RYLIE'S POV.
Fatal Bar
"Umamin ka na honey, ikaw ang nakabasag?"
"Sorry mom, aksidenteng nadagi ng bag ko yung flower vase," kinakabahan ako pero pinaliwanag ko sa kanya ang nangyare. Kase yun naman talaga.
"Hindi ako galit honey, natutuwa ako gusto kong lumaki kang honest okay? Promise me?" She said peacefully.
Paborito niyang vase ang nabasag ko halos mangiyak-ngiyak pa kami bago mabili yun. Limited edition yun ng isang sikat na furniture brand sa Japan. We got that vase through bidding kaya malaki-laki mahigit kalahating milyon ang presyo nun. Kaya aligaga akong aminin ang totoo alam ko kase magagalit siya kapag nalaman niyang nabasag ko yun. Buti na lang hindi siya nagalit.
Maya-maya dumating na si Dad galing work, pagod na pagod siya at mukhang stress. Madami ata siyang napagalitang artist at mga na-film na mga pelikula. He is a CEO, director at producer ng isang malaki at pinakasikat na kompanya ang Star Corporation. Madami siyang inaalagaang artista, mga kilala at siya mismo ang nagpapasikat sa mga ito.
"May pasalubong ako!" Masayang niyang sambit habang inilalagay ang bag niya sa may sofa at lumapit sa amin.
"Ice cream!" Sigaw ko at agad lumapit sa kanya para kuhanin yun.
"Masyado mo namang ini-spoil si Rylie," saway ni mom dad habang kinakain ko ang ice cream na pasalubong sa akin.
"Our baby deserve the best in this world," nagmamalaking sambit ni dad kay mom. Hinalikan niya ito sa forehead para pakalmahin ito.
"Mag-ama talaga ako wala na akong magagawa nabili mo na."
It was a happy picture of my family. Please back me 2 years ago.
Nagising akong umiiyak mag-isa sa aking kama. Dapat hindi na ako nagising at nanatili sa masasayang alala kasama sila. Ganito pala ang gumising ng mag-isa ang lungkot, mas maganda ng mapagisa hindi ko kayang makita ang mga gold digger na yun sa mansyon namin.
Akalain mong natiis ako ni daddy, talagang pinagpalit niya ako sa mga palakang yun? Hindi ko siya ma-absorb magsama-sama silang lahat wala akong pakialam sa kanila.
Nag-order ako ng pagkain ko online, bakit ba kase hindi ako maalam magluto? Ang laki ng nagagastos ko araw-araw sa pagkain ko lang ayokong sabihin ng dad ko na kaya ako lumayas para magwalgas ng pera.
Kinuha ko ang pagkain ko mula kay manong kumain ako ng mabilis at naligo para makaalis.
Ite-text ko si Kio pero nabigla ako dahil nauna siyang magtext.
From: Kio
Kamusta Sunday? Do you have a plan today?
Napangiti ako sa text niya pero ang bakla pa din niya. Badoy masyado.
To: Kio
Meet mo ako sa coffee shop kung hindi alam mo na!
Hindi ko na chineck ang reply niya dahil alam kong pupunta siya. Dahil kapag hindi papatayin ko siya. Nakita ko na siya agad natatawa akong lumapit sa kanya dahil may dala siyang teddy bear mas maliit sa teddy bear na binigay ko sa kanya. Kulay red yun alam niyang red ang paborito kong kulay.
"Gago manliligaw ka ba?" Natatawang tanong ko sa kanya.
Halos masamid na niya na ang iniinom niyang kape dahil sa sinabi ko. Kumuha siya ng panyo para pahidan ang mga kapeng natapon sa mesa. Assuming na ba ako kung sabihin kong nanliligaw siya?
"Hindi, para sayo," nahihiya niyang sambit. Ang bakla talaga niya kahit kailan. Naguguluhan ako para sa kanya.
"Kung hindi ka nanliligaw bakit mo ako binibigyan ng gifts?"
"Masama ba?" Naiinis niyang tanong.
Aba siya pa ang may karapatang magalit, ang kapal ng mukha.
"Hindi ko tatanggapin yan," nagulat siya sa sinabi ko. "Kung binili mo lang yan, ayokong tanggapin."
