ดาวน์โหลดแอป
26.66% Photoshopped / Chapter 8: Chapter 6

บท 8: Chapter 6

Chapter 6: Partylist

Tarantang-taranta akong tumatakbo papasok ng school. Hindi ko kasi akalain na sobrang late na pala namin and any minute now ay magsisimula na ang nominee speech. 

Literal na tanghali na!

Dere-deretso naman kami ni Kuya na tumakbo sa bukas na gate. Andito kasi si Mang Kulas at baka harangin niya kami.

Baka ma-pa-go to the guidance office kami niyan. 

"Jusko! Kayong magkapatid talaga, pinasasakit niyo ang ulo ko!" Sita ni Mang Kulas nang makalayo-layo na kami sa kanya.

Aling ulo?

"Salamat po! Hehe." Sigaw namin ni Kuya.

Nagkatitigan kami ni Kuya. Ayt, ang sama na namin pareho.

Kuya. Ang sarap pala pakinggan 'yan mula sa bibig ko. Nakikita ko naman siya na natutuwa habang binabanggit sa kanya 'yang dalawang pantig na salita.

Tuwang-tuwa lang 'no at nakikita niyang ginagalang ko na siya.

Kulang na lang sabihin niyang lumuhod ako sa kanya at pagsilbihan siya mamaya sa bahay.

"Dalian mo na, Sis!" Sigaw niya sakin nang medyo hindi ako makahabol sa pagtakbo niya. 

Sis talaga ang tawag niya sa'kin? Para siyang bakla!

Huminto siya sa pagtakbo at maging ako din. Bumungad sa amin ang Gymasium kung saan napupuno ito ng mga sumasaling 1st Year SHS members at candidates sa dalawang Club. Present rin ang mga teacher ng Mapeh kaso wala ang Principal na si Mrs. Vergara. Ang akala ko dapat ay kasama ang Principal sa mga ganitong pagtitipon.

"We can do this, Sis. Walang sukuan ah? For our dreams." Saad ni Kuya habang nakangiti.

"For our dreams" I repeat with a smile.

Nagpaalam sa akin si Kuya na ma'y aasikasuhin daw with his teammates kaya nauna nang umupo. I was left standing here in the back of the gym.

My eyes we're focused on Tina na nasa taas habang ibinibigay ang kanyang nominee speech. Nakatayo siya behind the podium as she deliver her speech fluently. She is filled with confidence and courage at makikita mo 'yon sa paraan ng pananalita niya.

Magaling naman talaga siya. Ako lamang itong umaasa noong una na kayang-kaya ko siyang kalabanin.

I'll admit it. She is pretty. She looks gorgeous at tinitingala ng marami. Makinis din ang mukha niya at maputi pa. Kumpara sa akin, di hamak na magmumukha lamang akong pulubi sa tabi niya. Nahiya tuloy akong tumingin pa sa kanya.

Naging hobby ko na ata ang purihin ang iba sa magaganda nilang katangian at ikumpara sa sarili ko,  atsaka pinupuna ang mga bagay na kulang at mali sa akin.

Na hinihiling ko na lang na sana, sana maging katulad ko na lang sila.

Sana maganda rin ako. Matangos. Makinis. Maputi. Clear Skin.

Sino ba namang ayaw diba?

Para maramdaman ko naman 'yung mga bagay na nararanasan nila na ipinagkakait sa aming hindi pinagpala!

Aber. Unfair. Duh.

Diba in this way matatanggap ka ng mundong 'to. If you have all of those features, makakapasa ka sa status ng mundo and they will treat you right maging anuman ang ugali mo.

Tina is the best example.

Because in this society, kitang-kita kung pano ang pinagkaiba ng isang kagalang-galang sa mata at hindi.

Pero ano nga bang magagawa ko? Hanggang SANA lang naman ako.

Sana ma'y lakas rin ako ng loob katulad niya. Confidence. Selfesteem.

Thats all I want.

But I have to create it.

All by myself.

I have to build myself into the version I want to be. And today, is the start of my stepping stones to fullfill it.

But... every time.

Every time na lalaban ako ganito na lang.

Every time na makakita ako ng mas better sa'kin ganito na lang.

Ganito na lang na nanghihina ako at nagbabasakaling sumuko na lang.

Spoken word poetry lang ang peg? Ganito talaga ang buhay, mapapadrama ka na lang bigla.

'Yung klaseng gustung-gusto mong lumaban pero kitang-kita mo kung sinong pinapaburan. Funny.

It hurts.

"Marzia..." Nilingon ko siya at bumungad sa akin ang nag-aalala niyang mga mata.

Felix...

Hinila niya ako palayo sa ma'y mga tao at tinitigan ako. Magkasalubong ang kilay niyang hinarap ako.

