng dagdag na kwento eh.

"Anong gusto mong gawin ko? Ayain ko na ng kasal?" Biro ko dito

"Eh kasi 'yun lang? Nag punta lang kayo sa art exhibit tapos nag dinner then uwi na? Hina mo naman bro." Saad ni Reinest

Natawa dahil doon si Steven at umiling iling sa dalawa.

"Kayo ang mahina. Hindi niyo gets 'yung galawan ng kaibigan nating lover boy eh." Saad ni Steven at tinapik pa ang balikat ko, "Syempre dahan dahan lang mga bro. Hindi naman madaling madali itong kaibigan natin eh."

Tumango tango ako kay Steven bilang pag sang ayon sa sinabi niya.

"Mismo, bro. Buti ka pa naiintindihan ako." Saad ko

Kasalukuyan kaming nag lalakad papunta tambayan namin dahil free time namin ngayon. Mataas pa ang araw pero dahil ayaw nila sa loob ng room ay nag pasya kaming pumunta rito.

Si Karl naman mamaya pang hapon ang klase pero maagang pumasok para makipag kwentuhan. Ayaw niya raw sa bahay nila dahil nas gusto niyang sumagap ng balita. Tsk, kalalaking tao.

"Sabagay, mag punto kayo. Basta ako best man ha?" Saad ni Karl

Natawa ako dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi lang pala ako ang nag lolook ahead sa future kung hind siya rin.

"Ang duga mo naman doon, Karl. Sampid ka lang dito oh, tatlo kaming Civil Engineer tapos ikaw Mechanical Engineer." Saad ni Reinest

Hindi ko na pinansin pa ang pag tatalo nila dahil lumipad na ang isip ko sa paksang ibinigay sa akin ni Karl. 'Yung kasal.

Kapag naging successful Engineer ako at kami na ng oras na 'yun ay aayain ko na siyang mag pakasal. Masyado pa namang malayo iyon pero maganda kung prepared.

"Si ano ba 'yun?" Tanong ni Reinest

Kaagad na napukaw noon ang atensyon ko. Madalas kasing kasunod noon ang pag tawag nila sa pangalan ni Ellaine.

Kaso nadisappoint lang ako ng nakita si Neomi na nag lalakad kasama ang mga kaibigan niya.

"Ang gaganda ng kasama ni Neomi. Malupit rin 'yang kapatid mo eh, sumasama sa nga senior niya." Saad ni Karl

"Ginagawa niya iyon para humingi ng knowledge. Ngayon alam ko na kung bakit wala kang kaclose sa mga freshman." Saad ni Reinest

Natawa kami dahil doon. Halata naman kung ano bang gustong sabihin ni Reinest doon.

"Okay lang rin 'yan, truth hurts pre." Saad ni Karl at tinapik pa ang balikat ni Reinest

Total mag tatanghalian na rin ay nag pasya kaming mag tungo sa cafeteria. Dahil alam naman naming hindi sasabay sa amin si Neomi ay nag umpisa na kaming kumain. Nasa kalagitnaan kami ng pag kwekwentuhan ng may mag lapag ng tray sa tabi ko. Kaagad kong tinignan iyon at nakitang si Ellaine iyon.

"Can I join?" Tanong niya at ngumiti pa

Kahit sa buhay ko pa ikaw mag join okay lang.

"Oo naman." Nakangiti kong sabi

Umusod pa ako para makaupo ito ng ayos.

"Hi Ellaine!" Bati ni Karl dito

Gusto kong umiling dahil mas excited pa ito sa akin. Samantalang ako hindi makapag react dahil nakakabading naman siguro kung kikiligin ako dito samantalang siya ay walang kamalay malay na gusto ko siya.

"Hi sa inyong lahat." Saad ni Ellaine at nginitian silang tatlo

"Pabayaan mo na 'yang mga 'yan, Ellaine. Kumain ka na." Saad ko

Tumango naman ito sa akin at ngumiti.

Naging maayos rin naman ang tanghalian namin. Tanging si Reinest at Karl lang ang maingay. Naunang umalis si Karl dahil papasok na ito sa klase niya. Naiwan tuloy kaming apat.

"Una na kami sa room ni Steban." Saad ni Reinest

Tinanguan ko nalang ito. Alam ko namang ginawa nila iyon dahil kasama ko si Ellaine.

