Oliver's POV
Tinignan ko naman yung dalawang nagsasayaw. Napangiti ako nang tinignan ko si Mikay na masayang sumasayaw pero naiinis ako nang napadako kay Cassie yung tingin ko.
Siguraduhin mo lang na may emergency ka talaga George. Dahil kung niloloko mo lang yung bestfriend ko, sisiguraduhin kong mababasag yung mukha mo.
Bigla namang nag-ring yung phone ko kaya tinignan ko kung sino yung caller. Pagtingin ko ay tumayo na muna ako sa seat ko at lumayo sa may auditorium. Pagkalayo ko ay sinagot ko na yung tawag.
"Hey Oliver how's the party?" tanong ni Kuya Marco. "Sabi ni Mama magtext ka raw kapag nakauwi ka na sa bahay."
"It's okay kuya, si papa kumusta na lagay niya? Nakakapagpahinga naman ba si mama?" tanong ko kay Kuya Marco.
"Stable yung vitals ni papa sabi nung nurse, si mama naman ay pinatulog ko na muna sa bahay. Ako na muna ang magbabantay kay papa ngayon."
"Okay sige, after ng party didiretso na ako diyan. Para makapagpahinga ka rin."
"No, I'm okay. Just enjoy the party at dumiretso ka na sa bahay pagkatapos mo diyan. Ako nang bahala kay papa." Sabi ni kuya and pinatay na niya yung tawag.
Bumalik na rin ako sa table namin at sinamahan yung dalawa.
_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_
Mikay's POV
Pagbalik namin ni Cassie sa table namin ay kumain na rin kami. Habang kumakain kami ay napansin kong tahimik si Oliver. Siguro hindi siya sanay sa ganitong mga party kaya ganyan siya.
Ever since Junior High kasi namin ay hindi sumasama ng Prom si Oliver. Ayaw niya raw ng mga gatherings at magfofocus na lamang daw siya sa acads. This year pinilit na namin siyang sumama kasi last na namin ito ngayong high school. Noong una ayaw niya, pero in the end napapayag rin namin siya kasi requirement ito sa mga graduating students. Sayang nga lang at hindi namin kasama si Kristan ngayong taon.
Habang kumakain ay nagulat na lamang kami nung biglang umalis si Cassie habang hawak yung phone niya.
"Hey Cassie where are you going?" tanong ko sa kanya. "Hindi mo tapos kainin yung food mo."
"May susunduin lang ako." Sabi niya at nagsimula nang maglakad.
After ilang minutes ay nakita namin siyang naglalakad pabalik dito sa table namin. Napansin ko ring nakasunod sa kanya si George.
"Sorry talaga babe, nagka-emergency kasi sa bahay kaya bumalik ako. Triny kong humabol dito pero traffic kasi eh." Sabi ni George habang hawak-hawak yung mga kamay ni Cassie.
Siya siguro yung pinuntahan ni Cassie noong nawala siya. Nagkatinginan na lamang kami ni Oliver at umiling.
"Akala ko ba hindi ka makakapunta?" sabi ni Cassie at naupo na sa may seat niya. "Kung emergency yun dapat hindi ka na pumunta dito. Baka nakaka-abala pa ako."
Nilapitan naman ni George si Cassie at yinakap ito. Yung yakap from the back.
"Sorry na talaga babe. At kahit na kung anong emergency man iyon uunahin ko pa rin yung mahal ko. Kaya huwag ka nang magalit ah." Sabi niya at hinalikan siya sa pisngi. Pero bigla naman siyang natigilan nang makita niya kami ni Oliver. Kaya bigla siyang kumalas mula sa pagkakayakap kay Cassie at lumayo ng kaunti sa kanya. Bigla naman siyang naubo at namula yung mukha niya.
Tinignan naman siya ni Cassie ng may pagtataka. "Bakit ganyan yung itsura mo?" sabi niya at napatingin sa amin.
"Ay, di mo nga pala siya kilala. Siya yung bestfriend kong si Yemika." Sabi ni Cassie at itinuro ako. Then itinuro niya si Oliver. "Siya naman si Oliver."
Tinignan niya ulit ako at ngumiti.
"Mikay ito nga pala yung boyfriend kong si George." Sabi ni Cassie
"Nice to meet you Yemika." sabi ni George at inilahad niya yung kamay niya. Sign na gusto niyang makipaghand shake.
After naming magkakilanlan ay nagpatuloy lang yung party. More on speeches lang ng mga speakers then magbibigay sila ng time for the dance for all.
So far nagiging mag-kasundo naman kami ni George. I can see na mahal na mahal niya talaga si Cassie. Nakwentuhan kami sa buong party at ready naman siyang magshare ng mga stories niya.
"Tara Mikay sayaw tayo." Sabi ni Oliver at inaya niya akong sumayaw sa gitna. Tinanggap ko rin naman yung alok niya na sumayaw.
Pumwesto naman kami ni Oliver sa part na malayo sa table namin. At nagsimula naman kaming sumayaw. Habang nagsasayaw kami, nakatingin ako okay Oliver na malalim ang iniisip.
"uhm...Oliver okay ka lang ba?" tanong ko.
"A-ah oo, okay lang ako..." sabi niya pero parang may gusto siyang sabihin sa akin.
"U-uhm Mikay.....m-may gusto sana akong sabihin sa iyo." Sabi niya na ikinakaba ko.
"Ano iyon Oliver? Anong gusto mong sabihin sa akin?"
"Mikay kasi ano...." Sabi niya na parang kinakabahan.
"May gusto-----" di ko na narinig yung sinasabi niya kasi bigla namang nagpatugtog ng party song yung dj kaya nagsigawan na rin yung mga tao.