Galet na galet?

Nakasuot siya ng SC uniform nilang kulay puti na hinaluan ng gold at red sa ma'y kamay at kwelyo ng damit nila. Sa kanang manggas niya nakatatak ang "President" at ang apelyido niyang "Trono".

Hindi ko tuloy maiwasang mapalunok dahil ma'y pagkafit ang damit niya. Kitang-kita ko tuloy ang pagkakurba ng katawan niyang pa-V.

Mas sexy ata 'to sa'kin.

Hot ba tawag dun? Ayt. Tama na nga, baka kung ano pang maisip ko tungkol sa kanya.

Baka sa iba pa mapunta.

Erase. Erase. Erase.

"Pinuntahan kita sa room mo pero hindi ka daw pumasok. Saan ka nanggaling? Bakit sobrang late mo? Kanina pa akong naghihintay sa'yo. Bakit ngayon ka lang dumating? What happened?" Natataranta niyang tanong.

Geez. Bakit ganito siya makitungo sa'kin? He sounds like a conscious boyfriend.

Dinaig niya pa 'yung Kuya ko 'e kapag ginagabi ako ng uwi.

But I think, mas malala pa si Felix.

"S-sorry. I-I overslept." He doesn't seemed to be satisfied with my answer at all.

"It's already 10 o'clock! Bakit? Inihatid naman kita kagabi ah. Atsaka hindi kita pinuyat, wala akong pinagawa sa'yo. Kaya nga pina-uwi kita ng maaga para makapagprepare para sa event kinabukasan. But what did you do instead?!"

He definitely looks disappointed. I have no idea na ganito siya

magiging...concern?

Concern ba siya for real?

Nadadala kasi ako ng emosyon niya.

Weird.

"I'm sorry." I said and looked at him straight in the eye.

Nawala ang galit sa hitsura niya. He looks like a tamed tiger now.

Teka.

Bakit ako tumitiklop sa kanya?! At bakit mas tumitiklop siya sa'kin?!  Ano 'to tiklupan challenge? Kung sino una siya marupok?!

Namumula ang mukha niya and he even looks pale.

"You look pale. Ano bang---"

"That's nothing. Bakit nga pala banned ako sa subdivision niyo?!" Ayt, ang bilis naman mag-change ng mood nito.

Ma'y toyo ka dyan?

Daig pa 'ko kung reglahin 'e.

"Pero okay naman kahapon no'ng inihatid mo ako ah."

"Pero pinagbawalan ako nung guard kanina!"

Kaya naman pala hindi dumating ang PRINCE CHARMING KO.

Mga deputa.

Hayop na guard 'yon.

"Bakit mo 'ko sinubukang puntahan kanina?" I asked.

Bakit nga naman diba?! Pero bakit naman hindi?! Girlfriend niya 'ko diba?!

"D-dahil h-hinahanap-hanap kita." Namula ang tenga niya. At kitang-kita ko na nabigla rin siya sa nasabi niya.

Na para bang iba ang meaning no'n.

O ako lang talaga nag-iisip no'n?

Nag-init ang mukha ko. Pano ba naman lagi na 'tong namula tas pautal-utal pa.

Parang kinder na sinusubukang lapitan 'yung crush niya. Pero di ko sinasabing crush niya 'ko ha!

"What I meant to say was I didn't want you to miss this! You wouldn't have the kind of opportunity again, Marzia. I want to show you how important this is but you don't seemed to care at all."

From an annoyed face to a serious one. Geez, hindi ko alam kung ilang beses nakapagpalit 'to ng expression.

Mood swing lang? Parang mas madalas pa siyang tamaan kesa sa'kin ah.

Teka nga lang. Hayop.

Bakit nakafocus lang ako sa kanya at hindi sa sinasabi niya? Ano nga ulit 'yon?

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at itinuon niya ang atensyon ko sa kanya.

"Marzia, this is a once in a life time opportunity at wag mo naman sanang sayangin 'yon. I want to help you grab that opportunity kaya please tulungan mo rin ako. Come on, ma'y ibibigay ako sa'yo."

Hinalikan niya ang noo ko tsaka kumawala sa magkabilang pisngi ko. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako para masundan siya.

Ang lakas maka-PDA!

But cute.

Sa totoo lang nabibigla rin ako sa inaasta ni Felix. Parang hindi kasi siya 'e. Hindi naman siya 'yung Felix na nakilala kong galit na galit parati sa'kin.

Iisipin ko na lang na kaya mabait siya ay dahil nasa school kami at siya ang SC President. At kapag ma'y nakakita sa kanya na sinisigawan ako, tiyak na masisira ang pangalan niya.

Awit. Masakit pala isipin 'yon.

Sobra.

