ดาวน์โหลดแอป
13.63% Uno Amore (Tagalog-English) COMPLETED / Chapter 6: Chapter 5

บท 6: Chapter 5

How dare you!

Bumalik ako sa loob ng silid. I closed the door and faced at Amasia's presence. She's humbly sleeping right now. I can't see any smears or even scars on her faces. She's undeniably gorgeous the way as she did.

I stooped. Hindi ko man lang siya naka-usap. I sat on the wooden bench which in between Amasia's hospital bed.

Tinignan ko siya. She's still beautiful, walang nagbago. But her memory reset onto blank. Bakit ba sa lahat ng tao sa mundo, bakit si Amasia pa? Mabait na tao si Amasia. Tinutulungan niya ang mga magulang niya para maka ahon sila sa kahirapan.

Maya-maya, bumukas ang pinto. I hastily wiped my tears. Ayokong makita ako ni kuya na ganito. Nangako ako sa kaniya na 'di ako panghihinaan ng loob. Umupo si kuya sa tabi ko.

"Bro, may naghahanap sa 'yo."

"Sino raw siya kuya?" tanong ko.

"Stella ang pangalan niya," sagot ni kuya.

Stella? What is she doing here? At teka — paano niya nalamang dito ang ospital na dinalhan kay Amasia? Did mom told her?

"Sige kuya, pupuntahan ko muna 'yong naghahanap sa akin." Tumayo ako saka naglakad palabas.

Pagkalabas ko, nakita ko si Stella na may dalang envelope. Tinignan ko siya, she wore black strap with a diamond necklace. No wonder, maraming magkaka gusto sa kaniya but only Daken captured her heart.

"What are you doing here?"

Ngumiti siya. "Ganiyan ka ba bumati sa bisita mo?"

Natigilan ako. I'm just asking... Nevermind. Ano bang ginagawa niya dito? Sa isip ko.

"Ano bang ginagawa mo dito? May kailangan ka ba sa akin?" I asked eagerly.

"Yup, here." Binigay niya sa 'kin ang envelope.

Kunot-noong kinuha ko ito. Anong laman ng envelope na ito? Sa isip ko. Binuksan ko ang envelope at may nakita akong isang passport at isang visa. Tinignan ko siya.

"Ano 'to? Bakit binibigay mo 'to sa 'kin?" naguguluhan kong tanong.

"Pupunta tayong Italy next month. Doon na muna daw tayo titira sabi ni tita. Ayaw niyang nakikita kang nahihirapan." Yumuko siya.

Nagulat ako. "Ano?!"

Bakit ba ginagawa 'to ni mommy sa 'kin. Oo, alam kong nag-aalala siya sa 'kin pero for pete's sake bakit niya ako pinapalayo kay Amasia?

"Ayoko!" Tinalikuran ko siya.

Lalakad na sana ako palayo nang bigla siyang nagsalita. I didn't expect why she said that to me.

"Doon daw tayo magpakasal sabi ni tita," sigaw niya.

Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya. "Anong sabi mo?"

Ngumisi siya. "Bingi ka na pala ngayon? I said doon daw tayo magpapakasal."

"Anong karapatan mong pangunahan ako?!" Tumaas ang boses ko.

"Pero, 'di pa naman ngayong taon tayo magpakasal. Maybe, next year," sabat niya.

Tinalikuran ko siya. Ayoko nang marinig ang mga sinasabi niya. Ayokong iwan si Amasia. I love her, so much. Tumakbo ako palabas ng ospital nang may nabunggo ako.

"Bulag ka ba?!" singhal niya.

Matalim ko siyang tinignan. "Bobo ka ba?! Kasalanan ko bang nagmamadali ako?"

Nakita kong biglang umiba ang aura niya. Wala akong pakialam sa 'yong gago ka! 'Wag ka nang dumagdag sa mga problema ko.

"Ang yabang mo ah. Ano? Suntukan na lang oh." Tinulak niya ako.

Gago 'tong lalaking 'to ah. Gusto mo talaga ng away ha? Pagbibigyan kitang hinayupak ka.

Tinulak ko rin siya. "Sige ba."

Akmang susuntukin niya ako nang naka-ilag ako kaya nagkaroon ako ng tiyempo para suntukin ang panga niya. Nakita kong lumuwa siya ng dugo. Gago siya! Dapat lang sa kaniya iyon.

