ดาวน์โหลดแอป
46.66% LOVE & REVENGE: THE STUBBORN HEIRESS (Taglish) / Chapter 21: Chapter 21: Sharing Her Thought

บท 21: Chapter 21: Sharing Her Thought

SHE shook her head and smiled at him. Carl returned the same sweet smile towards her, but he knew something had bothered her.

"I assumed you're just tired today. Naninibago ako sa ikinikilos mo tahimik ka lang at ilang beses nang tulala," He gently said.

She was shocked, hearing Carl's sharp observation of her. "Honey, I...I have something to tell you, but let's just wait until we get home," aniya.

Tumango lamang si Carl ngunit manaka-naka siyang nililingon nito. Pagdating nila sa Villa ng mga Santillian agad na inaya niya ito sa mismong kwarto niya.

"Ano bang sasabihin mo? Huh?! Dali na magkwento kana," pinisil ni Carl ng marahan ang pisngi niya.

"Recently, someone keeps bothering me. A mysterious person that keeps sending me messages and other threatening photos," She said and sounded like a little girl being bullied by someone.

"Talaga? Baka naman nagbibiro lang iyan. At isa doon sa mga avid fans mo. Sinabihan na kasi kitang tigilan mo na ang mga online activities mong iyan hindi ka naman nakikinig sa akin," anito.

"Carl naman eh, seryoso ako," naiinis niyang tugon.

"Seryoso rin ako sa sinasabi ko sayo. Tigilan mo na ang video blog mong iyan. It's about time for you to focus on your tasks at your company. Honey, forget about it, maybe that's just a prank. Huwag mong pansinin ni sagutin, kusang hihinto iyan. Marami tayong dapat asikasuhin na mas mahalaga kesa dyan sa mga walang kabuluhang bagay sa online activities mo," muling tugon nito.

"Natatakot ako dahil madalas madaling araw siya nag-memessage sa akin," naiiyak niyang tugon.

"Then blocked him and ignored his messages. Honey, stop overthinking, I'm here now, and I promise to protect you,"

She wore an annoyed expression and said, "Humph, nakakainis ka naman eh. Sinabi ko nga sayo ito dahil nag-aalala ako,"

"Sinabi ko rin sayo, huwag mo ng pansinin iyan. Huwag matigas ang ulo, hindi kana teenager. Mag-aasawa kana't lahat ganyan ka pa rin," natatawang tugon ni Carl.

"Akin na ang gadget mo, ako na mag-ba-block niyan para tahimik na ang isipan mo,"

Umiling siya, "Huwag na nga. Hindi mo rin naman ako pinaniniwalaan eh,"

"Naniniwala ako sayo pero 'wag mo na ngang pansinin dahil nandito naman ako, pababayaan ba naman kita. And look, who will dare to harm the Santillian heiress? I'm pretty sure that person knew how strong your family is. He must be courting death if he will dare to come near you," sabay pisil niya sa kamay ng dalaga.

She pouted her lips, "Okay, sabi mo eh. Teka, bukas anong gagawin natin?"

"Hintayin natin ang email ni Ivana, diba sabi niya sayo magbibigay siya ng suggestion? So, iyon ang aasikasuhin natin,"

"Kailan darating ang magulang mo?" pag-iiba niya ng topic.

"I haven't told them that I'm here. Last time, Mom told me, they will arrive a week before our engagement party," He said.

"I see. Pumili na tayo ng tamang araw para sa wedding natin," aniya.

"We will do it after our engagement party. Ivana's suggestion was good, the second week of December is the best option,"

"Yeah, I think so. Eh, ang dami ko pang aaralin sa loob ng kumpanya. Pagkatapos kasi ng engagement natin, babalik na ng Singapore ang parents ko,"

"It's okay, nothing to worry about, I will help you carry out all the tasks. Sa totoo lang nakikiusap sa akin si Brielle na alalayan ka dahil tamad ka raw,"

"Ang yabang mo. Kaya ko naman, kulang lang talaga ako sa inspirasyon noong mga nagdaang araw. Wala ka eh!" seryosong tugon niya.

"Naks naman, parang biglang lumapad ang ego ko niyan," A proud smile form in Carl's handsome face.

"Tse! Ngayon ko lang napagtanto na may taglay kang---"

"Opps, joke lang, huwag mo ng ituloy! Tara na doon tayo sa living room mag-stay baka kung ano isipin ng mga katulong ninyo at ang tagal nating nagkulong dito sa loob ng kwarto mo. Masisira ang imahe ko nito," biro nito.

She smiled and dragged him outside.

***

Nag-aabang sa arrival ang magkasintahan. Panay ang tingin ni Carl relo na suot habang si Denise naman abala sa kanyang cellphone.

Nag-angat ng tingin ang dalaga ng mapansin niyang hindi mapakali si Carl. Paroo't parito ito sa harapan niya.

"Honey, ano ba, umupo ka nga," sita niya rito.

Huminto si Carl sa mismong harapan niya.

"Ang tagal naman nina Dad, nagugutom na ako," reklamo nito.

"Sabi ko kasi sayo kanina kumain muna tayo, ayaw mo naman," aniya.

"Sabi kasi ni Mommy bago mag-lunch lalapag na ang eroplanong sinakyan nila," anito.

Mabilis siyang tumayo at dinampot ang bag, "Dito ka lang, bibilhan kita ng makakain,"

He nodded and smiled at her. Tumalikod na si Denise. At this moment, she is busy hovering her cellphone while walking slowly towards the airport's food area.

