ดาวน์โหลดแอป
63.33% Photoshopped / Chapter 19: Chapter 17

บท 19: Chapter 17

Chapter 17: Your Love

Iba pala ang pakiramdam kapag alam mong ma'y taong nagmamahal sa'yo. 'Yung taong tanggap ka maging anuman ang pagkatao mo. Hindi man ako maganda o mayaman, minahal pa rin ako ni Felix ng buong-buo. Walang araw na hindi ipinapamalas ni Felix ang pagmamahal niya sa'kin. Kaya feeling ko ako na ang pinakama-swerteng babae sa buong mundo.

Ilang weeks na ang lumipas simula ng ligawan niya ako, nanliligaw pa rin naman siya hanggang ngayon, pero kung magturingan kami ay para na kaming magkasintahan. I'm trying to find the right time para sagutin siya. Gusto ko kasing maging memorable ang araw kung kailan ko siya sasagutin. I took the risk to love him and it wasn't a mistake. Simula no'ng ligawan niya ako, naging masaya na palagi ang araw ko. He saved me from my darkest times.

I was depress no'ng mga nakaraang araw. Ang daming nang bash sa'kin tungkol sa relasyon namin ni Felix. Hindi ko daw siya deserve dahil sinaktan ko siya sa harap ng maraming tao. Yeah, they really believe our false relationship back then. I'm so lucky dahil nasa tabi ko lang palagi si Felix. He was the one who fixed everything. He cleared my name from every issue I had. Hindi ko alam kung paano niya nagawa 'yon but I was thankful enough to have him.

Umalis na si Ann noong kabilang linggo at bumalik na ulit sa Florida. She wished all the best for our relationship. Indeed, she is a true friend.

Everything seems so perfect already, sana wala itong nakahandang kapalit sa hinaharap. I can't afford to lose those important people around me. Especially Felix, I really love him from the bottom of my heart. Ang korny ko na rin palagi. Tinuruan kasi ako ni Felix na magmahal. Tinuruan niya ang puso kong sarado na magbukas sa ibang tao.

Iba na rin ang tama ko kay Felix. Malala na, hindi kumpleto ang araw ko ng hindi siya nakikita. Gusto ko kasing nasusulyapan ko palagi ang mga ngiti niya. Akala ko dati awa lang ang nararamdaman ko para sa kanya pero hindi pala. Mali ako sa part na 'yon. Pagmamahal na pala 'yon na hindi ko lang napapansin.

Nasa kantina kami ngayon at pinupuyudan niya ako. Siya pa nga ang ma'y dala ng sanriyo 'e. Sinamahan ko pa nga siyang bumili.  Lunch time kasi namin at ma'y activities sa bawat club kaya maraming vacant.

"Felix, bakla ka ba?"

"Baby naman, pinupuyudan ko din si Ate Felicia noon." Inis na saad niya.

"Tinatanong ko lang 'e. Bakit ka gigil?"

"Kakagatin ko na talaga 'yang pisngi mo kapag 'di ka tumigil."

Natawa ako sa kanya. Kung dati pinipisil niya lang 'yung pisngi ko, ngayon kinakagat na niya. Kanina ko pa kasi siya tinatanong kung bakla ba siya. Marunong kasi siyang magpuyod ng braid at magmake-up samantalang ako walang kaalam-alam sa mga bagay na 'yan. Biruin mo itong bad boy at heartthrob ng school ma'y ganitong talento, ang cute lang.

Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pag-kain. Ang bagal niya magpuyod, ang kapal daw kasi ng buhok ko. Haha. Kasalanan ko ba 'yon?

Parang dati lang, nag-aaway ang puso at isip ko kung mahal ko ba talaga si Felix. Pero ngayon, nakakasiguro talaga akong mahal ko siya. Madami ng patunay na nagsasabing totoong mahal ako ni Felix. This time, hindi ako nagkakamali at sigurado ako sa kanya. Tamang tyempo na lang ang kailangan ko para sagutin siya.