"Wala kayong professor?" Tanong ni Ellaine

Kasalukuyan kaming nag lalakad papuntang library. Nandoon raw kasi ang mga gamit niya.

"Oo pero may iniwang gawain. Madiskarte." Natatawang sabi ko, "Ikaw pala? Bakit nasa library ang mga gamit mo?" Tanong ko

Napabuntong hininga pa ito bago nag salita, "Paano kasi, minadali ko kahapon 'yung plates ko. Ayun, pumalpak. Kailangan ko tuloy ulitin. Ipasa ko raw ng 5 pm sa faculty room." Disappointed na sabi niya

Ano kayang pwedeng gawin para hindi na siya gaanong malungkot?

Nakarating na kami sa library at natunton namin ang mga gamit niya. Laking gulat naming makita na puro dumi na ang plates niya. Mayroon na siyang naumpisahan at patapos na nga.

"What the freak." Nag papanic na sabi ni Ellaine

Aligaga nitong inayos ang mga gamit niya at kumuha ng panibagong sheet. Basta nalang dapat niyang lalagyan ang sides ng tape pero pinigilan ko ito. Nakita ko kasi na mayroon siyang kandila kaya naman tumabi ako sa kaniya at nilagyan ng kandila ang bawat side ng sheet. Matapos noon ay doon ko palang nilagyan ng tape ang bawat side para hindi mausod.

"Calm yourself, Ellaine." Saad ko

Nanginginig ang kamay nito dahil sa nerbyos. Hinawakan ko ang kamay nito at ngumiti dito.

"I will help you, just calm down. I will start and you will do the finishing." Saad ko

Tumango ito ng bahagya. Mabilis kong kinuha 'yung luma niyang sheet ang kinuha ang bawat sukat ng dinrawing nitong contemporary residence.

"May klase ka pa sa hapon." Biglang sabi ni Ellaine

Nalimutan ko na ang bagay na iyon dahil sa pangyayaring ito. Nang pag masdan ko ang mukha niya ay muli na naman itong kinabahan dahil mayroon akong klase sa hapon. Bahagya akong ngumiti dito.

"Ayos lang. Saglit lang naman 'yun at uwian na rin." Saad ko

Hindi na ano nag aksaya ng panahon at itinuloy na ang pag gawa ng plates niya. Inabot ako ng tatlong oras dahil doon. Kahit pa sabihing engineering student ako ay may pagkakaiba parin ang pag dadrawing namin. May style si Ellaine na hindi ko magaya.

"Okay na 'yan." Saad ni Ellaine

Siya ang pumalit sa pwesto ko at ginawa niya ang finishing part. Siya na 'yung nag kulay noon at hindi rin iyon madali. Nang mapansin kong humaharang buhok nito ay kinuha ko ang panali niya at itinali ang buhok niya.

"Thank you." Saad nito ngunit hindi tumitingin sa akin

Nakafocus lang ito sa ginagawa niya kaya naman napatitig lang ako sa kaniya. Naitukod ko pa ang siko ko sa mesa at ipinatong ang ulo ko sa kamay ko. Bahagya kong itinagilid ang ulo ko para makita ko siya ng ayos.

Ang ganda niya kahit seryoso. Walang make up pero maganda talaga. Simpleng babae lang at mabait pa. Hindi ko yata mapapatawad ang sarili ko kapag nawala ko ang isang tulad niya.

"Ayan tapos na!" Masayang sabi niya

Bigla tuloy nag "shh" ang librarian dahil sa nagawang ingay ni Ellaine. Bahagya tuloy akong natawa dahil doon. Nang matuyo ang watercolor doon sa sheet ay dahan dahan niya iyong tinanggal sa table. Nag mamadali itong tumayo sa kinauupuan niya kaya napatingin ako sa relo ko. 4:30 pm na rin pala.

Dahil ako ang naiwan ay inimis ako ang mga gamit niya. Matapos imisin iyon ay dinala ko ang gamit niya papalabas ng library.

Nagulat ako ng makita sina Steven, Reinest at Karl na nakatingin sa akin ng masama. Sa tingin ko ay nag bibiro lang sila kaya agad akong lumapit sa kanila.

"Huwarang kaibigan goes to… Carlhei!" Saad ni Karl

Ibinato sa akin ni Reinest ang bag ko at ngumisi pa.

