ดาวน์โหลดแอป
17.39% Kambal Tuko [TAGALOG] / Chapter 4: CHAPTER 3

บท 4: CHAPTER 3

EXCITED na excited si Tina ngayon dahil kaarawan nito at ni Nana. Magdi-dise-otso na ang mga ito. Kahit si Nana lang ang pinaghandaan ng ina ng mga ito ay masaya pa din si Tina dahil pinayagan itong sa sementeryo lamang ito buong araw. Feeling nito kasa-kasama pa rin ang ama doon. Mag-isa lamang si Tina sa sementeryo para bisitahin ang puntod ng ama.

"'Tay, miss na miss na kita. Simula nang mawala ka, kinaya kong tumayo sa sarili kong mga paa. Ikaw ang pinanghuhugutan ko ng lakas, pero 'di ko pa rin maiwasang maisip ka," malungkot na sabi ni Tina. "Ikaw lang ang tanging nagtanggol at nagmahal ng lubos sa 'kin. Noong nawala ka, mas lalo akong naging tampulan ng tawanan. Pati sa school wala akong naging kaibigan, pero 'Tay, mayroon po akong best friend."

Napangiti si Tina. "Ang saya-saya ko noong pinansin ako ni Aya, 'Tay. Nagpapasalamat ako dahil dumating siya sa buhay ko. Sana okay ka lang diyan, 'Tay. Bantayan at gabayan mo ako palagi. Mahal na mahal kita, 'Tay."

Sa isang sulok, may isang nilalang na nagmamasid kay Tina. "Huwag kang mag-alala Tina. Magwawakas na ang paghihirap mo," anito habang nakatingin sa dalaga.

NAKAUWI na si Tina galing sementeryo. Gabi na itong umuwi pero nagkakasiyahan pa rin sa bahay ng mga ito. Napatigil ito nang dumaan sa gawi ng inang si Andrea kasama ang matapobreng kumari.

"Oh, Tina, mabuti naman at umuwi ka na. Marami-rami na ang hugasin doon kaya magsimula ka ng maghugas. Mayamaya uuwi na ang mga bisita ko. Bilisan mo na at ligpitin ang mga kalat," utos ni Andrea.

"Sige po, 'Nay," sagot ni Tina at ipinagpatuloy ang paglalakad.

"Mare, anak mo ba talaga 'yon?" nanunuyang tanong ng kumare ni Andrea.

"Naku, napulot ko lang 'yan sa may paanan ng isang balete. Kaya ganyan mukha niyan kasi anak ng engkanto," sagot ni Andrea.

"Kaya pala. Bakit pinapatira mo dito 'yan? Pwede mo namang paalisin. Dagdag gastos lang 'yan sa 'yo. Hindi ba naghihirap kayo ngayon?" nang-aasar na sambit ng kumare.

Nagpanting ang tainga ni Andrea dahil doon, hindi sa kadahilanang hindi nito gusto si Tina. "Kaya ko namang buhayin 'yan. Saka hindi kami naghihirap. Saan mo ba nakuha ang tsismis na 'yan?" ani Andrea.

Tumango lang naman ang kumare.

Habang naghuhugas ng pinggan, naririnig ni Tina ang usapan ng ina at ng kumare nito. Tahimik na lang itong napaiyak kahit matagal na nitong alam na hinding-hindi ito matatanggap ng ina dahil sa anyo nito.

"Tina..."

Napatigil sa paghuhugas si Tina nang marinig ang pagsambit sa pangalan nito. Lumingon ito sa likuran. "Sino 'yan?" tanong nito pero nakita namang walang tao sa likod.

"Tina, huwag kang mag-alala. Simula ngayon hindi ka na pagtatawanan ng kahit na sino," sagot ng isang boses.

"Sino ka sabi, eh?" Natatakot na ngayon si Tina. Hindi pa rin nito nakikita ang nagsasalita pero hindi na rin ito sumagot pa.

"Imahinasyon mo lang iyon siguro," pagkausap ni Tina sa sarili. "Pero hindi. Bakit siya sumagot?"

Kinilabutan si Tina nang maisip na baka na-engkanto ito. Pero ipinagpatuloy na lang nito ang paghuhugas para matapos na, may iba pa itong tatrabahuhin.

"Tina, wawakasan ko na ang sakit mo dahil sa pangungutya ng iba. Simula ngayon, hindi ka na magiging tampulan ng asarana at tawanan. Dahil magbabago na ang itsura mo," sambit ng isang nilalang kay Tina.

Hindi ito maaninag ni Tina dahil sa matinding liwanag na bumabalot dito. "Sino ka ba?" tanong ni Tina.

"Hindi na mahalaga kung sino ako, Tina, ginagawa ko lang ang tungkulin ko. Hanggang sa muli."

"Sandali." Pero tuluyan na itong nawala na parang bula...

Nagising si Tina mula sa panaginip na iyon. Pakiramdam nito ay totoo iyon. Napailing ito. Panaginip lang iyon, hindi totoo, sambit nito sa isipan.

Bumangon na si Tina at naghandang maligo para sa pagpasok sa school. Kinuha nito ang tuwalya sa loob ng cabinet pagkatapos ay humarap ito sa isang salamin para tingnan ang mukha.

Napatitig si Tina sa sariling repleksiyon, gulat na gulat. Naging maputi na ang maitim nitong kutis, ang kulot na kulot na buhok ay naging tuwid. Sa madaling salita, naging maganda na ang anyo nito.

Naalala ni Tina ang panaginip. "Totoo kaya 'yun?" sambit nito. Pero imposible. Kasing imposible ng pag-iiba ng anyo mo? tanong iyon ng utak ni Tina.

Naguguluhan pa rin si Tina. Paano nangyari ito?

Hindi alam ni Tina na habang nakatitig ito sa salamin ay nakatingin dito ang nilalang na nagpabago ng anyo nito. Ito ay ang engkanto nitong ama. Matagal na nitong nakita ang paghihirap ni Tina dahil sa naging itsura nito. Ang itsura nito noon ay resulta ng pinaghalong kaanyuan ng tao at engkanto.

May batas ang mga engkanto sa kanilang mundo na hindi ng mga ito puwedeng lapitan o gamitan ng kapangyarihan ang isang bata kung wala pa ito sa legal na edad. Kaya hinihintay ng ama ni Tina na tumungtong sa legal na edad ang anak bago nito binago ang kaanyuan ng dalaga.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C4
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