Pagkatapos niyang magpuyod sa'kin ay sumabay na siyang kumain. Tapos na akong kumain kaya pinagmasdan ko na lang siya. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya kaya ngumiti siya ng malapad bago bumalik sa pag-kain.

"Girl," Pagtawag sa'kin ni Tina. "Ano na, ma'y balak kang tunawin si Papa Felix?"

Nawala man si Ann sa tabi ko, ma'y dumating namang iba, I'm happy to say na si Tina 'yon. Ang babaeng hindi ko inakalang magiging kaclose ko. Kahit hindi ako ang president ng club ay sa'kin siya parati humihingi ng tulong. Minsan nga kapag wala siya ay ako ang naghahandle ng club with the organization.

Siya naman, palagi niya akong inaayusan ng buhok, tinuturuang manamit ng pangbabae at palaging nakikipagchikahan sa'kin katulad no'ng mga panahon na kasama ko si Ann. Para talaga siyang duplicate ni Ann 'e, ang ipinagkaiba lang nila ay mas madaldal si Tina kaya tawang-tawa ako palagi kapag nagkwekwento siya. Ang dami niyang baong jokes at palaging sarcastic in a goofy way.

I glared at Tina. "Papa Felix ka diyan! Isusumbong kita kay Jian 'e."

As for her and Jian, sila na. Sobrang bilis ng pangyayari, manliligaw palang si Jian sa kanya ay sinagot na niya agad ito. Hindi niya daw kaya na patagalin pa dahil totoong mahal na mahal niya naman si Jian. Natutuwa nga ako 'e, bumait na talaga si Tina. Nakilala ko na din siya ng mas malalim.

"Ma'y kasalanan pa 'yun sa'kin! Nakakastress 'yang bestfriend mo. Sabi ko h'wag nang mag-entertain ng ibang babae sa praktis nila pero ginawa niya pa rin, tsk." Bulyaw ni Tina.

"Sapakin mo, girl." Natatawa kong sabi. Ibang klase magselos, ang cute.

"Tina sunshine ko!" Sigaw ni Jian. Agad niyang inakbayan si Tina pero inalis agad 'yun ni Tina at na-upo sa tapat namin. Nakangiting tumingin sa'kin si Jian bago umupo. "Wow, new and improved na Marzia. Alagang Felix nga pala. Ang ganda talaga ng bestfriend ko."

"Kaya alagaan mo din 'yang si Tina para bumait naman. Ang ingay niyan sa meeting kanina." Sabi ni Felix.

"I'm just stating my opinion regarding to the schedule of clubs. Duh, we can't just finish the club's activities within four days, nakakabitin!"

Napapikit na lang si Felix sa stress. "We have to. Ma'y basketball league pa na magaganap. Hindi pwedeng ma-delay 'yon. Hectic ang schedule natin."

"Yeah, yeah, I know." Napairap na lang si Tina.

"Tina sunshine ko, h'wag ka ng magalit, please. Ikaw lang naman ang the apple of my eye ko 'e." Pagpapaliwanag ni Jian.

Ang cute talaga nila. After looking at them together, napaisip na lang ako. Sino kaya 'yung sinabi ni Jian na mahal niyang iba? Siguro sinabi niya lang 'yon para layuan siya ni Tina noon. Kita ko naman kasi ngayon kung gaano niya kamahal si Tina 'e. Bagay na bagay talaga sila!

"Hey," Pagtawag ko kay Felix. "Relax ka lang ha. H'wag mo masyadong pagudin ang sarili mo, kasali ka pa naman sa liga."

He smiled at me. "For you, I will."

"Kinabog niyo naman kami!" Sabi ni Tina. Natawa kami habang patuloy pa rin si Jian sa pagsuyo kay Tina. "Gano'n ang tamang pagbanat Jian! Paturo ka muna kay Felix!"

Ma'y babaeng lumapit kay Tina at mukhang officer siya ng organization ng Photography Club. "Girl, iwan ko muna kayo. Sumunod ka na lang sa auditorium after."

"Sige."

Umalis na siya at sinundan naman siya ni Jian. Nagpaalam muna siya sa'min bago umalis. Ang cute talaga nila, ang consistent ni Jian kay Tina. Bumabawi talaga siya, nakakatuwa lang.