"Kailan ka pa natuto mag cutting?" Nanenermon na tanong ni Reinest

Napangiwi ako dahil doon. Kitang kita sa mukha nilang tatlo ang pagkadismaya sa akin.

"Isang beses lang ito. Nasira kasi 'yung plates ni Ellaine. Tinulungan ko siyang gawin iyon." Saad ko, "Mukha kayong mga selosang girlfriend at nanay dyan."

Iiling iling nalang sina Reinest at Karl dahil sa sagot ko.

"Tapos kailangan ikaw rin mag bibitbit ng gamit niya? Bawas pogi 'yan bro." Saad ni Reinest

"Baliw. Alangan namang hayaan ko doon sa library? Tyaka nag kusa ako ha." Saad ko

Tinanaw ko ang faculty room na pinasukan ni Ellaine at nakita siyang lumalabas doon. Nakangiti ito habang pumupunta sa gawi namin. Sigurado akong naging maganda ang sinabi ng professor niya.

"Chat ko sayo 'yung nilesson, bro. Pero hindi ibig sabihin noon lagi kong gagawin iyon at kukunsintihin kita sa ginawa mong pag cut ng class." Saad ni Steven

Tinapik ako nito sa balikat at bahagyang ngumiti. Sumenyas na ito na aalis na sila kaya kumaway nalang ako.

Maski rin naman ako ay nang hihinayang sa oras na hindi ko ipinasok. Pero hindi ko naman iyon palaging gagawin. Graduating ako kaya alam kong magiging butas iyon sa akin.

"Salamat sa tulong mo, Engineer. Kung wala ka doon baka wala akong natapos dahil sa nerbyos." Saad ni Ellaine

Nag lalakad ba kami papunta sa bus stop.

"Wala 'yun. Tyaka kapag nalagay ka ulit sa ganoong sitwasyon 'wag kang mag panic kaagad. There's a big posibility that you will fail." Saad ko

Kinuha na niya sa akin ang gamit niya at ngumiti ng malapad. Nakakatuwa talagang pag masdan iyon.

"Yes, Engineer!" Saad nito at sumaludo pa

Nang makasakay kami ng bus ay nakinig lang kami sa music. Nakakatuwa ang playlist niya. Iyong mga favorite ko rin.

I knew you're the one.

Nang makababa naman kami ay nagulat ako dahil huminto ito sa may street food.

"Gusto mo ba nyan?" Tanong ko

Ngumiti ito at tumango tango. Para itong bata na naexcite bigla dahil bibilhan ng candy. Kaagad akong bumili ng isaw at kwek kwek.

"Favorite ko 'tong isaw. Tumatakas pa ako sa bahay para bumili nito." Saad niya at iniangat pa ang isaw

Mahilig rin siya sa streetfoods at hindi maarte.

"Same. Pero hindi naman ako pinag babawalan ng parents ko." Natatawa kong sabi

"Buti ka pa. Maarte kasi si Mom." Natawa rin ito

Nag balot pa kaming dalawa ng isaw at kwek kwek para may kinakain kami habang nag lalakad. Malapit na kami sa gate ng subdivision nila ng may narinig akong bumusina. Nilingon ko iyon at laking gulat ko ng makita si Papa.

"Pa!" Tawag ko rito dahil ibinaba niya ang window

"You're going home now?" Tanong ni Papa

Tumango tango ako rito bilabg tugon. Tinignan ko si Ellaine at tinuro si Papa sa likod.

"That's my dad. I hope you two will meet soon." Saad ko

Tumango tango ito at ngumiti pa. Sinilip niya si Papa sa likod at kumaway rito.

"Paano ba 'yan, Engineer? Uuna na ako ha?" Saad niya

Tumango ako rito at ngumiti rin.

"Bye, Architect." Saad ko

"Bye, Engineer. Ingat kayo ng Papa mo." Saad niya at kumaway kaway pa

Nang makasakay ako sa kotse ay nakita ko pang inantay niya munang makaandar ang kotse namin bago siya umalis. Napangiti tuloy ako dahil doon.

"Sana siya na, Pa." Saad ko kay Papa ng mapansin kong nakatingin ito

"Give it a try then to know if she's the one." Saad ni Papa, "But should not rush, son. I know you're not that type of person so that's okay."

Napangiti tuloy ako dahil doon. Sana lang talaga mag work ang lahat because I want her to be my future. She's too perfect and I can't lose her.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C6
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