ดาวน์โหลดแอป
39.13% Friends For Keep (FILIPINO) / Chapter 18: CHAPTER SEVENTEEN

บท 18: CHAPTER SEVENTEEN

Cassie's POV

"SEO EUNKWANG! LEE MINHYUK! LEE CHANGSUB! IM HYUNSIK! PENIEL! JUNG ILHOON! YOOK SUNGJAE! BTOB!!!!" Sabi ko habang nanonood ng performance ng BTOB cellphone ko. Trinatry ko rin kasi yung lightstick na binigay sa akin ni Oliver.

"Ano ba yan Cassie! Sabi ko pumunta ka dito sa bahay para magawa na natin yung project natin. Bukas na iyon ipapasa." Sabi ni Oliver habang nakaharap siya sa computer niya. "Kung andito ka lang sa bahay ko para manood ng videos, aba edi umuwi ka na. Inuubos mo yung load ng wifi namin!" Sabi ni Oliver sa akin.

"Ikaw Oliver ang damot-damot mo! Tinitest ko lang naman yung lightstick na bigay mo. Saka diba tinulungan pa kita sa date niyo ni Mikay kahapon. AYIIIEEEE!!!!" Sabi ko then kinurot-kurot ko siya.

"Cassandra Nicole, huwag mo sabi ako kurutin eh. Masakit kaya. Saka hindi naman date tawag dun. Eh sa inyo lang naman ng kameet up mo nakatutok yung mata ni Mikay. Tsss. Teka nga? Kumusta pala yung si George ba yun?" Tanong sakin ni Oliver.

"Okay lang naman. Actually we're going to Enchanted Kingdom next week." Sabi ko then clinose na yung youtube app ko then I opened my SNS account.

"Ek? Diba pumunta rin tayo ng EK nung fieldtrip natin? Last week lang yun ah." Sabi niya.

"Ano ka ba naman Oliver! Alangan namang tanggihan ko yung alok nung tao. Syempre ito yung first date namin."

"Ikaw huwag mo masyadong iattach yang sarili mo jan kay George." Sabi ni Oliver at umalis na muna sa harapan ng computer niya at lumapit sa akin. "Balita ko marami na raw siyang naging girlfriend, baka cassanova yang napili mo."

"Grabe ka naman kay George! Talaga bang hindi mo siya magugustuhan." Sabi ko.

Pero bigla lang siyang tumahimik at tumingin sa akin.

"Huy! Anong problema mo Oliver?" tanong ko sa kanya.

"Wala wala. Bahala ka nga. Tss." Sabi ni Oliver then humarap na siya sa computer niya at tinuloy ang paggawa ng project namin. Ako naman ay nagiiscroll lang sa twitter account ko. Tapos ko naman na yung part ko doon at pinapunta lang ako ni Oliver dito for the final touches.

Nung maghahapon na, napagdecidan kong nang umuwi.

"Oy Oliver, uwi na ako ah. Pasabi nalang kay tita Agatha. Hindi ko kasi siya makita dito sa bahay niyo. Umalis yata." Sabi ko nang pagkapasok ko sa kwarto ni Oliver. Kinuha ko narin yung bag ko at yung laptop ko.

"Sige. Mag-ingat ka Cassie. Mga loko pa naman yung mga nandiyan sa labas. Text mo ako kapag nakauwi ka na." Sabi ni Oliver ng hindi tumitingin sa akin.

"Okay. Sige babye!" Sabi ko then lumabas na ng kwarto niya. Umalis na rin ako sa bahay nila at nilock yung front door nila. Nagkaroon kasi ng pagnanakaw dito lang malapit sa subdivision nila kaya doble ingat ang mga tao dito.

_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_

Nagsimula na rin akong maglakad papunta sa bahay namin. Parang ilang block lang naman ang layo ng bahay namin sa subdivision nila Oliver.

"Pa! Andito na po ako!" Sabi ko pagkapasok ko sa bahay.

"Oh! Andito ka na pala. O siya ilapag mo iyang bag mo at kumain ka na rito." Sabi sa akin ni papa.

"Pa ano pong dinner natin? Masarap po ba?" Tanong ko kay papa pagkalapag ko ng bag ko sa may living room ng bahay namin.

"Nak yung paborito mo yung niluto ko ngayon. Kare-kare. Kaya bilisan mo na diyan at samahan mo na akong kumain rito." Sabi sa akin ni papa.

"Okay pa. Papunta na po." At ilang sandali lamang at pumunta na ako sa dining table namin at sinaluhan kumain si papa.

Nang makarating ako dining table. Andoon nakahain yung ulam saka kanin na niluto ni papa para sa dinner namin. Mayroon ring nakalabas na leche flan at juice para panghimagas namin. Mukhang marami-raming inihanda ngayon si papa ah.

"Wow! Mukhang masarap yan!" Sabi ko then umupo na ako sa upuan at nagsimula nang kumain.

"Anak kumusta ka?" Tanong sakin ni papa na nagdulot ng awkwardness sa hapag kainan.

"Ayos lang naman po ako. Hanggang ngayon, tinatanggap ko pa rin na iniwan na tayo ni mama para sa iba." Sabi ko then sumubo ako ng isang kutsara.

"Okay. Sige ipagpatuloy mo na iyang kinakain mo." Sabi ni papa.

After ilang minutes, natapos na kaming kumain at ako na ang nagboluntaryong maghugas ng mga ginamit namin. After kong maghugas ay nagshower na muna ako para ready na akong matulog.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C18
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