Pagkatapos naming maglunch ay dumeretso na ako sa auditorium at si Felix naman ay sa gym para sa basketball practice nila. Pareho silang kasali ni Jian sa liga kaso nga lang ay sa magkabilang panig pa. Mamaya namin sila pupuntahan ni Tina para manood.

Kasama ko ngayon ang organization ng Photography Club at nagaayos kami ng arrangement ng activities. Sobrang dami naming activities kaya para sa'min ni Tina ay sobrang bitin talaga ng four days para matapos lahat ng ito. Sa fifth day kasi mamimili ng best club of the year ang faculty. Hayst, nastress tuloy kaming lahat. Mabuti na lang at masipag ang presidente ng dalawang panig. So 'yun nga, today magdi-discuss na sila ng mga activities dahil malapit na ang araw kung kailan magbubukas ang club.

Photography Club Activities

1st Day

1st Activity: Photo Walk

2nd Activity: History of photography

2nd Day

1st Activity: Workshop

2nd Activity: RAW editing Challenge

3rd Day

1st Activity: Off-camera flash or artificial light workshop

2nd Activity: High Dynamic Range/exposure blending tutorial and

focus stacking tutorial

4th Day

1st Activity: Photoshop workshop

2nd Activity: Group photography project

Pagkatapos ng meeting, agad akong hinila ni Tina palabas ng auditorium dahil manonood na kami ng praktis nina Felix, kaso nasulyapan ko si Spencer na nagbabasa.

"Girl, pwede bang umuna ka na sa gym?"

She pouted. "Why? Hindi pwede. Tara let's na."

"Please, mabilis lang. Susunod na agad ako."

"Sige na nga, girl. Kapag late ka ng five minutes ipapahanap na kita kay

Felix."

"Ano ako bata?!"

"Semi!" Marahan kaming tumawa bago tumalikod sa isa't isa. Medyo natututo na rin si Tina ng lenggwahe ko.

I took a glimpse on Spencer. Ngayon ko na lang ulit siyang nakita. Ewan ko ba, pagkatapos no'ng eleksyon hindi na siya nagparamdam sa'kin. Hindi niya obligasyon 'yon, pero hindi ba't magkaibigan naman kami? Nilapitan ko siya pero nasa papel pa rin ang atensyon niya.

"Hi Spencer," Pagbati ko. "Kamusta?"

"Okay lang."

"Sama ka sa'min ni Tina sa gym? Manonood kami ng praktis."

He looked at me but he looked like irritated. "I'm sorry. I'm currently busy with something." Sabi niya. Ibinalik na niya ang atensyon sa papel na binabasa niya.

"How about bukas ng lunch, sabay ka sa'min?"

"I can't. I have other things to do."

Para bang sinasabi niya na umalis na ako dahil masyado ko na siyang nagugulo. Sa tono kasi ng pananalita niya gano'n ang dating sa'kin 'e. Hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin. He acts cold, I guess. Nakakapanibago sa'kin na makita siyang ganito. Well, okay lang pero medyo masakit.

'Yung klaseng close na close kayo no'ng mga nakaraang araw tapos ngayon parang 'di man lang kayo magkakilala. But I understand him, magiging busy naman kasi lahat ng officers this coming days.

"Uhm... sige alis na 'ko." I said and smiled bitterly. "Kung kailangan mo ako nandito lang ako."

"Sige."

Umalis na ako sa harap niya. Naglakad ako patungo sa gym habang inaalis ko sa isipan ko si Spencer. Nakaka-bother kasi siya pero iintindihin ko na lang. Kapartner ko nga pala siya sa mga activity ng Photography Club so makakausap ko siya ng maayos. Dahil do'n ay nakaramdam ako ng relief. Hindi naman siguro galit sa'kin si Spencer, busy lang talaga.