Go with the flow na lang ako. Bahala siya sa buhay niya. Ang hirap niyang basahin. Di ko alam kung ang ipinapakita niya sa'kin is his real side or just a bluff one.

Dinala niya ako sa kabilang building na medyo malayo sa building ng room namin. Actually, magkatapat lang ang building namin kaso malayo talaga ang pagitan nito sa isa't isa. Sa pagitan kasi nito ay ang gym at canteen.

Sadyang pinaghiwalay ang building ng 1st at 2nd Year Senior High School. Para daw kami ang magsilbing Kuya at Ate sa magkabilang building achuchu. Ew. Grade 10 na ang mga 'yon. Sigurado naman ako na bukas na bukas na sila sa ibang bagay. Puro Junior High School kasi ang nasa 1st Floor ng parehong building.

1st year palang ako at 2nd year naman si Felix. Geez. Baka makita ko pa si Jian dito, pinupuntahan niya kasi minsan 'yung pinsan niya. Masama pa naman ang loob niya sa'kin.

But I want to talk to him so bad.

1st Year SHS din si Jian at Kuya Marco kaso Second Section sila kaya magkasunod lang ang room namin.

I miss Jian.

Dadalhin siguro ako ni Felix sa room nila. Nagmamadali na kasi kaming tumakbo paitaas at sa third floor pa 'yon. Mabuti na lang at sanay ako umakyat palagi ng third floor. Sa third floor rin kasi ang room namin.

Perks of being long-legged.

CHAROT.

"Hindi kaya ako na ang sunod doon?"

I ask pertaining to Tina.

"Tina has so many propagandas to present. Wag kang mag-alala, hindi mauubusan 'yon and it can stall us more time." I slightly laugh as he called Tina's agenda into propagandas.

Tinanguan ko si Felix and he squeeze my hand. Sa totoo lang ako talaga 'yung humihigpit ang pagkakahawak sa kanya kasi baka madapa ako rito 'e nasa hagdan pa naman kami.

Alam niyo na, medyo lampa.

"Marzia..."

Rinig kong ma'y tumawag sa pangalan ko at pamilyar sa'kin ang boses na 'yon.

Nilingon ko kung sinong maaaring tao ang tumatawag sa'kin ngunit wala naman akong nakita. Di bale na lang nung magtama ang tingin namin ng lalaking nakatayo sa isang room. Kung hindi ako nagkakamali ay room 'yon ng pinsan niya.

"Jian!"

Gustong-gusto ko siyang lapitan at batukan dahil hindi niya 'ko pinapansin.

Gusto kong bumitaw sa pagkakahawak ni Felix at tumakbo palapit kay Jian pero wala akong nagawa. Para niya tuloy akong kinakaladkad sa kung saan man niya ako dadalhin.

Geez. I miss my buddy so much.

Nakarating na kami sa room nila at salamat na lang dahil vacant sila. Kaso nga lang medyo nakakailang kasi halos lahat sila ay nakatitig sa'kin.

Artista na ba this? Pang-agaw atensyon na ba ang ganda ko? HAHA.

Hinila ako ni Felix papasok sa room nila at nagsimula akong mamula dahil sa hiya.

"Sige na wag ka ng mahiya, girlfriend naman kita. You should be proud, ang gwapo ng boyfriend mo." He whispered at lalo naman akong namula.

Ano ba 'tong mga naririnig ko sa'yo Felix?!

Pagkapasok ko pa lang ng room ay nakita ko na si Spencer na kinakawayan ako. Binigyan ko na lang siya ng ngiti bago umiwas ng tingin.

"Siya ba 'yung sinasabi mong girlfriend na ipapakilala mo sa'min?"

Nilingon ko sa likod kung sino ang nagsalita at ito ay si Stacey. She's standing by the door with papers on her both hands. Nilapag niya ang mga papel na 'yon sa teachers table atsaka lumapit sa'min. Nasorpresa naman ako sa presensiya niya kahit alam kong kaklase niya 'to.

Meet Stacey Kotz, ang former girlfriend ni Felix after Tina.

Ang ganda siguro ng timeline ng girlfriends ni Felix.

Dadaigin niya ata si Henry VIII.

Ang lagkit ng tingin niya sa'kin na any moment now ay parang gusto niya akong bigtihin.

Easy ka lang ghorl.

Letchunin kita dyan 'e.

Favorite 'yun ni Kuya Marco. HAHA.

"Wait lang kasi. Ma'y hinihintay pa akong dumating." Sabi ni Felix at nagsigawan ang buong klase.

Felix didn't mind them at ma'y kung anong hinahalungkat sa bag niya at file case.

"Marzia? What the heck are you doing here?" Sabi niya habang palapit sakin at kinabahan naman ako sa inasta niya.

