ดาวน์โหลดแอป
6.52% Friends For Keep (FILIPINO) / Chapter 3: CHAPTER ONE

บท 3: CHAPTER ONE

Mikay's POV

"Hindi ka na naman makakauwi ngayong taon? Sayang naman magchrichristmas na o! Ngayon ka pa hindi makakauwi?" Habang nagsusuklay ng buhok, nakatapat naman ako sa laptop ko.

Kausap ko kasi yung mama ko na nagtratrabaho sa London.

"Pasensya na talaga anak, marami kasi akong tinatapos rito sa trabaho ko. Pero naipadala ko naman na yung mga regalo ko sa inyo ng papa mo. Natanggap mo na ba?" Tumingin ako sa likuran ko kung saan nakalagay ang mga damit at gadgets na pinadala sa amin ni mama.

"Yes ma. Pero gusto ko pa rin nandirito kayo ngayong pasko."

"Sorry talaga anak, pero hayaan mo sa graduation mo uuwi ako. Kaya dapat paghusayan mong mag-aral. Para may medal akong isuot sa iyo." Sabi sa akin ni mama.

"Okay po ma. Mom I'm going to school na po. Ingat po kayo riyan. Bye po!" Sinabi ko habang nagsusuot na ng uniform.

"Okay anak! Mag-iingat rin kayo riyan!"At saka niya pinatay ang tawag. At ako naman ay nag-ayos na para makapunta na sa school.

Paglabas ko ng kwarto ko, nakita ko si papa na mag-isang kumakain sa dining table.

Pagkalapit ko roon, kumuha lang ako ng isang sandwich tapos nagpaalam na kay papa.

Paglabas ko ng bahay tinawag ko na yung family driver namin para makapunta na sa school.

"Kuya Benjie, tara na po sa school." Sabi ko sa driver namin habang nakabusangot.

"Bakit ka naman malungkot Mikay?" tanong ni kuya Benjie habang nagdadrive.

"Ayaw na ayaw mo talagang pumapasok ano?"

"Hays! Bakit naman kasi kailangan pa naming pumunta ng school kung ilang araw nalang christmas break na. Nakakatamad na kayang pumasok."Sabi ko sa kanya at sinuot na lang yung earphones ko.

Nakita ko ring nagshrug si kuya Benjie at pinagpatuloy na lang ang pagdadrive.

Guys, don't get me wrong ah. I'm not a bitch na hindi gustong umaattend ng class, it's just that ang lapit na kasi ng bakasyon tapos hindi pa nila putulin yung klase.

Pagdating namin sa harap ng school bumaba na ako sa kotse namin at nagpasalamat kay kuya Benjie.

Pumasok na ako sa gate ng university at pumunta na sa classroom para sa isang nakakabagot na naman na araw.

I'm Yemika Lacson, Mikay for short. Grade 11 STEM student.

At tinatamad na akong pumasok ng class ko.

-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-

Cassie's POV

"CASSANDRA NICOLE! BUMANGON KA NA RIYAN!" aba naman itong papa ko oo! Anong oras pa lang eh.

"Pa, mamaya na ako papasok. Maaga pa naman." Sabi ko at pumikit na ulit para maituloy na yung tulog ko.

"ANONG MAAGA PA?! IT'S 7:45 IN THE MORNING!" sigaw niya na nakapag pabuhay ng katawan ko.

"WHAT?! PA NAMAN?! BAKIT HINDI NIYO AKO GINISING?!" Sabi ko at nagmadaling pumunta sa banyo para maligo at magprepare ng gamit para pumasok sa school.

Pagkatapos kong maprepare ay lumabas na ako ng kwarto at nagmadaling pumunta sa kusina.

Pagdating ko roon ay nakaready na yung kakainin kong breakfast.

"Wow! Bacons and Egg!"sabi ko at masayang naupo.

Pero bigla ko namang naalala na malelate na ako sa pasok ko kaya nagmadali akong kumain.

"Oh anak dahan dahan lang madami akong naluto." Sabi ni papa at natatawang kumakain.

"Pa, I'm going to be late na." Sabi ko at uminom na muna ng tubig.

"Hah? Eh 7 am pa lang naman. Ang alam ko 8 am yung start ng class mo hindi ba?" Sabi niya ng natatawa at naiiling.

"WHAT?! NILOLOKO MO LANG AKO?!" sabi ko at muntik ko na siyang kurutin.

"Ayaw mo kasing bumangon. Kaya kailangan kitang lokohin. Hindi ko rin naman alam na hindi mo pala ichecheck yung phone mo."Sabi niya.

"Heh! Ewan ko sa'yo pa. bilisan mo jan at ihatid mo na ako sa school." Sabi ko at nauna nang lumabas ng bahay at pumasok sa kotse.

Kahit kailan talaga si papa ang lakas ng trip. Pero okay nang ganyan siya kaysa naman isipin niya pa yung pinagdadaanan namin ngayon.

Kung ako rin lang masusunod, hindi ko na iisipin yun.

Masyadong pangit.

"Hoy! Ayos ka lang ba? Bakit ang pangit mo na naman anak?"

"Ay! PAPA! Punta ka na dito at ihatid mo na ako sa school." Sabi ko sa kanya. Tumawa lang siya at pumunta na ng driver's seat at nagmaneho na.

Di naman nagtagal ay nakarating na ako sa school. Bumaba na ako.

"Sige pa, una na ako. Goodluck sa trabaho and take care always! Sabay ako kay Yemika uuwi mamaya." Sabi ko kay papa.

"Sige, take care anak." Sabi niya at umalis na.

Ako naman ay pumasok na rin sa university.

I'm Cassandra Nicole BIanzon, Cassie yung tawag sakin ng friends ko. And I am a Grade 11 STEM student.

And it still hurts.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C3
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