Naupo ako sa isang bench ng gym at naabutan ko namang naglalaro na sina Felix. Hinanap ng mga mata ko si Tina pero wala siya dito. Usually kasi dito siya umuupo. H'wag daw akong malelate ng five minutes pero siya 'yung wala. Pupunta din siguro si Tina dito. Hindi naman 'yun papahuli sa pagsuporta kay Jian 'e kahit na mag-LQ sila. Mabilis lang mag-away bati ang dalwang 'yun.

Natapos ang first practice nila at nagkaroon sila ng break. Wala pa rin si Tina. Nilapitan ako ni Felix at natatawa ako sa itsura niya dahil pawis na pawis siya. Ibinato ko sa kanya 'yung towel at sinamaan niya ako ng tingin.

"Palagi mo akong binabato, baby. Gayahin mo sila oh!" Ngumuso siya sa direksyon ng ibang boys na ma'y mga girlfriends na nagpupunas sa kanila.

"Wala silang kamay?" I sarcastically said. "Is it really that hard to wipe the sweat from your body?"

"Ang bitter mo. Pasalamat ka, mahal kita."

"Thank you very much!"

Kinuha ko ang towel mula sa kanya at nagsimulang punasan ang mukha niya. Nabigla naman siya sa ginawa ko at ngiting-ngiti pa. Hindi ko kasi siya pinupunasan kahit anong pilit niya, ngayon lang talaga. Kita ko kasi ang pagod mula sa mga mata niya, gusto kong ganahan man lang siya.

Inabot ko ang tubig mula sa kanya at pinatalikod siya. Pinunasan ko ang likod niya bago ilagay 'yung towel. Humarap siya sa'kin at nagpout.

"I look like a baby with that towel in my back."

"Atleast you're my baby." Pagbanat ko.

Kabog siya 'e. Kitang-kita ko ang pamumula niya at ang malapad niyang pagngiti. Natawa naman ako ng marahan, his expression is priceless. Hindi ko napansin na hinalikan na niya ako sa pisngi.

"Energizer ko lang."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ako Milo, Felix."

Natawa siya sa sinabi ko. He holds my hand and looks at me. "Mahal kita."

"Ma-----"

"Marzia, nasa'n si Tina?" Nilingon ko si Jian na mukhang nag-aalala.

"Hindi ko alam 'e. Pinauna ko na siya dito kanina pero pagdating ko wala siya."

"Sige. Salamat, dude." Tumango ako sa kanya. Umalis na si Jian sa harap namin. Ibinalik ko ang atensyon ko kay Felix at nakita kong nakakunot na naman ang noo niya.

"Bakit?"

"Nag-uusap pa ba kayo?"

"Ni Jian?" Tumango siya. "Minsan."

"You two should distance yourself from each other. Pareho kayong ma'y kasintahan, masakit 'yun sa part namin ni Tina."

"Sorry," I looked at him. "h'wag kang mag-alala. Loyal ako sa'yo."

Ngumiti siya sa'kin. "Dapat lang."

Tinawag sila ng coach nila. Bago lumapit si Felix sa mga kasamahan niya ay hinalikan niya muna ako sa noo.

Hihintayin ko lang na matapos 'tong last practice nila at magbobonding kami nina Felix, Jian at Tina sa parke as usual. Ang ipinagtataka ko lang ay kanina pang wala si Tina. I motioned Felix na hahanapin ko lang si Tina, tumango naman siya. Umalis na ako sa gym at naglakad lang ng diretso. Sa totoo lang hindi ko alam kung saan ako pupunta. Malay ko ba kung nasaan ang napakagandang bruhang 'yon. Napakaimportante ng taong 'yon sa school lalo na kapag malapit na ang events kaya palaging pawala-wala.

Nahagilap ng mata ko si Tina na hapong-hapo na tumatakbo patungo sa direksyon ko. Ma'y sumusunod din sa kanyang isang babae na pamilyar sa'kin. Agad na nagdilim ang paningin ko nang makita ko siya. It's Caryll, the least person I like to see right now.

"Girl!" Sigaw ni Tina. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at seryoso akong tiningnan. "We have something to tell you."

"A-ano?" Kinabahan ako sa tono ng pananalita niya. Lumapit sa'kin si Caryll at magsasalita na sana siya ng barahin ko siya. "Anong kinalaman nito sa'yo?"