Tiningnan ko si Felix kung pipigilan niya ba si Stacey at baka mamaya masabunutan na ako nito.

Tangina, hoy! 'Yung ex mo sinusugod ako! Palagan ko na ba?

"I'm your freaking number 1 FAN!"

She said at niyakap ako.

Woah, ang bilis kumalat ng balita. Ang layo pa man din ng building namin sa kanila. Sa bagay baka naipagkalat na ako ni Felix.

Supportive kasi siya masyado sa'kin 'e. OPSX.

So fan ko siya? Hindi ba siya galit sakin about the picture thing? Everyone seemed absurd to me unlike this girl na boyfriend niya pa 'yung nagkaissue.

Parang walang nangyari ah. It's not that gusto ko siyang komprontahin ako kundi maybe show a little bit of everything that has happened. Geez, what am I saying?

"Really?" I ask. She released her arms from me and gave me a sweet smile.

Hindi ko naman kasi nakikita ang pangalan niya sa notification ko at kung makita ko man, I don't freaking give a damn on it.

"Oo naman! Ikaw nga itong hindi pinapansin ang message request ko eh! Palagi pa akong nagko-comment sa Art works mo atsaka sini-share ko ang posts mo." I have no idea, madalas kasing puno ang notification ko kaya hindi ko na tinitingnan.

"Sorry" I said trying to put sincerity on it. Oh girl, youre too lucky to hear this magical words of mine. 

"It's okay! Basta pahingi na lang ng autograph mo ha. Hindi ko ipagbebenta promise, ipagsisigawan ko lang HAHAHA" Sabi niya at natawa kaming dalawa.

She is such a bubbly girl unlike her former boyfriend.

Paano kaya nagkasundo ang dalawang 'to?

"Sige" I said at napatingin ako kay Felix na parang ilang na ilang.

"Geez! Bakit hindi mo agad sinabi sakin na dadalhin mo rito si Marzia?! Kanina pa sana ako bumalik ng room!" Sabi niya at hinampas si Felix.

"You'll just get too excited at hahampasin  mo na naman ako." Saad ni Felix. 

Wait. Nakakaramdam ako ng inis.

Pero natatawa ako kay Stacey, hindi ko kasi akalain na magiging ganito siya kakulit.

Ganoon na ba siya kadesperada para makita ako? I'm not that special to be treated like that.

"Surprise"

"Wait nga lang, siya ba 'yong sinasabi mo?" She said and her eyes widened.

"Yap"

"No way! You'll work as his editor for a year?!" Tinanguan ko siya and she smiled widely.

Yes, for 1 fucking year my friend.

Mukhang mas masaya pa siya kesa sa'kin ah.

"Marzia, can I have your FANSIGN please?"

Nagulat ako ng ma'y kuhanin siya sa bag na dalawang Artwork. Nilapitan ko naman siya at hinihintay na iabot niya sa'kin 'yon. Now I remember, I worked for her twice maybe or more? Ang laki kasi ng inaalok sa'king pera 'e.

"Sure" I said and gave her a smile.

Inabutan niya ako ng marker atsaka pumirma sa dalawang Artwork.

"Thank you so much!" She said at niyakap ulit ako.

I gave her a simple smile. Wag kayong mag-alala, hindi plastic 'tong ngiti ko. Actually natutuwa nga ako 'e at naalala niya ako.

Kumawala siya sa yakap at tinitigan ako.

"You seems bothered? Ma'y problema ba Marzia? You can tell me." She said and smiled.

Yeah, I'm bothered. Hindi ko napansin na mukha na pala akong pinagsakluban ng langit at lupa.

Ewan, nakokonsensiya?

"Is this about the photoshopped picture or sa relasyon namin ni Felix? I'm just his bestfriend like before kaya wala kang dapat ikaselos."

Ayt. Bakit naman niya naisip 'yung latter part?! Sinong nagseselos?!

"No, it's not the latter one. Stacey, don't you feel any loath for me? I mean, marami nang naging against sakin simula noong kumalat 'yon"

"I'm your number 1 fan remember? I don't believe it's you."

"But don't you have any doubt that the picture might be true after all?"

"I know Felix, he wouldn't do such a thing." She smiled bitterly. "He is a great guy, Marzia. You just have to know it for yourself."

Wow. Ang laki ng tiwala niya kay Felix. Sabagay matagal na naman silang naging magkarelasyon. Rinig ko nga 1 year na naging sila tas no'ng nagbreak sila anniversary pa nila.

Saklap.

"But why did you broke up with him?"

Oo, kinapalan ko na talaga ang mukha ko at hindi ako mapakali hangga't hindi ko nalalaman ang dahilan. Malay mo dahil pa sa'kin tapos nakipagdeal pa ako kay Felix.