"Gago ka!" Sinipa niya ako sa tiyan.

Nakaramdam ako ng sakit no'n. Sinuntok niya ang panga ko. Susuntukin pa sana niya ako nang pigilan siya ni kuya Willbohr.

"Anong gagawin mo sa bayaw ko?" pag-aawat ni kuya.

Inilayo niya sa 'kin ang lalaki. Akmang susugurin ko sana ang lalaki nang may humawak sa 'kin. Ah!

"Pagsabihan mo 'yang bayaw mong tumingin-tingin sa dinaraanan niya para 'di siya makabunggo ng tao. Palibhasa, bobo. Tsk." Naglakad palayo ang lalaki.

Pero ang ikinagulat ko ay pumasok siya sa loob ng kwarto ni Amasia. Sino 'yon? Bakit siya pumasok sa kwarto ng girlfriend ko? Sa isip ko.

Pumunta si kuya sa gawi ko. "Ano bang pinaggagawa mo sa sarili mo, Zazdrick? Bakit ka nakipag-away sa lalaking 'yon?"

"Hindi ako ang nagsimula kuya. He's the one started that scene," depensa ko.

Bumuntong hininga si kuya. "Alam ko namang nahihirapan ka sa sitwasyon ni Amasia ngayon Zazdrick, pero sana 'wag mo namang ibuntong 'yong galit mo sa ibang tao."

Yumuko ako. Tama naman kasi si kuya eh. Sana 'di ko na lang pinatulan 'yong gagong 'yon. Pero masisisi niya ba ako, tao lang ako at nadadala ako ng emosyon ko.

"Pasensiya na po, kuya."

"Zazdrick, sabihin mo lang sa 'min kung 'di mo na kayang bantayan si Amasia. Alam kong lubos kang nahihirapan dito at ayokong masaktan ka lang ng paulit-ulit," si kuya.

Oo, nahihirapan ako sa sitwasyon namin ni Amasia ngayon, pero hindi ko siya susukuan. Alam kong gagaling siya at sa araw na 'iyon, hindi na ako magdadalawang isip na pakasalan siya.

"Hindi ko siya susukuan, kuya. Alam kong babalik ang memorya niya," sabi ko.

Bumuntong hinga ulit siya. "Ako ang nahihirapan sa 'yo Zazdrick. Bakit ayaw mo siyang bitawan, Zazdrick? Wala na ang memorya ng kapatid ko at alam kong masakit para sa amin iyon. Palayain mo na lang ang sarili mo Zazdrick,"

Hinarap ko siya. "Palayain? Anong ibig mong sabihin, kuya? Na... kalimutan ko na lang si Amasia ng gano'n-gano'n na lang?"

Yumuko siya. "Bro, 'wag mo ng pahirapan ang sarili mo. Palayain mo na ito. 'Wag kang mag-alala kay Amasia dahil nandito naman kami para sa kaniya."

"Kuya, ayoko... hindi ko kaya," sabi ko sabay lakad palayo sa gawi niya.

May naramdaman akong likidong tumulo sa gilid ng mga mata ko. Pinunasan ko ito nang nasa pintuan na ako ng kwarto ni Amasia.

Pinihit ko ang door knob at nagulat ako nang makita ko ang lalaking ka-suntukan ko kanina. Hinahawakan niya si Amasia at bilang lalaki alam kong may gusto siya sa girlfriend ko. Ramdam ko 'yon.

Hindi ko na hinintay kung ano pang gawin niya kay Amasia. Sinugud ko siya sabay suntok.

"Hayop ka!"

Sinuntok ko ulit siya. Nasubsob siya sa sahig. Wala siyang karapatang hawakan si Amasia. Dahil unang una, ako ang boyfriend ni Amasia.

"Tumigil ka! Anong karapatan mong saktan ang boy friend ko!" sigaw ni Amasia.

Nabuhayan ako sa sinabi niya. Naaalala na niya ako? Sa isip ko. Unti-unti akong lumingon sa kaniya. Naka kunot ang noo niya sa akin.

"How dare you! Wala kang karapatang saktan ang boy friend ko!" singhal niya sa 'kin.

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko inasahang masabi niya iyon sa akin ng harap-harapan. Ngumisi naman ang lalaki. Tiningnan ko ulit si Amasia saka naglakad palabas ng silid.

— —

ShineInNightt


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C6
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