"Marzia, it's not the right time to blurt your wrath on her." Na-offend ako sa nasabi niya kaya tumahimik na lang ako. Tina never calls me by my name except when she has something important to say.

Caryll looked at me worriedly. "I know you're mad at me but please hear me out. I was left inside the auditorium, when I got out of there, I saw Spencer's group of friends and I heard them talking about you. He was telling his friends how good he played you into thinking that he really likes you but he doesn't. He was actually planning to use you in the Internationals."

Nanikip ang dibdib ko at nangingilid ang mga luha sa aking mga mata kasabay ng panghihina ng aking tuhod. At bigla nalang tumulo ang aking mga luha.

It took me seconds before realization hits me. Kaya pala. Kaya pala hindi na siya nagparamdam pagkatapos ng pagkatalo ko sa eleksyon. He was planning to fool me. Na kapag nanalo ako at makalaban ko siya sa International Representative Competition ay ine-expect niyang magpaparaya ako para sa kanya.

"It's true, Marzia. I already confronted one of his friends." Tina said and hugged me.

"Wow. He played well." I sadly smiled. I can see pity in the eyes of Caryll who's staring at me.

Simula't simula pa pala niya akong pinaglalaruan. How great things could be between us? Kaya pala ang bait bait niya sa'kin. Hindi ko man lang nahalata ang intensyon niya. I have no idea. He is the greatest actor I ever known.

I felt betrayed.

I wished I have a death note. Yagami Light, if you can see me from your perfect world, please kill that asshole right now.

Spencer Diaz, the name.

I wiped my tears away. I saw Spencer from afar who's walking alone towards our direction. Ako na mismo ang lumapit sa kanya and I felt my rage on him.

"How dare you to use me? Tinuring kitang kaibigan, Spencer! Tapos ito lang pala ang dahilan kung bakit mo ako kinaibigan? Ang babaw mo!"

Spencer looked at me like a confused innocent asshole. "Calm down, Marzia. What are you even talking about?"

"I heard you loud and clear, Spencer! You're only using Marzia for your own benefits, you disgust me!" Caryll shouted.

"I already forced your friend to admit it! Admit it now or I'll report you! Kayang-kaya kitang ipatanggal sa organization!" Tina said.

Nag-iba ang aura niya. Hindi siya ang Spencer na nakilala ko. "I guess... I'm caught off-handed by girls. How cute is that? Aw." He is really making me pissed-off.

"And you." Bigla akong nilingon ni Spencer at tinitigan. "You've never been a friend of mine, Marzia. You have no use to me now that you lose to Tina. Akala ko pa naman mananalo ka, ang hina mo pala sa eleksyon. Sayang lang 'yung mga effort na itinulong ko sayo. But it's okay, I pity you too much anyway. You nearly fell into my trapped. Perhaps, if you don't even know that Felix loves you as he said so, you might actually fall for me. Believe me, Felix's intention is worse than mine."

Matalim na tumingin si Caryll sa kanya. "Pero akala ko president lang ang pwede sa Internationals!"

Spencer smirked. "Money can buy anything. I can join in the international competition, in and

out. You know how money works, right Tina?"

"Fuck off!" Sigaw ni Tina.

I looked at him in a vexation manner. I was about to turn around from him but anger overcomes me. Lumapit ako sa kanya at sasampalin na sana siya nang mahawakan niya ang kamay ko. Nakita ko naman ang pagngisi niya.

"Weak." Sambit niya.

I formed my left fist at ginamit ko 'yon para suntukin siya straight in the face. Hindi niya naman napigilan 'yon at napa-antras pa siya dahil sa lakas ng impact. 

"I wish... I wish I never met you." I uttered.

Tumalikod na ako mula sa kanya and I heard nothing from him. My tears begun falling again. 'Yung taong inakalang kong kaibigan ko, it turns out na hindi pala. I know that he's not worth my tears but I can't prevent my self from feeling this pain.

Pain of betrayal.