Nakukuha ko ang gusto lahat ng gusto ko kaya ayokong tumanggap ng mga bagay na hindi pinaghihirapan.
"Edi wag, pinaghirapan ko pang kunin ito sa claw machine," natuwa ako sa sinabi niya. Para talaga siyang bakla. Amoy paminta sobrang linis niya sa katawan niya ang bango-bango niya kahit wala naman siyang pabangong nilalagay. Pati mismo butas ng tenga niya wala akong nakikitang dumi. Mas babae pa siya sa akin.
"Akin na..." Hinablot ko ang teddy bear na hawak niya. Wala na siyang nagawa ng agawin ko iyun.
"Saan kase tayo pupunta?"
Patuloy lang kami sa paglalakad hindi ko siya pinapansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.
"Sa condo ko, tulungan mo akong maglinis," nakita ko ang pagkadismaya ng sa mukha niya. Babalik sana siya nang bigla ko siyang higitin.
Tahimik lang siya, naglilinis sa kusina habang ako sa kwarto naglilinis. Buhat-buhat ko ang bedsheets at punda ng unan para labhan yun. Maalam akong maglaba, tinuruan ako ni mommy.
"Pati ref mo walang kalaman-laman paano ka nakain?" Tanong niya sa akin.
"Order online," maikli kong sagot at sabay lagay ng mga labahin sa timba.
"Let's have grocery after," he said.
"Okay."
Pagkatapos naming linisin ang condo ko, pumunta kami ng MOA para mag-mall. Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano dahil mamalengke kami. Hindi ko kase alam ang bibilhin ko buti na lang nandyan siya.
Lagay lang siya ng lagay ng kung anu-ano sa cart ko, may mga gulay, meat at kung anu-ano pa. Sanay na sanay na siya sa ginagawa niya bakla nga kase. Binayaran na namin yung pinamili namin.
"Ang bango, tinola ba yan?" Tanong ko sa kanya. Ang galing niya magluto pati paghihiwa ng mga bawang, sibuwas, at luya kakikitaan mo ng kasanayan. Bakla talaga siya. Swerte ng magiging jowa niya. Reretoha ko siya pag nagkataon.
"Wag kang magulo nagluluto ako." Inis niyang sambit. Ang sungit niya ngayon, may regla ba siya? Ang alam ko ako lang ang nireregla sa aming dalawa?
"Magaling ka pala magluto bakit hindi ka nag-chef? Pagbibiro ko pa. Akala ko matutuwa siya sa sinabi ko pero mas lalo siyang napikon. Bumalik na ako sa sa pagsasamapay ng mga damit na nilabhan ko kanina. At siya inaayos ang hapagkainan na kakainan namin.
"Gawin kaya kitang yaya?" Halos masuka niya ang kinakain niya habang kumakain kaming dalawa. Kumuha siya saglit ng tubig at bumalik din kaagad.
"Magulang ang kailangan mo hindi yaya," malamya niyang sagot.
"Lalakihan ko ang sahod mo how about 100k per month?" Suhesyon ko.
"Walang tatagal sayong yaya, baka mapatay mo pa."
Hindi na ako nakipagtalo dahil alam ko namang hindi siya papayag. Ang ganda kong ito pumapatay ng tao? Bakit tigre ba ako? Nakakainis siya. Ipis nga hindi ko mapatay tao pa kaya.
"Ako na maghuhugas ng mga pinggan!" masaya kong banggit.
"Maalam ka?" Natatawa niyang banggit.
"Aba syempre tingin mo sa akin mangmang?"
Pinanood niya lang ako habang naghuhugas. Inuna kong banlawan ang mga pinggan at pinabula ang sponge at sinimulang hugasan ito.
"Kutsara't tinidor muna tapos baso tapos pinggan."
"Ganun nga ginagawa ko, easy ka lang masyadong highblood, baklang ito," pabulong kong sambit.
Pati ba naman sa paghuhugas may inuuna pa? Bakit hindi ko yun alam? Akala ko basta hugasan mo lang at banlawan tapos na.