Aba. Ang kapal na talaga ng mukha ko.

"He deserves better," She paused and gave me a sweet smile. "maybe someone like you."

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

Me?

Felix deserves me? Paniwalang-paniwala siguro siya sa kasunduan namin ni Felix. Parang nakokonsensiya tuloy ako sa pinaggagawa namin.

"Nagkataon lang na kumalat 'yung picture so don't be guilty. Smile ka na!" Stacey said at nginitian ko siya.

"I know Felix will be happy with you!"

She added. "Di niya lang ipinapakita 'yon sayo." bulong niya sa'kin na ikinamula ko.

How could this girl be so sweet sa babaeng pinagpalit sa kanya? Kahit na kasunduan lang 'tong relasyon namin ni Felix, kapag ipinalabas 'to sa madla magmumukhang totoo syempre.

Hindi nila alam ang totoo 'e. Kaya kung anong makita nila, 'yon ang paniniwalaan nila.

Teka. Parang tinatamaan din ako sa mga sinasabi ko ah.

Baka dahil alam niya. Or Felix told her? Bestfriend niya daw 'e. Malay ko ba kung anong mga sinasabi ni Felix sa kanya.

But I know for sure that Felix doesn't deserve me and I don't deserve him either.

It's mutual.

"Ang mahalaga ma'y autograph na ako! Hindi ka daw nagbibigay ng autograph sa iba 'e, ang swerte ko talaga!" She said as she flex the Artworks at proud na proud na nakatingin dito.

"Thank you ulit!" Sabi niya at umalis na sa harapan ko.

"You're welcome." I muttered.

Mahirap pala makipagusap sa ex ng jowa mo.

Ewan ko ba. Iba 'yung pakiramdam 'e. 'Yung klaseng ang awkward awkward na nga.

I'm really bad at this.

First time ko nga pumasok sa isang relasyon 'e. Fake pa.

"Marzia," Nilingon ko ang gawi sa kanan ko at nakitang palapit sa'kin si Spencer. "goodluck sa nominee speech mo. Treat ulit kita kapag ginalingan mo magpresent."

Naka-SC uniform din siya katulad ni Felix kaso ang nakatatak sa kanang manggas niya ay "Vice President" at ang apelyido niyang "Diaz". As expected ay fitted ito sa kanya at kitang-kita ko ang pagkakurba ng katawan niyang pa-V.

Potek na mga lalaking 'to.

Mas sexy pa sa'kin. Bakit?!

"Sabi mo 'yan ha!"

"Oo naman, ikaw pa 'e ang lakas mo kaya sa'kin." Natawa ako sa sinabi niya at binigyan niya ako ng isang mapaglarong ngiti.

Grabe kahit nakaglasses siya ang angas niya pa rin titigan.

Literal na titig.

Gwapo naman si Spencer 'e. Hindi lang katulad ni Felix na makapal ang mukha kaya di makahakot ng chicks.

HAHA.

Mayamaya pa ay dumami ang lumapit sa'kin na mga kaklase ni Felix at humihingi ng autograph. Ma'y dala-dala rin silang Artwork kaya naman pinirmahan ko na isa-isa.

It's kinda unfair para sa mga kaklase ko pero ang iba kasi sa kanila plastik. Na kaya lang nila ako pinansin ay dahil nalaman nila na ako ang ma'y ari ng PhotoArts. 

"Wag niyo pagkaguluhan si Marzia. Akin lang 'yan."

I gulped.

Maraming naghiyawan at inaasar-asar na nila ako kay Felix. Na ang gwapo niya daw at sobrang swerte daw namin sa isa't isa.

Kung alam niyo lang.

Lumapit sa'min si Felix at hinila ako palayo sa mga taong nagkukumpulan. Dinala niya ako sa upuan niya at inabot sa akin ang isang makapal na papel na naka-bind.

"Use this for your nominee speech,  kumpleto 'yan. You can also use that for the Meeting de Avance. Nagamit ko na 'yan noon pang JHS para din kumandidato sa isang Club. Specifically Performing Arts Club,  medyo hawig naman 'yan sa Photography Club na agenda kaya pwede mo gamitin. Iniba ko rin ang iba diyan kagabi kaya hindi na nila mapapansin 'yon. Dont worry, nanalo ako nang gamitin ko 'yan. Ang kailangan mo na lang ay selfesteem para madeliver mo ng maayos ang speech."

Bakit ang sipag mo? Walang sinabi 'yung kasipagan ko 'e.

Nahihiya tuloy akong tumingin sa kanya. Inaasa ko na lang sa kanya 'e. Sabagay sanay na naman siya sa pagkandidato pero mukha kasing ginagamit ko siya. Ay nako, bakit ngayon pa ako nakonsensiya kung simula't simula pa lang ay naggagamitan na kaming dalawa.