I remembered the time when he asked me to be his partner in the Photography Club, the day after we exchanged laptops and realize that my laptop has been logged out. I deduce it was logged out by him. Malakas ang loob niya no'n dahil alam niyang ako ang may-ari ng PhotoArts at naniniwala siyang malakas ang kapit ko para manalo ng dahil dun. His plan is almost perfect kung 'di lang ako natalo. For the first time in my life I thank myself for losing in that competition. Dahil alam kong mas magiging mas masakit ang lahat sa huli lalo na kung nangyari ang gusto ni Spencer.

"I'm sorry I had to tell you." Caryll said.

I'm here in the Comfort Room with Tina and Caryll. From this moment, I knew that I looked like a cry baby now. I suddenly stopped crying and wiped my tears. Nakakahiya ako.

"It's fine, Caryll."

Tina looks at me. "You're done crying? You didn't even say a thing. Come on, let it out. It's okay, Marzia."

"Sometimes, being silent is enough." I said and smiled bitterly.

Tumingin ako sa kanilang dalawa ni Caryll. "Please do me a favor, h'wag na kayong magbabanggit kahit kanino especially kay Felix."

Tumango sila sa'kin at lumabas na ng CR. Humiwalay sa'min si Caryll dahil ma'y kailangan lang daw siyang asikasuhin. Nagsorry siya sa'kin tungkol sa nagawa niya noon and I cleared all things from her. Pinatawad ko siya at naging maayos na kami sa isa't isa.

"Are you sure my eyes doesn't look reddish?" I asked.

Tina smiled bitterly. "Parang walang nangyari."

Tumungo kami sa gym at mabuti na lang dahil naabutan pa namin sila. Saktong kakatapos palang ng practice nila 'e. Nilapitan namin sina Felix at Jian na seryosong naguusap. Agad na niyakap ni Tina si Jian. Ako naman ay naupo lang sa tabi ni Felix. I tried to act like nothing even happened lately.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya.

"Oo naman," I smiled. Yeah, keep smiling to hinder all that pain. "ikaw nga ang dapat kong tinatanong 'e."

"Okay lang ako pero bakit hindi na kayo bumalik kanina? Did something happened?"

"Don't worry, nagkaproblema lang sa club." I said, trying to convince him.

I'm not a great liar. Huwarang bata ako, remember?

"Tara na, guys!" Tumingin sa'min si Tina na akmang aalis na kasama si Jian.

Tumayo na kami ni Felix at naglakad kasama nila. Pumunta kami sa parking lot and we part ways. Si Tina na kasama si Jian at ako na kasama si Felix.

"Ma'y bibilhin lang kami ni Tina, umuna na kayo sa park." Sabi ni Jian.

"Sabay-sabay na lang tayo." I insisted.

I don't want to be left alone with Felix, for sure that any moment I'll break down infront of him. I don't want him to see me crying. The last time he saw me cry, he almost broke down too. He is a soft and caring guy that's why I love him.

"Mabilis lang kami, girl. Susunod din agad kami." Saad ni Tina.

"Sige."

As usual, nakatulog ako bago makapunta sa tambayan namin. Maaga pa naman, it's only like 4PM.

Sinilip ko ang driver's seat pero wala dito si Felix.

Nasa labas siya at kita kong nakatayo lamang siya sa gitna ng parke. Marami-rami ding tao ang naglalakad-lakad at nakatambay sa parke. Lumabas ako sa kotse at pinuntahan siya. Medyo malayo lang naman ako mula sa kanya. Dinama ko ang hangin na papunta sa direksyon namin. Nakaka-antok naman 'yung hangin!

Humikab ako without even covering my mouth. Wala akong pake kung sinuman ang makakita sa sitwasyon ko ngayon, bagong gising lang ako 'e. Sinulyapan ko si Felix na nakangiti mula sa parang.

"Nasabi ko na ba sayo kung gaano kita kamahal?"

Tinitigan ko siya at ngumiti. "You always proves me how much you love me and that's everything for me."

Unti-unti siyang lumapit sa'kin. "Marzia," Pagtawag niya sa'kin at tiningnan ko siya. "Alam mo bang ma'y exam na, nag-aral ka na ba?"