Pagkatapos kong maghugas, pinauwi ko na siya dahil hiyang-hiya ako sa kanya akalain mo maghapon ko siyang kasama at hindi man lang siya nagrereklamo. Tumambay muna ako sa labas ng condo, para lumanghap ng sariwang hangin. May lumapit sa akin isang pamilyar na lalake.
"Rylie Santiago right?" Ginagamit pa niya ang ngiti niya para maakit ako. Nadidiri na agad ako. Maputi siya at medyo singkit. Halatang playboy ang gago. Hindi ko siya inimikan at tinalikuran siya, hinawakan niya braso ko agad ko din yung hinawakan para balian siya.
"Aray, shit may bali pa yan," nawala bigla ang galit ko sa sinabi niya. Halata ngang may bali pa iyun. Binitawan ko din agad yun at naglakad palayo sa kanya.
"Kilala kita, anak ka ng isang sikat na director," shit, paano niya nalaman? Bumalik ako at humarap sa kanya. Siniringan ko siya bago humarap sa kanya.
"What do you need Mr. Pervert?"
"Manyak agad gusto ko lang makipagkilala," he tried to be cool but it's not working.
"Introduce yourself then leave."
"Lucas Hernandez, beautiful lady. Nasa taas lang ang condo ko, free to visit if you need companion." Kumindat pa siya bago iabot ang kamay niya sa akin.
"Whatever," pagtataray ko. Inabot ko ang kamay niya at binitawan din kaagad yun. Ang kapal ng mukha niya. Sino ba siya sa akala niya? Akala mo napakagwapo mukha naman siyang butiki.
Tinalikuran ko siya at pumasok ng tuluyan sa pinto. Hindi na siya humabol kung hindi sisipain ko mukha niya. Umidlip ako saglit dahil mamaya pupunta ako sa Fatal Bar para maglibang at para din sa misyon ko. I'm wearing a red surplice wrap belted wide leg jumpsuit.
Nagising ako alas dyis ng gabi naligo ako at dumeretso na sa Bar. Pagpasok ko palang naamoy ko na ang amoy ng alak. Umupo ako sa table kung saan pwedeng umorder ng alak.
"Vodka please..." Sinunod naman kaagad ng bartender ang sinabi ko.
"Bakit ba gabi-gabi ka na lang pumupunta dito?" He asked.
"Investigator ka ba? Ang dami mong tanong bigyan mo na lang kase ako!" Sigaw ko sa kanya.
"Ano hindi ko marinig ang lakas kase ng music," pagbibiro niya. Kahit kailan talaga ganyan siya. Matagal ko na siyang kilala at naging kaibigan ko na din siya dahil pabalik-balik ako dito.
"SABI KO FUCK YOU STEVEN!" I raised my middle finger before getting the vodka.
"I love you too enjoy babantayan kita," hindi ko siya type at hindi naman siya ang pinupunta ko dito. Ang gusto ko sa kanya binabantayan niya ako palagi. Pag nawalan ako ng kontrol nandyan siya para umalalay.
Pumunta ako sa dance floor para magsayaw dahil tinatamaan na din ako ng konti sa iniinom ko. I felt a bit tipsy. Habang sumasayaw ako may lalakeng humigit ng aking braso. I stare at him for a bit. He's hot and handsome. Dahil medyo lasing na ako pinaglaruan ko na lang siya.
"What is your name?" He asked. I looked at him seductively and place my right hand in the center of his pants.
"Ugh," napaungol siya sa ginawa ko. Mas ginalingan ko pa ang paglalaro dun at ibinaba ang zipper niya para maipasok ang kamay ko sa loob. Nakapa ko na manhood niya. Ibibitaw ko na ang pinagbabawalan na teknik.
"Fuck off, I'm gay."
"Aw shit!" Agad niyang inalis ang kamay ko sa pants niya. Natuwa ako sa itsura niya. Para siyang masusuka sa sinabi ko. Nawala ng konti ang pagkalasing ko dahil sa ginawa ko. Bumalik ako bigla sa sa kinatatayuan ni Steven.
"Nahanap mo na?" Tanong ni steven.
"Hindi nga," pagmamaktol ko.
Kailangan ko na siyang mahanap nawawalan na ako ng pag-asa. Nauubusan na ako ng oras. Sana mahanap ko na siya. Sana.
#