"Thank you, Felix." Sabi ko at nginitian niya ako.

Hinawakan niya ang kamay ko. And he wave our holding hands to a teacher---no to a PRINCIPAL!

Nakapasok na pala si Mrs. Vergara sa loob ng room at di ko man lang napansin 'yon! Teacher siguro nila si Ma'am sa English.

And what am I still doing here?!

Bumati silang lahat including me kay Mrs. Vergara. Lumingon naman si Mrs. Vergara sa gawi namin at ang ipinagtataka ko lang ay ngiting-ngiti siyang nakatingin sa'min.

"Mrs. Vergara! Girlfriend ko nga po pala. Si Mrs. Trono---I mean Miss Marzia Cruz, for now." Sabi ni Felix sabay kindat sa'kin.

Napuno ng hiyawan ang classroom nila. Namula naman ako sa sobrang dami ng atensyon ang nakukuha namin.

Tengene. Ma'y saltik ba siya?

What do I expect? Heartthrob 'e.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maging expresyon but I just kept a genuine smile.

"Aba. At nabingwit mo pala ang puso ni Ms. Cruz! Ang swerte-swerte mo naman, Felix! Naalala ko tuloy lahat ng ikwenento mo sa akin tungkol kay Marzia. She must be a very wonderful woman."

Nginitian ko si Mrs. Vergara. Hindi parin inaalis ni Felix ang pagkakahawak niya sa'kin.

Ano 'ko isda?! Nabingwit?!

Hindi 'to makatarungan Mrs. Vergara.

Hindi ako papayag.

At ano daw?! Ikwenento niya ako sa Principal?! Gaano sila ka-close para pag-usapan ako?!

Lumapit kami ni Felix kay Ma'am. Ako na ang naglakas-loob na magpaalam sa kanya.

"Ma'am, uuna na po kami." Pagpapaalam ko.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Mrs. Vergara.

Hindi ba siya aware? Hello, ako po ito si Marzia Cruz kakandidato bilang Presidente! Tas hindi mo alam?!

"Sa pari po." I gave Felix a confused look. "Papakasalan ko na po, baka maunahan pa."

Naghiyawan na naman ang klase at tuluyan na kaming umalis. Tatakbo na kami pababa ng third floor para makarating sa Gym.

Wala na talagang ininipis ang mukha ni Felix, 'no?! Sa harap pa talaga ng Principal 'e! Nahihiya tuloy ako.

Hanggang ngayon hindi ko maalis ang isipan ko sa mga pinagsasabi ni Felix. Hindi pa rin maalis ang init ng mukha ko.

What are you doing to me, Felix?!

"Ang tahimik mo naman." Sita niya.

"Hindi ka man lang ba kinilig sa mga banat ko?" He looks disappointed.

"I'm not the type of girl, Felix."

Sa dinami-rami ko ng napanood na patayan namanhid na siguro ako.

"Kaya type kita 'e."

Unti-unting bumagal ang pagtakbo niya hanggang sa lumakad na lang siya. Naglakad na lang din ako. Mas nauuna siya sa'kin kaya noong huminto siya ay huminto din ako.

Hinarap niya ako at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Umiwas na lang ako ng tingin dahil naiilang talaga ako sa mga mata niya.

"Marzia, why won't you let me see your real side? I want to know you really well. Hayaan mong ipakita mo sa'kin kung ano talaga ang nararamdaman mo."

"I-I will"

_________

I'm now standing infront of a crowd. Lalo pang tumindi ang kabang nararamdaman ko dahil present ngayon si Mrs. Vergara. I should make a good impression to her.

I don't have any stage fright. Sa una lang ako kinakabahan at habang nagsasalita ako ay unti-unti ding gumagaan ang pakiramdam ko. Na para bang wala akong nakikita at ang tanging kinakausap ko ay ang sarili ko.

Weird right?

This is how I handle this situation. Ang ibinigay sa'kin ni Felix ay ang naging basehan ko para sa Speech. It has been a big help for me.

In the midst of my speech. Napagisipan kong ipagbigay alam sa kanila na ako ang may-ari ng PhotoArts. Gusto ko kasing magkaroon ng malaking impact sa kanila.

Kaso nang ipro-project na nila ang photos at account ko ay biglang nawalan ng kuryente. Naudlot tuloy ang pagpapakilala ko bilang owner ng PhotoArts. Naisipan kong ituloy na lang ang pagkakataong 'yon sa Meeting de Avance.

Am I being sabotage? It must have been a coincidence instead.

Natapos ko ang Speech ng hindi nagkakamali. I was so proud of myself dahil nagawa ko kahit ma'y outline ako ng speech.

One step at a time.

I can overcome this.

Bumaba ako ng stage at si Felix ang unang sumalubong sa'kin. He greets me with a smile and I gave him a genuine one.

"You did great!"

"S-salamat"

I still haven't move on sa kung anumang sinabi sa'kin ni Felix kanina. Paulit-ulit itong nagre-replay sa isipan ko. Mabuti na lang at mas binalot ako ng kaba kanina and I managed to forget it for a while.

"Marzia, why won't you let me see your real side? I want to know you really well. Hayaan mong ipakita mo sa'kin kung ano talaga ang nararamdaman mo."

Why did he said that? Hindi pa ba totoo 'yung ipinapakita ko sa kanya na hindi naman talaga ako naaapektuhan ng mga banat niya? Anong gusto niya kiligin ako?

Namumula ako pero hindi ibig-sabihin no'n ay kinikilig ako.

Nahihiya lang talaga ako.

But somehow humahanga ako sa kanya. Humahanga kung gaano kakapal ang mukha niya para bumanat ng ganoon sa harap ng maraming tao. Hindi ko minamasama ang ginagawa niya, it's a good thing para maging epektibo ang plano namin.

Well, ginagalingan niya talaga ang pagpapanggap, kailangan kong bumawi sa kanya pagdating sa editing skills at blog contents.

At sinisigurado kong hindi ako mapapahiya sa kanya pagdating sa ganyang bagay.

Hindi naman siguro totoo lahat ng ipinapakita niya sa'kin kaya hindi ko na kailangang mag-alala.

It's not like na sineseryoso niya ang mga bagay na 'to.

He is the School's SweetHeart, Heartthrob or whatever they call him, for sure sanay na siya sa mga ganitong bagay.

"Now, it's time for you to meet your teammates."

Halos lahat ng tao ay nagsisi-alisan na sa gymnasium. Ang natira na lamang dito ay ang ma'y kanya-kanyang Partylist sa dalawang Club.

Nilapitan namin ni Felix ang mga taong nagkukumpulan sa gitna ng gym. Sila siguro ang teammates ko. They greeted me with a smile at gano'n din ako sa kanila. Pinagmasdan ko sila at ang pinakakilala ko lamang sa kanila ay si Caryll.

Finally, the salutatorian, someone responsible I know.

"Love," tawag sa'kin ni Felix at nilingon ko siya. "Saglit lang, babalikan kita." He said and winked at me.

"Sige"

Teka. Ano daw? Love? Gusto niya din palang hindi kami magtagal 'e.

Kumuha kami ng mga upuan at nag-form ng bilog para sa unang meeting namin. Syempre medyo awkward. Hindi nga siguro nila alam na nag-e-exist ako sa school 'e. Well, ganun rin naman ang tingin ko sa kanila.

"Hello, bago tayo magsimula, kindly state your name, section and Club position. Magsimula tayo sa councilors." I said.

"Hi. I'm Luke from Section 4, Councilor."

"Hello po! I'm West from Section 3,

Councilor."

"Hi. I'm Niana from Section 3, Public Information Officer."

"Konnichiwa! I'm Sammie from Section 2, Business Manager."

"Hello. I'm Klyde from Section 2, Auditor."

"Hi po! I'm Angela from Section 2, Treasurer. "

"Hi. I'm Jarren from Section 1, Secretary."

"Hello. I'm Caryll Mendoza from Section 1, Vice President."

"I'm Marzia Cruz from Section 1, President. I'm looking forward to worked with y'all. Let's make this Partylist a memorable one."

We discussed our plan for the upcoming Meeting de Avance. 'Yung mga nakakatawang pasabog and suggestions ay hindi rin nawala. We are already 60 percent done at magkakaroon ulit kami ng meeting sa Monday, it will be the last one at kinabukasan no'n ay Meeting de Avance na.

We already came up with a Partylist name.

"SAWI PARTYLIST"

The boys came up with that.

How creative is that, right?

Saktong nagbell na pagkatayo namin. It indicates na lunch time na. Nagligpit na kami ng mga upuan at inayos na din namin 'yung mga natirang upuan dito. Pinatas na namin 'yon bago pa man dumating ang maraming tao sa gym. Madalas kasing maging tambayan ito ng mga estudyante dahil na din magkatapat ang gym at canteen.

"Hi," bati ng kapartido kong si Klyde. "You're Jian's close friend, right?"

Nginitian ko siya at tinanguan. He is Jian's classmate.

"He's acting strange lately, mind if I ask why?" He said at seryosong tumingin sa akin.

"Nag-aalala na din kami sa kanya. Hindi na kasi siya u-ma-attend ng practice at palagi siyang tulala sa classroom. Madalas ay nagka-cutting classes rin siya."

Basketball player si Jian at nakakapagtaka lang dahil palagi siyang active noon. Hilig niya kasi ang maglaro ng basketball at magaling naman talaga siya kaya nakapasok siya bilang Varsity Player ng school.

"I don't know why, sorry."

Parang pinupunit nito ang puso ko. Jian, bakit ka nagkakaganito?

"Sige. Salamat na lang." He said and forced a smile. Halatang nag-aalala na din siya kay Jian.

Nagpaalam na kami sa isa't-isa ng mga kapartido ko. Nakita kong ma'y natira pang tatlong upuan na nakakalat sa gym kaya ipinatas ko ito sa mga upuan na nakakumpol sa isang gilid ng gym.

Huwarang bata.

HAHA.

Pagkatapos kong ilagay ang mga upuan ay nilingon ko ang gawi sa kanan ko at akmang maglalakad na ako papuntang kantina nang makita ko si Spencer.

Naglakad siya patungo sa'kin at niyaya akong pumunta sa kantina. Naglalakad na kami ngayon patungo doon.

"Ang sipag mo naman, pwedeng-pwede ng pumalit kay Felix next

year." He said with a smile.

"Basketball player ka ba?" I asked and he gave me a confused look. "Lagi mo na lang kasi akong binobola."

Natawa naman siya at hinawakan ang buhok ko para guluhin.

"Pu-mi-pickup lines ka na pala ha."

I just pouted at him. Isa din 'tong magaling manggulo ng buhok 'e.

Sabunutan na lang kaya?

"Ang galing mo nga pala mag present. Pinanood kita kanina, professional na professional ang dating."

"'Yan ka na naman, binobola ako. Kapag talaga lumaki 'tong ulo ko wag ka na magtataka."

"Totoo naman kasi. Ang cute mo pa nga kanina."

Namula naman ako sa nasabi niya. Ako? Cute? Hayop, kelan pa?

"So hindi na 'ko cute ngayon?"

"Hindi na. Mas cute kasi ako sayo 'e." Sabi niya at medyo ibinaba ang salamin niya para magpa-cute sa'kin.

"Diba? Tingnan mo 'tong dimple ko, kasing cute ko."

Hinawakan niya ang kamay ko at itinusok ang index finger ko sa kaliwang dimple niya. Naramdaman ko naman ang paglubog nito nang ngumiti siya.

Shit. Ang cute.

"Spencer! Ang PDA mo." Sabi ko at binawi ang kamay ko sa kanya.

"Kinikilig ka ba?"

"Hindi 'no!"

"Pero sige na nga mas cute ka kesa sa'kin. Aminin mo munang kinikilig ka."

I bit my bottom lips. Ayokong ngumiti. Nagulat ako nang bigla niya akong tusukin sa tagiliran.

My weakness. Bwisit ka Spencer.

Hindi naman masarap manapak, 'no?

Dumistansya ako sa kanya dahil ayaw ko talagang kinikiliti ako. Worst feeling ever. Kaso amputa lumapit ulit sa'kin at tinusok na naman ako sa tagiliran.

"Spencer!"

Ang sarap murahin nito. Pasalamat siya't di kami close.

Kung si Jian 'to kanina ko pang nasapok.

I miss him.

"Biro lang. Baka magalit ka na niyan." He said and chuckles.

Talaga.

Narating na namin ang kantina at pumipila kami ngayon sa isang mahabang linya.

"Anong gusto mo? Treat kita, nagpromise ako sayo diba?" Sabi niya and I slightly laugh.

Ang cute niya.

"'Yung sa tingin mong magugustuhan ko." I said.

Hindi naman ako mapili sa pagkain as long as libre. Nahihiya din kasi ako kapag nagpo-point out ng gusto ko, baka masyadong mahal.

"Hindi ko na pala kailangang bumili"

"Huh?"

"Sa tingin ko kasi ako 'yung magugustuhan mo."

Maraming tao ang napalingon sa gawi namin. Namula lalo ako at nahiya sa mga titig nila. Ang dami na kasi naming nakukuhang atensyon.

Ayan. Pickup line pa.

Bumawi tuloy ng bongga.

"Pagkain sabi ko! HAHAHA" I said while trying to act natural.

What am I feeling?

Tao pa ba ako? Bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko?

"Pano kung hindi pagkain? Magugustuhan mo ba 'ko?" He said and I'm literally freezing sa kung saan man ako nakatayo ngayon.

"Sabi ko nga bibili na ako ng pagkain." He slightly laughs and turn around from me. 

Dali-dali naman akong naglakad patungo sa cornered table at umupo.

Nagpasalamat na lang ako at wala na masyadong nakatuon ang atensyon sa'kin.

I was in relief not until my eyesight lands on Felix. He is standing by the door while looking at me seriously.

_______


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C8
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