Nanlaki naman ang mga mata ko sa tanong niya. "Huh?! Hindi pa, kailan sinabi?!" Ako lang ba 'yung hindi aware?!

"Papasagutin na kasi kita." He said with a grin plastered in his face. "Okay lang 'yan kahit hindi ka na mag-aral, sa'kin din naman ang bagsak mo."

"Kainis." I mumbled.

Hindi ko na kasi mapigilang kiligin. I'm smiling from ear to ear while still looking at him. This guy really knows how to make me giggle over him.

He came up close and placed my remaining strand of hair which is infront of my face behind my ears. Nginitian niya ako at tumalikod siya mula sa akin. Naglakad siya palayo sa'kin at ma'y 15 feet kaming layo mula sa isa't isa. Napansin ko namang malapit na magsunset. Ang ganda talaga ng pwesto namin dito.

"Marzia," Pagtawag niya sa'kin at nilingon ko siya. Nakita kong nakaform ang kamay niya into a hug. Na para bang sinasabihan ako na lumapit ako sa kanya at bigyan ko siya ng yakap. "alam mo kung gaano kita kamahal. Kumbaga sa palengke, hindi matatawaran ang pagmamahal ko sa'yo. Hindi ka man kasing sweet ng candy, kasing sexy ng bote, o kasing liwanag ng araw, kasing bitter ka naman ng ampalaya, kasing tigas ng bato, at kasing liwanag ng dilim."

Gago.

Ma'y mga lights na umilaw sa paligid namin. Madilim-dilim na rin sa paligid kaya nangibabaw ang madilaw-dilaw na kulay ng lights.  Wala namang ganito dito dati ah. Napansin ko din ang mga tulips na nakadisplay sa hilera ng parke. Hindi ko naman ito napansin kanina. Sabagay antok pa ako nun.

Humakbang siya ng ilan pero malayo pa rin siya sa'kin. Mabuti na lang at malakas ang boses niya. "Pero alam mo 'yung mas mahalaga? 'Yung minahal kita kahit akala mo hindi. Alam mo mamamatay ka talaga sa maling akala 'e. Pasalamat ka kasama mo akong mamamatay, akala ko rin noon hindi kita kayang mahalin. Pero tiniis ko 'yang kamanhidan mo, katarayan mo, kasungitan mo, kaselosa mo, kapangitan---este kagandahan mong nakakasilaw masyado. Kumbaga exotic beauty ang meron ka at endangered species na ang mga taong tulad mo."

Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis 'e. Pero kahit papano nangingibabaw talaga ang kilig to the bones ko. Ang lakas ng loob niyang sabihin ang mga ito samantalang marami-rami na din ang mga taong nakapalibot sa'min.

Humakbang ulit siya patungo sa'kin."Sa kabila ng lahat, mahal talaga kita maging sino ka man. Kahit pa tawagin mo si Ding at maging Darna ka, h'wag kang mag-alala sabay tayong lilipad.  Kahit pa kumain ka ng apple at mag-ala Disney Princess ka, kahit pa mas kamukha mo 'yung matanda na nagpakain kay Snow white ng apple---maganda ka naman sa paningin ko.  Kahit pa tumulog ka ng matagal at maging modern-day Sleeping Beast---este beauty ka. H'wag kang mag-alala ako lang ang magtatangkang humalik sayo. Kahit pa humaba ang buhok mo at mag-ala Tangled ka sa kapal ng buhok mo. H'wag kang mag-alala ako, ang magiging Flynn Rider ng buhay mo at aakyatin ko pa ang bahay niyo. Huli sa lahat, kahit pa maging kontrabida ka sa istorya ng iba---h'wag kang mag-alala dahil ako 'to si Felix na mahal na mahal ka."

Humakbang na naman siya at ngayon ay malapit-lapit na siya mula sa'kin. "Hindi ko ipinapangakong hindi kita masasaktan, pero ito lang ang masasabi ko na bago ka pa masaktan, ako ang magiging knight in shining armor na tatanggap lahat ng pasakit na patungo sa'yo. Hindi kita gagawing kasintahan at asawa para lang maging prince charming mo, andito rin ako para maging tagapagtanggol mo."