Reymond had just arrived from his trip to Europe. Halos dalawang linggo siyang namalagi London dahil nagkasakit ang ama niya. Palihim ang pag-uwi niya at tanging ang ina lamang ang nakakaalam ng pagdating niya.

Feeling a little tired he walked faster. Sa kakamadali di niya namamalayan ang may paparating din sa direksyon niya.

Bump!

"Aray! Mister sa susunod---" nakatingin si Denise sa cellphone niya na tumilapon sa paanan ng nakabangga niyang lalaki.

"Next time, watch your way!" His cold voice rang.

Di agad makaimik ang dalaga. The man wears dark sunglasses and a cap. Napansin niya ang gwapong mukha nito at tila pamilyar sa kanya ang mukha nito. Hindi nga lang niya maalala kung kailan at saan niya ito nakita.

Akma ng iaabot ni Reymond ang dinampot na cellphone nang makilala niya ang babaeng kaharap.

"Denise Santillian!" Sigaw ng munting boses at isipan niya at magkahalong kaba ang naramdaman niya ng mga sandaling ito. Nakatitig ang dalaga sa mukha niya at nagdulot ito ng tensyon kay Reymond.

Bahagya siyang tumungo, "It's not good to stare someone. Take your phone!"

"T--- thanks!" nagbigay siya ng alanganing ngiti rito. She noticed the man blushed. "Hindi ko sinadyang--"

Tumalikod agad si Reymond matapos iabot sa dalaga ang cellphone nito.

"Hey...Mister..I...Humph! Suplado naman nito kala mo naman celebrity,"

Narinig niyang pahabol ng dalaga sa kanya. A little smile was drawn on his face, but he never looked back.

"You never change! Childish!" mahinang tugon ni Reymond sa isipan.

Hinabol na lamang ng tingin ni Denise ang lalaking nakabanggaan. Nagpatuloy na siya sa paglakad patungo sa isang food bazaar. She bought a burger and soda for Carl. Pagbalik niya sa arrival area nakita niyang nakaupo na ito sa bench.

"Hon, here's your food," abot niya sa isang pirasong burger at soda rito.

"Hindi ko trip kumain ng ganitong pagkain pero gutom na ako. Thank you, hon!" He smiled at her. Napuna nito ang pagsimangot ng mukha niya. "Parang masama ata ang loob mo sa sinabi ko ah. I didn't mean to hurt you, kaya lang kasi--"

"No, hon, it's not about your comment. May nakabangga ako kanina habang papunta ako sa food bazaar. Parang kakilala ko siya o nakita ko na dati, di ko lang matandaan kung saan at kailan," pagkukwento niya.

"Talaga? Eh, bakit nakasimangot ka?" nagtatakang balik-tanong nito.

"Naiinis ako, ang suplado, kala niya naman gwapo siya," muling hirit niya.

Umangat ang kamay ni Carl at inayos ang ilang hibla ng buhok na nasa mukha niya, "Baka naman nagmamadali iyon at baka kamukha lang din ng kakilala mo. Kalimutan mo na iyon, masisira ang araw mo,"

She nodded and took a deep sighed. "Sige na kainin mo na iyang burger, walang ibang pagkain na medyo masarap doon eh iyan lang. Alam kong hindi ka mahilig sa fast food, pero kainin mo muna iyan,"

Carl took a bite, "Oh, it tastes good,"

Hinala niya ang kamay nito na may hawak ng burger at kumagat na rin siya sa kabilang bahagi. "Umm...not bad! Pwede na rin pantanggal gutom," nakangiting tugon niya.

Her tiny sweet gesture made Carl's heart feels happy. After an hour, his parents had arrived. Sabay silang nagmano sa mga ito.

"Welcome, Tita Aya, Uncle Erick!" bati niya sa mga ito.

"You look more beautiful, honey!" puri ni Aya sa kanya.

Carl was busy picking two traveling bags for his parents.

"Son, sorry, late ang dating namin, delay ang flight eh!" tugon ni Erick.

"It's okay Dad, tara! Dito ang daan papuntang parking area," aya ni Carl sa magulang

Magkahawak kamay sina Denise at Aya na sumunod sa mag-ama. Lulan na sila ng kotse ng muling nagsalita si Carl.

"Kami lang ang sumundo sa inyo dahil maraming commitments ang magulang ni Denise,"

"Alam namin, lagi namang abala si Brent. Kaya expected na namin ng Mommy mo na kayo lang dalawa ang susundo sa amin," Erick said.

"Naayos na ba ninyo ang lahat para sa darating na engagement party?" agad na tanong ni Aya.

"Opo, Tita Aya. Tumulong sa amin si Ivana kaya mabilis naming na-arrange lahat," She said.

"Buti naman kung ganon. Ang bait talaga ng asawa ni Brielle dahil kahit busy siya sa mga commitments niya nagawa pa ring tumulong sa inyo," Aya said.

"Yeah, she's really a gem. And my brother was lucky having her as his wife,"

"Don't worry. You have your own good attitude too to be Carl's wife," pakunswelo ni Aya sa kanya.

Ngumiti lamang siya at di na sumagot dito hanggang sa makarating sila sa tahanan nila. Pagkababa ng gamit ng mag-asawa hinatid muna ni Carl ang magulang sa magiging silid ng mga ito. Siya naman mabilis na nagtungo ng dining room upang abisuhan ang mga kasambahay na maghanda na ng tanghalian.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C21
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