Ngayon, malapit na talaga siya sa'kin at isang hakbang na lang ang kailangan para tuluyan na akong makalapit sa kanya. "Pero alam mo ba ang gusto kong patunguhan sa lahat ng nasabi ko? Na maging girlfriend muna kita at asawa naman sa darating na araw. Ngayon gusto kitang tanungin, maaari ba kitang maging kasintahan, binibini? Ipinapangako kong ibigay sayo ang magandang lahi ng mga Trono. Please accept, free taste 'to." Hinampas ko agad siya sa braso. "Joke. Tsaka na. Pero sinisigurado kong mamahalin kita ng higit sa inaakala mo. H'wag mong akalain na hanggang dito na lang ang kaya ng pagmamahal ko dahil higit pa dito ang kaya kong iparamdam sayo."

"Ang daldal mo." Sabi ko.

I just need one step closer to hug him, so I take it. Mabilis ko siyang niyakap at hinalikan niya ako sa malapad kong noo. It is a sign that I'm accepting his offer.

"Mabuti naman at niyakap mo na ako, nangangawit na kaya ako." Bulong niya. Natawa ako ng marahan.

Humiwalay ako mula sa kanya at tinitigan siya sa mga mata. "Felix Trono, mahal kita. At oo, sinasagot na kita."

Ngiting-ngiti niya akong tinitigan.  Maraming tao ang nagsipalakpakan at nagtilian. Niyakap ako ni Felix habang inikot-ikot niya pa ako. Sa mga oras na 'to, parang ma'y sarili kaming mundo na ang isa't isa lamang ang tangi naming nakikita. Ibinaba niya ako at tinitigan.

Kanina lumong-lumo ako, pero alam ni Felix kung paano ako papasayahin. He is exactly the man I need. Hindi ko alam kung anong ginawa ko para ganito niya akong mahalin, pero hinihiling ko na lang na sana hindi magbago ang pagmamahal niya sa'kin.

"Cheers for the love we have!" Sigaw ng isang pamilyar na boses. Nilingon ko agad siya, it's Tina habang ma'y dala-dalang DSLR Camera. Kasama niya din sina Jian, Kuya Marco, Stacey at ang mga dati kong kapartido.

Agad silang lumapit sa'min ni Felix at nag-group hug kami. We are all smiling and rejoicing in this very moment. Nag-group picture din kami at solo ni Felix. Binuhat niya pa nga ako 'e na pangkasal. Mukha tuloy na nagpropose si Felix at sinagot ko. Sobra kasi kaming magsaya 'e.

Nakahawak si Felix sa bewang ko at naglakad kami patungo sa kotse niya. Ewan ko ba kung bakit niya ako dinala dito pero ma'y kinukuha siyang kung ano mula sa kotse.

Ma'y maliit siyang box na hawak-hawak. Binuksan niya ito at bumungad sa'kin ang isang necklace na kulay silver at ma'y disenyo na "LIX". Halatang customize din ito at puro. Ipinakita niya sa'kin ang suot-suot niyang necklace na ang nakalagay naman ay "ZIA".

Unti-unti namang dumaloy ang mga nagbabadya kong luha. "Felix, h'wag mo nga akong pinapaiyak!"

He smiled at me. Pumwesto siya sa likuran ko at ikinabit ang necklace. Humarap ako sa kanya at nagtama ang paningin namin.

"Ang swerte ko sa'yo. Salamat, Felix. Salamat sa lahat."

Mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi at kita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Ngumisi siya sa'kin at bumaba ang tingin niya sa labi ko na tila ba ma'y binabalak. Agad kong hinarangan ang labi ko by my hand. Inilapit niya ang mukha niya sa'kin at

naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa kamay ko. Niyakap ko siya at niyakap niya din ako.

"Mahal kita. Mahal na mahal." He whispered behind my ears.

I genuinely smiled. "Mahal din kita."

_______

Vote. Comment. Share.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C19
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